1

Dangerous Elysium


Report

KUYOM ang kamao na napabuntong-hininga si Chasel. Walang magkamali na gumawa ng kahit anong tunog sa apat na sulok ng opisina. Walang may gusto na mabulyawan at masabon. Kung may magkamali man ay agad niyang tatapunan nang matalim na tingin.

“You’re saying that they filed a lawsuit?”

“Board members want the official list. Sila na ang bahala kay sa intern nurse. Sila na rin ang mag-aasikaso kung paano makikipag-areglo sa pamilya ng pasyente.” Binalingan ni Chasel ng tingin ang tatlong kasamahan sa hospital.

Pansamantala na siya muna ang pinamahala ng kaniyang ama. Hindi pa nito kayang bumalik sa pamamahala pagkatapos nitong magkasakit. Pakiramdam niya ay bahagi lamang iyon ng plano ng ama. Ilang beses na siya nitong pinapauwi sa Pilipinas pero mas gusto niya ang buhay sa America. Malaya siya roon kaysa rito na maraming nagmamatyag sa bawat kilos niya. Kung puwede nga lamang na iba ang iatas niya kaya lamang ay kailangan niyang pagbigyan ang kahilingan ng ama.

“Why did you let it happened? Alam ninyong hindi a gaanong bihasa pero hinayaan ninyong gawing member sa operasyon?” he hissed.

Lalong tumindi ang tensyon sa paligid. Ni isa ay walang gustong mangunang sumagot. Na labis namang ikinainit lalo ng ulo ni Chasel. Gumuhit ang ilang linya sa kaniyang noo at nagpakawala nang malalim na paghinga. Ito na nga ba ang sinasabi niya; mahihirapan yata siyang pakisamahan ang mga ito dahil bukod sa tutok siya trabaho at ayaw niyang nagkakaroon ng problema, hindi pa ng mga ito gamay ang kaniyang ugali.

“We’re sorry, Dr. Aguilar. But we’ll try to talk to the family outside,” nauutal na sagot ng isang doctor. Obvious sa boses nito ang pagkailang sa kaniya.

Chasel sighed. Hindi niya dapat idinaraan sa init ng ulo. Ayaw naman niya na makilala siya rito sa hospital ng ama na walang puso. Sinenyasan na lamang niya ang tatlo na lumabas na.

Napasandal siya sa upuan at hinilot ang noo. Great, this will be a hell for him every day. Dismayadong napailing si Chasel. Wala na talaga siyang takas. Kalusugan na ng ama ang nagpabalik sa kaniya sa Pilipinas. Siya na lamang ang tanging maaasahan nito. Ang ama rin ang nagpilit sa kaniya noon na maging doctor dahil gusto nitong sumunod siya sa yapak nito.

MALAKAS na katok sa pintuan ang pumukaw kay Chasel. Magsasalita pa lamang sana siya ng kusa nang bumukas ang pinto at iniluwa ang isa pang sakit sa kaniyang ulo.

“Dude! Usap-usapan sa labas ang malfunction na nangyari ah?” sabi kaagad ni Duncan. Napapalatak na lamang si Chasel nang kunin ng kaibigan ang pagkain na nasa side table. Wala pa sigurong isang Segundo ay ubos na iyon.

“Tsk. What are you doing here? Kung hihingi ka na naman ng tulong dahil nakabugbog ka sa bar, huwag ngayon,” tiim-bagang na sabi niya.

“Not that. Sinamahan ko si Amy magpa-check-up. May ubo na naman kasi ang prinsesa ko. Baka mamaya lumobo ang lalamunan niya kauubo tapos hindi na niya ako makausap. Tapos—“

“Oo na. Advanced ka na naman mag-isip,” putol ni Chasel sa iba a nitong...


sasabihin. Chasel smiled. Amy is Duncan’s little daughter. Kahit single Dad ito ay nabibigyan pa rin nito nang tamang atensyon ang anak. Bukod sa mag-isa nitong pinalaki ang anak, may trabaho rin ito. Kaya hanga siya sa kaibigan.

“Mag-asawa ka na rin, dude. Malapit nang mawala sa kalendaryo ang edad mo. Daat ngayon pa lamang ay naghahanap ka na nang mapapamanahan,” pabirong sabi nito. Napatawa na lamang si Chasel. Hindi pa kasi niya naiisip na magkaroon ng asawa’t anak.

“Malapit na. Pagkatapos ko sa medical volunteers, pasasaan ba ang doon ko matatagpuan ang aking magiging katuwang,” sabi niya. Sabay pa silang napatawa ng kaibigan. Alam nila pareho na kapag nasa isang medical site siya ay wala siyang naiisip kundi ang kalagayan ng mga pasyente.

Naputol ang kuwentuhan nila nang tawagin na siya ng sekretarya. Nagpaalam na rin sa kaniya si Duncan. Kinuha niya ang lab gown at lumabas na rin. Chasel grimaced when he saw his schedule. Puno iyon; mappasabak na talaga siya.

Inayos muna niya ang pagakakasuot ng lab gown bago tumungo sa kaniyang station. Pansin niya ang pag-iwas ng tingin sa kaniya ng mga nakakasalubong. Mukhang kalat na nga ang pangbubulyaw niya kanina. Hindi lamang talaga niya napigilan ang sarili. Sanay siya na maayos ang patakbo ng hospital sa America. Ayaw niya na magkaroon ng mali sa bawat desisyon ng mg staffs.

PAGING Dr. Sanchez. Paging Dr. Sanchez. You need to come to…

“Dr. Aguilar! Good that I see you here. Gusto ko lang ita—” Pinutol kaagad niya ang sasabihin ng isang intern.

“No. You cannot be late tomorrow. Intern must know the rules, am I clear?” May pagkamasungit na tiningnan ni Chasel ang intern. Agad naman itong napaiwas ng tingin at nakayukong umalis na.

Dr. Aguilar, please come to operating room 2. Dr. Aguilar, please come to operating…

Naagaw ang pansin niya sa boses sa speaker. Tsaka niya napansin ang mga nagtatakbuhan na nurse at ilang doktor papunta sa nasabing OR. Wala siyang inaksayang minuto. Nakitakbo na rin siya. Pagkarating niya sa OR ay nakita niya sa salamin sa pintuan na nagkakagulo na ang mga nurse at doctor, nakapalibot ang mga ito sa isang pasyente.

Mabilis niyang nilinis ang mga kamay at nagsuot ng kaniyang scrubs. Napatingin sa kaniya ang mga tao sa loob pagkapasok niya. Agad naman siyang dinaluhan ng nag-a-assist na nurse at inayos damit niya.

“Condition?” tanong niya. Nagbigay ng espasyo ang tatlong nurse.

“Unstable,” sagot ng isang doctor na nag-aasikaso.

Everyone seems tensed. Obvious sa mukha ng mga ito ang pag-aalala sa kondisyon ng pasyente.

“Better stop what you’re thinking. Focus!” Madiin niyang sabi. Agad naman na umayos ang mga ito at pumuwesto na.

“Scalpel.”

Bahagya napaatras si Chasel nang makita ang kondisyon ng puso ng pasyente. Masiyado ngang mababa ang estado nito. Dalawa ang maaaring mangyari: mamamatay ang pasyente sa oras ng operasyon kung magkakamali sila, mamamatay ang pasyente kung hindi kaagad ito maooperahan.

“Dr. Aguilar?” Pukaw sa kaniya. Napabalik siya sa atensyon sa ginagawa.

Ilang oras ang nagugol nila. Tsaka lamang siya nakahinga nang maluwag ng matapos ang operasyon nang maayos.


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.