0

ANG SIGA KONG YAYA


Report

AUTHOR: kitkatchu
GENRE:Rom-Com
•Prologue•
Naglalakad na si Yuan pauwi galing sa pagjojogging,nang makatanaw sya ng babaeng nakikipagsagutan sa mga lasenggero sa isang kanto malapit sa village nila.
Lumapit ito ngunit may ilang metro ang pagitan at pinakinggan ang nangyayari,kung sakaling magkaroon man ng gulo ay nandun sya para umawat.
“Hoy! Kuyang nanggaling sa pinakailaliman ng lupa! Kung mambabastos ka,tignan mo muna yang itsura mo! Hindi ka taste ng mga taga dito! Wag kang aangas-angas dahil baka pag ikaw inangasan ko magkakabangas yang mukha mo!”Malakas na sabi ng isang babaeng maliit lang pero kung umasta akala mo ay hari ng kalsada.
‘Anak ba’to ng mayor? Governor?o Presidente?.’
“Hoy babaeng napakadaldal! Daig mo pa mga asawa namin kung magbunganga,baka gusto mong makatulog ng maaga dyan sa kinatatayuan mo?!” Sigaw naman ng isang manginginom na kasama nung ipinahiya ng babae.
Binatukan ng babae ang mga umiinom kaya sa gulat ni yuan napaatras ito bigla.
‘S-seryoso ba to?’
“Gusto mong malaman ng mga asawa nyo to?!”Sabay hawak sa mga kwelyo ng mga umiinom.Maski sila ay nagulat at napailing nalang bigla ng mabilis. Kakaiba…
“Ikaw!”Hindi nito napansin na nasa binata na ang atensyon ng babae.Kaya naman lalo itong nagulat at napaatras ng kaunti.
“Anong tinatayo-tayo mo dyan?!” Tsaka nito binitawan ang mga lasenggero.
“I-I’m just p-passing by….I-I’m g-going home now….”Parang tutang saad ng binata sa dalaga.
“Oh bat di ka pa umuwi?! Ano pang hinihintay mo–saglit wag mong sabihin na dito ka nakatira? eh mukha ngang mas malinis ka pa sa tubig nila dito?!” Kunot-noong sabi naman ng dalaga.
“I-I j-just h-heard y-you–teka nga! Bakit mo ba ko sinisigawan ha?!...


Kanina ka pa ah!”Napipikon ng sigaw din ni Yuan, nang mapagtanto ang asal ng dalaga sakanya.
“Eh ano kung sumisigaw ako?! Sinabi ko bang huminto ka jan at pakinggan ako ha?!”Naaasar at naiinis na sabi ng dalaga.
Hindi naman makapaniwala si Yuan sa sinabi ng dalaga.
“Oh! Hah! You’re crazy! Sa sigaw mo pa lang nakaka-abala ka na ng mga dumadaan! Paano pa sa pakikipag away mo jan sa mga umiinom?! Hinaan mo kase yang boses mong mas malakas pa sa mic!” Sigaw nito pabalik.
“Bakit ka ba nangingielam ha?! Sino ka ba?!”
Ngumisi ang binata at umiling-iling,kaya’t lalong naasar ang babae.
“See? You don’t even know me, pero kung umasta ka parang kilala mo na lahat ng nandito!” Sigaw pabalik ng lalaki sa kanya.
Natawa ang dalaga, kaya nagsalubong ang kilay ng binata.
“G@go ka ba?! Ang sabi mo dumadaan ka lang dito, kaya pano kita makikilala? eh hindi ka naman dito nakatira?!”Nagtitimping sabi ng dalaga dito.
“Hah! you’re unbelievable…” Napahingang malalim at pikong sabi ng binata.
“Kung umalis ka nalang sana jan sa kinatatayuan mo,edi tapos na ‘tong usap na’to!”
Tinignan naman ng binata ang mga lalaking lasing,at tahimik na nakayuko.
‘W-what are they doing?! Do something! I feel embarrassed wtf?!!’
“Bakit ako aalis?!” Sigaw ng binata na hindi pinapahalatang natatense na din.
“Kase dadaan ako, tabi!”At bigla akong hinawi pagilid sabay labas sa loob ng eskinita.
Napabuka nalang ng bibig ang binata at natatawang suminghap sa kawalan.
“HAH! WHAT THE ACTUAL FVCK!!” Sabay madiin na pagsuklay sa sariling buhok gamit ang daliri, sa sobrang pagkapikon.
—————
AGAIN.Let’s be matured.Follow the rules.

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.