1

ANG BUHAY NG ISANG SINGLE MOM


Report

ANG BUHAY NG ISANG SINGLE MOM
A MOTHER’S DAY SPECIAL
Sa panunulat ni: Reyvelyn Narag
Minsan para sa iba kapag narinig nilang isang single mom ang isang ina, hinuhusgahan na agad. Pero bago mo husgahan ang isang single mom pakinggan mo muna ang kwento ng buhay niya.
Bakit nga ba naging single mom sila? Iba-iba ang dahilan, iba-iba ang kwento. Dahil sa nagpatianod sa bugso ng damdamin, hindi nakapagisip bago pumasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. Nagtiwala, nagmahal ng lubos at naibigay ang sarili sa taong hindi pala sila tunay na mahal. Ngunit nagmahal lang sila, sa taong hindi mapagkakatiwalaan. Mas pinili nilang binuhay ang sanggol sa sinapupunan kisa ipalaglag matawag lang na dalaga.
Hindi na din masaya ang pagsasama, nananakit ang lalaki, nambababae, eresponsable sa pamilya at may bisyo pa. Mas minabuti nilang isakripisyo ang pagsasama kesa magpatuloy sa ganoong buhay. Dahil iniisip nila ang kanilang anak na maapektuhan.
Namatay ang asawa, dahil sa pangyayaring ito kaya din sila naging single mom. Napakasakit din para sa kanila, dahil ang kamatayan ng kanilang asawa ang naglagay sa kanila sa kalungkutan.
Despite of all this struggle’s they choose to be a mom. Kanya-kanya ang dahilan pero pareho ang pinagdadaanan. Minsan hindi sila nakikitang umiiyak, laging masaya. Pero kapag mag-isa nalang sila, doon nila binubuhos ang luha. Humihikbi ng patago, umiiyak ng walang nakakaalam, umiiyak ng walang tunog na tanging sila lamang ang nakakarinig.
Ayaw nilang nakikita sila ng anak nilang nahihirapan, ayaw nilang ipahalata na pagod na sila. Mahirap din ang buhay nila lalo na kung sila na lamang ang nagsusuporta sa anak nila. Minsan naiisip nalang na sumuko pero hindi kaya, dahil may anak pa na nagbibigay sa kanila ng lakas. Mga magulang, kapatid at mga kaibigan na dumadamay sa kanila kapag nahihirapan na. Mga tanging tao na hindi nangiwan sa kanila. Stressful and depressed, yan ang kinakalaban nila sa kanilang buhay.
Tapos nahuhusgahan lang sila ng hindi manlang lumalaban. Andoon na yung pagkakamali pero ni minsan hindi sila nagsisisi dahil dumating sakanila ang anak na magbibigay sa kanila ng pag-asa. Hindi na din masyadong nakakapagayos ng sarili huwag lamang mawalan ng atensyon sa anak. Pero masaya din naman, dahil sila lamang ang mahal ng anak, walang kahati.
For the boys, bago ka pumasok sa buhay ng isang single Mom, think a hundred times. Huwag mong isipin na popormahan sila kasi magaling sa kama. That was a silly decision. Huwag mo ng ituloy kung ganun din lang tapos sa bandang huli ay iiwan mo lang na luhaan. Their time is precious para guluhin mo.
If you love a single mom love their child too more than her. Kasi mas mahal nila ang kanilang...


anak kesa sa buhay nila. Bago ka dumating sa buhay nila andiyan na ang anak na minamahal nila. Their child was their treasure na kapag nawala ang mga ito ay ikakamatay nila.
Huwag mo ding asahan na lahat ng oras nila ay sayo itutuon. Hintayin mo ang time nila para sayo, dahil ang isang single mom kapag nagmahal ay totoo, iwan ko lang sa iba kung ganoon sila.
Single moms are emotionally too, makarinig lang ng kunting masakit na salita iiyak na, didibdibin. Alam mo kung bakit? Dahil sa past nila, trauma sa mga nangyari sa kanila.
Sabi ng iba naghanap ka lang ng may bagaheng dala, pero kung mahal mo naman siya at tanggap mo ang nakaraan nila ganun din ang bagahe na dala nila. Hindi lang isa ang magmamahal sayo at mag-aalaga pag dating ng panahon. Hindi man iyo ang bagahe nila, masasabi mo namang kayamanan mo kapag tinuring ka ng tunay na ama.
Acceptance, understanding and loveable, that was the key to win a single moms heart. They rest their heart for a while but then they are willing to love again. Hindi sila napapagod magmahal, makikita mo iyon kung paano nila palakihin ang anak nila. Natatakot lang dahil sa paulit-ulit na silang nasasaktan.
Kaya nakakaproud yung mga lalaking nagmamahal ng totoo sa single mom. You’re their saviour from struggle’s in their life.
Totoo, mahirap ang walang katuwang sa buhay, wala silang mapagsabihan ng kanilang problema,mahihingian ng lakas, magcocomfort sa kanila at kasamang magpapalaki ng anak.
Kung anak ka ng single mom maging proud ka. Your mother was your father also, your hero, your medicine, your life. Lahat ng sakripisyo nila dahil sayo. Kaya huwag mong ikahiya dahil kailan man ay hindi ka niya ikinahiya kahit hinuhusgahan na siya. Ipagmalaki mo at mahalin mo tulad ng ginagawa niya sayo.
Happy Mother’s day sa mga Ina, at single mom na nagbigay ng walang katumbas na pagmamahal sa pamilya. Salamat sa mga sakripisyo at paguunawa.
We should be Thankful for them ,dahil kung wala sila, wala tayong buhay ngayon. Dinala nila tayo ng siyam na buwan at naghirap lalo na sa panganganak. They deserve a special day, thank you for all the love.
SINGLE DAD shall celebrate Mother’s day too. Dahil tumayo din silang ina sa anak na kasama nila. Ano nga ba ang pinagdaanan nila?Nagsakripisyo, nagmahal at nagparaya. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay pinilit na ibangon ang anak at pinilit na maging ina.
Single moms mabuhay tayong lahat, hindi madali ang ating pinagdadaanan. Kapit lang sa Poong Maykapal at nawa’y maging bigyan pa tayo ng lakas at tatag upang malampasan ang lahat ng ating pinagdadaanan.
# I_Am_A_Proud_Single_Mom
# Happy_Mother’s_day


One Comment

  1. Please also deleted this kasi another nakaw na story po ito wala din itong pahintulot sa manunulat please lang po huwag tangkilikin ang mga nakaw na story po kasi di maganda po iyon kawawa ang mga nagsusulat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.