0

CRAZY EX-WIFE” CHAPTER 15


Report

– Lance Reyden-
Third year high school na ako nang aksidente Kong marinig Ang pinag-uusapan Nila tita Lara at mama tungkol Kay papa. Nalaman ko Rin Kung San ba talaga syA nakatira at hindi naman pala talaga syA nangibang bansa. Pinuntahan ko Ang nasabing address dahil gusto Kong makausap Ang papa Ko Kung bakit Hindi nya na kami binalikan ni mama Kung hindi naman pala syA umalis.
Flashback
” Tao Po! Andyan Po ba si Mark Gonzales? ” Isang Babae Ang sumalubong sakin.
” Bakit anong kailangan mo sa kanya? ”
” Ako Po Ang anak nya. ” Parang nabigla syA sa narinig nya Kaya nag iba Ang itsura nya at Kung Pano syA magsalita sakin
” Ano?! Walang Ibang anak si Mark sa Ibang Babae lumayas ka dito! Ang bata-bata mo pa marunong ka ng manloko! ”
” sandali lang Po , Hindi Po ako manloloko totoo Po Ang sinasabi ko ma’am”
Bigla nalang nya akong kinaladkad palayo sa bahay Nila. Hindi ko alam Kung ano ba Sya ng papa ko. Paalis na ako ng Makita Kong lumabas sa bahay Nila Ang Isang lalaki. Nakikita ko Ang sarili ko sa kanya Kaya nakaramdam ako ng lukso ng dugo. Sakto pa na tinawag sya ng babaeng nagpalayas sakin sa pangalang Mark. Sinubukan Kong lumapit pero nakita Kong niyakap syA ng Babaeng kasama nyang lumabas. Hindi ako tanga para Hindi maisip na asawa nya Ang babaeng yon. May bagong pamilya na syA kaya kinalimutan nya na kami . Umalis ako na Ang bigat ng dibdib ko dahil nasayang lang Yong pagpunta ko sa kanya para kilalanin syA. Hindi na importante Ang sasabihin nyang paliwanag sakin kahit na ano pa yon dahil malinaw na niloko nya Ang mama ko at syA Ang dahilan Kung bakit nabaliw si mama. Wala syang kwentang ama.
Kung dati pangungulila Ang nararamdaman ko sa kanya ngayon puro galit nalang. Hindi ko na gustong Makita Ang pagmumukha nya dahil sinira nya Ang pamilya namin.
” Reyden, let’s go! ” Sumunod ako Kay Tito Alex. Sya na Ang tumatayong ama sakin simula pa nuon. Ilang taon nya na bang nililigawan si mama at kakasagot palang sa kanya . Hindi na ako tatanggi pa sa kanya dahil pareho nilang deserve Ang isat-isa.
” Teacher Rose, pamangkin ko si Reyden. Matalinong bata Ito simula elementary Hanggang high school valedictorian. Hindi na ako magtataka Kung gagraduate ulit itong cum laude. ” Masyado akong pinupuri ni Tito Alex sa Ibang tao. AYoko sana ng Ganon dahil ayaw Kong tumaas Ang expectations Nila sakin. Lalo Lang ako mapi pressure kahit na Kaya ko.
” Hindi na ako magtataka Doc Alex. San pa ba magmamana? Haha. Ikaw naman Mr.?”..
” Mr. Gonzales Po ” labag na sa kalooban ko Ang gamitin Ang apelyido ng tatay ko. Masyado syang maswerte para dalhin ko Ang apelyido ng manlolokong tao.
” Talaga bang gusto mo maging psychologist? Sa class ko bawal palipat-lipat ha? Yung iba kasi, tatapusin lang Ang first sem pagdating ng second sem iba nanaman Ang course. Sana hindi ka Ganon Mr. Gonzales “..
” Hindi Po mangyayare yon ma’am . May paninindigan Po ako ” Yun Ang pinagkaiba namin ng tatay ko
– Blessy –
Enroll nanaman tapos Yung Ibang friends ko Hindi ko na makakasama . Ang saklap!! Grrrr!! AYoko nang business administration. Kahit ano naman Sana ayaw ko. Kung hindi...


ko lang talaga kailangan mag aral tumigil nako!
” Pretty Blessy tapos kana ba?”
” Sandali ! Nagpapaganda pa! ” Gusto ko ako Yung pinakamaganda sa school. Gusto ko Yung pinagtitinginan ako dahil sa ganda ko. AYoko sa lahat ng nirereject ako. Kainis yon sobra. Wag na wag magkakamali Ang kahit na sinong balewalain ako dahil promise hindi nya gugustuhin . AYoko din ng nasasapawan ako Kaya kahit Minsan hindi ko naman talaga Kaya kinakaya ko parin. Wala akong pake sa iisipin Nila Basta alam ko maganda ako that’s all!
” Ihhh! Antagal! Magagalit nanaman papa mo kapag naabutan nyang dito pa tayo!”
” Si mama dumating Naba?”
” Hay Ewan sa mama mong Yan! Palagi nalang busy daw sa Ganyan, ganito. Daming sinasabi . Hindi ko na nga syA nakakausap like before. Hindi na kami kasing close noon. Mabuti nalang andyan ka Kaya nawawala Yung inis ko sa mama mo”
” Wala Nanaman syA.. San naman Kaya pumupunta yon? Puro nalang kasi hinala Kay papa e! Ang bait-bait naman ni papa. Kung magkaka boyfriend nga ako, gusto ko Ang mukha at ugali parang si papa .
” Bihira na yon ngayon, makikita mo sa ngayon Gaya nung kapitbahay natin dyan na Ang ingay-ingay kapag walang makain. Naglalasing maghapon tapos magwawala.”
” Good luck sa future husband mo tita Mitch. Basta sakin, di ko hahayaang mangyare yon. Hahabulin ko syA ng tabak ni papa hahaha”
Nakarating kami sa school at Gaya nga ng inaasahan ko. Napapalingon talaga sa kagandahan ko Ang lahat. Nilagay ko Ang mahaba Kong buhok sa likod ko at lumilipad sa hangin.
” Hayst! Bago nanamang school. Mahihirapan nanaman akong mag adjust Lalo nat Wala akong kakilala-kilala dito ngayon.
” Blessy, ano ba kukunin mo?”
” Mag teacher nalang kaya ako?”
” Ha? Ang mga guro dapat mahaba Ang pasensya. Meron kaba non? ”
” Wala! E Kung……., Mag HRM nalang ako?”
” Blessy , masyadong magtrabaho don. Magluluto pa kayo. Sa bahay nga, para Kang mamamatay pag may sumisirit na mantika. Bawal Ang Maarte don !”
“Pakitingin nga Kung ano pa Ang mga available dyan ”
” Business administration? Major in financial management ? Bagay to sayo para matututo Kang magtipid ng pera. Gaya sa papa mo. Ano Ito na?”
” N-NEVER! ”
” Grabe syA! As in ayaw talaga? tigas ah! Bahala ka na nga dyan! ”
” Psychologist nalang ”
” Ano? Para akong lalagnatin sa sinabi mo”
” Bakit? Anong problema don?”
” Blessy naman, ganda lang Ang Meron ka pero talino—”
” Sinasabi mong Bobo ako? May back subject lang nung high school Ganyan na tingin mo sakin? Bumagsak lang ako nun dahil hindi ko sineseryoso Ang pag-aaral ko pero alam ko sa sarili ko na matalino ako ano ba? Ikaw pa talaga nag down samin kainis ka tita!”
” Oh syA Sige sorry na! E di Yan Kung Kaya mo. Support nalang ako.”
.
” Mas maganda na Yan, alam mo naman ako, curious ako sa mga pag-iisip ng Tao. Gusto ko kasi malaman Kung bakit may mga baliw sa pag-ibig Gaya mo! Hahaha”
” Loka! Hindi ako baliw don ah! ”
” Sige tanggi pa! Haha “


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.