0

CRAZY EX-WIFE CHAPTER 29


Report

– Lorraine –
Nagkita nanaman kami ni Jane at wala syang kaalam-alam na ako ang dating asawa ni Mark. Ewan ko pero nasaktan nalang ako nang makilala nya lang ako bilang pinsan ni Mark. Naiinis ako sa sarili ko dahil parang gusto ko parin samahan si Mark. Nakakaramdam ako ng konsensya ng iwan ko sya dahil sinabi nyang ako ang kailangan nya. Hindi ako komportableng magkasama kaming tatlo at magkaharap-harap sa isang lugar para akong sinasakal at tinutusok ng kutsilyo ang dibdib.
Nakaramdam nanaman ako ng panlalamig. Kagabi ko pa ito nararamdaman. Magkakasakit paba ako? Ilang araw nanaman nga akong walang labas ng bahay. Nakita ko rin sa salamin ang sarili ko na maputla. Anong nangayayare sakin? Kulang na ba ako sa dugo? Stress? Pasama ng pasama ang pakiramdam ko. Wala pa akong mainom na gamot. Kaya ko bang pumunta sa botika mag-isa ? Kung andito lang sana si Alex may mag-aalaga sana sakin.
– Mark –
Kahit masakit pa ang ulo ko at hindi pa tapos ang mga test sakin sa hospital ay pinilit ko paring makalabas agad. Hindi ako makakatagal doon kung si Lorraine ang laman ng isip ko. Hindi ko naman sinasadyang itanggi sya kay Jane dahil ayaw ko lang ng gulo. Siguradong aawayin ni Jane si Lorraine pag nagkataon.
Ilang araw nanaman syang naka kulong lang sa bahay kaya mag aakyat bahay na sana ako. Bumukas nalang yung gate kaya tumago muna ako. Napansin kong parang mahina sya. Maysakit ba to? Kilalang-kilala ko yang ganyang kilos nya e. May kasama ba sya sa bahay nato? Pag maysakit si Lorraine kelangan nya ng kasama dahil bigla nalang itong natutumba . Masyado syang mahina pag maysakit. Nag-aabang sya ng sasakyan pero walang tumitigil. Hawak din sya ng hawak sa ulo nya. Tatawid sana sya pero napatigil sya sa gitna at may dadaang malaking sasakyan kaya pumunta agad ako sa kanya para sagipin sya. Tinitigan lang ako ng mapupungay nyang mata at nakita kong maputla sya. Pumikit sya at paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan nya pero wala na syang malay kaya isinakay ko agad sya sa sasakyan ko .
– Blessy Grace –
Bago ako maka punta sa upuan ko madadaanan ko muna si Reyden kaya ingat na ingat akong masanggi manlang sya. Naiinis ako sa kanya. Ang kapal ng mukha nyang ipagpalit ako. Sya lang nangahas na ipagpalit ako sa iba gayong wala naman akong naging kasalanan sa kanya. Manloloko sya! Sarap nyang hampasin ng upuan ko. Hindi nya rin ako matingnan sa mukha. Nahihiya rin pala ang kumag nato! Sinagot ko si Robi dahil gusto kong maramdaman nya rin yung sakit na binigay nya sakin.
” Girl! Ang sakit! Nakita ko yung boyfriend ko may kasamang iba kanina” problema nitong katabi kong to? May problema na nga ako nakikidagdag pa to!
” Yon lang masakit na yon? Mas masakit yung pinaasa ka tapos sa huli bibitawan ka din pala. Kala mo mahal ka ano ka ngayon? Kung ayaw mong masaktan sana pinigilan mo yung sarili mong mahulog! ”
” Arayyy! So kasalanan ko pa ngayon? Advice kelangan ko hindi sermon! Blessy naman e! ”
” Advice ? Bakit makikinig kaba kung sinabi kong i break mo na yan? Maniniwala kaba sakin kung sabihin kong sasaktan kalang ulit nyan? Ngayon kung hindi wag mo na akong lapitan!”
” Ayy! Mas malalim pa ata pinagdadaanan mo sakin ah! Magka aaway ba kayo ni Reyden ? Hindi ko na kasi kayo nakikita na magkasama e! ” Sinasabi ko na nga ba, gusto lang maki chismis nito! Alam ko nakikinig lang si Reyden sakin.
– Lance Reyden –
Naririndi nako sa pagpaparinig ni blessy. Kahit anong subject kapag tinatanong ng professor palaging may patama sakin. Ayoko na syang patulan pero minsan parang nakaka puno nadin. Hindi ko sya kayang tingnan dahil baka makalimutan kong magkapatid kami. Baka lumambot nanaman ang puso ko dahil alam kong minahal ko narin talaga sya. Naiinis nga ako kapag magkasama sila ni Robi e. Nadadamay lang talaga sya kapag naiisip ko yung mga ginawa ng papa nya samin. Mahal na mahal nya yung anak nya sa ibang babae pero sakin na tunay nyang anak pinabayaan nya.
” Class let’s talk about maturity. Pano natin masasabi na yung isang tao e matured na? Anyone?”
” Sir siguro kapag kaya ng tuparin nung isang tao yung pangako nya. Hindi yung puro salita lang, dapat nakikita sa gawa. Pag sinabing mahal ka, ginagawa nya lahat para lang masabi mong tunay ang sinasabi nya . Pero kung mamamalayan mo nalang na kayo pa tapos meron rin pala syang iba ay! Immature yung mga ganong tao! Walang paninindigan higit sa lahat manloloko!”
” Parang iba na yan ah! Para kanino kaya yan? ” Tahimik lang ako sa tabi kahit...


alam kong para sakin yon. Pero natahimik silang lahat at sakin nakatingin. Bakit? Anong problema nila sakin? Wala naman silang alam sa nangyare samin ni grace
” I-ikaw Reyden? Ano para sayo ang maturity?”
” Maturity is when you learn to let go ” gusto ko kasing manahimik na sya kaya sinabi kong mag let go nalang. Tama naman siguro ako
” Hindi rin! Bakit madali ba mag let go ? Ikaw sir madali pa mag let go para lang masabing matured ka? Pag natulog kaba sa gabi, pag gising mo okay na? Kasi kung yon ang pagbabasehan ng pagiging matured marami nang nang immatured na tao dahil lang nagmamahal sila!”
” Oo nga naman Reyden! May point si Blessy! ” Nairita ako dahil minamasama nila yung side ko. Opinyon ko yon e. Ginagawa namang issue nitong babae na to! Kasalanan ko bang hindi sya maka move on? Ano pang pinuputok ng butse nya e may boyfriend na sya. Tumayo ako at sinagot sya.
” Gusto mo makakita ng immatured na tao? Humarap ka sa salamin! Mahilig ka sa atensyon! Anong gusto mong palabasin? Ikaw lang matured ako hindi?! E di ikaw na! ”
” Ahhmm. Class, hindi naman ito debate ano—-?”
” Bakit hindi mo rin tingnan ang sarili mo sa salamin? Masyado kang nagmamagaling ! Porket ikaw yung matalino sa klase bawal na sagutin yung opinyon mo!
” Ang gusto ko lang tanggapin mo yung sinasabi ko! Bakit? Tinatanggap ko naman opinyon mo ah! Sumusobra kalang kasi! Tama naman ako diba? Anong masama sa let go? Kesa pilitin mo yung isang tao na mag stay sayo kahit wala naman syang nararamdaman sayo! ”
” wala ka kasing pakiramdam! Selfish ka! Akala mo alam mo lahat? ” Nakita kong pumatak ang luha nya kaya napakuyom ako kamay.
” Wala akong dapat ipaliwanag dahil hindi naman ikaw ang professor natin”
” Maturity is when you stop proving to the world how intelligent you are dahil walang silbi yun kung nakakasakit ka ! ” Tingin nya talaga hindi ako nasasaktan?
” Maturity is when you do not seek approval from others! Ginagawa ko lang ang sa tingin kong tama. At hindi ko na problema kung hindi mo kayang tanggapin yon. I’m sorry prof. Excuse me! ”
– Jane –
Nurse!! Napasigaw nanaman ako ng hindi ko nadatnan si Mark sa hospital.
” Ma’am bakit po?”
” Nasan ang asawa ko? Bakit wala sya dito? ”
” Nagmadali nga pong umalis ma’am e. Hindi pa po tapos ang mga test sa kanya ” San nanaman pumunta ang lalaking yon?
” Bukod sa tama nya sa noo, sa utak ba meron narin syang tama? ” Ginagamot pa nga sya lumayas nanaman!
Umuwi nalang ako sa bahay dahil baka dito tumuloy si Mark. Nasalubong ko si Mitch na paalis narin.
” Sis, alis ka? Nakita mo ba si Mark?”
” H-ha? A-ako? ” Umasta pa na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko
” Kilala mo pa pala ako? Ano kayang nakain mo ngayon Jane, sa pagkakaalam ko, hindi mo na ako tinuturing na kapamilya o kahit kaibigan manlang. Di na tayo gaya ng dati. Nagbago kana”
” To naman! Sorry na! Madami lang akong iniisip! Kaw parin best friend ko no! Yang kapatid mo kasi e, parang ginagawa lang akong hangin pati tuloy kayo nadadamay”
” Sino ba naman kasing gaganahan sayo napaka praning mo! ”
” Sinusubukan ko na ngang magbago. Hindi ko lang talaga maiwasan maghinala minsan babae ka rin. Diba alam natin kapag niloloko tayo ng mga asawa natin”
” Matino ang kapatid ko Jane. Wag mo syang igaya don sa ex mo”
” May pinsan ba kayo dito? Parang wala ka kasing nabanggit noon”
” Wala kaming pinsan dito. Lahat sa abroad. Bakit mo natanong?”
” W-wala? Kahit isa? Sure ka?”
” Oo nga sabi! Sino ba nagpakilala na pinsan namin sya?”
” W-wala naman. Yung dating asawa ni Mark may picture ba sya dito?”
” Bakit naman kami magtatago ng litrato nun dito? Ano kami hilo? Kung ano-anong hinahanap mo. ”
” Gusto ko lang makita ang itsura nya. Baka naman may ibang paraan ka kung pano ko makikita? ”
” Ay! Pumunta ka don sa bodega! Dun mo hanapin. Don tinapon ni Mark lahat ng mga pictures nila ni Lorraine . Yung iba kasi sinunog nya na .”
Bakit parang kinakabahan ako? Ito na kaya ang paraan para malaman ko ang tinatago ni Mark sakin?


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.