0

DANGEROUS MAFIA ” CHAPTER 1


Report

SAMANTHA POV*
FLASH BACK
” Mom… Please ayoko makasal kahit na kanino na lalaki na hindi ko pa nakikita Dad. ” Tiningnan ko ang mukha ni Dad pero bumulong lang siya ng ” Sorry ” Halos hindi ko alam kung ano ang dapat gagawin, napatingin ako sa Limang lalaki na nag aabang na sumama ako sa kanila pero ayoko hindi pwede hindi ako pwedeng magpakasal sa taong hindi ko pa kilala.
” Sasama ka sa kanila Mamaya Mag ayos kana ng mga gamit mo Samantha. ” Hindi ko alam kung bakit ganito sila sa akin alam kung isa akong prinsesa pero hindi nila ako dapat husgahan gusto ko maging masaya ang buhay ko maging simple at magmahal din sana ng totoo pero hindi sa ganito.
Mabilis akong umakyat sa kwarto at nag isip nang pwedeng gawin na hindi ako makasal alam ko gusto ko makalabas sa mansyon na ito ilan taon na akong kulong at lagi nila akong pinagbabawalan na bawal lumabas pero hindi ko alam kung bakit ganoon.
END THE FLASH BACK
MISTULAN naging daan sa akin ang buwan sa pagtakbo ko sa gubat at pagtakas sa pagkakakulong sa mansyon at maikasal sa lalaking hindi ko naman nakikita o kilala hindi ko akalain na magtatagal akong ikulong ng sarili kung mga magulang sa iisang kwarto at mabuhay dun ng 24years halos hindi ko na nga yata kilala ang mundo kaya’t ng mag karon ng pagkakataon ay tumakas ako sa puder ng pamilya ko at masaya kung nagtatakbo kahit na ka white gown pa ako na pang tulog.
Iginala ko ang aking mga mata sa matataas na puno na aking dinadaanan at napatingin sa Malaking bakuran.
” Wow.. Kagaya siguro sa aking na babasa paglabas diyan ay mga magagandang building ang aking makikita.” masaya kung pumalakpak sa aking naiisip.
Halos nagtagal akong umakyat sa isang malaking gate at nahulog ako sa kabila pero ng akin makita ang kabila desmiyado ako sa akin na tanaw.
” Asan yung sinasabi nilang Mall? Building parang wala naman akong nakikita ? ” sabi ko at naglakad lakad ng deritsyo sa isang kalsada.
Para kung ewan sa akin suot madungis ako at wala pang sapin ang mga paa buti sanay may malapit na bahay o ano pa man dito.
” Kruuuu..”
Bigla nalamang kumalam ang akin sikmura napailing iling ako Isa kung Prinsesa pero isa din akong bobo hindi muna ako kumain bago maglayas.
BANG BANG
Halos mapaupo ako sa mga narinig kung putukan ng baril na hindi ko alam kung saan ba yun ng gagaling kaya’t nanakbo ako papunta sa pinakamalapit na puno at nagtago dun.
” Fuck ! They will not be exhausted.” Napatingin ako sa Lalaking nagsalita sa malapit sa akin nakita ko ang pagkagulat ng kanyang mga magagandang bughaw na mata at tinutukan ako ng baril na ikinalunok ko ng laway, mamatay ba agad ako dito?
” Are you Spy ? ” sabi niya na ikinanganga ko lamang ano daw ? Ako Spy ?
” Damn ! Answer me WOMAN.” sigaw nito sa akin na ikinatakip ko ng tenga Lumayas ako para sa obligasyon na ipakasal hindi para mamatay sa baril o ano pa man.
” H-hindi. ” Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at hawakan ang kamay ko at kinaladlad ako at mabilis ang paglakad na ginawa niya para bang galit na galit siya.
” Teka ! Mister Saan n’yo ako dadalhin hindi ako Spy please.. Tuma—
” Shut up! before I think of kill you, woman. ” Sabi pa nito sa akin na may diin.
Nagulat ako ng makarating kami sa gitna ng gubat ay may mamahalin na sasakyan at agad niya ako ipinapasok dun at itinulak nalamang na untog pa nga ako sa ginawa niya kaya’t alam kung bukol abot ko.
” Please Mister! Hindi po talaga ko spy—
Nagulat ako ng nakita ko namay tama siya sa balikat at nakita ko din na nanghihina na ito pero nagulat ako ng punitin niya ang mangas ng kanyang texudo at tinalian ang malapit sa sugat mabilis siyang kumuha ng alcohol at ibinuhos iyon sa sugat niya na alam kung masakit.
” Fuck!! Fuck ” Halos maluluting na mura ang ginawa niya ng matapos siya agad niya pinaandar ang sasakyan.
” Hey ! What the fuck ! Are you doing ? ” Pilit kung binubuksana ng pintuan ng kotse niya gusto kong tumakas.
” Fuck! Stop or i kill you here. ” Focus pa din siya mag drive pero nakatutok sa akin ang kaniyang baril kaya napahinto nalamang ako at nanahimik.
” Please ! Paalisin muna ako hindi ako Spy Lumayas—–
” SHUT UP ! WOMAN! ”
” Wag mo ko sinisigawan, I’am Princess Samatha Lhane isa akong royal family. ” sabi ko pa dito at nakikipaglabanan ng titigan sa kanya.
” Shut up! i don’t care Who the fucking you are. ” Sabi nito sa akin tumakas ako para maging masaya at malaya sa kasal na gusto ng magulang ko hindi para mamatay sa masamang kamay na Masungit na ito.
Mabilis nitong pinaandar ang kotse at napatili nalamang ako at napahawak sa set bealt ng upuan ko.
Nakapikit lamang ako at napamulat ng bumagal na ang takbo, halos mapamangha ako sa nakikita ko na nagkikislapan never pa ako nakalabas ng mansyon, ganito pala kaganda sa labas pag gabi na ang saya naman.
” Wow.. Asa Manila ba tayo.” Nakangiti kung...


sabi at napatingin sa mga nagtataasan building, narinig ko ang pag ” Tsk ” niya pero hinayaan ko lamang siya wala naman ako magagawa masama kasi ugali niya hindi siguro siya love ng parents niya pero hindi naman siya gaya ko ? Ahh basta.
Maya maya ay pumasok kami sa isang building na malaki at talagang nakakalula, nakaka-amaze naman.
Mabilis na bumaba yung lalaki at dun ko lang nakita ang mukha niya Napakagwapo pala niya? Siguro ay naglalaro din ang tangkad niya sa 6’11 matangos ang ilong at makakapal ang kilay ang kanyang mata ay kulay bughaw ka’y gandang pagmasdan pero yung kilay parang laging galit nakasalubong pinanganak siguro siyang may galit sa mundo sabi ko na nga ba hindi siya mahal ng magulang niya.
” What else! are you staring at come out ! ” sabi nito sa akin na ikinalabas ko agad.
Sayang gwapo pa naman niya mukha siyang Greek God pero wala naman lang pinag aralan gumalang sa mga babae.
” Good evening Young, Master.” Salubong ng isang mukhang body Guard ni Sungit pero hindi manlang niya pinansin wala talaga siyang galang.
Nakita ko na nagulat ito sa akin na nginitian ko Friendly ako weird ko siguro no? Prinsesa ako pero di ako matapobre, nakikipaglaro din ako sa mga katulong namin tumutulong ng patago para ma enjoy ang life pero hindi pa pala sapat yung saya dun.
” Did i tell you to smile them ? ” sabi niya sa akin at hinila ako papasok sa isang pintuan.
Napatingin ako sa paligid, malaki naman siya, hindi kagaya sa mansyon namin na hindi na yata kami nagkakakitaan kaya wala ng pagmamahal ang mansyon namin tahimik at wala na din saya.
Nagulat ako sa sumalubong sa amin ang apat na katulong na nakayuko ano meron? sino ba siya? bakit hindi ko siya kilala ? Mukhang anak mayaman din siya Prinsipe ba siya pero bakit di ko yata siya na mumukhaan?
Nagulat ako ng papasukin niya ako sa isang banyo at tiningnan ako maigi kaya napatakip ako sa katawan ko hinawakan niya ako sa kamay at itinaas niya yun.
” Take a bath first, before we talk. ” Hinagisan niya ako ng towel aba’t nag bastos naman niya.
” Sampalin ko siya eh pasalamat siya mabait ako na tao. ” Napatingin ako sa Cr niya at napamangha, sa amin kasi nakakasawa, dito may mga gold din pala tapos may mga bulaklak pa masarap siguro dito maligo mukhang mabango pa ahhh..
Agad akong nag hubad at lumublob sa Bathtub at nakakarelax napapikit muna ako pero shempre alam ko nakakausapin niya ako kaya’ kailangan ko magmabilis nakita ko ang mga panglalaking sabon, shampoo at iba pang panglalaki.
” Seryoso? Gagamitin ko ito sa buhok ko? ” Pero alam ko no choice ako at pag hindi ko naman shampoo ang buhok ko amoy pawis pa din ako sa takbo na ginawa ko kanina.
Napangiti ako sa bango niya, ang bango ng shampoo niya nakakaakit kaya agad ko din ito inilagay sa buhok ko at isinabon.
After 1hours ay natapos na ako sayang ang sarap sana pa magbabad kung pwede lang, pero nakita ko na madumi nga pala ang damit ko ano kaya gagamitin ko niyan! alangan suotin ko pa yan ang dugyot lang sobra Samantha.
May kumatok sa pintuan ng banyo at napatingin ako ng biglang magbukas iyon at iniluwa ang babaeng nakayuko at palagay ko ay katulong dito kasi nga nakauniform e
” Young Lady ito po daw muna ang iyong suotin at pag katapos n’yo po mag bihis ay sasamahan ko po kayo sa Opisina ni Young Master.” sabi lang nito at isinirado ang pintuan.
Napatingin naman ako sa damit at natulala ako sa malaking T-shirt at boxer lamang ang laman seryoso siya prinsesa ako ah? Tsk! Alam ba nila hindi naman akala ko ba’y gusto mo maging simple dapat alam muna at mag aadjust kana, usap ko sa akin sarili
” Ahmmm.. Ano kase wala ba kayong kahit anong damit na pang babae ? ” sabi ko pa sa Nakayukong Babae sa akin.
” Pasensya na po pero wala kasing damit na pang babae si Young Master pinapasabi niya po na iyan na muna daw po ang suotin nyo ang kaniya. ” Napatingin ako sa suot ko, Ngee kanya ito.
” Hali ka na po ayaw po ni Young Master na pinaghihintay siya ng matagal. ” sabi pa nito sa akin kaya’t sinundan ko nalamang ang arte naman ng Lalaki na yun.
Napagala ang tingin ko sa bahay napakaganda puro salamin naman nakita ko ang akin mukha na sobrang kaputian at akala mo ay hindi na arawan at ang mapupulang labi na kasing ganda ng rosas at ang kulot kung buhok na hanggang pwet ang haba.
” Andito na po tayo, pumasok nalamang po kayo dito ko nalang po kayo hihintayin kung may pag uutos pa po si Young Master sa akin. ” sabi nito.
Napatingin ako sa pulang pintuan at kinakabahan sa mangyayari papatayin niya kaya ako sa loob ng silid na yan?
Kumatok ako ng dalawang beses bago binuksan shempre mahirap na maging bastos.
Sa pagpasok ko ay nakita ko naman ito na nakaupo sa isang mahabang sofa at nakatingin sa akin pag pasok.
” Not bad. ” sabi nito na nakatingin sa kabuohan ko na parang sinusuri ang buong pagkatao ko at napangisi.
To be continue…
#LazyPandaAuthor❤📝


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.