0

ARE YOU MY HOPE OR DISASTER? ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ : 1


Report

𝗥𝗵𝗲𝗮’𝘀 𝗣𝗢𝗩
Kring
Kring
Kring
“Ano ba?! Natutulog ang tao eh! Kainis naman oh, kakapikit ko pa nga lang, kailangan gumising na agad!” singhal ko sa sarili ko kahit wala naman makakarinig.
I turn off the alarm clock. 5:00 in the morning. Dali dali kong kinuha ang tuwalya kong nakasabit sa kung saan. And as usual, deretso sa baniyo.
Puyat man dahil sa kaka overtime araw-araw pero kailangan kong mag banat ng buto. Dali dali akong naligo. Buhos dito buhos doon. Sabon, kuskos banlaw tapos patuyo na kaagad.
And yes! Nagmadali akong maglotion at cream sa mukha sabay pulbos. Di ko kasi maafford ang mga make-up. May binubuhay pa ako.
Nagluto na ako ng agahan ko. Prito ng scramble egg tas suksok kaagad sa bread. Timpla ng kapeng barako at ayun, pwede na.
Dali dali akong lumamon saka nagtatatakbo sa labas. Faded na maong ang sout ko tapos, white t-shirt. Wala eh, factory workers tayo. Gusto kong maaga makapasok para hindi magka-bad record. Kung sakali man na may tatanggalin, at least hindi ako yun.
“P*ta! Yung mask ko nakalimutan ko!” napatakbo ako pabalik sa inupahan kong bed space.
Pagkarating ko ay agad kong in-unlock ang pinto saka nagmadaling kunin ang mask na ilang beses ko ng nagamit. Wala tayong magagawa, mahirap tayo. Walang pambiling bago.
Patakbo akong pumunta sa labas saka nagmadaling maglakad papunta sa lugar kung saan ako nag wowork as a factory worker. Pagpapackage lang naman ng libo libong sweet mango ang work ko doon.
Mas mabuting lakarin nalang kesa sumakay sa sasakyan. Kailangan magtipid. After 5 mins. ng lakad takbo, ay nakarating na rin ako sa wakas.
“Good morning Mang Agustin,” ngiti at bati ko sa aming bodyguard.
“Good morning din Rhea, abang batang ‘to at di na napapatid sa pagiging early birds,” pagbati at pagbibiro pa sa akin ni Mang Agustin.
Makwela ito at maayos magpatrol dito sa factory na aking pinapasukan kung kayat halos mag iisang siglo na siya dito. HA! HA!
Pagkapasok ko pa lang ay sina Aling Melly at Nanay Corazon ang tao sa loob. Sila ang mga devoted factory workers dito kaya kahit nakakapagod ay nanatili sila rito. Sempre, alam kasi nila sa sarili nila na wala nang tatanggap sakanila. Kaya sila nagtagal rito ay dahil sa loyalty nila at maayos na pagtatrabaho.
“Hi Aling Melly at Nanay Corazon! Good morning good morning good morning!” magiliw kong bati.
“Hay naku, ki aga aga ng pambubulabog mo anak e di pa, mas maaga ka pa sa mga ibon na nanghuhuli ng mga bulati,” biro ni Aleng Melly.
“Syanga anak HA! HA!” natatawa naman sang ayon ni Nay Corazon.
“Aba ganun tayo dapat sa buhay. Laging positibo, huwag lang sa Covid,” sagot ko sa kanila na ikinatawa naman nila.
Nag-attendance na ako sa biometric at the same time ay nag log-in na rin ako sa log book. Pagkatapos ay naghanda na kami. Unti-unti ring dumarating ang mga kasamahan ko.
” Good morning! ” malakas kong bati sa bawat kasamahan kong dumarating. Hanggang si Messy na ang nakapasok.
“Goo—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil si Messy ang nabungaran ko. Nakasimangot ito.
“Ano ka ba dito? Intertainer? Kiaga aga, nambubulabog ka,” inis nitong sagot sa akin. Pero sempre, hindi ako patatalo.
” Aba aba aba, aga aga, sinasaniban ka na naman best.”
“Manahimik ka Rhea.”
“Ano ba nangyari?” Hinawakan ko s’ya sa braso nang masaktan siya.
“Awts!”
Nakita ko bahagya ang pasa niya sa braso na natatabingan ng manggas ng shirt niya.
“Hey! Bat di mo na isumbong ang asawa mo? Sobra na iyang ginagawa niya,” pag-aalala kong sabi na may kaakibat na inis dahil hinahayaan nalang nito ang asawa sa pananakit nito sa kaniya. Hindi na bago sa akin ito kaso palala ng palala ang ginagawa niya rito.
” Hindi pwede. Walang mag-aalaga sa mga anak ko, ” sagot nito.
Napasimangot ako. Apat kasi ang anak niya. Siya lang ang nagtatrabaho. Samantalang ang asawa niyang si Rec ay sa bahay lang. Tumitingin sa mga bata. Plamunin. Hindi nga niya inaalagaan ang mga anak nito dahil pagdating ni Messy isang araw na sumama ako sa kaniya ay, hindi naayos ang magulong bahay tas ang dugyot pa ng mga anak.
Nasa sugalan pa ang asawa ng maratnan namin ang...


maiit nilang bahay.
Di ko naman siya masisisi kasi sino ba naman mapag iiwanan niya sa mga anak niya gayung, ulila na siyang lubos noon pa man. Walang kamag anak.
Hindi ko naman siya matulungan dahil kumakayod din ako sa pag-aaral ko at pagsustento sa mga kapatid ko.
Napa buntong hininga na lang ako.
“Basta Messy, kung may maitutulong ako, tutulungan kita,” paghawak ko sa likod niya na tila kino comfort ko siya.
Tumingin siya sa akin na malapit ng lumuha.
“Ano ka ba naman, mamaya na tayo mag-iyakan,” biro ko pa. Ayokong makakita ng umiiyak dahil naiiyak din ako.
Bigla niya akong niyakap.
“Salamat Bess.”
Gumanti na rin ako ng yakap.
Nagsimula na kaming magtrabaho. Hili hilira na kami sa mga puwesto namin upang magpackage ng pinatuyongangga na may halong sweetness sa mga lalagyan nito.
“DIVINAS SWEET MANGO,” sambit ko. Iyon kasi ang pangalan ng produkto.
Matuling tumakbo ang oras. Nakakangawit man subalit keri lang. Wala tayong choice kaya bawal mag inarte. Pero bago kami mag lunch ay tinawag kami ng manager.
“Hoy Bess, may announcement daw si Boss. Naku baka mamaya magtanggal sila ng tauhan dito,” pag aalala ni Messy . Kabado ito dahil lagi nga’y masyado siyang late lage gawa nga ng mga anak niya. Nag aaskiso ng bahay.
Nag-alala rin ako tungkol sa kung anong e aannounce ng manager. Nang matipon kami ay bulong bulungan pa.
” Quiet! “sita niya sa amin. Napaka taray talaga ng beking manager na ‘to.
” May iaanunsiyo ako sa inyo. Simula ngayon, ay hindi na si Ma’am Divina ang mag mamanage ng business na’ to or sabihin nalang natin na, hahawak. Kung di ang anak niyang si Alex Madrigal. Lets give him around of applause,” ngiti nitong anunsyo.
Pagkatapos ay lumabas sa isang pintuan ang isang….
” OMG! ANng guwapo niya! ” dinig ko pa ang mga babaeng kilig na kilig sa likod ko.
Pero totoo nga naman. Ang guwapo niya. Parang si…. Sino nga ba yung artista na namatay? Ah oo, katulad na katulad siya ni Rico Yan.
Ang tangkad pa niya. Napaka amo ng mukha tapos kung ngumiti, napaka killer smile.
Hindi ko namamalayan na nakatulala na pala ako.
“Miss?” tawag sa akin ng isang masculine voice.
“Ah?” mahinahon ko pang sagot na nakatulala pa rin habang nagpapantasya na magkahawak kami ni Sir Alex.
“Miss?” tawag niya ulit sa akin.
“Ah?”
Nang biglang may bumatok sa akin.
“Hoy! Kanina ka pa tinatawag ni Sir g*ga!” pabulong na may halong gigil na sabi sa akin ni Messy.
Napa tawa naman ang iba sabay kamot ko sa batok ko. Inirapan naman ako ng baklang manager namin.
Nang magtama ang mata namin ni Sir ay bigla akong nag ayos ng tayo. Ang ganda ng mga mata niya ng malapitan. Yung maninipis niyang labi, sarapppp…
“Miss, ikaw daw ang nakaka alam ng pasikot sikot dito at nag lilist.. In other words, nagnoorganisa sa mga kasamahan mo,” sabi niya sa akin.
Grabe pati bunganga niya ang bango. Tumikhim ako bago nagsalita.
“Yes Si-sir,” nauutal kong sabi. Haysss self, umayos ka! Maikli lang naman ang sasabihin mo nauutal ka pa.
“Okay, I’ll meet you at my office after lunch,” saad niya saka ako nilagpasan.
Sumambulat sa aking ilong ang mamahalin niyang perfume. Ang bango talaga niya.
“The meeting is adjourn, ” sabi ng beki naming manager na inirapan ako ulit.
Sus, inggit lang yun. HA! HA!
“Uyyy gaga, kunti nalang, lalaylay na ang laway mo sa kaka imagine. Nakakahiya ka,” pang-uuyam sa akin ni Messy.
“Talaga ba?” sagot ko na bigla kong ikinahiya.
“HA! HA! Naku Rhea, baka siya na ang forever mo. Maganda ka naman,” sabad ni Aleng Melly.
“uyyyyy….” kantiyaw zakin ng mga kasamahan pa namin
“Infairness ang guwapo ni Sir. Sana araw-araw siya rito,” sabi ni Mae. Dalaga rin ito pero simple. Taga probinsiya siya.
Magaling ako makisama kaya halos lahat sila ka – close ko. Nagsibulasan na kami dahil kailangan na namin kumain. Marami pang nakatamabak na trabaho kaya kailangan girl scout ka when it comes to work. Ganyan ang mindset ko.
Mamaya na pala pupunta ako kay Sir. Kakain ako ng marami, baka kasi maihi ako pagkaharap ko na siya mag-isa. Napalunok ako ng laway sa isiping iyon.
Pantasya pa more girl….
________________________
Abangan….


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.