0

Destined To be Your’s Part ELEVEN


Report

SUBRANG tahimik ni axil habang pauwi na sila, at ipinag tataka niya yun, kagagaling niya lang pumirma nang kontrata para sa pilikulang destined to be your’s. inabot din sila nang apat na oras kaya halos mag aalas dos na iyon ng hapon. naaliw siya makipag usap sa mga artista na makakasama sa pilikula.
hindi siya nito sinusulyapan or kinaka usap manlang. bagay na kinaiinis niya.
“dumaan tayo nang salon. gusto kung mag pa massage. aniya sa walang imik na lalaki.
walang tugon mula dito.
“wag ka nga pala ma la-late mamaya para sa event. pag papa alala niya.
sa halip na sumagot ay binuhay nito ang sterio.
“axil i’m talking to you.. naiinis niyang sabi.
“naririnig kita. tipid nitong tugon.
“so.. bakit dika sumasagot? kanina pa ako nag sasalita dito. nag taas siya nang boses.
“Alam ba nang parents mo ang tungkol dito? buntong hiningang tanong nito sa kanya na hindi manlang siya sinulyapan.
“ahhh.. so galit ka sakin dahil pumirma ako nang kontrata without telling them?
“hindi ako galit.. kung hindi mo napapansin wala ka ng time sa parents mo na nag aalala sayo. ni hindi ka manlang makapag pahinga. sabi nito sa kalmadong boses.
“malaki na ako axil. kaya ko ng magdisiyon para sa sariling ko. saka isa pa kilala mo si mommy at daddy ayaw nila sa trabaho kung to. himig paliwanag niya.
“yun na nga eh.. bukod sa ayaw nilang may masamang mangyari sayo dinadagdagan mo pa ang mga alalahanin nila. katulad nalang nito.
uminit ang ulo niya sa mga narinig mula sa lalaki. animong napagud siya sa pakikipag talo dito.
sa lahat ng ayaw niya yung pinakikialaman siya. lalot wala naman itong kinalaman sa kanya. sa buhay niya.
“wala akong planong sabihin to sa kanila, besides sino kaba? kung ayaw mo sa trabaho ko eh di umalis kana. ayaw ko nang pinapakialam ako. galit niyang bulyaw dito,
napailing ito sa sinabi niya. hindi siya makapaniwalang nakikipag talo siya sa driver niya. kung makapag salita ito akala mo parte ng pamilya nila.
“sinasabi ko lang kung anung nakikita kung mali sinyorita. kung talagang gusto mo akung umalis pag bibigyan kita. ayaw ko din ng matigas ang ulo at spoild brat na kagaya mo. magkasalubong ang kilay nitong tugon.
napatingin siya sa gawi ni axil. Alam niyang pag sinabi nang lalaki ginagawa nito. Lalo pat nakita niyang galit din ito, tuloy pinag sisihan niya ang binitiwang salita, gusto niyang bawiin iyon.
“im sorry nabigla lang ako.. kasi namn ikaw eh, pwedi ba kahit minsan intindihin mo naman yung nararamdaman ko. aniya sa malambot na boses. gusto niyang makita nito ang sinsiridad niya sa pag hingi ng tawad, ang tutuo nasanay na siyang kasama ang lalaki at sigurado siyang ma mimiss niya ito.
narinig niya itong humagalpak ng tawa . habang naka tingin sa kanya na animong mabait na tupa.
“nag bibiro lang din ako babe..di Kita iiwan promise, alam kung ma mimiss mo ako, sweet nitong sabi.
mangani-ngani niya itong hampasin sa braso. matapos mapag alamang ginu-gudtime siya nito, kung hindi lang tumunog ang cellphone ng lalaki.
na agad ding sinagot nito matapos mag suot ng headset.
“hello jiro bakit? narinig niyang sabi mula kay axil.
“okay.. okay pakisabi kay tito emman pauwi na ako. pag kasabi nito pinutol na ang linya. saka mabilis itong nag u turn.
“where are we going.? nagtataka niyang tanong.
“sa bahay na tayo mag lunch. anitong hindi tumingin sa gawi niya.
“no.. ayaw kung sumama sa inyo. idaan mo ako sa salon and then balikan mo nalang ako.
animong walang narinig ang lalaki na patuloy sa pag mamaneho. wala siyang nagawa kundi sumimangot.
oo nga pala ito ang boss at hindi siya.
marahil kaya ito galit dahil alas dos na subalit hindi pa sila dalawa kumakain nang tanghalian. nawala narin Kasi sa isip niya ang bagay na iyon.
pagdating sa bahay nila axil sumalubong kaagad ang isang lalaking nasa tantiya niya mahigit fifty years old na. niyakap nito si axil na animong miss na miss. maayos ang tindig at tulad ni axil gwapo rin, Alam niyang hindi ito ama ni axil dahil kilala niya si mang saldo.
“ang laki mo na ah’ at ang gwapo, manang mana ka sa Tito emman mo.. natatawang tinapik nito si axil sa braso saka muling niyakap.
gumanti naman ng yakap si axil habang tuwang tuwa.
ilang sandali pa nasulyapan siya nitong nakatayo.
“ito ba ang girlfriend mo? abay kahit sa taste pagdating sa babae eh, namana mo din sakin. napahalakhak ito.
napa mulagat siya sa narinig mula dito..
“tito si senyorita jewel po. boss ko, hindi girlfriend. pagpapakilala nito sa kanya.
“jewel.. beautiful name. kumusta ka ija? baling nito sa kanya. na inilahad ang kamay.
“mabuti ho.. tipid siyang ngumiti. na tinanggap ang pakikipag kamay nito.
“senyorita Tito emman ko nga pala. pagpapakilala ni axil.
“kumusta po kayo?
“mabuti naman halika ka ija.. ipapakilala ko sayo ang mag iina ko. Aya nito sa loob ng bahay. kasunod nila si axil na pumasok.
“hello girls. meet jewel…pagpapakilala nang Tito ni axil sa kanya sa mag inang naka upo.
lumapit naman si axil sa tiyahin nito saka yumakap.
sa tantiya niya nasa forty mahigit ito Pero maganda. katabi nito ang isang dalagitang nag titili nang makita siya.
“omg jewel Hernandez.. di makapaniwalang bulalas nito.” ung nasa covered magazines.. namimilog ang matang lumapit sa kanya at bigla siyang niyakap.
napangiti nalang siya habang nakatingin sa mga naruon na napatanga sa ginawa nang dalagita
“napapanuod ko Yung mga commercial mo sa tv.. i cant believe na makikita Kita in person. nagtatalon pa ito matapos siyang pakawalan mula sa pag kakayakap.”ako nga pala si magie., pwedi bako makapag pa autograph sayo.
“sure.. alanganin niyang tugon.
matapos mag pa autograph ay nakipag selfie pa ito sa kanya. lihim siyang natutuwa kay magie.
“bye muna mag post lang ako sa ig ko. tuwang tuwa nitong sabi.
“pasinsya kana sa anak ko ija.. top fan ka Kasi niya. hinging paumanhin ng ina nitong nang maka alis na ang dalagita.
“wala pong anuman.
“ako nga pala si Bernadette. pagpapakilala nito.
“jiro po at your service.. pagpapakilala nang isang lalaking kapapasok lang ng pintuan. sa tingin niya ito ang kapatid ni axil dahil hawig nito iyon. kasunod ang dati nilang driver na si mang saldo. nagulat din ito nang makita siya.
“senyorita jewel.. napadalaw ka yata. magandang araw sayo. bati nito sa kanya.
“mabuti ho.. kayo kumusta.?
“okay lang ija.. salamat naman at sa wakas naka punta ka dito sa bahay namin.
“wala hong anuman.
maya-mayay lumabas mula sa kusina ang ina ni axil.
“handa na ang misa kumain na tayong lahat. axil ayain mo na si senyorita jewel. anitong nakangiti sa kanya.
“sige po inay. tara na Tito tita. kain na tayo. aya ni axil sa mag asawa habang hinawakan siya nito sa kamay saka dinala sa komedor.
masaya silang kumain ng sabay-sabay ramdam niya ang mainit na pagtanggap sa kanya nang pamilya ni axil at lihim niya iyong ikinatutuwa.
katabi niya itong umupo na pinagsisilbihan siya. sobrang sweet nito sa kanya sa harap ng pamilya nito at naiilang siya.
“senyorita jewel pasinsya kana samin ha. hinging paumanhin nang ina nito habang kumakain sila.
“naku wala pong anuman. masaya po akung nakasama kayo sa ganitong salo-salo. pag aamin niya.
“salamat sinyoreta. tugon nito.
“kumusta naman si mam franshal at sir fred? tanong ni mang saldo sa kanya.
“okay naman po sila. tipid niyang tugon.
“tito emman bat po pala kayo napasyal dito? singit na tanong ni axil sa tiyuhin nito.
“may pinagawa akong bahay bakasyunan dito. balak kung ibigay sayo yun kung makakapag asawa kana ngayong taon. anitong sinundan ng tawa.
na ginantihan ng tawa ni axil.
“Alam mo emman kaya yang pamangkin mo spoild sayo. milyon ka mag bigay ng regalo. narinig niyang sabi ni mang saldo habang tahimik lang siyang nakikinig.
“eh.. ako Tito anung e reregalo mo sakin pag nag asawa ako.? sabad ni jiro na tahimik lang kanina.?
kunware nag isip ang Tito nito.
“kotse gusto mo? tanong nito na sinabayan ng tawa.
tuwang tuwa naman si jiro.
“ate jewel may boyfriend kanaba? boses iyon ni magie na nag paangat nang paningin ng lahat deritso sa direction niya.
maging si axil na katabi niya.
“ahmm.. wala pa sa isip ko ang pag boboyfriend.. nahihiya niyang tugon pagkatapos ng ilang sandali.
“kuya axil bakit dimo ligawan si ate jewel wala pang boyfriend ohh..” hina mo naman.. para walang anumang sabi ni magie
gusto niyang mabilaukan sa isinubong kanin sa narinig mula sa dalagita.
namumula ang pisnge na tumingin kay axil na sinalubong naman nito ang titig niya. gusto niyang malaman ang reaction nito.
“ayyyeeeiii…. Ayan na oh” staring each other.. mapanudyong sabi uli ni magie na kinikilig.
mabilis siyang nagbaba ng tingin. parang tambol ang dibdib niya sa lakas ng kaba.
“magie stop talking nonsense.. narinig niyang saway ng mama nito. galit.
natahimik naman ito.
subalit Lalong sumalsal ang KABA sa dibdib niya nang sumigunda ang Tito ni axil.
“oo nga naman axil anu pabang hahanapin mo kay jewel, kita mo naman..subrang ganda, successful sa career,. hihintayin mo pabang maunahan ka ng iba.” jewel ija wala kabang nararamdaman sa gwapo kung pamangkin? tanong pa.
“oh my god.. is this real? bulong ng utak niya. parang gusto niyang maglaho nalang sa harapan ng mga ito sa uras na iyon.
Hindi siya naka imik. Lalo yata bumara ang pagkain sa lalamunan niya.
anu nga bang felling meron siya sa damuh+g niyang katabi? as if naman kaya niyang isiwalat iyon sa harapan ng marami. siya pa ba unang mag sasabi ng feelings niya dito.. no way!
“naku tito hindi po Kami bagay ni senyorita jewel. maghahanap nalang ako nang mahirap na katulad ko, tugon ni axil. kita niya ang longkot sa mga Mata nito.
nakadama tuloy siya ng longkot sa sinabi ni axil. buong akala niya may feelings ito para sa kanya. ang sweet pa namn nito. yun pala bahagi lang yun ng trabaho nito.
halo-halong emosyon ang naramdaman niya habang kasabay kumain...


ang pamilya ni axil. masaya bagaman may kaba sa puso niya.
nakahinga lang siya nang maluwang pagkatapos ng lahat kumain. sinamantala niyang umalis habang nasa banyo si axil. tiyak hindi siya nito papayagan.
gusto niyang maka bonding ng binata ang relatives nito na nangaling pa sa ibang lugar. wala naman sigurong masamang mangyayari sa kanya kapag umalis siyang mag isa, ayaw niyang matakot nalang habang buhay dahil sa mga death treats ng mga kung sinong may galit sa kanya.
at kung sakali man matapang niya iyong hahahrapin.
💥TWELVE
PAG-LABAS ni axil sa banyo hinanap niya kaagad si jewel. pero wala na ito sa sofa kung saan naka upo kanina bago siya nag cr.
“tito, tita si jewel.? mabilis niyang tanong.
“nag paalam na.. may pupuntahan daw saglit magkita nalang daw kayo mamaya sa bahay bago ang event ba iyon. ang tita niya ang sumagot.
bigla siyang kinabahan. hindi ito dapat umaalis mag isa, dahil dilikado ang buhay nito.
“awkward kasi yun.. si magie kasi ang daldal. paninisi ni jiro na katabi nang pinsan habang nag lalaro nang cellphone.
“luhhh…!! ako pa sinisi itong si papa nga nag tanong kung may gusto si ate jewel kay kuya axil. yun ang awkward.. natatawang sabi nito.
“hoy kayung dalawa ha… mag sitigil kayo pag dating sa bagay na ganyan Lalo kana magie. naiinis na ang tita Bernadette niya nang mapansing nag aalala siya para kay jewel.
“bakit ba ma.. bagay naman sila ni kuya axil.. gusto ko din maging part ng family natin ang isang sikat na katulad niya. para naman the next generation mamana ko yun. tugon pa nitong tumatawa.
tiningnan ito ng masama ng ama kaya napa tikom ang bibig nito.
abala sa pag huhugas nun nang Plato ang inay niya. ang ama naman nasa shop na.
mabilis niyang kinuha ang cellphone upang tawagan ang babae. Pero hindi nito iyon sinasagot.
“sundan mo kaya axil gamitin mo muna ang kotse ko. maya-maya pa naman kami aalis. diklara nang Tito niya.
“salamat tito.
nagpalakad lakad siya sa sala habang nag iisip. tahimik na pinapanuod lang siya ng mag asawa. nagtataka.
muli niyang kinuntak ang cellphone number ng babae. pero hindi nito iyon sinasagot.
naisipan niyang tawagan ang ina nang babae. baka dumiritso ito duon.
“axil what happened? nag aalala ang boses sa kabilang linya.
“ma’m itatanong ko lang kung nakarating na si senyorita jewel.. galing Kasi Kami nang bahay. kaso tinakasan niya ako. himig paliwanag niya.
ayaw sana niyang mag alala ang ginang kaso mas nag aalala siya kay jewel.
“what?? nabigla ito.
“tinawagan ko siya pero ayaw sagutin.
napa buntong hininga ito.
“okay.. I’ll try to call her.. pwedi mo ba siyang sundan axil.? himig pakiusap nitong sabi.
“sige po ma’m dediritso nko diyan.
mabilis siyang lumabas nang pintuan pag kapatay nang linya.
nagtataka na lamang na sinundan nang tingin ang nag aalalang si axil sa mga naroon sa sala. nakalimutan manlang nito mag paalam sa kanila.
tomuloy ang binata sa mansyon nang mga Hernandez pero wala pa ang babae pag dating niya dun.
umiiyak ang ina nitong sinalubong siya.
“axil anung nangyari.? bakit hinayaan mong mag isang umalis si jewel, dilikado ang buhay niya. nasa panganib siya ngayon. please find her. nag mamadaling bumaba mula sa sasakyan ang ama ni jewel na nuo’y kadarating lang.
tinawagan ito marahil ng asawa.
ipinaliwanag nang ginang sa asawa ang ginawang pag takas nang dalaga sa bahay nila.
napa mura ang ama nito sa subrang pag aalala. tulad niya balisang balisa din.
naalala niyang nag Aya itong mag salon kanina bago sila tumuloy sa bahay.. mabilis siyang nag paalam sa mag asawa upang hanapin ang dalaga. hahalughugin niya lahat ng salon makita lang ito.
SINADYA ni jewel na huwag sagutin ang tawag ni axil at nang mommy niya. Alam niyang sisirmunan lang siya nang mga ito at ayaw niyang marinig ang mga sasabihin ng dalawa.
wala naman sigurong masamng mangyayari sa kanya. isa pa lowbat na siya.
umidlip muna siya habang nag papa masahe. gusto niyang ma relax ang katawan para sa gaganaping event mamayang gabi.
excited siya Lalo pat kasama si axil.
ilang saglit pay naka idlip na siya.
after nang 30 minutes niyang pag papamasahe ay na relax siya.
💌saan kanaba jewel..? pupuntahan kita. text iyon ni axil.
parang normal nalang sa kanyang tawagin siya nito sa pangalan..
💌nasa crown garden spa.. wait mo nalang ako sa bahay.. pauwi na ako. napilitan siyang e reply ang lalaki bago sumakay nang kotse.
💌wag kang aalis diyan pupuntahan kita. mabilis pa sa alas kwatrong reply nito. may kasama pang heart emoji. pati ba naman sa text ang sweet nito..
💌bakit ba ang kulet mo axil.. sabing sa bahay mo nalang ako hintayin. reply niya na nilagyan nang galit na imoje
💌subukan mung umalis diyan may pag lalagyan ka sakin.. reply nanaman nito. nag lagay din ng galit na emoji
💌Ewan ko sayo bahala ka.. bye! text niyang isinilid na sa shoulder bag ang cellphone,wala na siyang balak pa i reply ang lalaki.
mabilis niyang binuhay ang makina nang sasakyan. gusto niya ng umuwi at makapag handa para mamaya sa event.
ilang oras nalang meron siya.
pinihit niya ang sterio habang banayad na nag mamaneho kahit wala namang gaanong sasakyan sa daan dahil hindi namn iyon rush hour.
sa di kalayuan may natanaw siyang isang cosmetics shop. at naisipan niyang bumili nang blash on, marami naman siyang stock nun sa bahay subalit gusto niya nang bago iyong kaakit akit siyang tingnan sa paningin ni axil. na hindi nito iyon magagawang ibaling sa iba.
marahan niyang inapakan ang preno nang mapatapat sa shop ngunit hindi iyon gumana.
muli niya iyong inapakan sa pag aakalang nagkamali lamang siya. pero nag panic na siya nang maka ilang besis iyong ginawa subalit Lalo pang bumilis ang takbo nang kotse niya.
nanginginig na kinapa ang phone habang hawak ng isang kamay ang manibela, upang tawagan si axil, kinakabahan siya.
nakadama siya nang matinding takot kaya lalo siyang nag panic. di Alam ang gagawin.
mamatay naba siyang hindi manlang nasasabi kay axil ang fellings niya? anong feelings naman yun?
ni hindi pa nga siya nito nahahalikan sa labi. hindi siya makapaniwalang kahit nasa binggit na siya ng kamatayan yun pa ang naiisip niya.
“hi babe malapit na ko. boses iyon ni axil. matapos sagutin ang tawag niya.
napaiyak na siya sa matinding takot ng marinig ang boses nito. baka iyon na ang huli nilang pag uusap. at baka dina niya ito muling makikita pa.
“axil… please help me.. i don’t know what to do. walang preno ang kotse ko. mahahalata sa boses ng dalaga ang matinding takot at pangamba.
“anooooooo?? sabihin mo sakin kung nasaan ka? hellooooo..!! parang batingaw iyon sa pandinig mula sa babae, nakabibinge, at hindi malaman ni axil ang gagawin ng mga sandaling iyon.. nasa panganib ang babaeng mahal niya.
siya may nag panic na lalot naputol kaagad ang linya nito,
ngunit nakilala niya kaagad ang nakasalubong na BMW x1 na kotse ni jewel, humahagibis iyon sa bilis ng takbo na 160 kmh,
mabilis siyang limiko at tinudo ang takbo nang sasakyan upang habulin ang kotse ni jewel, tanging nakakabinging pag sagitsit ng gulong ang narinig niya sa mabilis na pag liko, wala siyang ibang Alam sa mga sandaling iyon kundi iligtas ang babaeng mahal.
nang makalagpas ang kotse niya nang halos dalampong metro ang layo mula sa kotse ng dalaga, buong tapang niyang hinarang ang kotseng minamaneho niya.
hindi na mahalaga kung pagkatapos nun mabubuhay pa siya pero wala na siyang ibang maisip na paraan para lang iligtas ito.
kung maibabalik niya lang ang mga sandali hindi niya ito iwawala sa paningin niya kahit na isang sigundo lang. bagaman kahit sa huling pagkakataon ay maisalba ito kung ipahihintulot ng nasa itaas.
labis siyang nag aalala hindi para sa sarili kundi para kay jewel. kaya niyang ibuwis ang buhay niya kapalit nang kaligtasan nito.
walang kurap na nakatingin siya sa papalapit na rumaragasang kotse ni jewel..habang kitang kita niya sa Mata nang babae ang matinding takot at pangamba kahit malayo iyon sa kanya.
nakabibinging pagyanig ang naramdaman niya nang sumalpok ang kotse nito sa kotseng sinasakyan niya. habang malakas ang tapak niya sa preno.
parihong basag ang windshield ng kotse nila pagkatapos. yupi din ang unahang parte nang kotse nito at ang kabilang bahagi nang pinto ng sasakyang minamaneho niya.
kitang kita niya din ang malakas na paghampas nang mukha nito sa manibela matapos itakip ang dalawang braso. dinig niya rin ang sigaw nito na halos dumurog sa puso niya.
matapos sumalpok ang sasakyan nito ay inulaul ang kutse niya nang halos sampong metro. bago pa muna iyon huminto ng tuluyan.
pariho umuusok ang kotse nilang dalawa at katahimikan ang sunod na nangyari. nakita niyang wala nang Malay ang dalaga.
nanatili siyang naka upo matapos ang sandaling iyon habang kinakalma ang sarili, damang dama niya ang halos pag alog nang utak niya sa lakas nang impact nun. nahihilo siyang tumayo upang lapitan ang kotse nang dalaga.
napaluhod pa siya pag baba nang kotse nang maramdaman ang pag gewang nang inaapakan niya. hilong hilo siya. daig pa niya ang lasing sa mga oras na iyon.
pero pinilit niyang tumayo. kilangan niyang madala sa hospital si jewel.
may mga ilang pasahero ang nag usyuso at nag malasakit na itayo siya.
nag offer din ang mga itong ipagmaneho sila sa pinaka malapit na hospital.
walang Malay ang dalaga habang mahigpit niyang yakap patungong hospital. may mga galos itong tinamo sa mga braso at may malaking sugat sa ulo na umagos pa ang dugo sa kamay niya.
Alam niyang naka synchronize ang kotse nang babae at maayos ang break fluid nito. kaya Alam niyang may sumira sa preno ng kotse ni jewel.
isinusumpa niyang papatayin niya ang taong may kinalaman sa nangyaring iyon sa dalaga.
patawarin sana siya ng diyos.
CON…
Hi redears..
please like kung nagustuhan niyo ung kwento😘. comment down there kung hindi. any suggestions para may idea ako.. thnx much.. good day ahead.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.