0

Bro Lag Ako Part 1


Report

Author: walongkulaylila
Part 1: Time In
Hi! I’m Jay Montero, 18 years old, Gamer since 2014. Papunta ako ngayon ng Internet cafe just to make my self happy.
I feel better everytime na In game ako. Kahit na mag-isa ako maglaro, ok lang mas feel ko ang game and peaceful life.
I know its hard to live in a world with full of criticism. We always criticize people maganda man o panget ang nagawa.
May mga pagkakataon sa sarili na magugulohan ka dahil mismong sarili mo hindi mo kilala.
May mga pagkakataong masasaktan ka kahit nagmahal ka lang. Nasaktan ka kahit di mo deserve. Kahit ginawa mo naman ang best mo para sa taong mahal mo. Pero “gago!” Talaga mga tao sa paligid eh.
Kahit gaano ka katalented, kahit gaano ka katalino, people will always look down on you dahil sa hindi ka straight.
Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba na magkaganito ako ah?
In my whole life I always ask my self “Who I am ?”
Hindi ko alam kung kanino ako dapat mag-open, natatakot din naman ako kila mama at papa.
Hindi ko alam kung kanino ako dapat magshare ng mga sakit na nararamdaman ko dahil ang tingin sa akin ng mga nasa paligid ko “demonyo ako” “malas ako” “salot ako”.
Nagmahal lang po ako! pero tao pa din naman po ako. (Umiiyak)
Naghanap lang ang puso ko ng taong makakaintindi sa nararamdaman ko.
Ewan ko ba kahit ganito ako,pagtingin ko pa rin sa sarili ko lalaki ako. Kasi di naman ako nangarap magsuot ng pambabae. Hindi rin naman ako nangarap maging babae.
Pangarap ko din naman magkaroon ng sariling pamilya ba lang araw.
Parangap kong makita ang Gwapo kong mukha sa anak ko. (Napangiti)
PEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPP!!!
“Tumingin ka nga sa dinadaanan mo bata! Nagpapakamatay ka ba!??” Pasigaw na sambit ni Manong Driver ng Traysidad
“Sorry po Manong, may iniisip lang!” Patawa kong sabi.
Ayan mabubundol pa tuloy ako ng traysikad dahil sa kakaisip ko ng negativity sa buhay, Hayyyyy buhay.
Oh! Nandito na pala ako sa tapat ng Computer shop. Nevermind na sa Love! Love! Na yan,Past na yan. Ang importante maging masaya ako ulit. Nevermind na din sa kung anong klaseng nilalang ako, basta gwapo ako at mabuting tao masaya na ako.
(Nasanay sa tawag na computer shop eh kahit na internet cafe dapat haha)
(Sa loob ng Internet Cafe)
“Kuya Ben,Magandang araw! Time in po ako, pc 25.” masaya kong pagbati kay kuya Ben. (may-ari ng Indigo Gaming Center na ito dito sa Albay)
“Uyyy Jay, Long time no Time in! Kamusta ka na?” Masayang bati sa’kin ni Kuya Ben.
“Ayos lang po kuya, medyo naging madrama lang ang buhay noong mga nakaraang linggo eh” nakangiting sagot ko kay Kuya Ben
Nga pala, Hindi alam ni kuya Ben na Bisexual ako, actually hindi alam ng lahat. Kaya natatakot ako kasi hindi ko alam ang sasabihin nila kapag nalaman nila.
“Sige Jay, Goodluck sa laro mo ngayong araw. Sana naman may makalaro ka na dito sa shop, ilang taon na kitang gamer dito, VIP na nga kita eh, pero wala ka pa din ibang kakilala dito o kalaro man lang bukod sa akin” paalalang sambit ni kuya Ben habang tumatawa.
“Si kuya Ben talaga, ilang taon mo na sakin sinasabe yan, 14 years old pa ako noon. Namiss ko tuloy maglaro ng PointBlank” Patawa kong sabi kay Kuya Ben.
“Nga pala Jay, may mga bagong player dito ngayon sa shop, mukhang magagaling, LoL gamers din. Kapag bumalik sila rito kumbinsihin mong dito na lagi maglaro ah. Ito ang deal ko sayo. Bibigyan kita ng 1 week free to play no need to pay basta maging regular customer sila dito okay?”
Payabang na sambit ni kuya Ben
“Teka bakit ako? Uyyy Kuya Ben alam mo naman na mas gusto ko maglaro ng mag-isa di ba? Saka anong meron sakanila bakit ganyan offer mo sa’kin?” Naguguluhang tanong ko kay kuya Ben.
“Mga bagong lipat kasi sila dito sa lugar na tin. Hindi ko alam kung bakit basta noong nakaraan naglaro sila ng tropa nila at ang gagaling maglaro. Gaya mo rin zombie gaming. Saka malay mo ito na mga magiging kalaro mo o kaibigan diba? Sige na, naka Time in ka na. 10 minutes na nabawas sa Time mo. Magluluto pa ako ng order noong nasa PC 34.” patawang sambit ni kuya Ben
( ZOMBIE GAMING – Babad sa Gaming, 4-8 hours kung maglaro)
“KUYAAAAA BEN!!! Ang time ko, nakatime in na pala dinaan mo lang ako sa mga kwento mooooo!” Naiinis kong sambit kay kuya ben habang tumatawa syang papasok sa mini kichen ng computer shop nya.
Umupo na ako sa paboritong pwesto ko Pc 25, kasi nasa dulo. Inopen ko na ang Facebook ko at syempre ang Garena account ko. Para makapagsimula na ako maglaro.
Iba kasi ang mundo ng gaming eh. Nilalayo ka sa totong mundo. Sa mundo ng gaming may superpowers ka, malakas ka, may role ka, at kaya mo ilabas lahat ng galit mo sa laro. Pwede ka rin maging masaya at feeling sucessful kahit sa limitadong oras lang. After ng game, back to reality malungkot ulit.
Its just a temporary relief, katumbas sya ng alak at sigarilyo sa’kin. Hindi kasi ako nagtatake ng mga yan eh. Hindi kami pinalaki nila mama at papa na gumamit nyan.
ACCEPTTTT!
Grabe 5 seconds pa lang sa queue, champ selection na agad. Siguro dahil sa Support Role ako. Hahaha. No one likes to play support lane dahil sa hindi ito ang mag eeliminate ng enemy team. Support lane is just a lane where the player must contribute utility, Damage taker, Engager, hooker, or even another damage dealer din minsan. No thrill sa mga mahilig magkill sa game haha. Pero sa’kin ang gusto ko lang mabuhag ang team ko para lumakas sila at manalo kami. That’s all I want in the game. Haha.
Welcome to the League of Legends!
This time I’m going to use Soraka. This team need utility support for them to be stable in team fight. Heavy Fighter naman ang nasa top lane eh, Urgot, kaya nya yan labanan Fiora.
My Adr (Attack Damage Range/ Marksman) is Lucian. Mid lane, Veigar.
Jungle Lane, Khazics.
Okay, This game begin!!!!

(A few moments later)
“Ano ba yan! Ang hihina naman ng kakampi. Ang gaganda ng pick pero hindi naman marunong” sambit ko ng mag-isa habang naglalaro pero napalakas
The struggle is real sa support lane. I can’t carry my self to win the game. (Pikon)
(Tumunog ang Glass Door)
May pumasok sa shop pero hindi ko masyado pinansin kasi natatalo na ang game ko.
“Sir, Magandang araw po. Sino po yung naglalaro doon sa dulo? Rinig dito sa counter yung sigaw” sabi ng isang lalaki kay Kuya Ben
Akala siguro ng kupal na to hindi ko sya naririnig.
“Ahhh, yung nasa PC 25? Regular customer ko yan dito. Bakit ?” Nakangiting sabi...


ni Kuya Ben
At aba teka, bakit parang pinag-uusapan ako ng dalawa. (Naiinis)
“Sige sir, Time in po ako, PC 24.” Nakangiting sabi nya kay Kuya Ben.
Aba!!! Andami-daming unit dito bakit sa tabi ko pa. Nakakainis talaga, first game pa lang ganito na agad ang laro ko.
DEFEATTT!!
“Kainis naman! Bakit ganito agad ang kakampi ko, hayyyyst!” Sabi ko habang nakatingin sa monitor na may namumulang Defeat
“Hi bro! First time kong makakita ng naglalaro ng League of Legends dito sa shop. Sabi noong may-ari regular ka daw dito? Bakit ngayon lang kita nakita?” Sabi sa akin ng lalaki na kausap kanina ni kuya Ben.
“Pwede ba huwag mo akong kausapin? I’m not talking to strangers!” Naiinis kong sabi sa lalaking bida bida na ito.
“Owwww! Bro, calm down! It’s just a game kaya natin bawiin yang defeat mo hahaha” (Tumawa) pang-iinsulto sa akin ng lalaking ito.
(Tumunog Ang Notification sa Messenger ko)
_________________________
Kuya Ben ( Messenger ) : Jay, anong pinagsasabi mo dyan haha. Isa yan sa mga magtotropa na naglalaro dito noong nakaraan na sinambit ko sayo kanina. Kalma haha.
Jay ( Messenger ) : 👍
Kuya Ben ( Messenger ) : Fighting! Nanonood ako. Haha.
Jay ( Messenger ) : 🔥😤😤
Tumingin ako sa counter at nakangiti si kuya Ben na parang nang-iinsulto. Medyo umusok ilong ko talaga sa inis eh.
Pero ang bait sa’kin ni Kuya Jay, Wala naman masama sa request nya sa’kin.
“Hey! Bro. Okay ka lang? Natulala ka bigla? Haha ” pang-iinis noong lalaki sa akin.
“Ahhhh ehhh, ha ha. Wala. Ano ba lalaruin mo bakit parang interesado ka sa LoL?” Nakangiting pilit kong sambit sakanya.
Tumingin ako kay Kuya Ben at nakita kong nakangiti sya at kumindat pa. Nakakapikon talaga
“Actually LoL gamer din ako. Winstreak nga ako eh (pagyayabang). Hindi kasi available tropa ko ngayon kaya ako nalang muna pumunta mag-isa dito sa shop” sabi nya sakin.
Naiinis ako kasi ang yabang pero nakatingin si kuya Ben eh.
“Wait, tingnan ko nga match History mo.” Sabi nya sa’kin
Lumapit sya sa akin, nakadikit ngayon ang kanyang dibdib sa likod ko, ang isang kamay ay nakahawak sa Keyboard at ang kabila naman ay nasa mouse. Lumaki bigla mata ko dahil sa gulat.
Papaalisin ko na sana kaso pagtingin ko sakanya naamoy ko bigla ang leeg nya. Grabe ang bango nya. Tiningnan ko ang mata nya na nakatingin sa Monitor ko.
“Ang bango mo.” Nakatulalang sambit ko sakanya
“Huh?” Nagtataka nyang sabi
Bigla akong nagising sa katotohanan.
“SHTTT! alis ka nga dyan! Bakit ba bigla-bigla ka na lang nakialam sa PC ko, kaibigan ba kita?” Gulat kong palusot sakanya
“Lose streak ka bro. Lose streak” lutang na sagot nya sa’kin. Hindi maipinta ang mukha dahil siguro sa nasabi ko.
“Oh! Ano naman kung lose streak?????” Nainis ako bigla.
“Ahhhh, Ahhhh hahaahahaha. Wala!wala ” bigla syang bumalik sya sa nakakainis nyang tono kanina.
“Nga pala I’m Quinn Jahn Clyde Ramos, LoL gamer din ako. Actually may mga tropa dapat akong kasama ngayon pero hindi sila available eh” pagpapakilala nya sa’kin
“Jay Montero, Support main lane.” Pagpapakilala ko rin sakanya
Nagopen na sya ng account nya sa PC 24.
Nag simula na kaming maglaro at nakakatuwa lang kasi jungle user sya.
Hindi ako mahihirapan sa pag kuha ngobjectives sa game.
Habang naglalaro kami tinitingan ko mga galaw nya. Ang galing nya kumuha ng mga objectives sa jungle at ang galing nya din magrotate sya mga lanes.
Kayn User sya. Assasin AD carry. Ang sakit, namamatay agad kalaban kapag dumalaw na sya.
_____________________
34 vs 10 (Victory)
14 vs 5 (Victory)
42 vs 21 (Victory)
11 vs 0 (Victory)
28 vs 22 (Victory)
________________________
“Paano ba yan bro? Buhat kita, winstreak ka na.” (Kumindat at kagat labi)
Sabi ni Quinn sa akin.
“HOYYYY!” Tinakpan nya ang bibig ko para hindi na ako makapagsalita.
“To be fair, ang galing mo mag support. Andaming beses mo ko nasave ahh.. kung hindi dahil sayo wala akong Pentakill ngayong araw” sabi nya sa akin.
“Ano na?? Find match na” naiiritang sabi ko kay Quiin.
“Mamaya naman na akong gabi magalalaro bro, may lakad pa ako ngayon eh. Nice game” nakangiting sabi nya sa akin habang papunta na syang counter upang magbayad.
“Nga pala, Clyde na lang tawag mo sa’kin” sabi nya
Habang palalabas na sya ng pinto.
“Jay na lang itawag mo sakin.” Sambit ko habang papalabas na sya.
Pero hindi na sya lumingon baka hindi nya na ako narinig.
After ko makita na lumabas na sya ng pinto. Tumingin ako bigla sa monitor ko.
Nakaramdam ako bigla ng pagkalungkot.
Pakiramdam ko mag-isa na naman ako.
Pero bakit? Sanay naman na ako sa ganitong feeling diba.
Pero atleast masaya ako ngayon. Ganito pala pakiramdam kapag may kalaro.
Tatawa at magsasalita ka talaga.
Hindi napanis laway ko ngayon. Ang ingay ng mga laro namin kanina eh.
Grabe ang galing nya maglaro. Ang cool at ang positive nya kahit may chance matalo.
Tapos ang labi nya, color pink. Tapos may kumikinang sa labi nya. Parang ang tamis tingnan.
(NABIGLA!)
“HALAAA! ANO TONG NAIISIP KO! binatukan ko ang ulo ko ng magising ako. Baka kasi nananaginip na ako ng gising eh haha.
Total 5 wins na ako ngayon araw. Pahinga naman na ako. Baka kasi malasin at matalo pa.
“Kuya Ben, Time out na po ako. Ito po ang bayad.” Medyo pasigaw kong sabi kay kuya Ben dahil sa abala ito magluto ng Pancit Canton with itlog na may Sinangag na kanin at fried siomai.
“Uyyyy Jay, ikaw pala yan. Ang galing ng mga laro nyo kanina. Kapag naging regular sila dito gagawin ko kayong Best of 5 sa gagawin kong Event dito sa Shop” sabi ni kuya Ben.
“Ay wow! Kuya Ben anong klaseng Event yan?” Nananabik kong sambit kay Kuya Ben.
“League of Legends Gaming Center’s Tournament Edition! Dito yan gaganapin sa shop na tin. P55,000 ang 1st Price ng mag Chachampion. Kaya nakikiusap ako na tulungan mo ko maging regular sila dito kasi ang requirement dapat legit na player sila dito sa shop.” Sabi ni kuya Ben sa akin.
“WOWWWWWWWWW! Sige kuya Ben. I’ll do my Best! Ito nga po pala ang bayad.” Sabi ko kay kuya Ben habang inaabot sakanya ang bayad.
“Huwag na, Libre ko na yan. Diba may usapan Free to play no pay. Basta magawa mo request ko” masayang sambit ni kuya Jay.
“Thank you kuya Ben! Save ko na to para sa schoolwork ko. Thank youuuuu! Masayang sabi ko kay kuya Ben habang papalabas ng Shop.
Pagbukas ko ng pinto tumunog ang Glass Door pero hindi ako nainis.
Naiinis kasi ako kapag tumutunog yan kasi it means marami pumapasok sa shop kaya nagiging maingay ang loob.
Pero ngayon masaya ako na lumabas. Di ko alam kung bakit.
Baka dahil sunod-sunod panalo ko.
O baka dahil may Kalaro na ako?
End for Chapter 1: Time In!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.