0

CRAZY EX-WIFE CHAPTER 14


Report

CRAZY EX-WIFE”
CHAPTER 14
– LORRAINE-
Maraming taon na Ang lumipas at naging maayos Ang buhay namin ng anak ko . Napangiti ako ng tingnan ko isa-isa Ang mga medalya ni Reyden . Simula elementary hanggang high school gumraduate ng valedictorian kahit na napatigil syA ng Isang taon dahil sumama syA sakin sa states nung bumalik kami ni Alex para ayusin Ang mga records ko don nagawa parin nya. Hindi ko alam Kung San nya namana Ang talino nya. Aminado naman kasi ako na hindi ako kasing talino ng iba dyan. Baka determinado lang talaga syA na makapagtapos para maging proud sa kanya Ang papa nya kapag nagkita na sila. Nasasaktan ako sa twing naiisip ko na umaasa parin syA dahil alam ko naman na Wala na kaming maaasahan sa kanya. May pamilya na syA at masayang-masaya syA kasama Ang anak Nila ni Jane. Masyadong maliit Ang Mundo para saming dalawa Lalo nat pareho Lang kaming nasa pilipinas pero sa twing malapit na nya akong Makita, ako na Ang nagtatago at umiiwas. Hindi ko alam Kung napapansin nya Rin ba ako pero AYoko kasi makasira ng pamilya. Nahanap nya na sa piling ni Jane Ang Hindi ko naibigay sa kanya Kaya magiging masaya nalang din ako para sa kanya .
” Ayos Po ba ma? Para Po sa inyo lahat ng Yan. ” Niyakap ako ni Reyden. Araw-araw nyang pinaparamdam sakin Kung Gano nya ako kamahal at kahit nagkulang ako sa kanya Hindi manlang nya ako sinumbatan at binalewala.
” I’m so proud of you anak ”
” Thank you ma ”
” Alam mo anak, Hindi mo naman kelangan laging galingan sa school para maging proud ako sayo kase, tanggap ko Kung Hanggang San lang Ang Kaya mong ibigay. Kung nasan man Ang papa mo ngayon, I’m sure pareho Lang kami ng nararamdaman para sayo. Napaka swerte namin sayo ”
.
” Ma wag na natin isali si papa. Nandyan naman si Tito Alex para satin ” seryoso nyang sabi. Hindi ko ineexpect na sasabihin nya yon dahil dati kahit alam nyang nililigawan ako ni Alex at alam nyang mabait Ito iniisip nya parin Ang papa nya. Gusto nya parin hintayin pero ngayon parang nagbago na Ang isip nya at hindi ko alam Kung bakit.
” Hindi mo na ba hihintayin Ang papa mo? ” Hindi naman sa ayaw ko Kay Alex. Matagal narin akong naka move on Kay Mark . Ayaw nya pa kasi akong mag asawa ulit nuon Kaya nakiusap ako Kay Alex na sa Kanya muna ako magpo focus. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Reyden ngayon. Bigla nalang nya akong itutulak Kay Alex.
” Ma sobrang tagal na akong naghihintay pero hindi parin syA bumabalik. Baka nga patay na yon. Gusto ko maging masaya kana. Ayokong nang hadlangan pa Ang kaligayahan mo nang dahil Lang sakin. Kaya ko na Po Ang sarili ko ngayon ma ”
Napalingon kami ni Reyden nang bumukas Ang pinto at nakita namin si Alex na may dalang bulaklak. Nahihiya lang ako sa sarili ko dahil para naman akong teenager para bigyan pa ng bulaklak.
” Good morning Lorraine, para sayo. Ito naman chocolates para sayo Reyden ”
” Thank you Tito”
” Sya nga pala Reyden, sigurado ka ba talaga na...


gusto mo maging psychologist? Sasamahan kitang mag enroll. Kilala ko kasi Yung magiging teacher mo ”
” Yes Po Tito. Siguradong-sigurado na Po ako. Wala nang atrasan to ”
– MARK-
Napatigil ako sa pagkain ng sabihin ni Ate Mitch Ang mga pinanggagawa ni Blessy sa school Kaya marami syang back subject. Nagalit din ako ng nalaman Kung gusto akong kausapin ng teacher nya
” Tita dapat hindi mo na sinabi Kay papa! ”
” Pretty Kong pamangkin na mana sa tita maliban sa utak ha? Kailangang malaman ng papa mo Ito . Sorry na agad pero you know—”
” Tita shut up! ”
” Blessy Wala ka talagang balak sabihin sakin to?! ” Ngayon Lang ako nagsalita sa kanya ng mataas Ang boses dahil dissapointed ako sa mga ginawa nya
” Pa I’m sorry . Hindi na Po mauulit. Yung mga friends Ko po kasi, mahilig Silang mag absent AYoko naman Po na magalit sila sakin dahil kill joy ako kapag hindi ko sila sinabayan”
” Iniisip mo Yung mga friends mo pero Yung hirap namin ng mama mo para lang mapag aral ka hindi mo naisip? Ayaw mong madissapoint Ang iba pero pagdating samin ayos lang? Akala ko ba gusto mo akong maging proud sayo? San ka pumupunta kapag wala ka sa school? ”
” N-namamasyal Po.” Mababaw Ang luha ni Blessy Kaya iyak na syA ng iyak sa harapan ko. Nasasaktan din ako sa twing nakikita ko syang umiiyak pero kailangan nyang matuto sa pagkakamali nya ngayon.
” Anak kaya mong mabuhay kahit walang kaibigan. Ang kaibigan dalawang klase Yan, may good and bad influence pero sa mga kaibigan mo siguro naman alam mo na Kung ano sila sa buhay mo. Darating Ang araw na iiwan ka Nila at hindi ka Nila matutulungan kapag wala na Silang kailangan sayo. Kung gusto mo ng kaibigan, siguraduhin mong may mabuting madudulot sa buhay mo hindi Gaya ngayon, nakakahiya! Makakapasa kalang dahil binayaran mo o gusto mong bumalik ka nalang ?”
” Papa I’m sorry Po talaga.. aayusin ko na p0 sa susunod Basta gawan nyo lang Po ng paraan to ngayon. Balak ko naman pong sabihin sa inyo Ito Kaya Lang Po inuunahan Po kasi ako Minsan ng kaba ko dahil natatakot ako na magalit kayo ni mama ” tumayo si Jane at umalis. Hindi syA umiimik Kaya alam Kong galit na galit narin syA Hindi nya lang masabihan si Blessy dahil ako na Ang nagsasalita .
” Pa hindi na Po mauulit talaga Basta tulungan nyo lang Po ako ngayon at bigyan pa ng Isang chance ”
” Mark maawa ka naman sa anak mo. Anak mo parin syA kahit na pasaway Yan! ”
” Isa kapa ate! Kung ano-ano kasing tinuturo mo sa anak ko Kaya ayan tuloy nangyare! ”
” Why me? ”
.
” Talagang Hindi na to mauulit Blessy dahil college kana sa pasukan. Wag mo na akong bibiguin ulit dahil magagalit na ako ng tuluyan sayo.
” Thank you papa. Promise Po hindi na talaga mauulit “


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.