3

Complicated Feelings


Report

Hi everyone,ako nga pala si Althea na kasalukuyang nag-aaral sa AU bilang second year highschool.May kwento ako sainyo na medyo popular na sa mga kabataan ngayon.Tungkol ito sa tinatagong feelings ko towards sa dati kong kaklase na naging katabi ko.

First day of school bilang first year highschool student,May nakilala akong lalaki na naging katabi ko ipangalan natin siyang David.Habang tumatagal eh nagiging kaclose ko na siya pero nawala na lang yun parang bula dahil sa pangyayaring di ko inaakalang mangyayari.

May kaklase akong babae na itatago natin sa pangalang Isabel,siya’y top natcher sa aming klase at medyo talkative siyang tao.Siya ay may lihim na pagtingin towards sa katabi kong si David.So nung nalaman naman nitong katabi kong si David eh parati na lang siyang dumidikit kay Isabel.Ilang buwan ng nakalipas ganun pa rin ang routine niya,babalik lang siya sa upuan pag may kailangan siya or pinapabalik siya ng aming guro pero pagwalang teacher pupunta ulit siya kay Isabel(kaya pala siya ganun dahil may gusto rin pala siya kay Isabel kaya M.U na sila).Makalipas ilang linggo,Nabalitaan ko nalang sa aming kaklase(na bff ko) na kaya rin pala lumalapit si David kay Isabel dahil may ginagawa silang di kanaisnais na dapat ginagawa ng highshool students di ko alam kung totoo yun o hindi pero parang totoo kasi seryoso ang pagkakasabi ng bff ko na siyang sabi niyang”alam kong may ginagawa silang mali pero hinahayaan ko lang dahil wala akong pakialam kahit magl*mp*ng*n pa sila diyan” dun ko na lang naconfirm na sila na talaga.So ayun hinayaan na nga namin dahil ang pangit naman tignan kung samin mismo
nanggagaling,naghihintay na lang kaming may makadiskubre sa kanilang ginagawa.Makalipas ang ilang araw may nalaman akong di kapanipaniwalang nalaman ko galing bff ko, sinabi sakin ng na may lihim na pagtinggin daw pala sakin si David dahil nakita niyang nakatitig siya sakin habang ako’y nagprapractice.Napansin din daw yun ng gf niyang si Isabel,(ang narinig ng bff ko) “Sige lang titig ka lang sa kanya,ok...


lang ako dito…pagpatuloy mo lang ginagawa mo” tas ayun may sinasabi din daw si David kaso di daw niya narinig.Narinig din daw ng isa ko pang babaeng kaklase yung sinabi ni Isabel,may sinabi daw yun na parang nang-aasar daw sbi niya daw “ayieeee crush niya si althea”.Di ako makapaniwala na may gusto pala siya sakin.Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman kikiligin ba ko o ano basta’t ang nagawa ko na lang ay nagpretend na lang na parang wala lang sakin yun,pero di mawalawala yun sa isip ko(yun pala may feelings din ako sakanya at sa totoo lang kinikilig ako sa kanya tuwing lumalapit siya at kinakurot ang pisngi ko.Aaminin ko rin na medyo nagseselos ako tuwing magkasama sila ).So umabot ng pagkasecond year highschool ko nang nakamove-on na ko dun sa sinabi ng bff ko pero bago pa mawala iyun sa isip ko,itong si David naman ayaw na kong tigilan kakalapit at kakakurot sa aking pisngi na kung minsan nakikita ko na lang umiiyak si isabel habang masama ang tinggin niya sakin.So simula nun umiiwas na ko sakanila para wala ng gulo pero hanggang ngayon lumalapit pa rin siya sakin kaya ang ginagawa ko na lang ibinabaliwala ko siya na parang hangin at ito namang feelings ko eh ipinagsawalang bahala ko na lang para wala ng gulo at para di rin ako masabihan ni Isabel na mang-aagaw ako.Susundin ko na lang yung sinabi ng tatay ko na mag-aral ako ng mabuti para maabot ko ang mga pangarap ko at sabi niya rin na dadating din ang panahon na magkakaroon ako ng lovelife basta maghintay ako sa tamang panahon ,wag madaliin dahil masasaktan lang ako at dapat ang tadhana mismo ang mag-bibigay sayo ng mr. Right di yung ikaw mismo maghahanap ng para sayo.Pagsisihan mo rin kapag minadali mo ang buhay dahil pag ika’y naging matanda na mamimiss mo ang pagiging bata…Moral lesson:wag madaliin ang buhay dapat go-with-the flow” ka lang,wag masyadong seryosohin dahil mapapaaga ang pagtanda mo.


3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.