0

Bridge of love Chapter 3


Report

Bridge of love❤️
Chapter 3
After all nangibabaw sa puso ni Jane ang pagmamahal sakanyang anak.Kaya hiniling nito sa ama na kung maaari ay hintayin na lamang na isilang Niya ang kanyang ipinagbubuntis.Pumayag Naman ang ama nito pero may kapalit.
“Papayag ako,basta hiwalayan mo na ang lalaking iyon”
“Pero dad…”
“Stop it,Jane.Kung gusto mo pang makita ang batang nasa sinapupunan mo sundin mo kung ano ang gusto ko!”
Wala siyang magawa sa kagustuhan ng ama nito.Masakit na basta nalang Niya isusuko ang lalaking pinakamamahal.
End of flashback…
Habang naglalakad ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.Ang lamig,wala akong makita na pwedeng masilungan.Giniginaw na ako sobrang ginaw.Palinga linga at nagbabasakaling may makitang waiting shade na pwedeng masilungan,pero bigo ako.GRABI,ang lupit nang mundo sa akin.Napaluhod na lamang ako at niyakap ang sarili.Humagulhol...


gusto kung maubos na lahat ng luha ko.Bawat patak nang ulan bumabagsak sa balat ko ay siya ring pagpatak nang mga luha ko.Hindi ko na alintana ang lamig.Tumingala sa kalangitan at nagsimulang magsalita.
“Panginoon?Bakit po nangyayari sa’kin to?Papa god pagod na po ako hik’.Papa god kunin niyo na po ako.Mas mabuti na sigurong dyan nalang ako sa heaven kasama kayo.Siguro hindi ko na mararamdaman ang sakit,kalungkutan at pighati,Papa god.Handa na po ako bumalik diyan”bawat bigkas ko ay siya ring panghihina nang katawan ko.I can’t save my self from the course.I cried harder.I tried harder but still unworthy.Im hungry of love.Im tired of facing challenges.However umaasa ako na hindi pa ito ang wakas nang lahat pero kung talagang hanggang dito nalang maluwag ko iyong tatanggapin sa puso ko.Hindi pa rin tumitila ang pagbuhos ng malakas na ulan.Ganun din ang mga luha ko.Pakiramdam ko unti unti na akong tinatangay ng tubig papunta sa kawalan.Ayaw ko nang gumalaw o gumawa pa nang paraan para iligtas ang sarili ko.”Ayaw ko na,suko na ako”nasambit ko.
:😭🥺


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.