0

BET WITH A RUTHLESS BUSINESS MAN Chapter 5


Report

BET WITH A RUTHLESS BUSINESS MAN
Chapter 5
Maga ang mga mata ay pinilit kong bumangon upang makapagsimba. I cried hard yesterday, maybe I’m overreacting but that’s what I really feel. Para lang akong palamuti na sunod sunuran sa kan’ya, pero gano’n naman talaga dapat ‘yun hindi ba? Fix marriage lang Ang kasal, natural walang mangyayari sa lahat ng pinapangarap Kong pagaasawa. Mapapakasalan ko nga Ang taong gusto ko pero hindi sa paraang nais ko. Nakakatawa dahil ibinigay na ng Diyos Ang kahilingan Kong mapakasalan si Kenrix ngunit humihingi pa ako ng labis.
Pagkababa ay naabutan ko si Kenrix sa Sofa, nakaupo at Tila ba ay may inaantay. Nang Makita Ako’y tinitigan n’ya ako, siguro ay nanantiya sa reaksyon ko. No need to be mad, I don’t have the rights.
Imbis na pansinin s’ya ay dumiretso na ako sa Hapag kainan upang maipaghanda Ang sarili ng breakfast, for today I’ll drink milk and eat toasted bread. Naupo na ako, kasabay noon ay ang pagpasok ni Rix sa kusina. Naupo din s’ya sa tapat ng upuan ko at may sinenyasan sa aking likuran.
Makalipas Ang ilang minuto, nakakatatlong kagat na ako ay tsaka lamang dumating Ang umagahan n’ya. Narinig ko pa Ang buntong hininga n’ya bago kumain ng kanyang pagkain.
Walang naglakas ng loob magsalita sa amin Hanggang sa matapos kaming kumain.
“We’ll leave later this afternoon, Will have our marriage in Los Angeles. May divorce roon, Ang gaganaping kasal rito ay peke.” Iyan Ang mga katagang lumabas sa kanyang big. Tumango ako pilit tinatanggap Ang lahat. Will be fooling everyone even our parents. Ipapakita naming totoong kinasal kami sa Pilipinas, walang divorce, pero Hanggang pagpapakitang tao lang iyon.
“I’ll ready my things, pagkauwi ko.” Namamaos kong Saad bago umakyat muli sa kwarto at iwanan s’ya roon. Inihanda ko na Ang sarili para sa pupuntahan. Nang makuntento ay lumabas na ako, Si Kenrix ay nakasuot ng isang white t-shirt, parehas kami. Mukhang pinagplanuhan upang magkapares ngunit hindi naman. Nagtaas s’ya ng kilay sa akin, habang ako naman ay nilampasan s’ya para makuha Ang susi ng sasakyan kina mommy.
Nang makarating sa Garden ay naabutan ko sila ni daddy na nagaagahan roon.
“Mom, Dad. Good morning, kukunin ko po sana ‘yung susi, I’ll go to the church. I’ll be back after lunch,” Ani ko. My mother frowned at me. Tila hindi naiintindihan kung ano Ang ginagawa ko.
“I’ve told you Kenrix will drive you right?” Wtf? Ang alam ko sa school lang! Pati ba naman sa mga weekends ko Kasama ko s’ya! I like him, okay?! Pero gusto ko din pagpahingahin Ang sarili ko sa mga problema at kabilang s’ya roon.
“I can drive. Ma,” pagpupumilit ko. Umiling s’ya sa akin at tinuro ang nasa bandang likuran ko.
“It will be safer if you’ll go with him, the media is still not over with what happened,” dagdag pa ni mama. We’ve lost billions, bankrupt kami. Tapos andito kami? Still living the life we always had? Bakit hindi pa kami naghihirap sa Ngayon kung gano’n nga? Niloloko ba ako ng mga magulang ko? Or is it because I’m with Kenrix and he’ll provide?
“Ma. I can drive,” I gritted my teeth, holding the thin string of patience that I have.
“I’ll go with you, I have nothing to do today,” aniya ng nasa aking likuran. I groaned in frustration! Iniligay ko Ang aking palad sa aking mga Mukha bilang pagpapakita na hindi ko gusto Ang nangyayari. Agaran ko rin iyong binaba at binalingan si Kenrix.
“I can do it in my own.” Pagmamatigas ko, umiling s’ya sa akin.
“You don’t know the danger ahead of you. It’s better if you’re with me,” aniya pilit akong inaaya. D*mn him! How can he show up today like nothing happened yesterday?! Like he didn’t make me cry! Like he didn’t hurt me! The guts of this man is irritating me!
“How can you act like this?! As if you care if I get into trouble huh?!” Nanggagalaitti kong Saad. Lumamyos Ang mga...


mata n’yang nakatingin sa akin, Tila may gusto pang sabihin ngunit hindi maari.
“Let’s just go.” Aniya at nauna ng lumabas ng bahay sa akin.
Busangot Ang mukha ko hanggang makarating kami sa harap ng simbahan. Agad din itong nawala ng sumalubong sa akin ang mga bata.
“Kumusta kayo?” Maligaya Kong bati, yumuko ako upang maglebel Ang aming mga tingin.
“Maayos po Ate Liene!”
“Okay na okay po!”
“Ayos po ate!”
Sabay sabay nilang sagot sa akin. Ngumiti akong muli. Pito silang lagi kong nakakasama rito tuwing nagpupunta ako. Galing Sila sa isang ampunan at Ang simbahan Ang kasalukuyan nilang tinitirhan. I love children and I can’t wait to have my own child.
“Tara na ate, sa loob!” Tawag sa akin ni Maria, iyong pinakamatanda sa kanila. Tumango ako at ngumiti, hawak nila Ang magkabilang kamay ko habang papasok kami ng simbahan. Muntik ko ng makalimutan na may Kasama Pala ako, kung hindi lang s’ya tumikhim ay hindi ko na s’ya maaalala pa!
“Kids…” Agaw ko sa atensyon ng mga bata, bumaling Sila sa akin at kumunot Ang mga nuo. Nasa edad apat hanggang pito Sila. Si Maria ay pitong taong gulang, Ang dalawa sa kanila ay anim na taong gulang si Miami at Martin, tatlo naman ang limang taong gulang, Sina Clare, Michael at Kyle. Ang pinakabata naman ay si Ayi na apat na taong gulang.
“Ate sino s’ya?” Tanong ni Martin sa akin, habang tinuturo si Kenrix. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila Ang pangalan ni Kenrix dahil tiyak makikilala nila ito kung sinabi Kong Rix! Alam nilang mahal na mahal ko Ang lalaking nag ngangalang Rix!
“Kids, This is Kuya K-KJ.” Nautal pa ako bandang huli dahil hindi ako sanay na tinatawag s’ya sa ganoon. Bumaling sa akin si Kenrix at nangunot ang nuo pero ibinaling ko na lang sa mga bata Ang aking buong atensyon.
“Kapatid mo ate?” Tanong ni Maria
“Kaibigan, Maria.” Sagot ko bago Sila inayang umupo na dahil magsisimula na ang Simba.
Nang matapos ay sinamahan nila ako Kay Father. Nakasanayan na kasi naming Gawin iyon. Nagmano ako sa kanila bilang pag galang at ipinagpaalam ko Ang mga batang kakain muna kami sa labas. Ngumiti sa akin ang pari, Tila sanay na sa linggo linggo kong ginagawa.
“Alam mo na Ang sagot ko riyan, Hija.” Ngumiti s’ya sa akin. Pumapayag sa nais ko.
“Salamat po father, mauuna na po kami.” Pagpapaalam ko bago nagpunta sa donation box, inuhulog ko roon Ang isang sobre, naglalaman iyon ng ilang libo upang makatulong sa mga nangangaylangan.
“Where are we going next?” Tanong ni Rix, binabalingan ang mga bata. Hindi s’ya makalapit sa akin dahil nakapalibot Ang mga ito sa akin.
“Restau.” Sagot ko na lamang.
Ako at si Ayi Ang nasa shotgun seat. Ang anim na bata naman ay nagkasya sa pangalawa at pangatlong hilera ng upuan. Ipinaalala Kong mag sit belt sila para sa kanilang kaligtasan.
Nang makitang okay na sila ay sinenyasan ko na si Kenrix na magmaneho, nang tinignan ko s’ya ay nakitaan ko pa ng ngiti Ang mga labi n’ya. Ano Ang iniisip n’ya sa mga panahong ito? Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at nililingon muli Ang mga bata kada isang minuto.
“Saan n’yo gustong kumain?” Pagbaling ni Kenrix sa mga bata. Dahil naninibago Ang ilan sa kanila ay walang nagsalita, tanging si Ayi lang na nasa tabi ko.
“Jobee po!” Nakangiting lintaya n’ya, nahawa tuloy ako.
“Then Jobee it is.” Nakangiti ring sagot ni Rix, ganito rin kaya s’ya kung sakaling magkaanak kami?
“Ate buti at may tatlong hilera na itong sasakyan! Dati dalawa lang kaya siksikan kami sa likod!” Ani Kyle. Ngumuso ako, dati Kasi Ang dinadala ko ay ang kotse, pero Ang gamit namin Ngayon ay ang sasakyang una naming sinakyan ni Kenrix. Kaya naman maraming mauupuan.
“Magpasalamat kayo Kay kuya R- KJ n’yo!” Kinabahan pa ako ng muntik ko ng maisatinig Ang Isa pang pangalan ni Rix!
To be continued~
___________________
Maraming salamat po sa pagbabasa 💙


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.