Buhay Mananayaw



Hi๐Ÿ‘‹ Say galan name ko Nagaaral Senior High Grade 11 student , isang dancer .
Ito lang naman Ang aking Hilig Ang pagsasayaw Simula pa Nung grade 3 ako Kinahiligan ko ng sumayaw. Nagsimula ako sumayaw dito Saming barangay. Kapag may program sa barangay namin Niyayaya ko mga Kaibigan ko Sumayaw. Tuwang tuwa ako Kapag Nakakasayaw Ako lalo na kapag maraming nanunood At pinanunood ako๐Ÿ˜Š Masarap sa pakiramdam yung Napapasaya mo ang Mga Tao, lalo na Pagtapos mo sumayaw Sasabihin nila Sayo “Ang galing mo naman sumayaw” Ang sarap sa pakiramdam kapag ganun Naririnig mo. pero meron ako isang pangarap Yung makasali sa isang Grupo.
Isang araw Nagkaroon ng isang Dance contest saming barangay Excited Ako nun Manuod at makakita ng malalakas Ng Grupo. Dun ko nakita ang isang Grupo na Gusto kung salihan Kids next door (KND) sobrang galing nila Lalo na Pag tambling. Sila Yung ginawa kung inspiration para ipagpatuloy ang pagsasayaw at kagustohan makasali sa kanila๐Ÿ‘Š
2nd Year High school ako meron ako nakilalang isang dancer Grupo siya ng (KND) na gusto kung salihan.
Pumunta siya sa bahay boyfriend siya ng Ate ko. Di ako makapaniwala nun na dating pinanuod ko lang ngayon nasa harap ko na. Dun na nagsimula Nung nalaman niyang marunong akong sumayaw, sinali niya ako sa grupo nila. Tuwang tuwa naman ako at ipinagmamalaki ko yun dahil nakasali ako sa kanila, nagpractice,nagworkshop,training, yan yung pinagkakaabalahan ko nun. Nagsumikap magpractice maging malakas at makipagsabayan sa kanila ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š Sobrang kaadikan ko sa pagsasayaw Kahit walang pera Para lang makapagpractice Nag 123 ako minsan sa jeep Hindi ako nagbabayad Makapractice lang. Hindi pa kasi ako Suportado ng magulang ko nun๐Ÿ˜ž lagi nila sinasabi ANONG MAPAPALA MO SA PAGSASAYAW GASTOS LANG YAN! ๐Ÿ˜  yan palagi sinasabi sakin ng mga magulang ko pero binabaliwala ko lang Lahat ng mga sinasabi...

nila. Oo wala ngang mapapala sa pagsasayaw Oo totoo yun Pero ito Na Yung hilig ko e Para maging masaya Matupad yung pangarap na makilala.sabi ko sa sarili ko balang araw Matatanggap niyo rin at susuportahan niyo rin ako, Sa isang Mananayaw Ay Hindi Madali meron din kaming pinagdadaanan, nagsasakrepisyo, makasayaw lang. Wag niyo maliitin ang aming kahiligan at kagustohan Na sumayaw Dahil kaming mga dancer nag bibigay din kaming ngiti sa mga tao. Sumasayaw kami para mapasaya at mapahanga namin kayo. Sumasayaw kami dahil ito ang binigay ng diyos Samin, Kaya wag niyong sasabihin na WALA KAMING MARARATING SA PAGSASAYAW! Mahal ko ang pagsasayaw na kahit Saan Ito’y Dala dala ko Saan man ako magpunta
Oo totoo yun Dahil merong patunay na dala dala ko ang pagsasayaw Hehe minsan napagkakamalan nakong Baliw Dahil kahit naglalakad Sumasayaw ako
Oo Yan yung sakit ng isang adik sa pagsasayaw Makarinig lang ng Music gagawan kaagad ng Step Ganyan ako! Pero Meron din natutuwa sa ginagawa ko. Minsan sinasadya ko talaga Mapasaya lang mga taong nakapaligid sakin. Ngayon BUHAY MANANAYAW PA RIN AKO. Tagal na diba! marami na akong Experience sa pagsasayaw, nakasayaw na rin sa malaking contest (battleGrounds) malaking event sa manila kung saan makalalaban mo lahat ng malalakas na grupo lalo na Yung XB GENSAN. Sa pagsasayaw Kung saan saan na ko nakapunta,maraming nakikilala, papasalamat nga ako kay God Dahil ibinigay sakin tong talento. Sa mga nagsisimulan pa lang sa pagsasayaw Sikap, at tiyaga lang Matupad natin pangarap ng isang MANANAYAW. wag natin din Kalimutan si God At mag pray sa kanya Dahil kung wala satin at kinalilimutan natin si god Hindi tayo Sasamahan sa pangarap na gusto nating matupad. bilang isang dancer be Humble Sa entablado, at wag lalaki Ang Ulo
Salamat sa nakabasa man nito at makakabasa palang. BUHAY MANANAYAW!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *