0

CHAPTER 1(SA PILING NG MAFIA)


Report

CHAPTER 1(SA PILING NG MAFIA)
“Pasay!”sigaw dito ng bus conductor sa mga pasahero na nakalunad sa bus
Nang marinig ito ni Yona,agad na rin siyang kumilos para bumaba sa bus. Nakisiksikan siya sa ilang pasaherong baba rito. At nang makababa na siya sa bus,nilinga-linga niya ang kanyang paningin para hagilapin ang pinsang si Liezel kung narito na ba sa Pasay para sunduin siya.Pero wala pa naman ang pinsan kaya naisip niyang maupo muna sa isa sa mga upuan na narito sa terminal.
Kinuha niya ang kanyang phone sa bag para tawagan ang pinsan at sabihing narito na siya sa Pasay at naghihintay.
Pagbukas pa Lang niya ng phone saka Lang niya napansin na may text sa kanya ang pinsan.
YONA SI HONEY ANG MAGSUSUNDO SAYO DIYAN WAIT MO SIYA DIYAN DAHIL MAY MEETING PA SIYA SA MAY AYALA
“Nakakagalit ka Liezel.”ani niya
Gusto niyang sigawan ang pinsan sa itenext nito.Walla pa naman siyang load para replayan ang pinsan dahil hindi pa naman niya kilala ang asawa nito.At kung ano ang hitsura niyon.
Expired na ang load niya kani-kanila Lang mula sa biyahe.
Ipinatawag ni Kyle ang kanyang tapat na tauhan sa organisasyong...


kanyang pinamumunuan.
Narito sila sa AYALA para pag-usapan ang pagpatay sa isa sa mga kalaban nang kanilang organisasyon.
“Alam niyong matagal nang kinakalaban tayo ng organisasyon iyon.Kaya bukas na bukas din susugurin natin ang hide out nila.Maliwanag ba!”
“Yes boss!”sabay-sabay na Sambit dito ng kanyang mga tauhan.
Ngunit napansin niyang kani-kanina pa silip nang silip ang kanyang kanang kamay na si Justin sa relong suot-suot nito.
“Oh Justin,Bakit tila yata hindi ka mapakali diyan sa kakatitig mo sa relo mo.”tanong niya rito
“Ahm boss Kyle,may inutos po kasi sa akin si Liezel pagkatapos ng meeting nating ito.Magpapaalam ho sana ako.”
“Masyado ka naman yatang nagpapa under sa asawa mo.”Si Kyle na ngingisi rito sa presents ni Justin
“Alan niyo naman boss buntis.Kaya dapat magpa-under.”
“Sabagay,Bakit ano ba ang inutos sayo ni Liezel?”
“Pagsusundo Lang boss sa pinsan niyang bicolana.”
“Chicks ba yan Justin?”sabat naman ni Jaypee dito na siyang playboy sa grupo”Pakilala mo naman sa akin.”
“Tumigil ka nga Jaypee sa kamanyakan mong yan.Pinsan yon nang asawa ko.” Anas ni Justin Kay Jaypee
“Tama na yan.”saway ni Kyle sa kanilang dalawa”Sige Justin makakaalis ka na.”
“Salamat boss.”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.