4

Bakit nga ba may cheater?


Report

Itago nyo nalang ako sa pangalang akhie , isa akong ordinaryong babae na , sumubok magmahal at nasaktan sa pare- parehong dahilan .

Nung una ako sumubok magmahal nakilala ko sya nung nasa college ako , sobrang spoiled ko sa mga magulang ko lahat ng layaw ko nasusunod bunso kase , ang isang lage lang nila saken sinasabi magtapos ako ng pag aaral ko at wag muna mag boyfriend ayon na nga isang araw nakilala ko na ang taong hindi ko akalain na mamahalin ko. Kase sobrang yabang nya , ayaw ko talaga sakanya diko alam bakit nga ba naging kame ih . Hahahah pero syempre niligawan nya ko nung nag aaral ako . Ibang school sya . Nagkakilala kame nung hinatid ko yung tropa ko . At malapit lang pala ang bahay nila don sa hinatidan namen , lumapit sya saken non may inabot dinedma ko nga lang ih number pala nya at sabi nya i text ko daw sya .binigay ko yon sa tropa ko at sya ang nakipag text at nagpanggap na ako naging okay sila pero akala ni boy ako yon. Hanggang sa sinabi ng tropa ko na hindi ako ang ka text nya nadismaya sya . Hanggang sa hiningi nya yung number ko sa tropa ko dahil nga nakunsensya...


sya kaya binigay na nya at don na nga sya nag start . Sa text Hanggang naging okay kame nagkita at nanligaw na sya hanggang sa tumagal kame almost 1 year nagbabago na sya Parang ang cold na nya diko alam na may iba na pala , hanggang sa nahuli ko sya , nag away kame bakit sabi ko bakit nagawa moko lokohin. Wala naman sya sinasabi Hanggang sa nakipaghiwalay nalang ako ..

Aftet a years
Nakapag trabaho nako sa manila don ako nakipagsapalaran . Sabi ko ayoko na umibig kase lahat ayaw ko na masaktan at maloko . Masaya naman ako ng single pero ayon na nga sa di nanaman inaasahan na may nakilala nanaman ako at nagmahal at sumubok . Pero sa di inaasahan .ganon nanaman naloko nanaman ako may ibang babae nanaman . After a year’s again ng pag momove on ko eto nanaman ako sumubok nanaman mag mahal at masaktan sa pare parehong dahilan . Minsan naiisip ko hindi bako enough para mahalin ng totoo ? Hindi pa ba ko enough para seryosohin? Bakit ba may mga taong hindi marunong makuntento ? Hindi naman ako panget , mabait naman ako pero bakit pare- pareho akong niloloko sa parehong dahilan ? Bakit nga ba may mga cheaters ?


4 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.