4

(Chapter 1) THE RUNAWAY FIANCEE


Report

(Chapter 1) THE RUNAWAY FIANCEE
MIA POV
“Kelan mo pa naging lotion ang libag?” taas kilay na sita sa kanya ni France ng mapagbuksan niya ito ng pinto
“Magandang umaga din sayo” nakasimangot na sagot naman niya dito, saka pinalawakan ang pinto ng kanyang bahay para makapasok ito
“Anung nangyari sayo? Hindi mo yata alam na matagal ng na-imbento ang salamin, tubig at suklay?, ma-awa ka naman sa makaka -kita at makaka-amoy sayo. Ang baho baho mo kaya, himala nalang talaga kung makikita kitang bagong ligo” na-iiling na sabi nito sa kanya, pero hindi niya ito pinansin at agad na inagaw ang hawak nitong plastic na amoy niyang crispy fried tapa ang laman. Saka siya dumireteso sa kusina at inilagay ito sa plato.
“Mag ayos ka ng sarili mo bago ka kumain, baka mamaya dumating yung si Ezekiah mo at makitang ganyan yang itsura mo”
“Wala akung paki-alam sa herodes na yun” nag-init ang ulong sikmat niya dito saka pinagtutusok ang kawawang Tapa
“Bakit anung nangyari, binasted ka na nung nililigawan mong chubby na yun?” sabi nito sabay dikit pa ng mukha sa mukha niya
“Lumayo ka sa akin, Ang lakas ng loob mong sabihan akung mabaho kung ikaw mismo hininga mo palang talong talo na ng tear gas, nakaka diri! Amoy paminta na may bauang at sibuyas. At huwag mo ng alamin kung anung nangyari sa amin ng baboy na yun” inis na inis sa sagot naman niya dito
“Ha? Mabaho ba? eh mouth wash kaya yan ni Jiana, nakigamit lang ako kanina” inamoy-amoy pa nito ang hininga napatunayan naman yata nito ang sinabi niya dahil nakita niyang napangiwi ito. Na-iiling na pinagpatuloy nalang niya ang nilalamon niya.
“Eh anu na kasing nangyari?” tanong nanaman nito ng makuntento ng amoyin ang sarili nitong hininga
“Wala na siya, tinanggap daw niya yung trabaho sa kanya sa Uganda” walang ganang sagot niya dito
“O, eh lalayo lang naman pala para sa trabaho, Haler! Kaya nga may Skype at Yahoo messenger at We chat at etc. saka lagi ka namang lumalabas ng bansa para sa weirdong mga adventures mo. Bakit ganyan ang itsura mo? Anu yan kunwari emo ka?” takang tanong naman nito
“Eh buti nga kung ganun lang eh, pero nalaman kung may kasama siyang babae nung lumayas siya dito sa Pinas”
“Sino?”
“Si Chelsea” bumangon ang lahat ng inis niya sa katawan pagkasabi niya sa pangit na pangalan na yun ng babae.
“Si Chelsea? Anak ng tokwa! Hindi nga?” nanlalaki ang butas ng ilong nito sa narinig
​Si Ezekiah ay nakilala niya nung nagtour siya sa Zimbabwe. Hindi naman niya ito boyfriend pero parang ganun na nga dahil boyfriend niya ito sa kanyang imagination. Nandito na kasi halos lahat ng gusto niya sa isang lalaki, pero kahit na halos ipamukha at isaksak na niya sa puso nito na gusto niya ito ay hindi pa rin...


siya nito pinapansin at hindi binibigyan ng halaga. Hindi nalang ito magpasalamat at sa ganda niyang yun ay ito pa ang itinibok ng kanyang puso. Kaya naman dahil wala na siyang mahintay dito ay siya na ang lakas loob na nanligaw dito kahit na halos ipagtabuyan siya dahil kaibigan lang daw ang turing nito sa kanya pero hindi pa rin siya sumuko dito. Last week lang niya nalaman ang lahat na ikinabitak ng kanyang puso, at ikinasira ng kanyang dignidad at puri. At kaya naman pala ayaw sa kanya ng lalaking ito dahil ang gusto nito ay si Chelsea.
​Si Chelsea naman ang kaklase niya mula nung una siyang natutu ng ABC hanggang sa nakarating siya sa XYZ sabay pa nga ata silang lumabas mula sa tiyan ng kanilang mga ina, hindi niya alam kung bakit parang lagi itong nakikipag-away at nakiki competensya sa kanya laging sila kasi ang naglalaban sa honorols pero laging 2nd place lang ito at siya naman ang laging 1st place. Na-alala niyang lalo pang tumindi ang galit nito sa kanya nung lahat ng crush nito ay sa kanya nanliligaw. Sampung beses pa ngang nangyari yun, at alam niya sa sarili niyang hindi naman niya kasalanan na naging maganda siya. Doon nagsimula ang giyera nila sa isat-isa. At alam niyang sa paglipas ng mga panahon ay lalong tumindi ang galit nito sa kanya na pati ang lalaking minamahal niya ay inahas nito.
“Anung merong utak ba yang lalaking yan at yang mala uling at mukhang susung mortal mong ka-away pa ang napili niyang maging katuwang sa pagtataksil sayo?” tanong nanaman ni France sa kanya
“Haay! Wala na akung pakialam sa mga pangit at mga taksil na yun! ilang araw ko din namang pinag-isipan yan at na-isip kung ‘it’s not my loss, it’s his loss’ and why should I bother myself thinking about them, kung meron naman akung mga kaibigang-”
“Maladiyosang nasa harapan mo ngayon” tuwang tuwang putol naman nito sa sasabihin niya
“Ikaw talaga kelan ka kaya titigil sa kapupuri ng sarili mong mukha at katawan?, buti nalang naimbento ang kasinungalingan” tumatawang sabi naman niya dito
“Tse, lalarga na ako, baka naman ngayong natauhan ka na ng konti at nahismamasan na eh baka naman uso na ang salitang “maliligo” sayo di ba? at ou nga pala, opening ngayon ng Session Avenue mamayang 9pm – See ya!” Dagdag nito saka agad na nawala na sa kanyang paningin.
Natatawa nalang na sinundan niya ito ng tingin. Matapos niyang hugasan ang kanyang pinagka-inan eh, nag-isip pa siya ng sampung beses kung maliligo siya o hindi.
Pero sa huli ay tinamad nalang siya at muling nagmukmuk sa kanyang kwarto.
Masakit pa rin naman noh!
(Picture: CTTO)
**PS: WannaBeeWriter po ako – kaka umpisa ko palang ng Page ko. Kapag po interested kayong basahin ang aking mga gawa bisita lang po kayo. ❤️


4 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.