0

ANNIVERSARY GIFT


Report

ANNIVERSARY GIFT
“Aalis ka na naman?” tanong ng nobya ko sa mahinang tono sapat lang upang marinig ko.
Kinuha ko ang susi ng kotse na nakapatong sa side table niya bago ito lingonin, “May lakad lang kasama si Greg.”
Tumango lamang ito matapos dampian ko ng halik ang kaniyang noo.
I’m tired lying and pretending that I love her, but it’s the only way to make her feel loved.
Araw-araw na gano’ng scenario ang nangyayari. Paulit-ulit lang magmula sa paggising hanggang sa pagtulog. The relationship I have with her is so damn boring.
“Two years.”
Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Kale. Tumingala ito sa kalangitan matapos magtama ang aming paningin. She loves star gazing, madalas siyang magtigil dito sa rooftop para lang panoorin ang mga bituin kahit buong magdamag.
“Two years?” nagtatakang tanong ko ng maalala ang sinabi niya kanina.
Sumilay ang ngiti nito habang nakatingala pa rin sa mga tala, “It’s our second anniversary tonight Rafael.”
Saglit akong natigilan pero kalauna’y napatango-tango. Nakalimutan ko na naman ang anniversary namin, for the second time nawala na naman sa isip ko. ‘Yon na rin siguro ang dahilan kung bakit niyaya niya akong samahan siyang magstar gazing ngayong gabi.
Umusod ito palapit sa akin at marahang sumandal sa aking balikat, “Ayos lang kahit hindi mo naalala, “pinagsiklop niya ang aming mga palad, “I love you, Rafael.”
Hindi ako nakasagot at sa halip ay walang emosyong nakatitig sa aming mga palad. I can’t feel anything right now, gusto kong suklian ang pagmamahal niya pero hindi ko kaya, hindi ko magawa.
“I l-love you too.” Napipilitang tugon ko.
Tumayo ito dahilan upang mapatingala ako sa kaniya. Hinihila niya rin ako patayo kaya’t wala na akong nagawa kun’di sundin ang gusto niya.
“Maglaro tayo,”masayang wika nito.
“Kale, hindi na tayo bata para sa ganiyang mga bagay.”
Napabuntong hininga ito, “Minsan lang ako mag-aya tinatanggihan mo pa.”
“Fine, ano bang lalaruin natin?”
Kaagad itong napangiti ng dahil sa kaniyang narinig, “Madali lang naman ‘to,” muli nitong hinawakan ang kamay ko, “May anim akong tanong para sa’yo pero sa tuwing mali ang sagot mo hahakbang ka ng isang beses paatras.”
May binigay itong puting sobre sa akin ngunit ng akmang bubuksan ko na ito ay kaagad niya akong pinigilan, “Nasa loob niyan ang gift ko...


para sa’yo pero bubuksan mo lang ‘yan kapag tumama ang sagot mo. Subalit kung puro mali ang sagot mo sa lahat ng tanong…hindi mo pwedeng buksan ‘yan.”
Tumango ako upang ipahiwatig sa kaniya na naiintindihan ko. Magkaharap kami ngayon at kasalukuyan siyang nagiisip ng pwedeng itanong.
“What’s my favorite food?” unang tanong nito.
Saglit akong napaisip dahil hindi ko alam kung ano ang paborito niya.
“Ice cream?”
Umiling ito, “street foods are my favorite.”
Umatras ako ng isang beses dahil mali ang naging sagot ko. At umatras ng apat pa dahil lahat ng sagot ko sa tanong niya ay mali.
The question she’s asking is all about her. Pero wala man lang akong alam sa mga bagay na gusto at ayaw niya dahil hindi ko siya pinagtutuonan ng pansin.
“Love, this is the last question, galingan mo para mabuksan mo na ‘yong prize mo!” Pagc-cheer nito sa akin ngunit halata ang nangingilid na luha sa kaniyang mga mata.
Huminto ito saglit bago sambitin ang panghuli niyang tanong, “What’s my favorite scenery?”
“Stars, moon, everything that’s surrounding us right now!” mabilis na sagot ko.
Tumango ito hudyat na tama ang aking sagot at pwede ko ng makita kung anong laman ng sobreng hawak ko.
“You’re now free?” kunot noong pagbasa ko sa papel na nakuha ko sa loob ng hawak kong sobre.
“Yes love, I’m setting you free.” Nakangiting sambit ni Kale pero puno ng lungkot ang kaniyang mga mata. Umiiyak na ito ngayon sa aking harapan.
“W-Why?” nauutal na tanong ko at kaagad na lumapit sa kaniya upang yakapin.
“Anong why haha? Hindi ka ba masaya?” iyak tawang sambit nito, “Malaya ka na mahal, tapos na ang pagpapanggap at mga pagsisinungaling na tiniis mo sa loob ng dalawang taon.”
Marahan itong kumalas mula sa pagkakayakap ko.
“Kale—”
“A-Alam kong inaral mo lang akong mahalin dahil
naawa ka lang s-sa’kin Rafael,”sambit nito sa kalagitnaan ng kaniyang pag-iyak, “Inaral mo akong mahalin pero nabigo kang matutunan iyon.”
I pity her cause she had leukemia but she choose to stay with me until her last breath.
Pinalaya niya ako dahil alam niyang hindi na pwedeng ipilit ang nararamdaman ko para sa kaniya. She set me free, that’s her anniversary gift to me.
_______
A work of FICTION — Written by: Naia Canard


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.