1

Dejavu


Report

Dejavu

Warning: This story cointain some sensitive topic. Strong language that’s not suitable for young readers. Read at your own risk.

Ang sabi nila pag nagpakamatay ka daw hindi ka makakaalis sa lugar na kinalalagyan mo, mananatili kang nandito dahil yun ang magiging kaparusahan ng pagkitil mo sa sariling buhay mo. Kung hindi ka naniniwala isipin mo to!? Bakit may mga nakakakita pa din sa mga kaluluwang tumatalon sa building? Mga kaluluwang nagbibigti sa kanilang silid, mga kaluluwang tumatalon sa mga tulay, at naamoy pa din ang mga lasong ginagamit nila sa pagpapatiwakal? Dahil yun sa paulit ulit pa din nila itong ginagawa sa kanilang mga sarili hanggang ngayon! Akala nila makakatakas na sila sa realidad ng buhay at mga sakit na dinaranas nila oras na kitilin nila ang kanilang buhay sa paraan na yon, subalit hindi nagkakamali sila.

Dahil sa oras na mamatay sila magigising pa din sila sa lugar kung saan sila huling nagpatiwakal, suot ang kaperahas na damit, parehas na araw, parehas na oras at parehas na lugar.

“Magtataka sila kung bakit? Bakit hindi sila namatay? Nabuhay ba sila ulit?” Mga tanong na magpapagulo lalo sa mga utak nila. Kaya sa pangalawang pagkataon uulitin muli nila yung ginawa nila, pero kagaya ng una ganun pa din ang senaryong mabubungaran nila pagkagising nila. Paulit ulit lang hanggang sa walang katapusang pagpapakamatay ang gagawin nila makatakas lang sa lugar na yon.

Ngunit hindi sila makakaalis, hindi na sila makakatakas pa! Dahil yun na ang magiging impyerno para sa kanila. Yun na...


ang panghabang buhay na parusa para sa kanila!

Pinahiram lang ng dyos ang buhay natin, sya
lang ang may karapatang bumawi nito, wala tayong karapatan para bawiin ito. Maaaring dumaranas ka ng paghihirap sa pagkakataon na to, pero naisip mo ba na baka nung nakaraang buhay natin ay naging masama tayo? Baka ngayong pangalawang buhay natin ngayon palang natin nararanasan ang karmang tinanim natin noong unang buhay natin? Ang sabi nga, kung magpapakabuti ka ngayon, sa susunod na buhay mo gagantimpalaan ka niya ng maayos na buhay na higit pa sa inaasahan mo. At kung patuloy ka namang mag papakasama mas matinding karma ang makakamtan mo sa susunod mong buhay.

Kaya ikaw na dumaranas ng sakit sa panahon na to, labanan mo yan, lumaban ka.
Lahat ng problema ay may katapusan kaya wag mo yung dibdibin masyado. May ipapadala ang dyos na tao para tulungan ka kaya hintayin mo lang maniwala ka sa kanya. Kaya hanggat hindi pa dumadating ang taong tutulong sayo, dumipende ka muna sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Sa pamilya at sa mga kaibigan mo o maaring makuha mo ang kapanatagan sa ibang tao. Mag open up ka lang may makikinig sayo.

Kaya kung ayaw mong matulad sa kanila, sa mga ligaw na kaluluwang nagpakamatay na hindi makaalis sa dusang ginawa nila, mag-iisip isip ka. Lalabanan mo ba yan? O gagaya ka sa kanila? Gagaya ka sa paulit ulit na senaryong habangbuhay ng parusa ng dyos para sa kanila!?

This is work of fiction.
Dont steal my work thank you😊


One Comment

  1. Hello po! Direkta sa app po ba kayo nagsasubmit ng story? Btw, ang ganda po ng story niyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.