0

CRAZY EX-WIFE” CHAPTER 25


Report

-Lorraine-
It’s wednesday . Aalis nanaman si Lara at hanggang ngayon ko nalang din pala makakasama si Alex dahil sa mission nila. Hindi ko na namalayan ang araw dahil sa dami ko nanamang iniisip.
” Lor, may problema ba? Kapag tulala ang isang tao dalawa lang iniisip nyan. Pwedeng good or bad. So what is it?”
Hindi talaga ako makapagsinungaling kay Alex. Iniisip ko talaga kanina pa kung sasabihin ko sa kanya na nagkita kami ni Mark at nalaman nya na lahat ng nangyare sakin.
” K-kung hindi mo sasabihin sakin ngayon ok lang. Basta wag mo lang kalimutan na dito lang ako for you no matter what ”
” Alex kase…., ” Pano ko ba sisimulan to? Parang ang hirap
” Hindi ko alam kung san at paano ako magsisimula. Gusto ko lang malaman mo na , ginawa ko lahat para umiwas sa kanya. Sa twing nagkikita kami ng aksidente minsan umiiwas talaga ako pero lately, talagang ang hirap nyang iwasan . Parang pinagtatagpo talaga kami ng tadhana. Oh my! Sorry sa word. ”
” Pwede mo ba akong diretsohin nalang kung sino yan para hindi ako malito ?” Kelangan ko pa ba talagang sabihin sa kanya? Hindi kaya sya masaktan? Kapag nilihim ko naman baka magalit sya. Sinabi nya naman maiintindihan nya ako kahit ano mangyare.
” S-si Mark ” nag-aalangan ko pang sagot . Kita ko sa mukha ni Alex ang pagkadismaya at pagkagulat
” O-okay.. natural lang naman talaga na magkita ulit kayo lalo nat nasa iisang lugar lang kayo. Hindi na dapat ako nagtataka dapat ganon ka rin. Bakit nag-usap ba kayo? Kung nagkita lang naman wala kang dapat ipag alala. ”
” Kase, ang totoo nyan, n-nalaman nya na yung mga nangyare sakin nuon. Yung nabaliw ako nang dalawang beses alam nya na. Alam nya rin yong mga dahilan . ”
Alam ko kahit di sabihin sakin ni Alex ramdam ko na hindi nya gusto ang nangyayare.
” Ganon ba? Hayaan mo na. Hindi narin naman nya maibabalik ang nakaraan kahit anong gawin nya. Alam mo dapat hindi mo iniistress ang sarili mo sa ganyang bagay lalo na sa ganyang klase ng tao. ”
” Pasensya kana Alex ha. Hindi ko lang talaga akalain na malalaman nya pa yon. Pero yung tungkol kay Reyden hindi nya pa naman alam ”
” Hindi nya pa talaga nilubos-lubos ang pag iimbestiga nya ah ”
” Alex i’m sorry talaga ha.. gusto ko lang maging honest sayo kahit na mahirap para saking aminin to sayo”
” Thank you Lorraine. Mas gusto ko yung honesty kesa sa sorry mo. Alam mo namang kahit hindi kapa humihingi ng tawad sakin pinatawad na agad kita. Marupok na kung marupok pero mahal kasi kita ”
Nakahinga ako ng maluwag sa mga sinabi ni Alex. Araw-araw nya talagang pinaparamdam sakin na mahalaga ako sa kanya at ako ang importante sa buhay nya. Kahit na sobrang busy sa trabaho hindi parin kami nakakalimutan ni Reyden . Hindi nya tinuturing si Reyden na iba sa kanya.
” Kung ako lang ang una mong nakilala at kung ako sana ang nakahanap sayo sa gitna ng ulan, hindi ka sana nasaktan. Puro saya lang sana ang nararamdaman mo. Sorry at naging late ako ”
” You should be happy Alex kasi kahit hindi ikaw ang nauna at hindi mo ako agad nahanap noon nagkita parin tayo. Nagkaron parin tayo ng chance . Yung mga nangyare sakin sa past lesson nalang yon para sakin at natuto ako dahil sayo . Wag mo akong susukuan ha? Hindi lang talaga ako maintindihan minsan pero mahal kita Alex. Kahit na ilang beses pa kami magkita ulit ni Mark, hindi ko na sya hahayaang pumasok sa buhay ko ulit. Kapag umalis ka ngayon, hindi nako lalabas ng bahay. Hihintayin ulit kitang bumalik at pagbalik mo saka na tayo mamamasyal ”
” Parang ayoko ng umalis. Ang lambing masyado e. Tama ka Lorraine, nagkaron parin tau ng chance at hindi ko sasayangin yon. Mas natuto ako sayo nung dumating ka sa buhay ko. Ginawa mokong ganito kaya bakit kita susukuan? Mas madaling mahalin ka kesa sukuan ka kasi pag iniwan kita malulungkot ako at kapag nagmahal ka ulit ng iba —– ”
” Excuse me sweet couple! Alex pwede na ba tayong umalis? Nagmamadali si Doc Reyne e! Lorraine, pasensya na muna ha? Ingat kayo ni Reyden dito mamimis ko nanaman kayo”
” Ikaw din Lara mamimis ka ulit namin”
“Pano na Lorraine? Una na kami. Hindi naman kita pagbabawalang lumabas para makampante ako. May tiwala ako sayo at alam ko hindi mo sisirain yon. Mabilis lang ang araw. Hindi ko naman kayang lumayo sayo ng matagal. ” Nalulungkot ako sa pag alis ni Alex. Nasanay na kasi ako na palagi kaming nagkikita. Matagal na kaming nagkasama at ngayon lang kami lalayo sa isat-isa. Naiiyak ako sa lungkot
” Isipin mo lang, nasa hospital lang ako tapos maraming ginagawa. Palagi akong tatawag at magte text sayo . Promise yan” Tumango-tango ako sa kanya dahil wala na akong masabi. Parang tutulo na talaga ang luha ko. Nakikita ko rin sa mga mata nya ang lungkot. Hinatid ko sya ng tingin hanggang sa hindi ko na sya makita.
– Blessy Grace –
” Dont be a people pleaser ” palagi saking pinapa alala ni Reyden kaya ngayon, hindi ko na pinipilit ang isang tao na maging proud sakin. Hindi nako takot ipakita kung ano lang ang kaya ko. Araw-araw may napupulot akong aral sa kanya. Araw-araw nya rin akong pinapangiti kaya naman excited akong pumasok palagi. Hindi ko na nga kailangan ng mga friends. Sya lang sapat na. Mas masarap ng mag aral ngayon kasama sya kaya naman tumaas na ang mga grades ko. Matutuwa si papa sa mga improvements ko because of Reyden.
” Congrats Grace! Gumagaling kana ah! Sumusunod kana sakin. ”
” Salamat! Dahil naman sayo noh! Ang galing mo kasi magturo ”
Kapag sya ang tumatawag sakin ng Grace, sya lang naman talaga tumatawag sa second name ko. Masarap pakinggan at lalong masarap sumagot. Ang alam ko lang sa ngayon, ginagawa ko rin to para sa kanya. Para hindi nya isipin na magkaibang-magkaiba kami. Gusto kong patunayan sa kanya na deserve nya rin ako.
” Saya mo ahh..ay oo nga pala, matutuwa ang papa nya sa anak nyang papa’s girl . Haha”
Dyan din sya magaling, ang purihin ako sa una at...


asarin ako sa huli. Pero ayos lang, gusto ko naman ang ginagawa nya . Kinikilig nga ako e. Sino ba namang hindi magkakagusto sa Reyden na ito? Pogi na matalino pa. Mabait din naman pala kapag naging close mo hindi pa madamot. Nakikita ko na talaga sa kanya si papa ngayon
” Uyyy!! Blessy! Titig na titig kay Reyden ! Mukhang nagkakamabutihan na talaga ang dalawang to ah! Ano na bang status nyo ngayon? ”
Hala masyado ba akong halata? Kahit wala ata akong blush on ngayon ramdam ko yong pamumula ng pisngi ko. Hindi talaga ako makaligtas sa mga kaklase ko. Mga panira ng moment. Nakakahiya tuloy kay Reyden.
” Hayaan nyo na si blessy. Mamaya magalit nanaman sakin yan lagot kayo sakin”
” Yieeeehh!! Takot sya kay girl mga besh! Wahhhhh!!! Kakilig na talaga ang dalawang to! Gusto narin namin magka jowa!”
Umupo sa tabi ko si Reyden kaya naman nag uumapaw yung saya ko deep inside. Parang ok lang kasi sa kanya yung mga naririnig nya hindi sya nagagalit
” Parang sira ang mga to! Reyden sabihin mo nga sa kanila na friends lang tayo ”
” May friends bang ganyan? Halatang-halata na kayo uy! Pinag-uusapan na nga kayo ng buong classroom pati ng mga professor!”
” Ano?! Ang dumi ng isip nyo! ”
” Pumapatol ka nanaman. Hayaan mo nga sila mag isip. Wala namang masama don e.”
Sobra narin akong kinikilig . Di ko na ata matingnan ng diretso si Reyden nito. Kung magkaka boyfriend lang naman ako, sya na yung gugustuhin ko.
” Blessy! Pinabibigay ni Robi! Yung BSBA sa kabilang room. ” Napatingin ako kay Reyden ng may umabot sakin ng bulaklak
” Pakisabi dun sa Robi na yon ang panget ng bulaklak nya. ” Natawa ako sa puna ni Reyden. . napaka prangka talaga nito.
” Suuuuss Reyden selos kalang kamo ! Nabigyan mo na ba ng bulaklak si Blessy? ”
” Hindi lang naman nakasalalay sa bulaklak ang feelings ng isang tao. Anong silbi nung bulaklak na binibigay habang nanliligaw kung lolokohin mo lang naman kung naging kayo na? Oh diba? Wala rin yon ”
Ayaw kong mag assume pero pwede ko bang isipin na gusto narin nya ako?
” Guys wala ba kayong napapansin kay blessy ngayon? Hindi na sya masyadong nagme make up ngayon. Bakit? Nagagalit ba si Reyden? Ha? Yieeeeh!! ” Ito nanaman ang mga kaklase kong lakas ng trip kakainis! Lahat nalang napapansin! Sumulyap ulit sakin si Reyden kaya naman ang bilis ng kabog ng dibdib ko
” Mas maganda nga yan. Simplicity is beauty. ”
Ang hirap magpigil ng ngiti dahil sa kilig. Nagiging good girl na ata talaga ako dahil sa kanya. Nakakalimutan ko na nga yung kaartehan ko
” T-Talaga? Maganda parin ako ? Nagagandahan ka rin ba sakin Reyden?”
” Kyaaahhh!!! Mga tanong besh!! ”
” Pag naniniwala ka sa sarili mong maganda ka, maganda ka! Pag hindi ka naniwala pano nalang kaya yung iba?”
” Ihhh! Sinasabi ko na nga ba, hindi ka talaga nagagandahan sakin.”
” May nanliligaw nga sayo ibig sabihin may nagagandahan din sayo ”
” Ikaw nga tinatanong ko, hindi ko kelangan ng opinyon ng iba , sayo lang ako maniniwala. Ano na? ”
.
” Tagal naman sumagot e! Dadating na ang professor ! ”
” Napaka big deal sayo ang itsura mo. Alam mo kung talagang gusto at mahal ka ng isang tao kahit na ikaw yung pinaka panget sa mata nang taong yon ikaw ang pinakamaganda ”
” Oo na sige na! ” Kunwari nagtatampo ako. Oo lang kasi o hindi ang gusto kong isagot dami pang sinasabi
” Grace?” Ayan! Tinawag nanaman ako dahil napansin nyang masyado akong tahimik
” Hmm? Nagsasalita na si prof makinig na tayo baka mamaya tawagin tayo nyan wala tayong masagot ”
” Nagtatamp0 ka?” Wow. Kelan pa sya naging concern sa feelings ko
” Nope! Why? ”
” No one is you and that is your power ” kyaaaahhhhhhh !! Iba talaga ang dating ng mga salita nya. Simple lang din pero tagos. Hindi ko na kailangan ng bulaklak na to galing sa Robi na yon. Hindi ko naman sya kilala. Mas maaappreciate ko kung galing kay Reyden. Syete nakakawala sa sarili.
– LARA-
Masyado atang tahimik ang kasama kong ito ah! Hindi talaga siguro kayang lumayo nito kay Lorraine ng matagal .
” Alex, malapit na tayo sa pupuntahan natin pero wala ka manlang imik dyan. Anong iniisip mo? Si Lorraine?”
” Sino pa ba? Si Lorraine lang naman talaga iniisip ko palage”
” Ahh naikwento nya na siguro sayo yung tungkol sa nalaman ni Mark ”
” Yes sinabi nya na ”
” Ayon, kaya naman pala nag iisip masyado. Magtiwala kalang kay Lorraine matapos nang lahat ng nangyare tingin mo babalik pa sya kay Mark? Masyado syang nasaktan sa lalaking yon .”
” May tiwala ako kay Lorraine . Pero dun sa Mark na yon hindi ko alam. Di ko alam kung ano ang plano nya. Hindi ko naman kilala kung ano ba talaga sya klase ng tao ”
” Kung ako sayo, para hindi kana matakot dyan, asikasuhin mo ang divorce nila . Alam ko gusto narin gawin yon ni Lorraine kaya lang walang divorce dito sa pilipinas. Kayang-kaya mong gawin yon sa ibang bansa. ”
” Tingin mo talaga papayag sya? Baka isipin nya , pinapangunahan ko sya ”
” Why? Kung talagang mahal ka nya at gusto nya ng kalimutan si Mark hindi sya mahihirapang gawin yon. Uutusan kapa nyang gawin mo yon para sa inyong dalawa diba?”
Magandang ideya ang naisip ni Lara pero kay Lorraine parin ang desisyon. Pagbalik ko sasabihin ko sa kanya na mag divorce na sila ni Mark. Sana lang pumayag sya .


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.