4

Bakit di tayo Nagkakilala ng mas Maaga?


Report

Gusto ko lang ishare ang moments na ‘to ng buhay ko, nakakilig na ewan!

May live in partner na ko, we’re almost 8yrs na, wala kaming anak pero may anak ako sa Ex ko, isa at 12yrs old na ngayon. Nagsama kami mga 3yrs old palang anak ko kaya siya ang kilala na ama ng anak ko. Mahal niya kami at ginagawa naman niya lahat para mairaos ang buhay namin bawat araw.
Pero problema ko lang sa kanya kung lasing na lasing kasi nagwawala, maraming sinasabi kapag lasing kasama na ang mura sakin. Kapag nahimasmasan na saka magsosorry. Nasaktan na niya ko ng dalawang beses (pisikal na pananakit). Lagi ko naman siyang pinapatawad.

So, one time nawalan siya ng trabaho. Kaya wala kaming pangastos sa pang araw-araw kaya naisipan kung magtrabaho sa bar, yun lang paraan para magkapera at may ipangastos sa bawat araw. Pero yung magtatrabaho sa bar na yung inum lang kikita lang sa LADIES DRINK. Bawal sakin ang lumabas or itake out ng costumer, wala yun sa isip ko at mahirap magkasakit. Pinayagan naman ako ng live in partner ko, alam kung masakit sa kanya na magtatrabaho ako ng ganun alang-alang nalang para sa pagkain namin.

So, dun nga trabaho na ako, umalis ako ng bahay alas5 ng hapon then uuwi ako ng ala3-4 ng madaling araw. Pagdating ng bahay tulog agad dahil halos madami nainum mo para lang may commision ka may pera pag-uwi mo.
Dahil sa sistemang ganun ako lage umuwi, may times na nag-aaway kami pag-umuwi ako, andun na yung physical na bugbugin kana. Andun na yung pakiramdam na pagod kana sa kakaintindi, sabi ko “hiwalay na tayo” pero di niya gustong makipaghiwalay kahit anong mangyayari. Kaya OK pa rin kami, mahal ko naman siya di kami aabot ng 8yrs ng wala akong pagmamahal sa kanya. Pero patuloy pa rin ako sa trabaho hanggat wala pa siyang trabaho.

So, one time may costumer na dumating tatlo sila. Sila palang ang costumer. Ako nakaupo lang sa may bandang pinto, tumingin lang ako sa kanila then balik sa monitor sa tv mata ko. Nasa bandang side ko sila yung upuan nila nakaharap sakin. Then nag-order sila sa waiter. Mga after 30minutes tinawag ang waiter nagpakuha ng isang girl para itable, kala ko ako di pala… hahaha! Pina-upo katabi dun sa isang guy. Then after tinawag yung isang girl, ako tinawag. Then pinatabi sa isang guy.
(Hitsura ng katabi ko) mataas mga 5,9. May muscle, di maputi di naman maitim, yung buhok niya na kulot hanggang tenga, maganda din boses niya. Habang nag-iinuman kami lagi siyang nakatingin sakin, sabi ko “bakit? Sagot niya, “bakit ka andito? Di ka naman bagay dito”.. Inamin ko sa kanya totoo na ganun nga sitwasyon namin ngayon. Di ko itinangging may...


live-in partner na ko.
Picture picture kaming lahat. Having a peacefull inuman, usap-usap at tawanan.
Hanggat sinabi niya “lam mo di kita muna pinatawag kanina kasi para ikaw yung mapunta sakin di sa kaibigan ko”.
Natawa ako, “ang wise mo ha! Bakit napili mo ko? “Maganda ka kasi”, sagot niya. “Nambola pa to, wala akong piso, gasgas na sakin yan, maraming mambobola sa mundo lalo na sa lugar na to”, sagot ko.
Hanggang uuwi na sila. Hiningi # ko, binigay ko naman para kung pupunta sila magtetext sila sakin.
Parati na kaming nagkakatext, minsan dumadaan sa bar saglit, isang bote lang or minsan di umiinum dumadaan lang para makita ako.

Then nagyaya magdate, di ako pumasok sa bar,… inuman kaming dalawa one on one… siguro mga naka 4bottles ng malaking Beer kami, din uuwi na sana ako nagblack-out then umulan. Sa isip ko, Wow, kung kelan uuwi na ako dun pa umulan at nagblackout. Swerte naman ng mokong na ‘to. Makakasama pa ako ng ilang oras. Hanggat napigilan na ako ng ulan at blackout, kaya pumunta kami sa kanila, malapit lang bahay nila. Dun ako nagpalipad oras, sabi ko uuwi ako kapag wala ng ulan. Mga alas2 na ng madaling araw nun. Keylangan maka-uwi dapat alas4 nasa bahay nako… di napigilan ng mokong kaya may nangyari samin. Wala naman akong choice nasa loob ako ng bahay nila. Lam ko sa sarili ko din na gusto ko na siya.
Naka-uwi na ako alas5 na…

Habang tumatagal talagang gustong-gusto kona siya. Minsan lang kami magkita kasi lumipat ako ng bar na mas malapit pag-uwi pero nagkakatxt pa rin kami. Sabi niya punta nalang tayo ng ibang lugar dalhin mo anak mo. Sinasaktan ka naman ng live partner mo. Sagot ko, “di yan madali pagnakita ako siguradong mamapatay ako nun”… di ako nagpadalos dalos ng desisyon,…

Hanggat nagkatrabaho na live in partner ko, stop na rin ako sa pagtatrabaho. Text text nalang kami. Alam ko sa sarili ko na mahal kona siya, pero di ko naman pwedeng iwan yung partner ko. Ayokong kung makarma. Lumipas ang 2 taon, hanggang txtxt nalang relasyon namin pero nangungulila talaga akong makita siya. I miss his embrace, his kiss, his muscle, his face. Lam kong mahal niya ako. Lagi niyang sinasabi hihintayin niya ako. Pero talagang andun yung nagdadalawang isip ka.
Sabi ko masakit sakin relasyong ‘to. Tinitiis ko lang. Mahal kita pero ano gagagawin ko! Kung nakilala lang kita ng mas maaga. Until di na siya nagttxt, di na rin matawagan # niya, siguro naisip niya na di naman talaga magiging kami.
Kaya kahit masakit, kaylangan ko siyang pakawalan sa puso ko. Dahil nasasaktan ko na din siya.

This is my story ends….
Thanks sa pagbabasa, just want to share this moment of my life.


4 Comments

  1. tama lng yan nkailan mo n sya pakawlan at kalimotan muna yung nangyari sa inyo.para di kna mahirapan at masaktan pa…

  2. maganda decision mo at kalimutan mo na ang nangyari at wag mong hayaan ang sarili mo na magkasala pa,patawarin ka ng dios ganda ng kwento mo,na nakakalungkot,baka kung dun ka sa taong yun iwanan mo ka live in mo baka,dun ka maghihirap lalo at baka masatan kalang lalo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.