0

CRAZY EX-WIFE CHAPTER 8


Report

CRAZY EX-WIFE”
CHAPTER 8
– LORRAINE –
Bigla akong napamulat ng Mata ng may maramdaman akong kirot sa tiyan ko nang gumalaw ako.
” Bakit nahihirapan akong gumalaw? ” Napahawak ako sa tiyan ko dahil naalala ko bigla ang baby ko. Hindi na malaki Ang tiyan ko at hindi ko matandaang nag labor pa ako ng matagal Hanggang sa manganak
” Nasan Ang anak ko? ” Sinubukan Kong umupo pero napapahiyaw talaga ako sa sakit. Inikot ko Ang paningin ko dahil parang ako Lang Ang nandito sa loob.
” Bakit walang doktor at mga nurse akong nakikita? Anong huling nangyare sakin Wala na akong maalala” Sinubukan Kong tumayo at lumakad saka tinanggal ko Ang mga nakalagay sa katawan ko maliban sa nakalagay sa tiyan Kong may tahi. Nacaesarian pala talaga ako. Gusto Kong Makita Ang baby ko Kaya pupuntahan ko syA.
Wala manlang nakapansin sakin ng lumabas ako. Tumingin ako sa oras at oras pa pala ng lunch Nila Kaya Wala akong bantay dito. Nakarating ako sa room Kung San dinadala Ang mga baby pagkatapos maipanganak. Binasa ko sa mga nakatali sa kamay Nila Ang apelyido ko pero wala akong nakita. Nilapitan ko Ang huling baby na Hindi ko pa natitingnan at Gonzales din Ang nakalagay dito pero Babae naman. Lalaki Ang anak ko Kaya Hindi sya. Tumulo Ang luha ko ng Hindi ko Makita Ang anak ko. Nakaramdam ako ng takot ng marinig ko Ang pinag uusapan ng dalawang nurse sa labas ..
” Kawawa naman yong baby nung nacaesarian na babae no? Ang cute pa naman Kaya Lang, talagang mahina yong bata Kaya bumigay ” naisip Kong baka Yung anak ko Ang tinutukoy Nila Kaya tumuloy-tuloy na Ang luha ko sa Mata.
“Hindi ! Hindi pwedeng mamatay Ang anak ko! Hindi pwedeng mamatayan ulit ako ng anak! Hindi! Lalong mawawalan si Mark ng dahilan para balikan ako! Lalo nyang iisipin na hindi talaga ako karapat-dapat maging Ina! ”
” AHHHHHH!!! ” Humapdi Ang tahi ko nang mataranta ako. Napaupo ako sa sakit. Hindi ko na Kaya pang tumayo dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Nasundan pa Ang mga narinig ko …
” Ano bang apelyido ng bata nurse ?”
” Gonzales ata e. Di ko Lang sure pero parang Yun talaga rinig ko”
Lalong gumulo Ang isip ko sa mga narinig ko. Napatabon ako sa magkabilang Tenga dahil Parang naririnig ko nanaman ng paulit-ulit Ang mga sinasabi sakin noon. Ganito ako kapag sobrang depress nanaman ako. Bumabalik sa utak ko Ang mga nangyare at sinabi sakin ng mga taong nanakit ng damdamin ko
” Wag ka ng magdahilan Lorraine, Ikaw Ang may kasalanan Kung bakit namatay Ang anak mo ! Tanga ka kasi! Wala Kang kwentang Ina!! ”
” Mark Hindi ko ginusto yon. Hindi ko sinasadya! ”
” Anong Hindi mo sinasadya?! Mahilig Ka sa gulo Kaya nawala Ang anak natin! Ang sabihin mo, Ayaw mong magpatalo! Ayaw mong nasasapawan ! Hindi ka marunong magpakumbaba ! Gusto mo Ikaw lang magaling! ”
” Pinagtanggol ko Lang Ang sarili ko dahil sumusobra na sila! ”
” Ayan! Sarili mo! Di mo inisip na may dinadala ka! Masyado mong iniisip Ang sarili mo Lang! Pano ako ?! Pano na Ang anak natin?!”
Sinubukan ko na ngang umiwas sa gulo kahit nasaktan ako ng Makita na may kasamang Ibang Babae si Mark. Wala akong ginawa pero bakit nangyare Ito?!
” Walang hiya Kang babae ka! Bakit Ikaw pa Ang pinakasalan ng kapatid ko mamamatay tao ka! Salot ka sa buhay namin! ”
” Tama na! Tigilan nyo na si Lorraine! ”
” Masyado ka ng niloloko ng babaeng Yan! Hiwalayan mo na Yan Mark! Limang taon na kayong nagsasama pero Wala syang pakinabang! ”
” Umiyak ka! Ipakita mo naman sakin na nalulungkot karin sa pagkawala nya! Lorraine umiyak ka!”
” Hindi na natin maibabalik Ang buhay nya kahit umiyak pa tayo ng dugo! “.
...


” Maghiwalay na tayo Lorraine. Binigay ko sayo lahat ngayon ubos nako talagang Wala ka ng maasahan sakin!”
Tama sila. . Si Mark, Ang ate nya, Ang mama nya , lahat sila Tama na Wala akong kwenta at hindi ako karapat-dapat bigyan ng anak dahil tanga ako! Baliw ako! At hindi na Rin dapat mabuhay Ang tulad ko sa Mundo. Iniwan na ako ng lahat ! Walang-wala nako!
– LARA-
Hinihintay Kong lumabas si Mark sa bahay nila. Gusto ko Lang ipaalam na nanganak na si Lorraine . Wala akong balak tumagal dahil marami pakong gagawin Kaya lumabas nako sa kotse ko at nag doorbell . Naka dalawang pindot palang ako lumabas agad Ang katulong Nila
” Magandang tanghali Po madam, ay doktor Po pala kayo. A-Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? ”
“Andyan ba si Mark? May importante Lang ako sasabihin sa kanya.”
” Sandali lang Po tatawagin ko ”
Salamat at andito pala si Mark. Nakahinga ako ng maluwag dahil Hindi ko na syA hahanapin Kung saan-saan.
” Yes ? I’m sorry pero Hindi kasi Kita kilala D-Doc?”
” Ako si Lara. Isa akong psychologist at kaibigan ako ni Lorraine. Pumunta ako dito para sa kanya ”
” Pasensya kana pero Wala sya rito. Hiwalay na kami”
” Alam ko matagal na ”
” Then, anong pakay mo? ”
” Gusto ko Lang ipaalam sayo na kailangan ka nya ngayon. Naaawa nako sa kanya Kaya please puntahan mo sya . Mark magkaka—–” hindi ko natuloy Ang sasabihin ko ng may lumabas na babae at yumakap sa kanya . Nagtataka ako Kung Sino Ang babaeng to at parang Ang lambing naman Kay Mark
” Mark may bisita ka pala ?”
” She’s ahmm”
” Kaibigan ako ng asawa nya ” ako na tumuloy ng sasabihin ni Mark
. Inirapan ako ng babaeng to.
” Mark Sino ba to? Maka landi sayo wagas! Parang linta ! ” Hindi ako nakatimpi dahil nakakainis syang tingnan. Si Mark naman pumapayag lang.
” syA na Ang asawa ko ngayon ”
Parang umakyat agad Ang dugo ko sa ulo nang marinig ko na syA na Ang asawa ni Mark ngayon. Hindi lang ako makapaniwala na Kaya palang ipagpalit ni Mark si Lorraine . Akala ko may tampohan lang sila ayon pala may nakikisawsaw na. Hindi naman sinabi ni Lorraine na may Babae na pala tong hayop nyang asawa
” Niloloko mo Ang kaibigan ko?!!! ” Galit na ako sa kanya
” Ano bang pakialam nitong doktor na to? Mark, naiinis nanaman ako! ” Reklamo ng babaeng higad na Ito.
” Naiinis din ako sayo e! ” Kahit Wala akong karapatan sinabunutan ko Ang babaeng higad. Ginawa ko Lang para Kay Lorraine
” Tama na! Umalis kana! Buntis Ang asawa ko! ”
” Buntis ? ” Nanlaki Mata ko sa gulat. Hindi pa talaga syA nakontento ? Binuntis nya pa kabet nya? Kahit Hindi na sila magkasama sa Isang bahay ni Lorraine syA parin Ang tunay na asawa .
” Manloloko ka! Tandaan mo Mark, pagsisisihan mong iniwan mo si Lorraine! ” Iniwanan ko Rin si Mark ng malakas na sampal. Kulang pa yon para sa kaibigan ko. Hindi ko na sasabihin sa kanya na may anak sila ni Lorraine dahil ayoko na Silang pangunahan. Kakausapin ko muna si Lorraine Kung ano na Ang Plano nya. Pinagpawisan ako dahil Hindi ko talaga lubos maisip na gagawin nya yon Kay Lorraine. Walang hiyang Mark yon Akala ko Mahal na Mahal nya Ang kaibigan ko tapos may binuntis na iba para lang magkaron ng anak! Tama Lang na maghiwalay sila! Hindi mo deserve si Lorraine nanggigigil ako Sayo!
Nag vibrate Ang phone na nasa bulsa ko.
Tumatawag nanaman si Doc Ben.
” Lara pumunta ka dito ngayon na ! Si Lorraine nagwawala dito sa hospital ”
” Ano?! Bakit syA nagwawala? Papunta nako, wag nyo syang gagalawin. hayaan nyo lang muna syA Doc. “


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.