0

ANG BOYFRIEND KONG TAGA-PROBINSYA


Report

“Ang daming taong puwedeng maging boyfriend dito sa city bakit napili mo pa ‘yong taga-probinsya?”
“Mabubuhay ka ba nun? Baka mamaya ikaw pa ang bumuhay don!”
“Hiwalayan mo na ‘yun!”
“Hindi kayo nababagay nun, antas pa lang ng pamumuhay magka-ibang-magka-iba na kayo.”
Ilan lang naman ang mga ‘yan sa mga naririnig ko sa iba’t-ibang tao patungkol sa boyfriend ko.
Sawang-sawa na ako sa kanila, lahat na lang ba ng puwede kong mahalin kailangan sila pa rin ang mamili? Asaan na lang ang karapatan kong pumili ng taong mamahalin ko na gusto mismo ng puso ko.
“Oh, bakit parang ang lungkot ngayon ng taong mahal ko?” Umangat ako ng tingin sa boyfriend ko, ka vc ko din kasi ito ngayon.
“Eh kasi, kanina sinasabi na naman nila na hiwalayan na daw kita, ayaw ka din ng mga pamilya ko para sa ‘kin.”
Kita kong unti-unting nawala sa mukha nito ang kasiyahan at napalitan ito ng kalungkotan.
“Hanggang ngayon ayaw pa rin pala nila sa ‘kin. Susundin mo ba sila? Hihiwalayan mo na ba ako?”
“Bakit ko naman gagawin ‘yun? Walang rason para hiwalayan kita. Bakit ko naman hihiwalayan ‘yong taong dahilan kung bakit masaya ako ngayon?”
“Pero ayaw nila ako para sa’yo.”
“Sila ‘yun, pero ako ikaw ang gusto ko para sa ‘kin.”
“Kung ayaw ka nila. Then patunayan mo sa kanila na mali sila ng iniisip patungkol sa’yo.”
“Paano ko naman magagawa ‘yon?”
“Edi, pumunta ka dito sa Manila. Patunayan mo sa kanila na mabuti talaga intensiyon mo sa ‘kin.”
“Magiging sapat ba ‘yon para gustohin na nila ako kapag pumunta ako diyan?”
Napahinto ako sa tanong niya. May point siya, pero kung talaga namang ipaglalaban niya ako sa pamilya ko, wala na silang magagawa don.
“Pero sige sa susunod na buwan pupunta ako diyan,” napangiti ako.
Dumaan ang ilang mga araw ng paghihintay namin ay andito na siya ngayon sa City, niyakap ko ito ng mahigpit.
“Alam ba nilang pupunta ako dito ngayon?” Tumango ako.
Pag-pasok namin sa loob kita kong iba na ang pakikitungo ng mga pamilya ko sa kanya, pero hinawakan ko lang ang kamay nito, para pagaanin ang loob niya.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kaming lahat sa sala.
“Anong ginagawa mo dito sa Manila, Iho?”
Nagkatinginan pa kaming dalawa bago siya sumagot sa tanong ni Mommy.
“Gusto ko po sanan—” Naputol ang sasabihin nito dahil nakisingit si Daddy.
“Alam mo naman na sigurong ayaw ka namin para sa anak namin ‘di ba?” Kita kong napayuko...


ito.
“Daddy!” Suway ko dito.
“Hindi po lahat ng taga-probinsya ay wala ng pinag-aralan, hindi po lahat ng taga-probinsya ay wala ng alam patungkol sa mga bagay-bagay. Wala man po akong maipagmamalaki sa ngayon, pero hindi po ibig sabihin nun ay hindi na po mabuti ang intensiyon ko sa anak niyo.”
Nakatingin lang ako sa kaniya habang sinasabi ang mga ‘yon.
“Pumunta po ako dito, para patunayan kung gaano ko kamahal ang anak niyo. Nasubokan niyo na po bang nakapunta sa Probinsinya?”
Napailing ang mga ito. “Paano niyo po nasabi nung una na sa antas palang ng pamumuhay ay mag-kaibang-magka-iba na kami? Kung hindi niyo pa naman po ako lubos na kilala.”
Napahinto sila Mommy at Daddy dahil sa sinabi niya. “Sobrang baba ko man sa paningin niyo pero sa lugar namin mayaman naman ako ng pagmamahal.”
“Subokan niyo pong pumunta sa lugar namin, para mas lubos niyo pa po akong makilala bago niyo po ako husgahan.”
Kita kong para bang may napagtanto sila Mommy at Daddy napangiti rin ako dahil sa mga sinabi ng boyfriend ko.
“Kung talagang mahal mo at mabuti ang intensiyon mo sa anak namin, sige hahayaan namin kayo ngayon pero kapag ang anak namin sinaktan mo, hinding-hindi ako mag-da-dalawang isip na ilayo siya sa’yo.” Parehas kaming napangiti.
“Maraming salamat po. Hinding-hindi ko po sasayangin ang pagkakataon na ito.”

“Ang ganda talaga dito sa probinsya noh, ang sarap pagmasdan ng kapaligiran.”
Magkahawak kamay kami habang naglalakad sa malaking bukiran na pag-mamay-ari ng pamilya ng boyfriend ko.
“Oo at gusto ko, kapag dating nang araw dito tayo maninirahan tapos mamumuhay ng simple lang.”
Ngumiti ako dito at ganun din siya. “Dali, picture tayo dun oh!”
Pumwesto na kaming dalawa. At nagpakuha na ng litrato. Hinawakan ko ang pisnge nito habang nakatingin kami sa isa’t-isa.
“Saksi ang malawak na bukiran na ito sa pagmamahalan nating dalawa. Mahal kita,” wika nito.
Ngumiti ako dito at niyakap siya. “Mahal din kita.”

Kesyo magkaiba man ang antas ng pamumuhay, hindi ‘yon magiging dahilan para hindi mo mahalin ang isang tao. Minsan ang mga magulang hindi sa lahat ng bagay ay tama sila, hindi sa lahat ng bagay dapat silang nasusunod. Hindi pang habang-buhay ay kailangan iba ang dumedisisyon sa buhay ng isang tao. Dahil at the end of the day, sarili mo lang din ang makakaramay mo. Piliin mo ‘yong bagay na ikakasaya mo, dahil pagdating nang araw hindi mo ‘yon pagsisisihan.
-End-
⎆Written by: Skylar Prosé
⎆Work of fiction.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.