1

BABY SITTING THE MAFIA KID’S CHAPTER 14


Report

ASHARI JENESSE FERELL’S POV
Nasa isang magandang garden ako naka-upo kaharap ang isang lalaki dito sa garden table. May tsaa at pang mayaman na biscuit na nakahain sa harap naming parehas. Para akong aso na ngingiti ngiti sa harapan niya.
“How’s your sleep?” nakangiti din niyang tanong sa akin–ni Boy Tsaa bago humigop doon sa tasa niya. Hindi ko tinanggal ang ngiti ko sa labi pero kaunting kaunti nalang hindi na ako makakapagpigil.
“Kaylan niyo ako balak pauwiin?” .
Hindi ko sinagot yung tanong niya tungkol sa tulog ko dito sa lugar na’to kasi ayaw ko ng alalahanin ang mga nangyari kahapon! Linggo na oh, anong petsa na nandito pa din ako sa Earth version ng impyerno. ARGHHHH!! BAKIT BA KASI AKO TUMAKBO PAPUNTA SA GALI THE CHANAK NA’YON HA? PAHALIK HALIK PA AKO SA NOO NIYA. TAPOS ANO PA SABI KO?
‘Oo, dito lang ako ok? Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan’
EWWWWW!!! YUCK!!!! ANONG MASAMANG HANGIN ANG PUMASOK SA UTAK KO NG MGA PANAHON NA’YON? ARGH!
Kalma ka Ashari ok, ganito kasi ‘yan…simple lang ang sagot diyan.
Nadala ka kasi sa mga pangyayari kaya dapat mag function ang mga braincells mo at mag isip ng pinaka safe na paraan para iligtas ang buhay mo. Hello, kamuntik na kaya ikaw mamatay kahapon sa kamay ni Boy Isprikiton. Ikaw man tutukan ng baril sa ulo at sabihan ng ‘Bid your death wish’ ay nako, ewan ko nalang kung hindi ka maging desperada! Syempre kaylangan mong magbabait-baitan at kung todo acting na may care kay Gali the Chanak para maawa sa iyo ang mga tao na nanonood– lalong lalo na ang second hand man ni satanas na si Easton– para makalabas ka ng buhay at walang galos.
Huwag kang mag-alala kasi ginamit mo lang talagang alibi si Gali the Chanak para makatakas ka sa sitwasyon mo Ashari ok? Masamang tao ka pa din, normal ka pa kaya huwag kang mag-alala. Ginawa mo lang ang kahihiyan na ‘yon kahapon para maligtas ang buhay mo! OO, ganon na nga ‘yon! Ganon lang talaga ‘yon! MASAMA KA PA DIN AT WALANG MAKAKAPAG PABAGO SA’YO KAHIT MAGUNAW MAN ANG MUNDONG IBABAW! KUNG MASAMA SI EASTON, HUH, MAS MASAMA KA ASHARI! Hindi ka magpapatalo!
“If Gali’s fever is gone, you can go home as soon as possible.” kumuha siya ng biscuit at isinubo iyon. Ito na ba umagahan namin? Ano sila dito, diet huh? Hanep, hindi ako mabubusog diyan! Isa pa, hindi naman ako umiinom ng Tsaa noh.
Ngumiti nalang ulit ako sa kaniya ng matamis at nagkunwaring nasisiyahan sa biscuit na nasa isang magandang plato. Kumuha ako nito at sinubo. Infairness, lasang pang mayaman! Hindi tinipid sa asukal “‘Yung 500 Million ko, ibibigay pa din ba ni Easton?” beautiful eyes kong tanong kay Dyther. Yepiduuu si Dyther ang kausap ko. ‘Yung lalaking nagligtas sa akin nung sinasakal ako ni Boy Isprikiton.
Sa lahat ng tao dito, siya lang ang pinaka mabait. Gwapo pa at smiling face. Hindi katulad ni Isprikiton na parang laging nakakain ng ampalaya sa sobrang sama ng mukha!
Oo, miski kahapon nung nagpakita ako ng pekeng kagandahang loob kay Gali the Chanak. Pagkasampa ko sa bed ni Gali the Chanak, agad niya akong sinundan tapos hinila saka pinalabas. Tandang tanda ko pa kung paano ako pinagtabuyan ng bwisit na Isprikiton na’yon. Ang sabi niya kahapon…
“DO NOT TOUCH MY SON! DYTHER, GET HER OUT OF MY SIGHT! HUWAG NA HUWAG MO SIYANG PAPAPASUKIN DITO SA KWARTO NG ANAK KO!” sigaw niya, pinahiya nanaman ako sa madaming tao.
Edi huwag niya diba. Kaniyang kaniya na anak niya, lamunin pa niya! Bwisit na bwisit talaga ako kahapon. Gusto ko na ngang umuwi pero sabi ni Dyther hindi pa daw pwede kasi under investigation pa daw ako. Mag stay nalang muna daw ako dito. Kaya ayon, pinatulog nila ako dito.
Mabuti nalang talaga ang sobraaaannggg bait nitong si Dyther!
“He’ll give it to you. Don’t worry.” sagot niya sa tanong ko at ngumiti nanaman siya sa akin. Ackkk! Ang gwapo gwapo talaga niya. Hays, kung sana ganyan lang itsura ni Tony Perez– yung ex kong gangster wanabee- edi baka nagkakandarapa pa ako sa paghabol para lang magkabalikan kami noh. Kahit lokohin pa niya ako ng one hundred times ok na ok lang! E kaso hindi e, mukhang ebak kasi si Tony.
Pero syempre mas lalong gumwapo si Dyther nung sinabi niya na maibibigay sa akin ang 500 Million. Feeling ko siya na ang pinakagwapong nilalang sa paningin ko. Hays, 500 Million…hindi ako aalis dito hanggat hindi kita nakukuha.
*Tinininining tininining
Speaking of 500 Million…tumatawag ang magaling kong Ama!
“Wait lang ha, tatay ko tumatawag hehe.” pag-excuse ko kay Dyther. Ngumiti naman siya sa akin at tumango bago uminom sa tsaa.
Tumayo naman ako at naglakad ng kaunti palayo sa table. Medyo nagawi ako sa dulo ng garden.
“Oh bakit ka tumawag?” bungad ko sa tatay ko.
“Napaka galing talaga ng anak ko, ‘Yan ang ibubungad mo sa akin ha? Hindi mo man lang ba ako namiss? Hindi mo man lang ba tatanungin kung nasaan ako at kung anong oras ako uuwi? Bakit ba ganyan kang bata ka ha? Wala ka talagang galang, hindi kita pinalaking ganyan!”
Nyenyenye! Neknek mo, pinalaki mo ulo mo e palagi ka ngang wala sa bahay duhh! As if naman na pinalaki talaga niya ako noh, iniiwan nga lang niya ako kay Aling Marites nung bata ako e. Kapag talaga nakuha ko 500 Million ko, iiwanan ko lang siya ng mga 10 million sa bahay tapos hindi na ako magpaparamdam sa kaniya kahit kaylan. Pasalamat na siya at iiwanan ko pa siya ng 10 Million. Pakunswelo na din sa sperm niya na ipinutok niya sa kaloob looban ng nanay kong nasa heaven at bumuo sa akin. Hmpf, magkalimutan na kaming mag-ama!
“Matutuloy ka bang umuwi ngayon?” tanong ko nalang sa lahat ng tanong niya sa akin.
Hindi niya kaagad ako sinagot, narinig ko na may kausap siya doon sa kabilang linya. Hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila kasi choppy choppy na. “Kaya nga tumawag ako sa’yo kasi sasabihin ko na hindi ako matutuloy umuwi. Na-extend ng two weeks ang byahe ko. Papadalhan nalang kita sa pera padala kay Marites. Kuhanin mo nalang sa kaniya. Apat na libo ‘yon, pagkasyahin mo ng two weeks ha! Wala na akong maibibigay sa’yo, sagad na’yan.”
Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Hindi ako sumagot.
“Hoy Ashari, nandiyan ka pa ba? Magsalita ka!”
“Bastos talaga ‘tong batang ‘to. Napipe ka ba o sadyang binge ka na?”
“Bahala ka na kung ayaw mong magsalita! Sige na, ba-byahe na ako! Kayang kaya mo na sarili mo.”
Hindi ako umiimik, ibinaba na niya ang tawag. “Iyong iyo na apat na libo mo!” bwisit kong bulong sa cellphone. “Walang kwentang Tatay bwiseeeet!!!!!” argghhhhh! 5 Million! 5 million nalang ang iiwan ko sa kaniya hindi na 10 Million! Tutal wala naman siyang kwentang tatay! NAKAKA-INISSSSS!
Sa sobrang inis ko, nagpapadyak na bumalik ako sa table. Nakalimutan ko ng nagpapanggap nga pala ako na mabait at caring akong tao kaya naman nung makita kong parang naguguluhan ang mukha ni Dyther na nakatingin sa akin, agad akong ngumiti ng napaka tamis.
“Hehe, ubos mo na pala tsaa mo.” segwey ko nalang sa kaniya.
Tumingin siya sa tasa niya at ibinalik ang tingin sa akin. “Yup, ubusin mo na din ‘yung sa’yo. I’ll tour you around in the most beautiful place here in Marchese’s para hindi ka mabagot dito.”
Most beautiful place dito? Aww, diba sobrang thoughtful and caring ng koya Dyther mo! Huwag siyang ganyan ples leng kese beke me-fell eke.
Ang ganda ganda na nga...


ng paligid dito, yayamanin na yayamanin. Paano nalang yung ganda ng lugar na ‘most beautiful’ diba? Baka sa langit niya ako dadalhin ugh!
Kinuha ko agad yung tasa at nilagok ng mabilis ‘yung tsaa. Wapakels kahit hindi talaga ako nag t-tsaa at kahit mainit pa ‘yon, basta si fafa Dyther, kebs na kebs ang init at panget na lasa hahahaha! Atat na akong makasama siyaaaa ahhh!
“Lika na?” aya ko sa kaniya, yung nagmamadaling pag-aaya hahahaha. NAKKKKSSS! Bakit kasi feeling ko date ‘tong mangyayari sa amin. Imagine kasi diba, i-t-tour daw niya ako sa paligid. Edi syempre kaming dalawa lang. E ang ganda ganda dito sa lugar. Mayamang mayaman ang peg! Feeling ko tuloy si Cinderella ako na nakatagpo ng prince charming ko! MWAHAHAHAHAHAHA!
“WELCOME, TO THE MOST BEAUTIFUL PLACE HERE IN MACHESE’S, ASHARI JENESSE.”
Nayakap ko ang katawan ko habang pinakikiramdaman ang buong paligid.
Pumasok kami sa isang napakalaking glass na green house. Akala ko planturium ang pupuntahan namin o kaya bird sanctuary kasi diba, sobrang ganda sa ganong lugar pero bakit nakakarinig ako ng iba’t ibang sound na mula sa mga mababangis na hayop? OO LEGIT, PAKIRAMDAM KO NASA ISANG MALAKING ZOO AKO!!!!
Kung zoo man ‘to, nakakulong naman siguro ‘yung mga hayop nila noh?
“D-Dyther, nasaan tayo?” kinakabahan kong tanong sa kaniya habang inililibot ang buong tingin sa mapuno, mahamog at malamig na paligid.
“Oh, nakalimutan kong sabihin. We’re here at Marchese’s Zoo. In here we keep our most lovely and valued pets.”
Anong sabi niya?
Zoo?
Zoo na may mga nakakawalang hayop?
Dahan dahan akong lumingon kay Dyther…
Nakatayo siya sa harapan ko, nakangiti at parang winewelcome talaga ako sa lugar na’to.
Bakit parang biglang nag-iba ang tingin ko sa mga ngiti niya? Bakit kanina feeling ko ang gwapo gwapo niya kapag nakangiti, bakit ngayon feeling ko ihaharap niya ako kay kamatayan sa ngiti niyang ‘yan.
Kasalukuyan akong nakayakap sa katawan ko at nanlalamig dahil sa mga naririnig ko ng biglang may mabilis na mabilis na dumaan na dalawang naghahabulan na hayop sa harapan ko.
Isang usa na hinahabol ng malaking leon.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng dumaan ito sa gitna namin ni Dyther.
Bumagsak ang panga ko sa nakita ko. Teka lang wait lang ha, hindi ako makapag isip ng tama e. Nananaginip ba ako? Hindi pa ba ako nakakabangon sa higaan ko? TOTOO BA ‘TONG MGA NAKIKITA KOOOOOOOOOOOOOO?
“Kris, just be gentle to Phenelope.” sigaw ni Dyther doon sa leon at sa usa na lumampas sa amin. Muling tumingin si Dyther sa akin…
Noong nagtama palang ang mata namin, alam ko na…
Alam ko na talaga…
ALAM KO NA NA DAPAT NA TALAGA AKONG TUMAKBO PAALIS DITOOOOOO!
“He-he-he, b-balik na ako sa labas.” na-u-utal kong sabi kay Dyther.
Hahakbang palang sana ako pabalik doon sa entrance ng biglang may mabilis na presensiya ang pumunta sa likudan ko. Na-estatwa ako ng maramdaman ang hininga nito sa likod ko.
Nakatingin lang ako kay Dyther. Ngumiti nanaman siya sa akin. WALANG HIYAAAA! Yang ngiti na’yan, ayaw ko ng makita yan kahit kaylan!
“Ashari, say hi to Madona, she’s the queen here.” ani niya sa akin bago tumingin sa likudan ko.
Ayaw ko talaga sanang lumingon pero pakiramdam ko dapat kong makita kung ano man yung nasa likudan ko bago ako mamatay sa takot at kaba…
Dahan dahan akong lumingon at nakita ko ang descendant ni King Kong!
Susginoong mahabagin, UUWI NA PO TALAGA AKO KAHIT WALA NG 500 MILLION!!!!

Para akong nilantang gulay ng matapos akong ilibot ni Dyther sa sinasabi niyang ‘MOST BEAUTUFUL PLACE’.
Binabawi ko na ‘yung sinabi ko kanina.
Hindi ako ma-f-fall sa kaniya at hindi na din siya gwapo sa paningin ko dahil isa din siyang masamang damo na kagaya ni Easton.
Anong karapatan niyang ilibot ako sa zoo ng mga Marchese? OO! MAY MALAKING GREEN HOUSE SILA DITO NA PUNONG PUNO NG MGA HALIMAW NA HAYOP! MOST BEAUTIFUL? MAGANDA BA SA KANIYA YUNG MALAKING URANGGUTAN NA KULANG NALANG LAMUGIN AKO? SI MADONA THE URANGGUTAN. INGGITERANG UNGGOY! GALIT NA GALIT SA AKIN SA AKIN YUNG BWAKANG UNGGOY NA’YON. MONTIK NA AKONG MAGING TOMATO JUICE!
Lahat ng nakakadiring nilalang nandoon. Ahas, tarantula, scorpion, centipede, buwaya, leon na nanglalapa ng usa, may tigre pa atsaka asong lobo at kung ano anong pang hayop na pagala gala lang don. Lalapain na ako’t lahat lahat itong kasama ko parang tuwang tuwa pa sa mga hayop niya.
“I bet you enjoyed. Baby namin ni Easton ‘yung mga cute na animals na nasa loob.”
Hindi ako nakasagot. BABY?
WOW! SO BABY NILA YUNG HIPPUPOTAMUS NA NANLALAMON KANINA? Ano na nga tawag niya doon? Missy? Pangalan ng hippo MISSY!
E ‘YUNG OSTRICH NA NANUNUWAG? OO, FEELING BAKA YUNG OSTRICH DIYAN SA ZOO NILA KAYA NANUNUWAG. FEELING MAY SUNGAY. E YUNG ALAMID NA FEELING TIGRE HUH? TAPOS ISAMA MO PA ‘YUNG ZEBRA NA KINULANG SA ARUGA AT PAGMAMAHAL KASI BET YUNG KABAYO!
Sabi ko kanina para akong si Cinderella na nakahanap ng Prince Charming diba? Ha, kabaligtaran lahat! Siya ang step mother dito at ako si Cinderella na inabutan ng alas dose ng gabi kaya daig ko pa nanlulupaypay sa stress doon sa loob ng green house zoo.
Hanep na’yan, akala ko matutuluyan na ako kanina don. Akala ko lalapain ako ng mga hayop. Akala ko hindi na ako makakalabas ng buhay!
Walanjo, hanggat nandito ako sa impyernong ‘to, naka lagay ang isang paa ko sa hukay!
“You’re speechless huh? Mukhang nag-enjoy ka talaga. I told you, the zoo here is the most beautiful place in Marchese’s compound.”
Huwag ka ng magsalita Dyther, pinag-iinit mo lang ulo ko! Magsama kayo ng mga hayop mong alaga! Walang ka-enjoy enjoy don at higit sa lahat, WORST PLACE YUNG PINAGLIBUTAN MO SA AKIN!
Akala ko pa naman sa langit mo ako dadalhin, mapapasumalangit nawa pala ako!
“Pwede bang bumalik na ako sa kwarto ko hehe.” ngumiti nalang ako ng pilit. Nandito pa kami sa labas ng green house, sa entrance to be exact kaya dinig na dinig ko pa din dito ang ingay ng mga hayop ni Dyther at Isprikiton.
“Hindi pa pwede, hindi pa tayo nag-b-breakfast.” sabi niya sa usual na mabait na tono. Sa likod ng mabait na boses na’yan ay isang masamang budhi ang nagpapanggap. Akala ko ako na ang pinaka magaling sa pagtatago ng kasamaan dito, mas magaling pala tong isang to!
Sino ba siya at kaano ano ba siya ni Easton? Minsan tinatawag niya itong Sir, minsan naman Easton lang.
“He-hehe.” sa lahat ng nangyari sa akin diyan sa loob ng ‘WORST PLACE’, wala na akong ganang kumain. “Parang busog na ako sa tsaa at biscuit kanina he-he-he.” isa pa, ayaw ko ng makasama ‘tong Dyther na’to.
Ngumuso siya at parang nag iisip. Please lang ha, please lang umayos ka na sa mga iniisip mo Dyther! “Easton told me that you are under my care hanggat hands on siya sa pag-aalaga kay Gali. Hindi kita pwedeng hayaan na hindi magbreakfast.” Wow ha, huwag nga siyang feeling may care kasi sa lahat ng nangyari kanina, wala na akong tiwala sa kahit anong sasabihin niya.
“Busog nga ako.” giit ko sa kaniya.
“I know someone’s cook na light and appetizing sa tiyan. Sigurado ako na magugustuhan mo luto niya.” neknek mo, pusta ko lasang inidoro ihahain sa akin noh?
Inayos ko nalang ang sarili ko at tumikhim. Hindi na ako magpapa-uto sa mga ngiti ng isang ‘to. “Ok, dalhin mo ako sa sinasabi mong cook na masarap magluto.” oras na lasang inidoro luto non, isasaboy ko talaga sa mukha niya kahit anong pagkain pa’yon. Lintik lang walang ganti!!!
Writen’s By VictoriaGe


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.