0

Ang tatlong famous na mga lalaki ng school


Report

Itago na lang natin ako sa pangalang Saphire. Hindi ako naniniwala na maganda ako. Para saken hindi ako ganun katalino. Di rin naman ako ganun kaactive pagdating sa sports. Kaya nagtataka ako kung baket ako nagustuhan ng tatlong famous na mga ng skul namen. Ang unang lalaki ay tawagin na lang nating A si A ay isa sa mga matalik kong kaibigan at kaklase ko rin. Ang ikalawa naman ay si B sya ay matalik ko ring kaibigan at kaklase. At ang panghuli ay si K sya ay kaibigan ko na taga kabilang section. Si A ay kilala sa skul dahil sa talino nito dahil sya ay officer ngscience club namen. Kilala din sya dahil sa pagiging atleta nya sa badminton. Si B naman ay kilala sa pagoging dancer nya at sa pagiging atleta nya at dahil na rin sa looks nya na kinakikiligan ng mga babae. Si K naman ay kilala sa pagiging perfect. Dahil kilala sya sa pagiging matalino, atleta at dahil na rin sa looks at kabaitan.
Nagkakilala kami ni A dahil sa bestfriend kong babae naging krass nya kasi yun at sabay sabay kaming naglalunch tapos sinamahan ko sya onetime dahil wla ang bestfriend ko at sa pagtagal ay umamin na sya na may pagtingin na nga sya para sa akin. Nagkakilala naman kami ni B nung first day at dahil na ris aa chat. Leader kasi ako sa science nun at nagtanong sya sa aken kung ano daw dadalhin nya pagkasabi nun ay naging close kami. Mas kilala nya ko kesa sa iba alam nya...


kung kailan ako magagalit. Pero kahit na ganun ay ginagawa nya pa rin ang mga bagay na ikinaiinis ko at dahil dun ay lagi kaming nag aaway. Minsan nga ay niloko kami ng mga kaklase ko dahil para daw kaming mag-asawa. Nahulog ang loob ko sa kanya noon pero nawala din ito dahil parang medyo nagbago sya at bogla na lang sinabi ng close na kaibigan nya na may pagtingin na nga daw ito sa aken pero ayaw daw nyang masaktan ang barkada nyang si A dahil alam nya na gusto rin ako nito. At nagkakilala naman kami ni K noong intrams namen nakipaglaro kasi ako sa kanya nun ng badminton. Nagkausap rin kami nun at nang lumipas ang ilang araw may bigla na lang nagsabi saken na gusto daw ako ni K. Tapos niloloko sya ng mga kaklase niya nun at bigla na lang nyang sinabi na ” Sige ipagkalat nyo pa na gusto ko si Sap.” Kaya ko nalaman na gusto nya ko. Sap kasi ang tawag nila saken ehh. Ngayon ay may pagtingin na ko sa Kanya ngunit di ko alm kung totoo ba to at seryoso na ba to. At hanggang ngayon di ko parin alam kung sino ang pipiliin ko sa kanilang tatlo si A ba na langing nariyan ngunit wla akong nararamdaman? O si B na masarap kausap at kasama ngunit handang magparaya? O baka naman si K na nariyan at kasama ko ngayo at nagkakaroon ako ng pagtingin ngunit marami namang mga babae ang umaaligid nahil sa kanyang kaperpektuhan? Diyan na nagtatapos ang kwento ko…….


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.