0

Dangerous Love Chapter 1


Report

Dangerous Love❤️
💮Chapter 1💮
Summer POV
Kasalukuyan naming dinadala si Nanay sa hospital dahil hinimatay sya kanina sa bahay. Malala na ang brain cancer ng nanay ko.
Kailangan nya ng operation pero saan naman ako kukuha ng malaking pera para ipambayad sa operation ni Nanay.
At ang malaki ko pang problema natanggal ako sa trabaho ko dahil lagi daw akong umaabsent.
Kaya naman ako umaabsent dahil hindi ko maiwan iwan ang nanay ko.
Ano na ang gagawin ko kailangan ko na ng malaking halaga kung hindi mamatay ang nanay ko.
Kung saan saan na ako pumunta para lang makapag apply.
Pero hindi parin ako natatanggap. Habang naglalakad ako nadaanan ko ang isang Bar. May Wanted Singer doon… Hindi sa nagmamayabang pero maganda ang busis ko. Kung mag aapply kaya ako dito matatanggap ba ako?
Wala na akong choice kaya nagbaka sakali na ako.
Natatakot pa akong pumasok sa lugar na iyon. Maraming nakatingin saakin habang pumapasok ako.
May isang babai sexy at maganda ang lumapit saakin.
Ang ikinagulat ko kilala nya ako.
“Sissy My Dear ikaw na ba yan” Sabi ng magandang babai na hindi ko kilala. . Mukhang feelig close.
“Kilala mo ako?” Nagtataka kong tanong
Nagulat nalang ako ng bigla nya akong tinapik sa likuran… Masakit yun pero d ako nagpahalata nakitawa nalang ako.
“Sino ka nga ba?”
“Hindi mo ako naalala sissy. Ako to si Clara, bestfriend mo sa high school. Pero hindi kita masisisi kong dmo ako maalala dahil almost 10 years na tayong hindi nagkikita. . Bakit ka nga pala naparito?”
Bigla tuloy akong nahiya kung sasabibin kong mag aapply ako sa lugar na ito.
“Ah.. sinilip ko lang ang lugar na ito. Sigi aalis na ako.”
Aalis na sana ako ng bigla nya akong pigilan.
” Mag aapply ka noh.” Inagaw ang papel na hawak ko.
“Ah.. hindi. … ”
“Wag kanang mag kaila. . Kilala kita. Mag aapply ka diba.”
Tahimik lang akong tumango.
“Tamang tama...


kailangang kailangan namin ang singer mamayang gabi. Wag kang mag alala ako ang bahala sayo dito. ”
Anong ibig nyang sabihin?
” Nag ttrabaho kaba dito?”
“Oo nagttrabaho ako dito. Hindi ko ikinakahiya na babaing bayaran ako. Ito lang kasi ang kaya kong trabaho. Hindi kasi ako nakapag college dahil mahirap lang kami. Yung tatay ko namatay ung nanay ko naman labandera kaya hindi kaya ng gastosin sa bahay nagpapa aral pa ako ng mga kapated ko. Kaya ito lang yung available para saakin. Malaki pa ang kinikita ko.”
” Gaano kalaki?”
” depende kung paano ko mauuto ung mga costumer ko. Pero wag kang mag alala . . Singer kalang dito kung mag apply ka. Ano sasabihin ko ba kay Boss na mag aapply ka. ”
Hindi ko alam pero wala na akong choice kunde ang mag apply.
” Kung maaari sana oo . . Mag aapply ako”
“Ah… Talaga. . Sigi halika sasabihin ko kay Boss. ”
Bigla nalang nya akong hinila sa subrang excited nya.
At ipinakilala sa boss niya.. mukha namang mabait ang boss nila. Dahil tinanggap naman nya ako agad.
Matapos akong matanggap nagyayang kumain kami sa labas ni Clara.
“Hindi ko inaasahan na magkikita tayo rito. Bakit mo nga pala ako hindi naaalala? ”
” Hindi ko nga rin alam sabi ng nanay ko sa subrang pagmamalupit nya saakin noon nawalan ako ng alaala dahil sa truma. ”
” May Ganon? Sissy. . . Parang hindi naman kapani paniwala. . Pero okey lang yan sissy. Maalala mo din ang lahat. .. kaya mo yan wag kang panghinaan ng loob. ”
Matapos ang pag uusap namin ay kina ilangan konang bumalik sa hospital para bantayan ang nanay ko. . Tatawagan lang daw nila ako pag kailangan ko na daw mag trabaho.
Sisikapin ko talagang maka ipon. Hindi ko hahayaan na mawala saakin si nanay kahit ganito sya . . Mahal na mahal ko parin sya.
To be continue.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.