0

Bituin sa kalangitan CHAPTER 4


Report

Writer: Oblino Gabiana Yanyan
Genre:Love story
Pagkatapos ng away bati na nangyari sa Dalawang ginang kanina ay lumakad na ulit si Aling Ana papuntang bukid hanggang sa napahinto ito sa paglalakad at napaluhod ito bigla sabay. Tumingala sa langit at nanalangin ng nakapikit Ang mga Mata,
Dyos ko tulungan mo ako,bakit kailangan ko maghirap ng ganito?bakit,bakit,bakit naging ganito Ang kapalaran ko,naging mabait Naman ako sayo, naging mabuting may bahay ako sa aking pumanaw na asawa,naging mabuting Nanay ako para sa Anak kong si Diana.lahat. ginawa ko para sa kanila!lahat ng hirap at pagtitiis ko ginawa ko para sa kanila,Dyos ko nagmamakaawa ako sayo tulungan mo ako sa lahat ng paghihirap ko,
Naiiyak na tugon ni Aling Ana habang nagsasalita ito at nakatingala sa langit,iyak ito ng iyak habang naglalakad hanggang sa marating niya Ang kubo niya.nagpahinga siya sandali bago manguha ng mga gulay sa kanyang Hardin,habang nagpapahinga siya masakit na Alaala Ang dumaan sa kanyang isipan ng araw na Yun
Mahal kong Ana malapit na akong mawala sa mundong ito, Alagaan mong mabuti si Diana dahil sayo ko siya iiwanan, mayroon na akong malalang sakit ilang oras at araw na lang ang hihintayin ko bago ako mawalan ng buhay,mahalin mo si Diana katulad ng pagmamahal ko sayo.lahat ng ari arian na mayroon ako iiwan ko sa inyo, mayroon nakatagong malaking box sa ilalim ng Kama natin nandoon Ang mga impormasyun at importanteng papel at maraming pera sa loob ng box na iyon inipon ko iyon ng matagal na panahon na hindi mo nalalaman inipon ko iyon habang may lakas pa ako sa pagtatrabaho.pero ngayon mahina na ako ngayon ko lang ito sinabi sayo para surpresahin Kita Mahal ko
Usal ni Mang kanor Kay Aling Ana na hirap na hirap sa pagsasalita.
Mahal...


kong Kanor hindi ako mabubuhay ng Wala ka,paano na kami ng Anak mong si Diana Kung Wala ka hindi ka pa pwedeng mamatay, kailangan ka pa namin ng Anak mo,
Mahal kong Ana hirap na hirap na ako sa sitwasyun ko,
Mahal kong Kanor dalhin Kita sa doctor, Dadalhin Kita ngayon din sa doctor Kung kinakailangan Kong iconfine ka sa hospital gagawin ko gumaling ka Lang sa sakit mo;
Hindi na Mahal Kong Ana paalam Mahal Kong asawa,paalam anak Kong Diana Mahal na mahal ko kayo,
Naiiyak na Saad ni Mang kanor habang nagsisikip ang dibdib sa subrang ubo at lumalaban sa panghihina ng katawan niya pero sa isang iglap lang pagpikit nito hindi na ito humihinga at Wala na itong buhay
Hindi,Hindi,Hindi,Hindi,hindi ka pa pwedeng mamatay Mahal ko gumising ka dyan nagbibiro ka lang hindi pwedeng mangyari sayo ito Mahal Kong Kanor
Naiiyak na nagdadalupasay si Aling Ana habang nasa tabi Ang bangkay ng asawa niya sa kanya; nang mahimasmasan si Aling Ana sa pagkakaiyak agad na ipinaayos niya Ang burol ng asawa niya at dinala ito sa huling hantungan,habang nag iisip si Aling Ana ng mga mapait na nakaraan nagdaan sa buhay niya, napabalikwas siya ng pagkakaupo at tinungo ang maganda niyang hardin na punong puno ng mga ibat ibang klase ng sariwang gulay at pumitas siya nito ng mabilisan para maaga siyang makauwi ng bahay, pagkatapos niyang mamitas ng gulay ay nagligpit siya kaagad ng mga gamit niya pauwi sa bahay,napansin ni Aling Ana na bukas Ang pintuan, pagbukas ni Aling Ana sa kanilang pintuan at nakapasok na siya sa sala hindi nahagilap ng Mata Niya ang Anak niyang si Diana,pumunta siya sa kwarto nito at pagbukas Niya ng pintuan nagulatang si Aling An sa kanyang mga nakita..
ITUTULOY….


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.