0

DESTINED TO BE YOURS NINETEEN


Report

LEXIE ERA
“KUMUSTA na ang buhay may asawa? mapanudyong tanong ni lizel sa kanya habang nasa kabilang linya.
hindi niya alam kung anung nakain nito at tinawagan siya.
“diko alam… mahina niyang tugon dahil nasa malapit lang si axil.
“anu bang sagot yan? ni hindi ka nangimbita sa kasal mo parang wala tayong pinag samahan. nag tatampo ang boses nito.
bumuntong hininga siya.
“pasinsya kana lizel biglaan kasi.. nga pala si manager kim kumusta? tanong niya.
“hayon malongkot simula nang mawala ka. ayaw mo naba talagang bumalik jewel? tanong nito.
maya maya nakita niyang palapit si axil sa kanya. naramdaman siguro nitong may kinalaman sa dati niyang career ang topic nila ni lizel. umupo ito sa tabi niya.
“baka hindi na.. tawag nalang ulit ako ha bye..!! hindi niya na hinintay ang sagot nito. pinutol niya na kaagad ang linya.
inilapag niya ang phone saka akmang tatayo nang hawakan siya ni axil sa kamay.
“babe galit kaba sakin? malongkot nitong tanong.
dalawang araw niya na itong hindi kina kausap. naiinis siya sa paninigaw nito sa kanya nung huling araw. tinalikuran din agad siya nito kahit nag uusap pa sila.
mukang naging pabor naman ito kay axil dahil sa dalawang araw na iyon hating gabi na ito nakaka uwi. sumasabay nalang siya sa ama. at himalang naka uwi ito ng maaga ngayon..
“bakit naman ako magagalit sayo axil.. utang ko sayo ang buhay ko at kailangan kung pag bayaran iyon. masama ang loob niyang tugon.
dama niya ang paninikip nang dibdib niya. sa pag papakasal niya dito parang nawalan na siya nang karapatan mag disisyon para sa sarili niya at naka dipendi na lahat kay axil.
“babe hindi totoo yan. gusto lang kita ilayo sa kapahamakan. saka Yung nangyari to satin isa ito sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
siryosong tugon nito.
“hindi ako masaya sa sitwasyon nating dalawa axil.. at kahit pilitin ko man gampanan ang lahat bilang asawa mo nararamdaman kung hinahanap ko parin kung anung naka sanayan ko. tukuyan nang tumulo ang luha niya.
nasaktan si axil sa binitiwang salita ni jewel. buong akala niya pagkatapos nang lahat matutunan siya nitong mahalin.
alam niyang Mali ang bagay na plinano nila nang ama nito subalit nagawa lamang niya iyon para sa kaligtasan ng babae. ngunit sa nakikita niya gusto niyang pag sisihan iyon.
naging makasarili siya at hindi inisip ang kahahantunan nang lahat.
kinabig niya ito upang yakapin. mahal niya si jewel pero nasasaktan din siyang makita itong malungkot sa piling niya. sa pagsasama hindi sapat lang na mahal mo siya kundi dapat mahal Karin niya. at hindi niya nararamdamang mahal siya nito dahil hindi mangyayari yun.
“palalayain na kita jewel.. Alam kung iyon ang makakabuti para sayo. tinanggal niya sa harapan nito ang wedding ring nila. nakapag desisyon na siyat ayaw niyang gawing mesirable ang buhay ng babaeng mahal niya.
nakita niyang nagulat ito sa ginawa niya pero Alam niyang bandang huli magiging masaya ito. hindi si jewel ang babae para sa kanya. at kahit ipag pilitan pa niya ang sarili niya impossibling mahalin siya nito.
nakatanga si jewel habang tinitingnan ang likod ng asawa papalayo. matapos siyang yakapin ay kumawala ito at tumalikud.
halatang nag tatampo ito sa kanya inakala lang niyang nag bibiro ito. ang gusto lang naman niya suportahan siya nang asawa hindi ang iwanan nito, sunod niyang tiningnan ang wedding ring nila na hinubad nito.. nakikipag hiwalay na ito sa kanya. napakabilis.
Malaya na siya.. gustong mag umapaw ang kaligayahan sa puso niya pero sa kabilang bahagi nito parang may kung anung mabigat na naka dagan dun.
bumuntong hininga siya saka sinundan ito sa kwarto.
“anung ginagawa mo? napamulagat siya nang makita itong nag e impaki.
“tatawagan ko nalang...


si sir fred. ipapa sundo kita dito. tugon nitong hindi nag abalang sulyapan siya. pati pag tawag nito sa dad niya binago narin.
napakabilis nitong mag desisyong iwanan siya. tuloy parang gusto niyang pag sisihan ang mga sinabi sa asawa kanina.
“axil why did you do this to me? naiiyak niyang tanong. lahat nalang ba ng disiyon nito kilangan siyang biglain. ni hindi siya tinanong kung anu ba talaga ang gusto niya.
kung gaano siya nito binigla sa pagpapakasal ganun siya kabilis nitong hihiwalayan. anu bang akala nito sa kanya laruan. walang pakiramdam.
“gusto lang naman kita maging masaya jewel.. tugon nito.” pinakasalan kita dahil mahal kita at kaya kita nilalayo diyan sa career mo dahil ayaw kung mawala ka sakin. pero kung sa tingin mo walang halaga sayo Yung ginawa kung pag bubuwis nang buhay ko para sayo pwes Malaya kana. ibabalik na kita sa magulang mo…!!! hindi naman galit ang boses nito pero madiin iyon.
napatitig siya sa mga nito at nakita niyang namumula iyon.
hindi niya Alam kung handa naba talaga siyang iwan nito dahil malaking bahagi na ang inukupa ni axil sa puso niya.
unti-unting Nan lambot ang tuhod niya sa sinabi nito lalo pa nang humakbang ito palabas ng kwarto nilang mag asawa.
mabilis siyang kumilos upang pigilan ito sa braso.
“please axil dont go.. magagalit sakin sila daddy.. baka itakwil nila ako. please stay.. may mga butil ng luha sa mga mata niya ang nalaglag patunay na hindi niya ito kayang mawala sa buhay niya.
“diba ito yung gusto mo? mapait nitong tanong.
“no… please.. wag kang umalis..pigil niya parin.
“gusto kung marinig mula sayo na mahal mo ko. anito sa kanya habang buhat parin ang bag na dala.
saglit siyang natigilan.
“anu? di siya makapaniwala sa sinabi nito. pilit niyang kinakalma ang sarili sa pag iyak.
“dimo ko mahal sige aalis nako. ulit pa nito.
“this is emotional blackmail..aniya sa lalaki.. nahalinhan nang pag kainis ang nararamdaman niya kanina.. porket ibinaba niya ang pride para pigilan ito ganun nalang.
walang tugon na lumabas ito nang pinto.. tuloy tuloy sa main door.
nataranta siyang sinundan ito nang makasigurong hindi ito nag bibiro.
“okay fine… pag aaralan kung mahalin ka.. and i promise hindi na ako babalik sa pagmomodelo. and sorry sa mga nasabi ko kanina..dina mauulit axil please stay..!! malakas ang boses niya, natatakot siyang iwan nito.
mabilis itong lumingon.
“talaga? anito.
“yes..!! so please ibalik mo na Yang gamit mo sa kwarto.
“mangako ka muna na hindi mo na babangitin ang bagay na to kahit kilan. kung napapansin mo ito lagi ang madalas nating pag talunan.
“okay axil i swear hindi na. aniyang itinaas ang isang kamay parang na nunumpa.
humakbang ito palapit sa kanya saka niyakap siya ng mahigpit.
“alam ko namang pipigilan mo ako.. kahit baliktarin mo man ang mundo wala ka ng matatagpuang tulad ko. anito sa mayabang na tuno.
mabilis niya itong tinulak.. nakahanda na siyang hatawin ito nang bigla siyang siilin nito ng halik sa labi.
hindi na siya naka huma at yumakap nalang ulit sa asawa.
“anu bang mayron sa kum*g na to at mabilis siyang mapahinuhod? tanong niya sa isip habang ninanamnam ang matamis nitong halik.
matapos siyang halikan malambing siya nitong inakbayan pabalik sa kwarto bitbit ang bag.
inilapag nito iyon sa gilid ng kama saka inilabas ang tatlong pirasong damit na nilagay sa bag.
napapailing siya sa kalukuhang naisip ni axil. tatlong damit lang naman pala ang inilagay nito sa bag, buong akala pa naman niya dinala na nito ang lahat ng damit nito. hindi niya na ito napansin kanina. wala naman pala talaga ito balak na umalis. kuntudo iyak pa siya.
mukang naisahan siya ni axil.
con….


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.