0

BROKEN FAMILY


Report

BROKEN FAMILY
“Loreen anak, kain na.” Tawag sa’kin ng papa ko habang nag sasandok ng kanin.
“Tay? What if dun muna ako kila nanay mag stay, would you let me?.” Tanong ko nito.
I came from a broken family and i live with my dad. Almost 4 years ko ng hindi nakikita si mama and i miss her soo much. Sometimes na iingit nalang ako sa mga kaibigan ko seeing them with their family, i really wish na ganyan din kami.
“No.” He answered coldly.
“But ta-” hindi ko na matapos ang sasabihin ko when he cut me off.
“Ikaw na nga lang ang natitira sa’kin tapos iiwan mopa ako?”
“Tay naman!! Wag mo naman ako solohin. Miss na miss ko narin yung nanay ko!! Tay for almost 4 years! 4 years kaming hindi nagkita tapos pagbabawalan mo pa ako?! Tay ket saglit lang gusto ko rin siyang makapiling.” Bigla na lamang na pataas ang boses ko sakanya.
After saying those words bigla na lamang itong natahimik at kitang kita ko sa mga mukha niya ang lungkot.
“Tay sorry i didn’t me-”
“Hindi anak okay lang naiintindihan ko, pero kung gusto mo talaga na sa ‘yo ang desisyon. Hindi na kita pipigilan makapiling ang nanay mo kasi alam ko habang tumatagal hinahanap mo yung pagmamahal niya na hindi ko ma ibigay sayo. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni tatay.” Sabi nito sabay halik sa noo.
—————
It’s been 2 months since i move here kila mama. Masaya naman kasi nakasama ko na si nanay but i already miss dad.
Habang nanonood kami ng TV...


ni nanay, i received a phone call from my dad sister.
“Auntie? Napatawag po kayo?.”
“L-loreen, yung papa mo.” Rinig ko ang pag iyak nito sa kabilang linya.
Anong nangyayari? Okay lang ba sila? Si papa?
“W-wala n-na.”
Bigla na lamang ako nanigas at hindi makapaniwala sa mga narinig ko.
“Auntie a-ano? Hindi ko po kayo na iintindihan.” Baka mali lang ang pagrinig ko.
“Loreen patay na ang tatay mo dahil sa cancer.”
C-cancer?!
“H-huh? C-cancer?” Napautal na lamang ako. Anong cancer? Bakit wala akong alam sa sakita ni tatay?
“Siguro hindi pa nasasabi ng tatay mo. Ito may liham binilin sa kwarto mo, ipapasa ko nalang sayo.”
Pinutol ko na ang tawag at tsaka tiningnan ang sinend niyang picture sa’kin, isang liham. Agad agad ko naman itong binasa.
“Anak kung nababasa mo ito siguro ay wala na’ko sa mundong ito. Pasensya na kung hindi ko nasabi yung sakit ko sayo, ayaw ko lang mag alala ka sa’kin at pasensya na rin kung hindi kita pinayagan nung una na pumunta ka sa nanay mo, gusto ko lang naman kasing makasama ka kahit sa unting panahon. Pasensya na kung hindi ako naging perpektong ama sayo, pero ito ang laging mong tatandaan mahal na mahal kita anak, alagaan mo sarili mo andito lang ako sa langit laging nagbabantay sayo.”
-Tatay
By: Janin B. Panganiban


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.