2

Barricaded Hearts


Report

Simula

Malamig sa pakiramdam ang puting buhangin. Dahan dahan akong naglalakad papalapit sa dalampasigan habang pinagmamasdan ko ang papalubog na araw. Ninanamnam ko din ang sariwang hangin na humahampas sa akin dahilan kung bakit lumilipad ang aking buhok at sumasayaw ang puti kong bistida. Hinawakan ko ang laylayan nito upang hindi ito tuluyang umangat. Nang makalapit na ako sa dalampasigan ay napatingin ako sa nanghahalinang kulay asul na dagat at ang mahinahong paghampas nito. Pumikit akong nakangiti ng maramdaman ko ang pagtama ng malamig na tubig sa paanan ko. Ito ang pakiramdam na araw araw kong binabalikan. Nasa isang paraiso ako kung saan ramdam ko ang pagiging tunay na malaya.

Dahan dahan kong itinaas ang dalawa kong kamay at isinayaw ko ang mga ito sa ere. Napapitlag ako at napamulat ng mga mata ng may maramdaman akong mga kamay na yumakap sa bewang ko. Lilingon na sana ako para tignan kung sino ito ng maamoy ko ang pamilyar na pabango kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Inabot ko ang mukha niya at marahan kong hinaplos ang pisngi niya. Tinagilid ko ang ulo ko at hinalikan ko ang panga niya.

“I miss you.” Bulong niya sa tenga ko. Humagikgik ako at masayang hinarap siya. Kagaya ko ay malawak din ang ngiti niya.

Ipinalupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya at ipinagdikit ko ang mga noo namin. Hinapit niya pa lalo ang bewang ko papalapit sa kanya para mas magkadikit ang mga katawan namin. Humagikgik akong muli at inilibot ko ang hintuturo ko sa mukha niya pababa sa leeg, sa balikat at sa braso niya.

“I miss you too. Saan ka nanggaling?” Mahinahon kong tanong sa kanya.

Hindi siya nagtangka na putulin ang nagliliyab naming mga tinginan at hindi rin mabura ang mga ngiting nakaukit sa aming mga labi. Muli kong pinadaan ang hintuturo ko sa mukha niya at itinigil ko iyon sa labi niya. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at mapusok na idinikit ko ang labi ko sa labi niya. Lalo akong napangiti ng suklian niya ang mga halik ko. Ipinailalim ko pa ang mga halik ko sa kanya at nagsimula ng maglakbay ng mga kamay niya sa katawan ko.

Halos hindi ko na marinig ang paghampas ng tubig sa paanan namin dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ibinaba ko ang kamay ko at pinakiramdaman ko ang dibdib niya at sa sobrang galak ay pumatak ang mga luha ko. Kagaya ng akin ay malakas ang tibok ng puso niya, mas malakas ang tibok ng puso niya.

“I love you, baby.” Banggit niya sa pagitan ng mga labi namin. Tumango tango ako at pinutol ko ang halik namin upang yakapin ko siya ng mahigpit at ibinalik naman niya iyon sa akin. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at inamoy amoy ko ang damit niya habang pinakikinggan ang pagtambol ng puso niya. Kagaya ng papalubog na araw sa dagat ay hinding hindi ako magsasawa sa kanya. Gagawin ko ang lahat para lamang araw araw na masilayan at maramdaman ang kalayaan sa piling niya.

“I love you too, Gregor.” I replied.

Natahimik kami sa ganoong pwesto hanggang sa marinig ko ang mahinang paghikbi niya. Dahan dahan akong bumitaw sa pagkakayakap at nginitian siya. Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa mga mata niya at muli siyang dinampian ng mababaw na halik.

“I’m sorry, Sincere.” Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinaghahalikan niya ang mga ito. Kumunot ang noo ko sa kanya lalo na at wala namang dahilan upang humingi siya ng tawad.

“What for?” Tanong ko.

Ang kaninang tahimik na lugar ay nag umpisa ng mabalot ng ingay mula sa mga sasakyan at mabibilis na mga yapak papalapit sa amin. Nang mapagtanto ko kung anong nangyayari ay napatakip ako ng bibig at mabilis na bumagsak ang mga luha ko.

Pinagmasdan ko ang paligid ko at napapaligiran na kami ng mga taong nakaunipormeng pang pulis at may mgaΒ  hawak na baril. Napalunok ako ng itutok nila sa amin ang mga ito at nagsimula ng magsalita ang isa sa kanila na halos hindi ko na maintindihan dahil sa...


unti unting pagkaintindi ko sa ginawa ni Gregor sa akin.

“Why?” Umiiyak kong tanong. Kumurap kurap ako dahil sa pagbabakasakaling namamalikmata lamang ako ngunit walang nagbago sa paligid ko.

Bumilis ang paghinga ko habang matalim ang mga titig ko sa kanya. Ito ang pinakahuling bagay na inaasahan ko mula sa kanya. Ang pagtaksilan niya ako at isuplong sa mga pulis. Umiling ako sa kanya dahil sa pagkadismaya. Sinubukan niya akong lapitan ngunit mapwersa ko siyang itinulak at tumakbo papalayo sa kanya. Hanggang sa sunod sunod na pagputok ng mga baril.

“Sincere!! Sincere!!” Mabilis akong napaupo habol habol ang hininga ko. Napahawak ako sa dibdib ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nag unahang pumatak ang mga luha ko dahil sa kaba at takot.

Gabi gabing sinisira ng panaginip ko ang tulog ko. Mabuti na lamang at nasa tabi ko si Gregor at nababantayan niya ang pagtulog ko. Kung sigurong wala siya ay baka hindi na ako nagising. Niyakap ako ni Gregor at ibinalik ko naman iyon. Hinaplos niya ang likuran ko at pilit akong pinapakalma.

“It’s okay, baby. It was just a nightmare.” Bulong niya sa akin. Tumango ako sa kanya at pinunasan ko ang mga luha ko.

“B-bakit.. bakit lagi na lang iyon ang panaginip ko?” Tanong ko sa kanya. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko dahil minsan ko ng naikwento ito sa kanya.

Hindi siya sumagot at mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin. Alam kong dahil sa panaginip ko ay naaapektuhan na ang relasyon namin. Alam kong unti unti ko itong nasisira dahil madalas ko na siyang pinagdududahan kahit wala naman akong ebidensya.

Nang tuluyan na akong kumalma ay inalalayan niya akong ihiga ng marahan sa kama at inilagay niya ang mga takas kong buhok sa likuran ng tenga ko. Nginitian niya ako na siyang dahilan para mas kumalma ako. Mataman kong tinitigan ang maiitim niyang mga mata at sinubukan ko na ulit matulog kahit na mayroon akong pangambang baka mangyari ang panaginip ko.

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Tinignan ko ang orasan sa dingding at mag aalas diyes na ng umaga. Wala na rin si Gregor sa tabi ko kaya bigla akong kinabahan. Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto.

“Gregor!” May takot na tawag ko sa pangalan niya. Mas kinabahan ako ng hindi ko siya mahagilap sa buong bahay kaya lumabas ako.

Nang makita ko siyang nakatayo sa dalampasigan ay mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Ilang hakbang na lamang ay malapit na ko sa kanya kaya mas binilisan ko ang pagtakbo ko. Pagkaabot na pagkaabot ko sa kanya ay mabilis ko siyang niyakap mula sa likuran at nagsimula na akong humagulgol.

“Don’t do that again!” Sigaw ko sa kanya. Hinawakan niya ang mga kamay kong nakapalupot sa kanya at bahagya siyang tumawa.

“Did I scare you again?” Mahinahon niyang tanong.

“Yes.. ayokong magising sa umaga na hindi ikaw ang una kong nakikita.”

Natahimik kami at gaya sa panaginip ay narinig ko ang kanyang mahinang paghikbi. Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ko ang luha sa pisngi niya. Napayuko ako ng marealize ko na ginagawa ko ulit ang nasa panaginip ko. Kumalabog ang dibdib ko at pinakiramdaman ko ang paligid ko. Nang may makita akong papalapit na sasakyang pang pulis ay bumitaw ako sa pagkakayakap at tumakbo papalayo sa kanya habang pinagmamasdan ang lugar kung may mga pulis ba sa paligid gaya ng sa panaginip ko.

“Sincere!” Tawag niya sa akin.

Hindi ko siya nilingon at tumakbo ako papasok sa bahay namin. Dumiretso ako sa kwarto namin at mabilis kong nilock ang pinto bago ako sumandal dito.

“Sincere! What happened to you?! Open the door!” Sigaw ni Gregor habang kinakalampag niya ang pintuan.

Dahan dahan akong umupo habang nakatakip ang mga kamay ko sa tenga ko. Hindi ko inaasahan na kagayang kagaya ng sa panaginip ko ang nararamdaman ko ngayon. Nanginginig ang katawan ko sa takot at hindi ako makapag isip ng maayos. Mas lalong lumakas ang hikbi ko sa ideya na pagbukas ko ng pintuang ito ay may mga nakaabang na pulis upang huliin ako.

“No! No! Gregor please! Huwag mo akong hayaang makulong. Ayokong makulong!” Sigaw ko na siyang dahilan ng mas malakas na pagkalampag ng pinto.

To be continued.


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.