0

CELLPHONE


Report

“cge na kasi!”
“ayaw ko! tsaka ayan oh, dipa naman sira yan!”
Tsk, ang sungit talaga ng Kuya kong to.
“sige na please, gusto mo ibaglaba kita?”
“kaya kong maglaba” cold na sagot nito habang patuloy parin sa paglalaro.
“kuya naman ei, maganda yon. Merong tatlong camera tapos ang ganda ng kulay.. kaya please bilhan mo na ako non”
Kainis talaga, ang hirap niyang paki usapan. Halos 2 hours ko na siyang pinipilit pero ayaw talaga, bwesit kasing online seller nayon at naakit ako sa cellphone na binibinta niya, ang ganda kasi halos di na ako kumain para lang mapilit si Kuya pero. Tsss…
“ipag ko module kita?”
“wala akong module kaya tumahimik ka!” inis na saad nito.
Napipikon na ako.
“hoy ang kapal ng mukha mo ha!” sigaw ko sa kanya habang dinuduroduro pa.
“at ako pa ngayon ang may makapal na mukha?” inis ding sigaw niya sa akin at tumayo mula sa pagkakaupo at pamiwang na hinarap ako.
“oo ikaw, kapag ang gf mo ang humingi kahit ano binibigay mo! Kapag ako hindi? Cellphone lang yon Kuya cellphone!” mangiyak iyak na saad ko.
“alam mo naiinis na ako umalis kana dito!”
“ahh ganon ah? PAPA SI KUYA NAG JAJA-” agad na putol ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko.
“fine ibibili na kita just quite”
“okay okay”
AT MALL
Oo sa mall baka kasi ma scan kami pag online mahirap ng mag makaawa na bilihan lalo na’t palaging may regla ang Kuya ko.
“ayan Kuya oh! Diba ang ganda?” singit ko sa usapan nila ng saler.
“hayyst doon ka nga muna” mahinang sabi niya sa akin at marahang hinigit ako palayo “mag kaano po?” nag aalinlangan tanong niya sa saler.
“hindi po ito yung original...


kaya 60, 000 php po” naka ngiting sagot ng saler, halos ma laglag na ang panga ni Kuya sa narinig huhu baka di niya kunin.
“ahh sige po sa susunod nala-”
“sa susunod?!” takang tanong ko “no Ate balutin niyo na po” naka ngiting sabi agad namang lumiwanag ang mata nito at masayang binalot ang cellphone samantala si Kuya hindi mapakali sa kinatatayuan.
“ito napo” naka ngiting inabot niya sa akin ang cellphone habang nasa lagyanan pa ito.
“kuya bayaran muna at mauna na ako”
“a-” pinutol ko ang sasabihin niya “ate kong hindi niya po babayaran e demanda niyo po ha? Ito po yong pangalan niya at address” masiglang sabi ko at iniabot sa kanya ang ID ni Kuya.
“sige po salamat!” saad ko at umalis na hindi ko din nilingon si Kuya at agad na nilisan ang lugar na iyon.
AT HOME
Pa selfie selfie lang ako ngayon at grabe ang ganda ng cam niya isama mo pa yung magagandang filter niya.
Hay bwesit naman oh! Natatae ako.
Pumunta ako ng banyo dala ang CP kong bagong bili, grabe ang ganda talaga pati yung cgnal niya my gosh! Ipagyayabang ko to sa GC namin total puro mayabang ang tao doon.
“Prooop prooo. Poooop pooooo” haysst naparami ata akong nainom na drinks ngayon at naging tubig ang tae ko plus ang lamig. Joke
Haysst.
Nilagay ko sa taas ng bowl ang CP ko saka dahan dahang inabot ang tissue paper ng biglang…
“Hoy! Nina bumaba ka dito at ng makain kita!” dahil sa gulat ko ay bigla kong na siko ang selpon ko dahilan para mahulog sa- sa? Sa!
“KUYAAAAAAAAA!”
“PUTANGINA YUNG SELPON KO NAHULOG S-SA BA0L!!!”
…..
By: Lilie.
Word of fiction.
Photo not mine.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.