1

Alora and Dex


Report

Isa lamang sa mga kadalagahan si Alora na mahilig manood ng liga sa barangay. Hindi naman niya inaasahang dito pala niya ang makikilala si Dex. Ang taong maghahatid sa buhay niya ng kakaibang ligaya, at the same time ay pangamba.
Dahil…
Ang lalaki palang ito ay may hidden agenda.

Chapter 1: Basketball Court

NAKAUPO ako sa tapat ng tindahan namin. Tagaktak ang pawis dahil na rin sa dami ng kalat na nilinis ko.
“Pabili nga po,” narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Saan ko nga ba unang narinig iyon? Napatingin ako sa lalaking nakatayo. Siya iyon nasisiguro ko.
“Alora, may bibili yata. ‘Asan ka ba?” boses iyon ni Nanay. Naalala kong may sakit nga pala siya at hindi kayang bumangon.
Dali-dali akong pumasok sa tindahan.
“Ano po ‘yon?”
Walang tugon mula sa lalaki. Nakilala yata ako.
*Flashback*
Nasa basketball court ako para manood ng laro ni Kuya nang may lumapit na isa ring manlalaro sa kinauupuan ko.
“Alora, puwede bang maging tayo? Sige na please…”
“Ha? Hindi nga kita kilala tapos magiging tayo?” Kahit maingay ang paligid nagkakarinigan pa naman kami.

Ngumiti ito sa akin saka umupo sa tabi ko.
“Hindi mo ako kilala? E, lahat ng chick dito sa Barangay 249 kilala kaya ako.”
“A, hindi kasi ako chick, e.” mataray kong sabi sabay baling ng tingin sa mga naglalaro para i-cheer ang Kuya ko.
“Go, Kuya! Go! Go!”
Nagthumbs-up naman si Kuya bago tumira. Naghiyawan lahat nang pumasok ang bola.
“Hey, Alora, sige na. Kahit three days lang.”
Kumunot-noo ako. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi siya kaguwapuhan at saka yuck ang dudumi ng kuko. Sino ba ang lalaking ito?
“Please, ipapanalo ko ang laro namin para sa ‘yo,” sabi nitong nagsisimula nang lumuhod sa harap ko.
Naks! Ang no boyfriend since birth na tulad ang niluluhuran na ngayon. Pero, tama bang maging kami agad-agad? No way! Mabilis ko siyang sinaway.
“Tumayo ka nga riyan!”
“Payag ka na ba? Yes! Sinagot na ako ni Alora!” malakas nitong sabi na napalundag pa sa tuwa. Lahat naman ng manonood nakuha ang atensyon niya. Sino bang hindi? Nahihiya tuloy ako. Pero hindi ko naman talaga siya sinagot. Hindi nga siya nanligaw ni minsan. Hindi ko rin siya kilala. Mahampas nga ang mokong na ‘to.
Kaya lang hindi na ako nabigyan ng pagkakataong magawa iyon dahil tinawag na siya ng isa sa mga teammates niya.
Tinanaw ko na lang siya. May narinig pa akong nag-uusap sa tabi ko, mga kaedaran ko lang.
“Sila na ni Dex. Di ba maganda ang gf no’n dati?”
“At itong bago niya ay parang…”
Nahinto ang isang babae sa sinasabi niya paano kasi nakatingin na ko nang masama sa kanya.
“Wala akong kinalaman sa trip ng lalaking ‘yon at mas lalo na kayo, mga miss kaya please lang itigil ninyo ang chikahan, ha.”
Natahimik ang dalawa. Dapat lang.
“Bunso, uwi na tayo. Ano pang inuupo mo riyan?”
Sumulpot na si Kuya. Ganyan siya kapag tapos na ang laro niya, kating-kati nang umuwi.

“May hinihintay ka pa ba kanina bukod sa akin?” tanong ni Kuya habang naglalakad kami pauwi.
“Wala, Kuya.”
“Asus, si bunso nagsisinungaling na sa akin. Si Dex ba? Teka nga pala, kailan nanligaw iyon. Hindi ko alam na kanina mo siya planong sagutin,” nanunuksong sabi ng Kuya ko. At saka ano daw? Dex? Nice name, Charot!
“Kuya naman, e…”
“O sige, di kita kukulitin pero umayos siya kung ayaw niya bigwasan ko,” seryosong sabi ng Kuya ko sabay akbay sa akin.
*End of flashback*
“IKAW sana kung puwede ka..”
Ano raw? Ako ang bibilhin niya? Masasapak ko ito!
“Hindi nga, iyong seryoso na.”
“Seryoso naman ako. Kendi na nga lang,” anitong biglang ngumiti.
After three days kasi mula noong eksena sa basketball court ngayon ko na lang ulit nakita ang ngiting iyon.
“Alis na ako, salamat, Miss.”
Miss? Aba’t, hindi ako kilala ng loko!
Namalayan ko na lang nakaalis na siya.
ALAS diyes na ng gabi. Hndi pa rin ako tulog. Ewan ko ba pero na-shock ako sa eksena kaninang umaga. Ang oa ko naman yata. ‘Yong feeling kasi na hindi niya ako nakilala ay big deal sa akin. Hala! Big deal? Lagot na. Sineryoso ko na ba iyong nangyari sa basketball court? Hays… e, kasi naman siya lang gumawa ng ganoon sa akin. Siya lang ang pumansin sa exotic beauty ko. Exotic daw kasi kapag hindi ligawin, walang nagkakagusto kasi pangit. Paano nga mag-describe ng pangit? Sarat ang ilong. Check. Makapal ang labi at kilay. Hindi pantay ang mga ngipin at maraming peklat sa hita. Minsan, napagkakamalang bata. Sa liit ko ba namang ito. Hindi pa umabot sa 4’11 ang height. Mga choosy!
Lumabas ako ng bahay kahit curfew hour na. Sa bakuran lang naman kaya di ako ipapahuli ni Pres. Rodrigo Duterte.
Psst!
Hala! Ano kaya iyon? May sumisitsit. Creepy!
Psst!
Hala! Isa pa talaga.
Psst!
Tatakbo na sana ako papasok ng bahay pero may humawak sa braso ko. Langya! Matatadyakan ko talaga.

“Shh…”
Omg! Si Dex.
“Sama ka sa ‘kin.”
Ano na naman bang sinasabi nito?
“Sabi ko, sama ka sa ‘kin.”
“Curfew hour na po.”
“Wala akong paki doon dahil kailangan kitang makausap.”
Pagkatapos nito nahatak na niya ako papunta sa basketball court. Ang lakas ha! Parang may super powers.
“Hala, ang dilim!”
“Wait buksan ko ang ilaw.”
Bumitaw siya sa pagkakahawak sa braso ko at tinakbo ang switch ng ilaw. Alangan naman hawak pa rin niya ako.
Bumukas nga ang isang ilaw at tumama ang liwanag sa kinatatayuan ko. Nakakasilaw iyon.
“Okay na ba?” aniya at kumindat-kindat. May sira yata ang mata nito. Akala naman niya, nakakadagdag iyo ng kakyutan.
“A, ano palang gagawin natin dito?”
Tumingin siya nang nakakaloko. Jusmiyo. Ayoko pang mabuntis. ‘Wag po, Koya. ‘Yong malambot na o, ha.
“May gusto ka bang gawin natin?”
Napaatras na ako. Mali nga ang pagkakaintindi niya.
“O, hindi ka nakaimik.. Don’t worry safe ka,” aniyang lumapit nang kaunti sa akin.
Ngayon ko lang siya napagmasdan nang mabuti hindi pala siya katangkaran. Naramdaman ko ang tibok sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Hala! Ang puso ko! Bakit kaya? Gusto kaya nitong humarot?
“Matunaw naman ako.”
Nahiya naman ako sa bahaging iyon. ‘Yong titig ko yata ay makalaglag- brief.
“Upo tayo roon,” itinuro niya ang mahabang bench.
“Hindi ka rin makatulog, ano?”
Tumango ako. Naupo kami. Pagkuwa’y kinuha niya ang kamay ko kaya naputol iyon. Haha! Naghawak-kamay kami.
“Iyong tungkol sa three days na sinabi ko sa ‘yo, binabawi ko na.”

“A, okey lang.” Kahit nga huwag mo nang bawiin, e. Aw!
“Hindi pa ako tapos. Sinadya talaga kita sa tindahan ninyo kanina, nakapagtatampo, ‘di mo ako nakilala.”
Inirapan ko siya na hindi talaga bagay sa akin. Wala lang, kunwari maganda ako.
“Iyan lang ba pinunta natin dito?” Kunwari naasar ako.
“Wait, sorry hindi ako nagpakita agad.”
“Okey nga lang, tapos ka na ba? Antok na ako,” sabi ko at nagkunwaring naghihikab.
“Alora, my loves.”
Oh my ghaaaaad! Bakit kaysarap pakinggan? Parang ako na ang pinasikat na karakter sa wattpad.
“Bakit?” pabebe kong tanong.
“Expired na ang three days, e. Puwedeng mag-renew?”
ko sa kanya. Renew? Mangha akong napatingin sa kanya.
“Sino bang may sabing pumayag ako sa kundisyon mo? In the first place wala kang narinig na um-oo ako,” galit-galitan kong sabi.
“Ay, sad naman akala ko girlfriend na talaga kita,” sabi nitong naglakad na palabas ng court.
Naiwan akong tulala. Ang bilis naman niyang magtampo. Nakaka-guilty naman! Naging bastos yata ako. Ano ba ‘yan?! Sinusubukan ko lang naman siya e, kaya nasabi ko iyon. Ako na lang ang pumatay ng ilaw tapos kumaripas na nang takbo. Walang lingun-lingon. Takot kasi ako sa dilim.

Chapter 2: Meet Mama Elle

ISANG linggo na ang nakalilipas na walang paramdam ni Dex. Ewan ko habang tumatagal nakakaramdam ako ng inis sa sarili ko. Hay, hindi ko man lang alam ang number niya. Gusto ko sanang mag-sorry. E kasi naman, choosy pa ako. Ako na nga itong nagustuhan ng isang lalaki binalewala ko pa. Ang oa ko na talaga! Namalayan ko na lang dinala ako ng mga paa sa basketball court. Bahala na.
“Namiss mo ako ano?”
Shit! Nagulat ako do’n a. Bigla na lang kasing may nagsalita. Pinaghahampas ko nang makilala ko pero magaling umilag.

“Kakainis ka!” pabebe kong sabi.
“Sorry na my loves.”
Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang marinig ang sinabi niya na parang musikang kaysarap pakinggan.
“Ang cute mo,” sabi pa niya tapos pinisil ako sa ilong kong flat.
“Aray ko naman…”
“Miss kita Alora,” sabi niyang lumapit na sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Nagkakatitigan kami. Umatake na naman ang tibok ng puso ko. Parang dinidiktang yakapin ko siya . Iyon nga ang ginawa ko.
“Miss din kita, Dex.”
“Alam ko,” sabi niyang gumanti rin ng yakap.
Dinala ako ni Dex sa bahay nila. Ewan ko napapasunod niya talaga ako parang may magic. Pag sinabi niya susunod na lang, safe raw kasi. Ang layo nga ng nilakad namin di na talaga ako tatangkad nito. Thirty minutes to be exact.
NAKAUPO ako ngayon sa balkonahe hinihintay ang snack. Dapat lang ayokong malipasan ng gutom. Maliit na nga gugutumin pa. Char lang.
“My loves, pancit, o.”
Narinig ko mula sa papalapit na lalaki. Sino pa ba?
“Akin lang ‘to?” tanong ko dahil isa lang ang dala niya.
“Hindi, share tayo,” aniyang nakangiti.
Share? Hala! It means share sa tinidor? Ayoko nga! Hmp! Parang nagkiss na rin kami pag nagkataon.
“Subuan mo ako, my loves.” Nagpapaawa ang tono niya kasi ako lang ang kumakain. Gutom ako. No share!
Narinig ko ang buntong-hininga niya, tanda yata nang pagsuko.
“O, tinirhan kita,” sabi kong binigay sa kanya ang plato saka lang siya ngumiti.
“Thank you.”
Hindi niya iyon ginalaw kaya sinubuan ko pa. Aba, lokong ‘to nag-enjoy.
“Alora, may pupuntahan lang ako saglit, andyan naman si Mama,” paalam niya matapos maubos ang pagkain. Dali-dali na itong umalis.
“Dalhin mo na ‘yan sa kusina at hugasan mo.”
Napatingin ako sa nagsalitang iyon na nahulaan ko agad na Mama ni Dex. Hawig, e.
“Halika, samahan kita sa kusina,” aniya saka inakay ako patungo roon.

Pagkarating namin ng kusina sandamakmak na hugasin. Nakakalula. Pag pinagpatung-patong iyon, mahihiya ang height kong 4’8.
“Pakihugasan lahat, ako na lang ang magliligpit.”
“Opo–”
“Mama Elle. Mas kilala nila ako sa ganyang tawag,” sabi niya na at sinundan ng tawa. Iniwan din ako nito at dahil pupunta raw siya ng hardin.
Napuno ng kaba ang dibdib ko habang abala sa lababo. Naghuhugas naman ako sa amin pero hindi ganito kadami. Puro babasagin pa.
HINDI pa ako nangangalahati sa ginagawa nang makarinig na mga yabag.
“Andito ka lang pala, akala ko umuwi ka na kasi natagalan ako.”
Pairap kong tinignan ang nagsalita.
“Napagtripan ka yata ni Mama,” natatawa niyang sabi.
Tingnan mo ‘to, tawanan talaga ako at walang balak na tumulong? Inirapan ko ulit.
“Narinig ko iyon Dex, umayos ka!” boses ng Mama niya mula sa kung saan.
“Ma, bakit mo naman pinaghuhugas ng plato ang girlfriend ko?”
“Ay, girlfriend mo ba siya? Akala ko bago mong barkada. E, kasi naman sa dami ng babaeng dinadala mo rito si Yvonne lang ang ipinakilala mong kasintahan.”
Nabitawan ko ang hawak kong baso, hindi naman nabasag, mabuti na lang. Parang hindi ko gusto ang narinig ko. Sa dami ng babae? So, pang-ilan na pala ako?
“Ma, pero siya na ang nobya ko ngayon. ‘Di ba Alora, my loves?”
Tumingin ako sa kanya at tumango.
“Pasensya ka na Alora, patakaran ko kasi rito sa bahay, ang huling kumain siya ang maghuhugas,” nakatawang sabi ni Mama Elle nang makalapit sa amin. Tinulungan na ako nitong magligpit.
“Tulungan ko na nga kayo…” ani Dex na lumapit at kumuha rin ng sponge.
“Dapat lang nang matuto ka, kunwari ka pa dyan ‘nak. Alora ‘di yan marunong ng gawaing bahay. Pagsabihan mo nga, puro barkada inaatupag, e, imbes maghanap ng trabaho. Sayang lang ang tinapos na Accountancy.”
“Ma…”
Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi ni Dex. Nahihiya man siya o ano ay hindi ko alam. Basta mabilis siyang kumilos sa pagbanlaw ng mga natapos ko nang sabunin. Sampung minuto yata kami halos doon saka siya muling nagsalita.
“Alora, ihatid na kita sa inyo baka ano pang ipagawa sa ‘yo ni Mama.”
Tumawa lang si Mama Elle.

NADAANAN namin ang nag-uumpukan sa sala. Ang iingay nila pero huminto rin nang lumampas kami.
“P’re, siya na ba?” tanong ng isa.
“Umiskor ka na naman p’re!” sabi ng isa.
“Huwag kayong magulo, hatid ko muna ‘to sa kanila.”
“Alam na ba ni–”
Hindi ko na narinig ang kasunod dahil tinakpan ni Dex ang magkabilang tainga ko pero tinanggal din naman.
“Let’s go my loves!” aniyang hinatak ako bigla kaya mabilis kaming nakalayo.
“Basta sa akin ka lang makikinig, ipangako mo ‘yan,” aniya at huminto sa paglalakad kaya huminto rin ako.
Nagpalinga-linga muna siya bago humarap sa akin.
“Alora, nakikinig ka ba?”
Tinanguan ko siya para wala nang maraming satsat. Masakit na ang braso ko hawak ba naman niyang mahigpit.
“Tara na nga…” aniyang umakbay na sa akin.
Sa totoo lang maraming katanungan sa isip ko. Sino si Yvonne? Hays, itatanong ko ba ang mga ito? Nakadama ako ng pangamba na hindi ko maipaliwanag.
“Okey ka lang ba? Narito na kaya tayo.”
Nasa tapat na pala kami ng bahay. Masyado yata akong nalulong sa mga katanungan sa isip ko.
“Uwi na ako, kiss ko…”
Aba! Aba! Kiss mo mukha mo! Inirapan ko nga.
“Joke lang,” maloko siyang ngumiti at kumindat pa tapos tinulak na ako papasok ng bahay.
Nagkatawanan kami. Ang kulit niya kasi.
“Sige na, ingat,” sabi ko naman sa kanya.
Parang ayaw pa niyang umalis kaya ako naman ang nagtulak sa kanya hanggang makalabas ng gate.
“See you next time,” sabi ko nang nakangiti.
Hinintay ko siyang mawala sa paningin ko bago ako pumasok ng bahay.

Chapter 3: Speechless

“ALORA, nariyan ka ba?”
Hala! Si Nanay nga pala nakalimutan ko na, kailangan ko nang magluto ng hapunan.
“Opo, Nay…”
“Pakihanap nga ng antipara ko, kanina ko pa hindi makita.”.
“Nay, o,” sabi kong inabot sa kanya ang salamin sa mata.
Ngumiti sa akin si Nanay. Tumingin sa akin na parang sinisipat ako.
“Nakikita ko na ulit ang kagandahan ng dalaga ko.” nakatawa niyang sabi.
Infairness sa Nanay ko pinupuri ako.
“Talaga, Nay?”
“Aba’y oo kanino ka pa ba magmamana?”
Niyakap ko si Nanay. At least maganda ako sa paningin niya.
“Kaya lang umaalis ka na lang bigla ng bahay, mabuti hindi ako nagbukas ng tindahan.”
“Nay, si Dex kasi nagyaya sa kanila.”
“O, tintrato ka ba nang maayos?”
Nagulat ako sa tanong ni Nanay. Akala ko kasi papagalitan ako.
“Okey naman po sa kanila.”
“Sino ba ang Dex na ‘yan? Dapat makilala ko siya, baka drug addict ‘yan anak.”
Wala akong maisagot kay Nanay. Hindi ko pa kasi lubusang kilala si Dex. Teka, drug addict? Mukhang malayo naman sa itsura.
“Alora, hindi ka na umimik diyan!”
“A… e… Nay magluluto muna ako,” pag-iwas ko.
“O, sige… Basta papuntahin mo rito ang lalaking ‘yon, kikilatisin ko.”
“Oo na po, Nay.”
Kikilatisin daw siya ni Nanay. Paano kung hindi pumasa? Good bye ang love life ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Seryoso na yata ako. I think tinamaan na ako. Lagot na!

BAKIT ang init ng pakiramdam ko? Umaga na pala. Ano bang nangyari kagabi? Hay, wala naman pero bakit hindi ko kayang igalaw ang katawan ko?
“Nay!”
Walang sumagot kaya na lang ako ulit ako.
“Oy Bestie, lagnat o love-nat?”
Nakilala ko ang boses kaya nagmulat ako.
“Rocky?!”
“Naman! Tinawagan ako ni Auntie Lara para alagaan ka, kasi bantay siya sa tindahan kaloka! Ilang araw lang akong wala nagkasakit ka na.”
Inirapan ko siya.
“Sino ba kasi ang dahilan niyan?”
“Wala ‘no!”
Tumawa si Rocky. Pinipiga niya ang bimpo sa palangganang maliit na dala-dala niya. Siya ang best friend ko, sabay kami pinanganak as in nagli-labor daw ang mama niya tapos ang nanay ko rin. Hindi ko nga akalaing magiging close ko nang sobra ang baklang ‘to. Oo bading siya. Pero hindi masyadong obvious kasi panlalaki pa rin ang suot. Sa pananalita at kilos lang ang nabago.
Bumangon ako at niyakap siya.
“I miss you, Bestie,” sabi ko.
“Tse! Mas miss kita,” pagtataray niya pero niyakap din ako.
Parang nawala bigla ang lagnat ko.
“Ay, sila lang? Pasali naman.”
“Ash, andito ka rin?” masaya kong sabi sa kakapasok lang na babae. Ang isa ko pang best friend.
“Siyempre, ‘di puwedeng wala. Aligaga kasi ‘tong si Rocky tinawagan pa ako sa trabaho,” nakapameywang nitong sabi.
Natawa ako. Grabe talaga ang mga ‘to.
Nawala na lagnat ko. Nakakabangon na. Namiss ko lang yata ang dalawang ito na busy sa paghanda para sa lunch. Pinagmasdan ko sila habang naghaharutan sa harap ko. Hindi pa nila ako pinapakilos masyado kaya nakaupo lang. Mga oa kasi sila baka raw ikamatay ko nang maaga ang pagpupumilit na kumilos.
“Tao po! My loves ‘asan ka?!”
Tama ba ang narinig ko? Baka guni-guni ko lang.
“Alora!”
Hala! Pangalan ko iyon, a.
“Alora, please…”

Tatayo na sana ako pero hinarangan ako ng dalawa.
“Oops! Kami na ang haharap sa maingay sa labas,” pigil ni Ash sa akin sabay hila kay Rocky.
“Lets go, Rock!”
“HOY sino ka ba? Tanghaling tapat sumisigaw ka!”
Naku! Umiral na ang kamalditahan ni Ash.
Sinilip ko sila sa may bintana.
“Si Alora ang kailangan ko!” Nakita ko ang busangot na mukha ni Dex. Mainit kasi sa labas. “Wala siya. ”
Naku si Rocky! Makakalbo ko ‘to. Wala raw ako.
“E, pero kailangan ko siyang makausap.”
“Sa ibang araw na lang may sakit siya,” pag-amini ni Ash.
Tapos di ko na naintindihan ang usapan. Nahilo kasi ako at kailangan kong bumalik sa higaan.
GUTOM lang pala dahil matapos kong kumain okey na ulit. Mabuti na lang ginising ako nina Rocky at Ash. Siniguro naman ng dalawang maayos na kalagayan ko bago sila umuwi.
Abala na kasi ako sa mga best friend ko baka mawalan silang trabaho, konsensya ko pa. Hay, nakadama ako ng inggit kasi palamunin lang ako sa bahay. Apply din kaya ako ng trabaho. Nakikinita ko na ang future ko bilang manager ng isang computer repair shop. Computer Technician kasi tinapos ko, gaya-gaya sa kuya ko. Idol ko ‘yon, e.
Nasa ganito akong pag-iisip nang tumunog selpon kong Nokia 3315. Tiningnan ko agad baka si Kuya.
Bunso, kumusta lagay ni’yo ni nanay? Next week pa ako makakauwi. Love you. 🙂
Sa text lang ‘yan sweet pero sa personal mapang-asar ang Kuya ko. Wala akong load, alam na niya iyon.
THE next day…
“My loves, okay ka na ba?” tanong ng lalaki sa likuran ko na bigla na lang akong niyakap. Infairness, ang sarap sa feeling. Parang Rebisco.
Hininto ko ang pagwawalis na usually ko nang ginagawa every morning sa harap ng tindahan at buong bakuran.
Namnamin ko muna ang yakap niya.
“O-oo, okay na ako.” Ew! Nauutal ako.
Bumitaw siya at inagaw ang walis-tingting sa akin.

“Mamaya na ‘yan, sama ka muna sa akin. Cute na cute talaga sa ‘yo si Mama, e.”
“Pero…”
‘Ayan na naman nahatak na ako. Sumenyas lang muna siya kay Nanay na bantay sa tindahan. Hala! Ano ‘yon? May senyasang nagaganap?
“Nagpaalam ako sa Nanay mo kahapon. Hindi ako pinatuloy ng mga kaibigan mo kaya nilakasan ko ang loob na pumunta sa harap ng tindahan ninyo para mag-confess…” nakangiti niyang sabi habang naglalakad kami. Tila nahihiya pa nga siya dahil hindi makatingin sa akin ang mokong. Ang cute pala ng ganoon.
“MA, narito na kami ni Alora.”
Lumabas ang Mama ni Dex este si Mama Elle.
“Oh, Alora my dear. Mabuti nakarating ka,”
magiliw niyang bati sa akin tapos bumaling ang tingin kay Dex.
“Dex, sige na, alis na. Alam ko kanina ka pa atat pumunta sa mga barkada mo para magdota.”
Hindi ko alam na adik siya sa online games na ‘yon.
“Bye my loves,” sabing umalis na lang at hindi ako pinasalita. Ganoon talaga siya.
Nakita kong napailing si Mama Elle.
“Kaya siya iniwan ni Yvonne dahil mabarkada. Sana makatagal ka sa anak ko.
“Tara, samahan kitang libutin ang bahay ko.”
Wow! Bongga pala ang bahay nila. Malawak at halatang may masasabi ang pamilya ni Dex.
“Minana ko pa ang bahay na ‘to sa lolo ko, nag-iisa lang kasi akong apo.”
Ibig sabihin ba nito may multo rito? Creepy! Lumikot ang mga mata ko pero wala naman kakaibang pangitain.
Sa paglilibot namin nakarating kami sa isang kuwarto. Sa unang tingin malalaman agad na pambabae iyon.
“Dating kuwarto ng kaisa-isang anak kong babae, ang kakambal ni Dex. Hindi ko talaga pinapagalaw ang mga ‘yan, pinapalinisan ko lang sa maid ko na once a week kung pumunta,” medyo naluluha niyang sabi.
Ayaw kong mag-usisa at minabuting manahimik.
“Basta, welcome ka sa bahay na ‘to hija.”
“Talaga po, Mama Elle?” Feeling close ako sa lagay na ito.
“Oo, basta ba ikaw ang magpapatino sa anak ko,” sabi niyang nakatawa.

Speechless. All I can say is, naka-jackpot ka Alora.

Chapter 4: Ex- girlfriend

“HAPPY monthsary my loves!”
Nasa basketball court ako ngayon para magtambay nang biglang dumating ang mokong na ‘to. Ang lakas ng pang-amoy alam agad kung nasaan ako.
“My loves, di mo naman ako pinapansin.”
Nginitian ko siya tapos sinenyasan ko na maupo sa tabi ko.
“Ito ang gusto ko,” sabi niyang naupo at sumandal sa balikat ko.
“Naalala mo ba? Dito mo ako sinagot.”
“Hindi ko naalalang sinagot kita,” natatawa kong sabi.
“Wala lang sa ‘yo ang lahat?” tanong niyang biglang tumayo at plano na naman mag-walk out pero nahawakan ko ang kamay niya.
“Hindi ko alam pero–”
“Huwag ka nang mag-explain, alam ko naman, wala akong puwang sa puso mo,” nakayuko niyang sabi.
Matatawa sana ako pero parang tagos ang sinabi niya. Ano bang gagawin ko?
Humarap na siya sa akin. Inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit. Napapikit ako. Sana wala siyang gawing masama. Tapos biglang may dumamping halik sa noo ko, sa ilong. Oh no! Huwag lang talaga sa lips. Pero mapipigil ko ba kung lumapat na ang labi niya sa labi ko? Saglit lang iyon pagmulat ko nakangiti siya.
“I’ve found that you are more attractive when kiss you.”
Ako, attractive? Feeling ko nagblush ako kahit malabo iyong mangyari. Nahihiya ako pero nagawa ko siyang hampasin sa braso.
“Para-paraan ka para mahagkan ako!”
“I love you Alora! I love you! I love you!” sigaw niyang natatawa.
“Oy! Itigil mo nga ‘yan!” saway ko sa kanya.
Tumatawa pa rin siya.
“Sisigaw ako ulit pag hinampas mo pa ako.”
“Hindi na!”

Inakbayan niya ako at muli kaming umupo. Ako na naman ang sumandal sa balikat niya at alam ko kung gaano kalapad ang ngiti niya sa ginawa ko.
“I love you,” bulong niya sa akin.
Hay, ang sarap pakinggan.
NANDITO ako sa bahay ni Dex. Tinuturuan siyang magluto ng adobo. Gusto niya kasing matuto kaya pinagbigyan ko. Panay lang naman ang tikim.
“Mauubos na ang niluluto ko sa ‘yo, e.”
“Masarap kasi, malapit na ba matapos?” atat niyang tanong.
“Konti pa.”
“Ang init! Maliligo lang ako saglit,” paalam niya.
“Oki.” Iyong pinatigas na okay.
Pinatay ko na ang apoy dahil tapos na ang adobo ko. Naupo muna ako para magpahinga.
Thirty mins. later bumukas na ang pinto ng banyo. Oo, inorasan ko si Dex. Tagal niya kasi maligo.
“Ang tagal mo–”
Napahinto ako sa sasabihin dahil nakita kong wala siyang t-shirt. Ewan ko pero nakadama ako ng hiya kaya ibinaling ko ang tingin sa ibang direksiyon.
“My loves, anong tinitignan mo riyan?” tanong niyang papalapit sa kinauupuan ko.
Hindi ako umimik kunwari wala akong narinig.
“Okey lang naman my loves kung pinagnanasaan mo ako,” sabi niyang hinawakan mukha ko.
“Oy, hindi a, magdamit ka kasi.”
“Ayaw pa aminin.”
Inirapan ko siya.
“Hoy, ang pangit kaya ng katawan mo paano ko pagnanasaan yan at saka-”
Omg! Binabawi ko na. Okey naman kasi, hindi pangit, katamtaman lang ang katawan tapos mabango pa. Ayayay!
“At saka ano? Kaya pala titig na titig ka.”
Napakagat-labi ako.
“Nakakainis ka! I hate you Dex!” sabi ko sabay tulak sa kanya.
“Anong sabi mo? Pakiulit nga, first time kong marinig na tinawag mo ako sa pangalan ko.”
Hindi ko siya pinansin.
“Alora, pakiulit.”

“Dex!” sigaw ko.
“Isa pa.”
“D. E. X. Dex,” mahina ko nang usal.
“Ulitin mo,” parang nakikiusap niyang sabi at lumapit nang kaunti.
“Dex. Dex. Dex. Oh… Dex, oh yes baby…” pilya kong sambit saka kumagat-labi.
“Shit!”
Narinig kong nagmura siya tapos biglang tumakbo sa kuwarto. Anong nangyari sa kanya?
Ilang minuto ang lumipas na hindi siya lumalabas kaya kinatok ko na siya.
“Dex, okey ka lang ba riyan?”
Walang sumagot pero nakarinig ako nang mahihinang boses na ewan.
Naghintay ako hanggang bumukas ang pinto.
“Bakit, kakain na ba?” tanong niyang parang pawis na pawis. Nakasuot na rin siya ng t-shirt.
“Oo, gutom na ako, e.”
“Sige,” sabi niyang di man lang ngumiti at nauna nabg pumunta sa dining area.

MONTHS na ang binibilang ng relasyon namin. Adik talaga sa dota si Dex, hindi lang iyan pati sa Criminal Case at COC. Pero pag araw ng monthsary palagi niya naman akong binabati. Pupunta sa kanila para doon magtambay maghapon. Kaya lang mas naging mabarkada siya, bagay na hindi ko nagugustuhan lalo na ngayong ikaanim na buwan namin.
“O, Bestie, busangot ang peg?” tanong ni Ash na kasama ko ngayon sa mall.
“Wala ito, Bestie.”
Niyaya ko talaga silang mamasyal pero male-late lang nang kaunti si Rocky. Isa pa ‘yon. Bihira ko na nga lang makita ang tagal pa dumating.
“Hay naku Bestie, kilala kita.”
Pinilit kong ngumiti.
“O, ano ‘yan plastik ng mga ngiti mo e, hayaan mo bubugbugin namin si Dex para sa ‘yo dahil alam kong siya ang dahilan nito,” nakatawang sabi niya.
“Hindi na kailangan, kasi ako na mismo kakaladkad sa kanya papunta rito.”
Napatingin ako sa nagsalita. Si Rocky.
Sinalubong ko siya ng yakap.
“Miss you Rock!”
“Kaloka ‘to! Teka nga pala papunta na ‘yon dito. Nahuli ko sa internet cafe’ tapos pinagsabihan ko pag di ka niya pinuntahan. Irereto na kita sa iba.”
Hinampas ko si Rocky at matapos nito nagkatawanan kaming tatlo.
“Tara sa food court, treat ko kayo!” yaya ni Rocky pero sa eat-all-you-can kami bumagsak. Hindi naman halatang matatakaw kami, ano?
Tabain ako. Si Ash lang talaga ang sexy kahit anong dami nang kain. Si Rocky naman masculado talaga dahil gym instructor siya at kailangan niya raw mapanatili iyon.
Pagkatapos kumain naglakad-lakad kami. Nakalilibang. Hindi ko namalayan ang oras. Pumunta kami sa seaside ng mall at hinintay lumubog ang araw. Hay, wala pa rin siya. Tumulo na ang luha ko.
ABALA na ako sa paghahanda ng agahan. Oo umaga na. Walang Dex na dumating kahapon. Laglag-balikat nang umuwi ako. Mabuti nakatulog pa rin ako nang mahimbing at nagising nang maaga. Hindi naman dapat huminto ang mundo ko. Sumusulpot na lang kasi ang mokong na iyon.
“Nay, andyan po ba si Alora?”
O, sabi na. Haha. Hindi niya ako matitiis.
Teka, tama ba narinig ko? Masilip nga.
“Alora, labas ka muna,” tawag ni Nanay.
Dapat pala nasabihan ko si Nanay na kunwari wala ako.
Huminga ako nang malalim tapos lumabas na para harapin siya.
Ngiti niya ang sumalubong sa akin.
“My loves…” malambing niyang bati at niyakap ako.
“Nalimutan mo,” sabi ko naman na nasa tono ang pagtatampo.
“Sorry, my loves. Dumating kasi si Yvonne galing States, nagpasundo siya sa airport kaya di kita napuntahan.”
Sorry? Bakit ang hilig niya yata magsorry. At saka ano raw sinundo niya si Yvonne? Sino siya?
“Sinong Yvonne?” tanong ko dahil pamilyar ito sa akin.
“Ex-girlfriend ko.”
Ex? Naaalala ko na siya.
“Ex mo naman pala e, inuna mo pa talaga kaysa sa monthsary natin.” malumanay ngunit madiin kong sabi.
Oo, galit ako. Bigla na lang kahapon tampo lang pero ngayong nalaman ko ang dahilan umiinit ang ulo ko. Umalis ako sa pagkakayakap niya.

“Sorry, puwede pa naman ngayon, e. Bihis kang pang-alis tapos pasyal tayo sa mall.”
Hindi ako umimik. Tumalikod ako. Ayaw ko marinig ang sorry niya.
“Please, babawi ako.”
“Okey. ”
NAMASYAL nga kami habang magkahawak ang kamay. Nawala rin agad ang galit ko. Paano ba naman kasama ko na siya kaya hindi na ako mag-iinarte pa.
May nadaanan kaming pet shop tapos tumambay muna roon.
“My loves, ang cute o, parang ikaw,” sabi niya habang nakaturo sa maliliit na gold fish sa aquarium.
Hinampas ko siya. Ikumpara talaga ako sa mga isda? Gaganti ako.
“Dex, cute rin nito mas cute nga lang sa ‘yo,” sabi ko habang karga ang isang puppy.
Tinignan niya ako nang masama. Nakaganti rin.

Chapter 5: Trust me, Alora

“BAGO na naman ‘yan Dex, a. Asan ‘yong isa?”
Pareho kaming napalingon ni Dex sa nagsalita sa likuran namin. Nasa fast food chain kami, kumakain ng fries at para magpalipas oras na rin.
“Oy, Uncle,” bati niya dito tapos tumayo at nakipag-shake hands.
Tinignan ako ng Uncle niya tapos ngumisi. Kinabahan ako sa mga ngising iyon.
“A, Uncle alis na pala kami.”
“Bakit biglaan naman, ipakilala mo muna ako sa kasama mo.”
Hinatak na ako ni Dex kaya napatayo ako.
“Next time na lang Uncle, nagmamadali kami, e.”
Nakalabas kami agad ng fast food chain at kahit may pagtataka hindi na ako sa nagtanong. Hay, sayang ‘yong fries naiwan ko. Iyon talaga ang inaalala ko. Ang sarap pa naman.
“Alora, ihatid na kita sa inyo.”
“Ha? Uuwi na tayo agad?”
Hayan, nakasimangot na ako. Ang gusto ko sana maghapon ko siya makasama pero halos 4 hours lang.

“Basta sundin mo na lang ako,” sabi niyang nagpalinga-linga sa paligid.
Sundin? Nakakainis naman ‘to.
“Sige na nga.”
Nagpara kami ng tricycle. Hindi na ako kumontra kahit puwede naman lakarin ang daan pauwi.
“A, manong pakibilis lang ho,” sabi niya sa driver nang makaupo na kami sa loob ng tricycle.
Natataranta si Dex. Hindi ko siya maintindihan basta’t nanlalamig ang palad niya nang humawak sa kamay ko.
“Okay ka lang ba?” concern kong tanong na overuse sentence na yata namin.
Tinignan niya lang ako sabay pisil sa palad ko. Idinikit niya ang noo sa noo ko.
“Mag-iingat ka lagi Alora.”
Tumango ako. Hinaplos niya ang mukha ko at dinampian ng halik sa noo.
MALAYO pa sa bahay nang bumaba kami ng tricycle.
“Doon tayo dumaan,” turo niya sa di pamilyar na eskinita.
Hindi ako kumibo.
“Trust me Alora.”
Saka lang ako naglakad. Siya naman nakabuntot sa akin. May nadaanan kaming tindahan ng mga damit panlalaki huminto siya saglit tapos kumuha siyang isang hoodie jacket. Ewan kung iyon talaga ang tawag doon. Mabilis niyang nasuot tapos umakbay na sa akin. Tinignan ko siya, nakangiti na. May pinatong siya sa ulo ko, akala ko kung ano na, sombrero lang pala.
“Huwag mong tatanggalin hangga’t wala tayo sa bahay ninyo,” parang pautos niyang sabi.
Weird! Oo, ang weird ni Dex minsan lalo na ngayon.
“Para saan ba ‘to?”
“Shh.. huwag mo nang itanong.”
“Hindi muna pala ako pupunta rito sa inyo. Basta tandaan mo binabantayan lang kita.”
Anong pinagsasabi ng lalaking ‘to? Ano ulit? Parang ayaw rumehistro sa utak ko.
Hahakbang na sana ako papasok ng gate pero hinawakan niya ako sa balikat.
“Alora… huwag ka sanang magtampo.”
Kinuha niya kamay ko and this time magkaharap na kami.
“Alora, I’m serious. Huwag ka din munang pupunta sa bahay.”
What? Tama ba talaga ang narinig ko? Medyo may kirot sa dibdib ko. Oh no!
“Bakit, Dex? Ipaliwanag mo naman sa akin. Hindi iyong clueless ako.”
“Basta,” sagot niyang tumingin sa malayo and I hate that kind of answer. What the heck!
“Basta? Walang ibang dahilan?!” nagtaas ako bigla ng boses. Marahas akong tumalikod.
“For your own safety!”
“Safety? Ano ba talaga?!”
Galit na naman ako. Nag-unahan na ring tumulo ang luha ko pero hindi ko dapat ipahalata ito.
“Alora, saka ko na ito ipapaliwanag.”
Bakit gano’n? Okey naman kami kanina tapos biglang ganito na. Lalong tumulo ang luha ko. Naramdaman ko ang mga yakap niya.
“Ingat ka lagi,” sabi ko sa kanya na pinipigil ang hikbi.
“Dont cry… Just don’t.”.
Narinig kong sabi niya. Inalis niya rin ang pagkakayakap sa akin tapos pumunta siya sa harap ko habang may kinukuha sa bulsa.
“Heto ang SD Card at selpon ko, itago mo muna. Kapag nalulungkot ka, insert mo lang ‘yan at pakinggan ang mga kanta ng A1.” sabi niyang nilagay sa palad ko ang maliit na bagay na iyon saka ang kanyang sinasabing selpon.
“Sige, alis na ako.”
“Dex, sandali—”
Hayun, nakatakbo na siya palayo. Hindi ko man lang nasabi ang salitang I love you. Oo, never ko pa siyang sinabihan nito kasi takot akong malaman niyang sobra ko na siyang minamahal at siya na ang nagbibigay kulay sa buhay ko, ang musika na kaysarap ulit-uliting patugtugin.
Pumasok na ako sa bahay at dumiresto sa kuwarto saka umiyak.
ONE week. Two weeks. Three weeks ang lumilipas. Miss na miss ko na siya…
“Anyare sa lovelife, Bestie?” usisa ni Ash.
“Ang naudlot na pag-iibigan nina Alora at Dex. Perfect title sana,” sabi ni Rocky na pinalakpakan ang sarili.
Nakakainis ang mga ‘to hindi nakakatulong sa feelings ko.
“Hayaan mo ihanap kita ng bagong fafaness,” dagdag pa ni Rocky.

Pinapunta ko talaga sila rito sa bahay dahil ‘di ko kayang dalhin ‘to mag-isa.
“Ay bet! Good idea Rock!”
Isa pa ‘to si Ash.
“Kung ibubugaw ninyo ako, huwag na lang,” pairap kong sabi sa kanila.
“Peace Bestie, suggestions lang naman ang amin,” ani Ash.
“Puntahan na kaya natin sa kanila, I think there is something fishy,” dugtong pa ni Ash.
Kinabahan ako sa huling sinabi ni Ash. Iba pa naman mag-isip ang dalawang ‘to.
“O, ano pang inuupo natin dito? Taralets!” sabi ni Rocky.
Ayan mga atat.
“Ngayon na ba?!” gulat kong tanong.
NATATANAW na namin ang bahay ni Dex. Alam kong mali ito dahil sinuway ko siya.
“Huwag na kaya tayong tumuloy,” pigil ko sa kanila.
“Oo nga, mukhang walang tao” sabi naman ni Rocky.
Binatukan siya ni Ash.
“Malamang ang layo pa kasi natin e, at saka ikaw ‘tong malakas ang loob magyaya riyan tapos aatras tayo!”
“E, bakit naman kailangan mo pa akong batukan? Kaloka ka Ash, masakit ha.”
“E, ikaw kasi…”
Hala, nagtalo na sila.
“Guys, sa mall na lang tayo, malapit lang ‘yon dito,” awat ko sa kanila kasi baka magsabunutan na. Para pa naman silang mga sirang plaka kung mag-away.

Chapter 6: Kidnap

NASA Rizal Park kaming tatlo. Malayo sa mall na sinasabi ko. Dito kasi kami dinala ng mga paa. Naging layas na ako dahil hindi nakapagpaalam nang maayos kay Nanay na tiyak kong magtatampo iyon.
Tamang-tama halos walang tao.
“Pa-picture kayo?” tanong ng isang manong.
Napatingin ang dalawa sa akin.
“Hindi ho.” sagot ko
“Pero, Ma’am, bayad na e,sayang naman ‘yong bayad ni Sir—” sabi niyang tumingin sa kanan namin pero napakamot sa ulo.
“Asan na ‘yon? A, Ma’am, wala na siya, e.” sabi niyang muli sa akin.
“Sinong siya Manong?”
“Basta lalaking naka-hoodie.”
Naka-hoodie? Lumakas pintig ng puso ko. Si Dex kaya ‘yon?
“Saan mo siya huling nakita, Manong?”
“A, e, doon sa may ilalim ng punong ‘yon,” sabi niya na humaba ang nguso para ituro ang isang puno ng narra. Hay, sayang wala man lang ni isang tao.
“Manong salamat sa info. Guys, wait ninyo ako rito…”
“O, sige, gora. Find your prince!” cheer ng dalawa sa akin.
Ako naman nagsisimula nang libutin ang buong park. Sana makita ko siya. Lakad. Tingin sa unahan. Tingin sa magkabilang side. Lakad ulit hanggang may nakita akong naka-hoodie kaya lang nang makita ko nang malapitan hindi siya si Dex. Lakad na naman ako. Tingin-tingin. Wala pa rin. Hay.
Nagugutom na ako kaya nagdesisyon nang bumalik sa dalawang bestie ko baka naiinip na sila.
“Hindi ko siya nakita…” naiiyak kong sabi sa dalawa tapos niyakap naman nila ako.
“Pinagtataguan ka na ng prince charming mo, hindi na ‘yan maganda,” sabi ni Rocky.
“Tumigil ka nga Rock pero Bestie may point naman e,” dagdag ni Ash na lalong nagpasama ng loob ko.
“Sa palagay ninyo, magpapakita pa kaya siya?” tanong ko sabay pinunas na ang luha.
Nagkatinginan sila at nagkibit-balikat lang.
“Ikain na lang natin ng ice cream ‘yan.” ani Rocky.
“Mabuti pa nga…” segunda ni Ash.
Alam kong iniba lang nila ang usapan pero at least alam din nila ang weakness ko, ang ice cream. Ngumiti na ako.

PAUWI na ako galing sa pamamasyal. Habang naglalakad napansin kong andaming naka-hoodie jacket sa dinaraanan ko, nakakasalubong ko ang iba. Hindi ko na lang pinansin baka normal lang iyon. Lumiko ako sa may eskinitang dinaanan namin dati ni Dex, nalaman ko kasi na shortcut ito papunta sa bahay, mas mapapabilis ako nang bigla naman dumilim sa eskinita kaya napalingon ako sa likuran. Nagtaka ako dahil nakita kong sumara ang bukana ng pinasukan ko. Lakad ako ulit tapos lingon. Lumiwanag na pero parang gumagalaw ang dinaraanan ko. Napatakbo ako nang di-oras. Huminto lang nang matanaw ko ang gate namin. Nagawa ko pang lingunin ang eskinita pero wala na pader na lang. Ang weird!
Tuloy-tuloy na ako papasok ng bahay.
“Nay…”
Wala yata si nanay. Imposible naman. Dumiretso ako ng kuwarto. Tumambad sa akin ang maraming kalat. Parang binagyo ang kuwarto ko. May ibang taong nakapasok kaya naalarma ako. Agad kong tinakbo ang tindahan namin. Wala naman nagalaw. Tinakbo ko ang kuwarto ni Kuya, malinis din.
Teka asan si Nanay? Pinuntahan ko siya sa kuwarto niya baka nandoon. Tama nga ako pero hindi ko inaasahahan ang makikita ko, dahil may duct tape siya sa bibig.
“Nay, anong nangyari? Sinong may gawa nito?” tanong ko tapos nilapitan siya at niyakap saka ko lang napansin na nakagapos siya.
Inalis ko ang duct tape sa bibig niya.
“Alora, anak mabuti hindi ka napahamak.”
Ang nanay ko talaga ako pa talaga ang inaalala.
“Nay sagutin ninyo muna ang tanong ko.”
“May pumuntang tatlong lalaki dito, may hinahanap sila at ikaw iyon, Bunso.”
Kaya pala magulo sa kuwarto ko.
“Ano raw ‘yon Nay? At bakit sa kuwarto ko lang?
“Hindi ko alam, hinahanap din nila si Dex.”
Si Dex? Bakit? Anong kaugnayan niya rito?
“Nay, magreport tayo sa pulis, hindi naman puwedeng basta na lang may papasok dito.”
“Huwag na huwag mong gagawin ‘yan Alora! ”
Alam kong may takot sa pananalita ni Nanay.
“Pero Nay, hindi naman tayo mayaman. Ano bang mapapala nila sa atin?”

“Alora, ito ang tandaan mo, kailangan mong magdoble ingat lalo na si Dex. Asan pala ang boypren mo?”
Hindi ako makatingin kay Nanay. Hindi ko masagot ang tanong niya.
“Anak, may problema ba kayo?”
“Hindi ko na po siya nakikita.”
Naiiyak na ako. Alam kong nahalata iyon ni Nanay dahil hinaplos niya ang likod ko.
NABALITAAN ni Kuya ang nangyari kaya pinaimpake ako para doon muna tumira sa tiyahin ko sa Pampanga. Kahit labag man sa kalooban kong maiwan mag-isa si Nanay wala na akong magagawa.
“Basta magtetext ka lagi sa akin,” bilin ng Kuya ko bago ako pumasok ng van na sundo ko.
“Oo na, Kuya.”
“Aalis na po tayo…” sabi ng driver
Nag-wave na ako sa kanila nang umandar na ang sasakyan.
Mabilis magmaneho ang driver dahilan para mahilo ako at dalawin ng antok. Si Dex, siya ang laman ng isip ko. Wala man lang akong number niya. Bakit ko ba kasi hinayaang ganito ang set up ng relasyon namin na okay lang kung kailan siya susulpot? Oo, umaasa ako na magpapakita na siya at magiging masaya ulit.
Nag-vibrate ang selpon ko sa bulsa ng pantalon ko kaya nagmulat ako.
Alora, sundin mo lahat ng sasabihin ko ok? Bumaba ka na ng van, ngayon din. Hindi ‘yan ang driver ni Auntie Marge. Wag ka na magreply basta’t gumawa ka ng alibi.
Ang text ni Kuya na ikinagulat ko. Anong gagawin ko? Ibinulsa ko ang selpon tapos umayos ng upo. Iisip ako paraan.
A, alam ko na. Pero paano ang maleta ko, ang mga pinakaiingatan kong mga damit pamporma? Bahala na nga.
“A, manong naiihi po ako puwede pong pakihinto muna.”
“Sige, Ma’am, saglit lang malapit na tayo sa gasoline station.”
Huminto rin ang van. Chill lang akong bumaba dala ang packback na may laman na personal na gamit.
“Mam, bilisan ninyo lang…” sabi niyang bumaba rin.
Tinanguan ko si manong. Pumunta pa rin ako ng cubicle kasi baka mahalata ang plano kong pagtakas.
Kuya, nakababa na ako, oh tapos?

Basta tumakbo ka na palayo.
Wala na akong oras. Sumilip ako sa labas. Nakita kong nagyoyosi ang driver tapos may kausap sa selpon.
“Boss, malapit na kami, masyado kang mainipin,” naulinigan kong sabi niya.
Masama na ang kutob ko. Tumalikod ka lang talaga tatakbo na ako. Naghintay lang ako ng buwelo at saktong pagtalikod niya dumami naman ang taong nagsisilabasan ng cubicle kaya nakisabay ako sa kanila. Sinuot ko ang sombrero na bigay ni Dex.
Nakalayo na rin ako sa gasoline station nang walang kahirap-hirap. Thanks sa sombrerong ‘to.
Nagpalinga-linga ako, ang dami na namang naka-hoodie jacket sa paligid ko. Ano bang mayro’n? Hindi ko naman maaninag ang mukha nila. Basta ang alam ko puro sila mga lalaki.
“WHERE’S the girl?!”
“Nakatunog yata boss, hindi na bumalik e.”
Malapit lang sa akin ang nag-uusap. Nakakarindi naman. Nasa sulok na nga ako nitong fast food chain para maghanap ng tahimik na lugar. Para maki-charge na rin....


Sinimplehan ko lang talaga na maghanap ng paraan para kahit paano hindi ako malowbat at dito nga mismo sa kinauupuan ko.
Ang tagal naman ng order kong large fries. Tatayo na sana ako pero nahagip ng mata ko ang driver ng van na sinasakyan ko kanina. May kausap itong nakaunipormeng lalaki. Parang nagtatalo sila ng kasama niya.
“Kung binantayan mo lang sana nang mabuti. Paano na ngayon ‘yan? Hindi mo ba alam na malaking pera ang makukuha sana natin?”
Sila pala ‘yong naririnig kong nag-uusap. Yumuko ako. Hindi nila ako dapat mamukhaan. Dumating ang order ko tapos nagdesisyon na akong umalis. Nilingon ko pa sila at mali ang ginawa ko.
“Siya ‘yan Boss!”
Oh no! Napaatras ako. Saan ako tatakbo nito? Kaliwa o kanan? Wala nang choice. Nang makita ko ang mga lalaking naka-hoodie jacket papalapit sila sa akin ay napaatras na naman ako. Takbo Alora! Takbo!
Tumakbo nga ako. Sana di ako abutan. Lumingon ako andyan pa rin sila sinusundan ako. Kahit saan ako tumingin mayro’ng nakasuot ng ganoon halos pare-pareho sila na parang naka-program ang bawat kilos. Kailangan kong makalayo dahil baka tumakbo din sila para mahabol ako hanggang may humatak sa braso ko. Hindi na ako nakasigaw natutop na niya ang bibig ko. Anong gagawin ko?

“She’s safe, nasa kamay ko na siya,” narinig kong sabi ng lalaki. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya.
“Alora, ako ‘to.”
Ang boses na iyon na alam kong kilalang-kilalang puso ko.
“Dex?” sabi ko para masiguro dahil may suot niyang maskara.
Saka niya lang ako binitawan at saka ko lang din napansin ang hoodie jacket na suot niya. Tinanggal niya ang maskara, si Dex nga.

Chapter 7: Bihag kita

“ANO ba kasing ginagawa mo rito? Mabuti na lang nasundan ka ng mga kaibigan ko. Kung hindi nakuha ka nang masasamang loob at malalagot ako sa Kuya Aries mo, pag nagkataon.”
Ang haba ng sinabi niya. Mga kaibigan niya iyong mga naka-hoodie. Bakit kasi kailangan pang mangyari ito? Ano bang mayro’n?
“Hindi ko alam, Dex. Wala akong alam sa mga nangyayari,” patotoo ko.
“Sino ka ba talaga, Alora? Bakit ka nila hina-hunting?” tanong niyang matamang tumititig sa akin.
“Anong klaseng tanong ‘yan Dex, di ba dapat ikaw ang tanungin ko?”
Nakakainis siya. Ngayon nga lang kami ulit nagkita ganyan pa.
“Shit! Alora, hindi ko na alam ang gagawin ko! Naiipit ako. Kung alam mo lang sana!” anito parang may nais ipakahulugan
Sinipa niya ang trash can na malapit sa kinatatayuan niya. Gusto ko siyang yakapin para kalmahin pero nanatili akong nakatayo.
“Isa ako sa kanila.”
Napaawang ang labi ko. Anong ibig niyang sabihin na isa siya sa masasamang loob? How dare he!
“What?!”
“Narinig mo naman siguro. Isa ako sa kanila at nagkamali nang nilapitang tao ang Kuya mo para protektahan ka,” naiiling siyang napabuga ng hangin.
Mayamaya lumapit siya at binuhat ako. Kinarga na parang sako. “May pupuntahan tayo.”
“Dex…”
“Huwag kang magulo!”

“Kaya ko nang maglakad, ibaba mo ako.”
“Sinisiguro ko lang na hindi ka tatakas.”
“Dex, hindi ako tatakas, please ibaba mo ako.”
“Huwag ka ngang maingay!
Tumahimik ako. Ibinaba niya rin ako matapos nang ilang minutong paglalakad. Inikot ko ng tingin ang buong paligid. Bakit may kama? Nanlaki ang mata ko.
“Dito ka muna pansamantala.”
“Anong lugar ‘to?” usisa ko.
“Huwag ka ngang maraming tanong!”
Nagsindi siya ng yosi. Teka, kailan pa siya natuto niyan? Naglakad siya nang kaunti at may binuksan na maliit na kabinet. May lumabas na lamig doon kaya nahulaan ko na refrigerator iyon.
“Nauuhaw ka ba? May tubig dito, malamig nga lang.”
Umiling ako, pinagmasdan ko lang siya habang nagyoyosi tapos sinasabayan niya ng isang inumin na nasa in can.
“Diyan ka lang, may pupuntahan ako saglit!” paalam niya tapos lumabas na.
Dala naman ng curiousity tinignan ko ang naiwan niyang inumin.
“Beer…” Oo binasa ko pa talaga iyon.
“Akin na ‘yan!” inagaw niya iyon sa akin tapos tumingin siya nang masama. Bumalik siya. Akala ko ba aalis siya?
“Aalis ako, bibili nang makakain natin.”
Tinignan ko siya nang may pag-aalala.
“Saglit lang naman ako.”
“Pero baka mahanap nila ako rito.”
“Bihag kita okey? Bakit pa sila mag-aaksaya ng oras sa ‘yo?”
Bihag niya nga pala ako pero bakit ang sakit malaman iyon?
Tumayo ako at pinaghahampas siya.
“Hindi pala kita dapat pinagkatiwalaan noong una pa lang! I hate you!”
Sinangga niya ang bawat hampas ko.
“Oh come on… Alora, ako nga dapat ang nagsasabi niyan kasi mula nang lumapit ako sa ‘yo, nagulo na ang simpleng buhay ko! Dapat pala hindi na lang ako nakipagpustahan. Buwisit na buhay ‘to!
Natigilan ako. Pinagpustahan lang ako. Ano bang aasahan ng tulad kong pangit?
“Kaya ako ngayon ang sinisisi mo?” sinigawan ko siya.

“Oo!” sigaw din niya.
Kapwa nangingibabaw ang galit sa pagitan namin. Humakbang siya papalapit sa akin na matalim ang mga tingin. Hindi ko na siya kilala ngayon. Tama, hindi ko naman talaga kilala ang buong pagkatao niya. Umatras ako dala ng takot.
Umatras ako nang umatras hanggang mapaupo sa malambot na bagay. Malapit na siya sa akin at wala na akong maatrasan kaya napapikit na lang ako.
“Alora!” galit pa rin siya.
Nagmulat ako, magkalapit na pala ang mukha namin. Amoy alak siya.
“Alora, please…” kalmado na siya.
Bakit nakikiusap siya? Anong ibig niyang sabihin?
“I can’t control myself.”
My God! Ano bang sinasabi ng lalaking ito? Muli akong pumikit. Naramdaman kong hinaplos niya ang pisngi ko.
“Say my name right now, just say it. Pakalmahin mo ako, Alora, please…” utos iyon sa pandinig ko pero ayaw kong sundin.
“Alora…”
Nagmulat ako. Nakangiti na siya nang nakakaloko.
Tumingin ako sa paligid saka ko na-realize na nasa kama kaming pareho. Sana naman matino pa ang isip niya pero mukhang hindi dahil sa mga ngiti niyang ipinapakita. Itulak ko na kaya?
Hindi ko na naituloy ang plano dahil kusa na siyang tumayo pero bago iyon dinampian mo na niya ng halik ang labi ko saka lang siya lumabas.
Hay salamat naman. Nakahinga ako nang maluwag. Hindi muna ako bumangon ang lambot kasi ng kama kaya ninamnam ko muna.
“ALORA, gising…”
Nakatulog pala ako. Ngiti ni Dex ang nakita ko pagmulat ng mata.
“Kain muna tayo.”
Bumangon ako. Niyakap ko siya. Hindi ko mapigilang maluha. Kung alam lang niya kung gaano ko siya kamiss. Niyakap niya rin ako. Kakalimutan ko munang bihag niya ako. Alam ng puso ko kung sino siya sa buhay ko bagay na hindi ko makontrol.
“Dex…”
“Mmmm…”
Bumitiw ako sa pagkakayakap tapos kusa ko siyang hinalikan sa labi. I really miss him. Napaluha ako lalo nang gumanti siya ng halik. Matagal ang bawat sandali.

TAPOS na kaming kumain ng dinner. Gusto kong ma-enjoy ang bawat minutong kasama siya kasi baka bigla na naman siyang mawala. Nakangiti ako ngayon, ngiting parang wala nang bukas.
“Andyan pa ba ang SD card sa ‘yo at selpon ko?” tanong niya habang nakaupo kami sa sofa.
Tumango ako.
“Akin na.”
Na-curious naman ako kaya binigay ko sa kanya. Mayamaya may nilagay siyang earphone sa tainga ko.
“Mga favorite ko ang nandito at mas masarap pakinggan pag andyan ang taong espesyal sa ‘yo.”
But when we touch
I realise
That I found my place in heaven by your side
Napatingin ako sa kanya.
“Huwag mo nga akong tignan ng ganyan.”
Nginitian ko siya. Mayro’n pala siyang romantic side. Lalo tuloy akong nai-inlove. Shit! Kakalimutan ko munang pustahan lang kung bakit naging kami.
“Ikaw, mahilig ka ba sa music?” tanong niya.
Umiling ako. Hindi kasi ako masyadong nakikinig.
“Bakit? Lahat ng tao, mahilig doon.”
“Ikaw ang musika ng buhay ko, Dex.”
Kumislap ang mga mata niya sa tuwa.
“Sure ka?”
Tumango ako tapos sumandal sa balikat niya.
Nakinig lang kami ng music. Ganoon lang kami hanggang makadama ng antok.
NAALIMPUNGATAN ako. Pagmulat ko ng mata, 2:30 am na. Nasa kama na rin ako na saglit kong ipinagtaka.
Bumangon ako. Nakita kong nakatayo si Dex sa may maliit na bintana na tila may sinisilip. Lalapitan ko sana pero tumunog selpon ko.
Ash calling…
Dali-daling tumakbo sa akin si Dex sabay agaw ng phone. Alam kong kinansel niya ang tawag.
“Paki-silent ‘to…” utos niya sa akin.

“Bakit?”
“Puwede ba huwag ka munang gumamit nito…” pabulong na sabi nya.
“Bakit ba?” tanong ko ulit.
Tinakpan niya ang bibig ko.
“May tao sa labas.”
Tinignan ko siya nang may pagtataka. Ano bang mayro’n doon? Nag-type siya sa phone ko tapos ipinabasa sa akin.
ISA SILA SA GRUPO NG NAGHA-HUNTING SAU. COOPERATION IS A MUST. 😉
Muli niyang tinakbo ang maliit na bintana tapos sumenyas na wala ng tao. Bumalik na siya sa kinauupuan ko.
“Kailangan nating lumipat, hindi ka na safe rito,” sabi niyang nagmamadali sa pag-aayos ng higaan.
“Dex, ano ba talagang mayroon?”
“Kukunin ka nila sa akin. Naiintindihan mo?”
“Akala ko bihag mo ako?”
“Okay, ganito ‘yan, hindi lang isa ang naghahanap sa ‘yo, kundi marami, mabuti nang nasa pangangalaga kita.”
Kinilig ako, infairness.
“Bakit daw?”
“Iyan, ang aalamin ko pa.”
“Sabi mo isa ka sa kanila.”
“Oo pero I’m here to protect you.”
Lumapad ang ngiti ko.
“Alora, tigilan mo ako niyan.”
Mas lalo pa akong ngumiti.
“Alora please, seryoso ako.”
Natawa na ako pero ‘di ko inaasahan ang ginawa niya dahil itinulak niya bigla sa kama at hinalikan.
“I love you…” malambing niyang sabi.
“I love you more…” sagot ko nang buong puso.
Ngumiti siya tapos parang nahihiya kaming di makatingin sa isat isa. Bakit ang awkward ng feeling?
“Ayusin mo na gamit mo, para makaalis na tayo.”
“Okay.”

NAKALABAS na kami ng kuwartong iyon. Nilinga ko pa at nabasa ang ROOM 4 Rent signage kaya hinampas ko si Dex.
“Bakit?”
“Hindi tayo magbabayad?” tanong ko.
“Sa akin ‘yon.”
Hindi na ako nagtanong ulit. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
“Hoy p’re, dyan ba kayo nakatira?”
Napalingon kami at nakita ang dalawang matangkad na lalaki.
Ako sana ang sasagot pero siniko ako ni Dex.
“Hindi p’re…” sagot ni Dex sa lalaki.
“A, pero may nakatira daw dyan e, isang lalaki tapos may kasamang babae,” sabi ng isa.
“A, di namin alam, bago lang kami rito.”
Ang galing nitong magsinungaling, yari siya sa akin mamaya.
Inakbayan na niya ako tapos tinalikuran na ang dalawang lalaki.
“Gago ka ba? Sila ‘yon…”
Narinig pa namin ang usapan ng dalawa. Nagkatinginan kami ni Dex.
“Kapag sinabi kong takbo, susundin mo ako okey?”
Tumango ako.
“Takbo! ”
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay nga kaming tumakbo.
NARATING namin ang isang van at dali-dali niyang binasag ang salamin ng pintuan nito saka nabuksan.
“Anong ginagawa mo?”
“Alora, trust me okey? Kung ayaw mo pang mamatay. Sakay!
Inirapan ko siya.
“Shit! Wala tayong susi.”
O, hayan galit na siya. Bahala nga siya!
“Problema mo na ‘yan… ”
Siya naman ang tumingin nang masama sa akin. Bumaba siya ng sasakyan.
Hala! Napikon yata. Iniwan tuloy ako.

Chapter 8: The Truth

TUMATAKBO na ang oras wala pa rin siya.
Pababa na sana ako pero tanaw ko na siyang papalapit at ngiting-ngiti pa.
“Nahanap ko na”
Pinaandar na niya ang sasakyan pero napansin ko ang mga galos niya sa braso.
“Mag-seatbelt ka,” sabi niyang kumindat pa.
Hala! Ano kayang mayro’n?
“Sorry nakipag-agawan pa ako sa dalawang ‘yon.”
“Bakit mo ginawa ‘yon?”
“Para sa ‘yo.”
Ang layo ng sagot. My god! Teka, para sa akin? Nayakap ko siya sa tuwa.
“Ligtas ka na.”
“Thank you Dex.”
Hininto niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada tapos tumingin sa likuran. Mayamaya niyakap niya rin ako.
MATAPOS nang halos isang oras na pagmamaneho, hininto niya ulit ang sasakyan.
“Baba na tayo.”
Pagkababa namin may sumalubong ang may edad ng lalaki.
“Dex, mabuti safe ka,” sabi nito tapos bumaling ang tingin sa akin at ngumisi tulad noong una ko siyang makita sa fast food chain. Oo siya ‘yon, tanda ko mukha niya.
“Siya ba si-”
“Uncle, huwag dito.”
Iyon lang ang naintindihan ko sa kanilang pinag-uusapan kasi dumistansya sila sa akin.
Binalikan din ako ni Dex matapos nang ilang minuto.
“May matutuluyan na ulit tayo.”
Tinignan ko lang siya dahil ang totoo ‘di ko gusto ang kilos ng mga mata ng uncle niya.
“Safe ka rito, pangako.”
Kumapit ako sa braso niya tapos tinapunan ng tingin ang Uncle niyang nasa medyo kalayuan habang nagyoyosi.

“Mabait si Uncle Doey, Mas close ko pa nga iyon kaysa sa sarili kong ama. Madalas ako sa kanya noong nag-aaral pa. Siya ang naging karamay ko nang pumanaw ang Papa ko.”
Nginitian ko si Dex nang marinig iyon. Safe naman pala ako. Pero napapaisip ako kung uusisain ko pa ba ang tungkol sa Papa niya.
Pumasok kami ng bahay ng uncle ni Dex. Maliit lang pero mahahalatang kumpleto sa kagamitan.
“Dex, what happened? Nag-alala ako sa ‘yo,” salubong sa kanya ng seksing babae na ikinabigla naman ni Dex.
“Yvonne?”
“Yeah! My god, bakit ang dami mong galos? Halika gagamutin ko ‘yan.”
Hello! Nandito ako. Hindi mo ba nakikita? Ako ‘yong nobya niya. Wag kang epal. Ito talaga ang tumatakbo sa isip ko at ito namang si Dex pinaunlakan ang babae.
“Dex, labas muna ako take your time with her,” sabi kong tinalikuran na sila.
Nagngingitngit akong lumabas ng pinto.
“Hey!”
Sinundan pala ako ng mokong.
Hindi ko siya nilingon. Hmp!
“Alora, what’s wrong?”
What’s wrong? Nagtatanong pa siya? Dapat alam niya na ‘yon. Na ako dapat ang gumamot ng sugat niya. Hmp! Na naiinis ako.
“What?” Humarap ako sa kanya.
“Nagamot na ang sugat ko, magaling na nurse si Yvonne e.”
Nurse pala siya. E, ano naman?
“So what?!”
Natutop ko ang bibig nang ma-realize ang pagtataray ko.
“Nagseselos ka?”
“Hindi!” madiin kong tanggi kasabay na sunud-sunod na iling.
Tumawa siya tapos hinawakan ang kamay ko.
“Oo, magaling nga siyang nurse, pero heaven by your side naman kaya nga kahit di na gamutin ang mga galos na ‘to alam kong kusa nang gagaling ang sugat dahil andyan ka.”
Natameme ako. Ang cheesy niya e.
“Lovebirds!”

Napatingin kami sa nagsalita. Si Yvonne pala.
“Pumasok na kayo, may time pa para matulog.”
Nagkatawanan kami ni Dex. Madaling araw pa lang kasi.
“Tabi tayo…” bulong ni Dex habang papasok kami ng pinto.
“Ha?”
“Isang kuwarto na lang ang available,” sabi ni Yvonne tapos tumingin sa akin. “Kung okey lang sa ‘yo share tayo?”
Tumingin naman ako kay Dex dahil may sinisenyas siya.
“Hindi siya sanay na may katabi,” si Dex ang sumagot.
Pinanlakihan ko siya ng mata.
“Okey, mauna na ako sa inyo, may pasok pa akong 6:00 am.”
Kami na lang ang naiwan sa sala. Nagpakiramdaman.
“A, una na ako sa kuwarto…” halos sabay naming sabi. Awkward. Ano ba ‘yan? Teka matutulog kami sa iisang kuwarto? What’s new? Bahala na.
“Tara na kasi, antok na ako, kakabantay mula pa kagabi,” sabi niyang hinila na ako.
Sabay na kaming humiga at nagtago sa kumot nang magkayakap. Nawala na ang awkward feeling.
“Good night…” sabi ko.
“Good night…” sagot niya tapos hinalikan ako sa noo.
Ilang minuto ang nakalipas…
“Alora…”
“Hmmm.”
“I love you.
Nakatulugan ko na iyon pero alam kong nakangiti ako.
NAGISING ako kinabukasan na walang makita, ‘di ko maigalaw ang kamay ko, ‘di rin ako makasigaw. Anong nangyayari? Sinubukan kong tumayo pero ‘di ko nagawa. .
“Im sorry Alora,” boses ‘yon ni Dex pero bakit?
“Ano pa bang ginagawa mo, Dex?”
sigaw ng isang lalaki.
“Hayaan mo muna ako Uncle, kahit saglit lang.”
Naguguluhan ako sa usapan ng dalawa.
“Huwag mong sabihing naaawa ka sa kanya. Pinasok na natin ‘to kaya panindigan mo.”

“Uncle, pero wala ‘to sa plano. Ang sabi mo itatago lang natin siya dahil maraming naghahanap sa kanya.”
“Ano? Wala ka talagang alam, Dex ano? Ako ang nagpapahanap sa kanya dahil ang tatay niyan ang pumatay sa inosente mong kakambal. Nakalimutan mo na ba ang nangyari noon kay Dahlia?”
Naiyak na ako. Wala akong alam. Ni hindi ko na siya nakikita matagal nang panahon dahil nabalitaan naming napatay siya. Iyon pala siya ang nakapatay.
“Bawiin mo ‘yan, Uncle! Hindi iyon maaari.”
“Iyon ang totoo. Kaya kalimutan mo ang pag-ibig sa babaeng anak ng mamatay-tao.”
Alam kong nagwawala si Dex. Dahil marami akong narinig na nangabasag na kung ano.
“Ang hayop na ‘yon! Kinamumuhian ko siya!”
Narinig ko ang yabag papalapit sa akin. Tapos may nakita na akong liwanag, nakapiring pala ako kanina, galit na mukha ni Dex ang nasilayan ko.
“Isinusumpa kita kayo ng tatay mo!”
Umiyak lang ako.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
“Hindi na lang sana kita nakilala.”
Napakasakit ng mga binibitawan niyang salita.
“Alam mo ba, dapat buhay pa siya ngayon e. Naguho ang lahat sa amin. Hinostage siya ng tatay mo, ibinigay namin lahat ng pera na hinihiling niya pero ano?! Pinatay pa rin niya ang kakambal ko nang walang awa!”
Iyak pa rin ako nang iyak. Ang alam ko kasi sobrang bait ng tatay ko. Simpleng buhay lang ang mayro’n kami. Hindi ako naniniwalang magagawa ang bagay na iyon.
“Tinatamasa niya ngayon ang marangyang buhay at masayang pamilya. Unfair ‘di ba?”
Tinanggal niya ang takip sa bibig ko. Chance ko na magsalita.
“Ano bang pinagsasabi mo? Matagal na siyang patay.”
“Buhay siya, malamang alam na niyang hawak ka namin at ikaw ang gagamitin naming pain para lumantad siya.”
“Dex, pakawalan mo ako rito.”
Tinalikuran na niya ako.
“Dex, please…”

Parang wala siyang naririnig. Humakbang siya palayo at wala na yatang balak pakawalan ako. Sarado na ang puso niya. Lalo akong naiyak.
AROUND 10 PM
Nagring ang telepono sa mansion ni Teo.
“Hello, Corpuz Residence…”
“Hawak namin ang only girl mo,” sabing humalakhak pa sa kabilang linya.
Agad na nanginig ang kamay ni Teo kahit inaasahan na niya ito.
“Huwag ninyo siyang gagalawin, magbibigay ako kahit magkano?” naiya sa kausap.
“Hindi namin ‘yan kailangan! Gago! Ikaw lang ang pakay namin kaya kung ayaw mong makita ang malamig na bangkay ng anak mo, pupunta ka rito nang maayos,” humalakhak ulit iyon na parang demonyo.
Nataranta si Teo dahil sa bantang iyon.
“Dad, is there something wrong?” tanong ng twelve years old niyang anak na lalaki.
“W-wala ito anak.”
“O, sige Dad, pasok na ako sa room ko.”
Tinanguan niya ang anak. Bumalik siya sa kausap nang masigurong wala ng ibang tao sa sala.
“Ibigay ninyo ang address darating ako.
ANG hapdi na ng tiyan ko. Anong oras na ba? Kanina pa ako walang kain. Gutom na ako! Natiis talaga ako ni Dex. Madilim pa naman ang buong paligid. Sana naman may matira pang awa sa puso niya. Mayamaya may narinig akong kaluskos mula sa kung saan. Tumingin ako sa may bintana. Nakita kong may anino ng tao mula sa liwanag na galing sa labas. Creepy! Baka isa ‘to sa mga naghahanap sa akin. Pero may mas lalala pa ba sa sitwasyon ko ngayon? Ano bang dapat ikatakot? Humakbang siya papalapit sa akin. Ipinikit ko ang mga mata. Handa na ako sa pagsalakay niya.
“Ililigtas kita anak.”
Tumulo ang luha ko habang kinakalag niya ang pagkakatali ng kamay at paa ko. Tama ba ang narinig ko? Si tatay ay nandito para iligtas ako?
“Tatay?!”
“Andito na ako anak. Pasensiya na kung natagalan.”
Napahagulgol na ako at mahigpit siyang niyakap. Walang kahit anumang tampo o galit sa puso ko.
“Wow! After twelve years, nakita rin kita Mr. Corpuz!”

Lumiwanag ang buong kuwarto at napapaligiran kami ng mga armadong lalaki.
“Sabi na nga ba lalabas ka rin sa lungga mo, hindi matitiis ng ama ang nag-iisang anak na babae…” sabi ng uncle ni Dex na sobrang lapad ng ngiti.
“Hayop ka Doey! Kahit kailan, hindi ka lumalaban ng patas!” sabi ni tatay na tumayo tapos ibinaba ang hawak niyang baril.
Pumasok naman si Dex matalim ang tingin sa tatay ko.
“Ikaw! Nang dahil sa ‘yo!”
Susugurin sana niya si Tatay pero hinarang siya ng uncle niya.
“Relax Dex.. Ako nang bahala.”
“Hindi Uncle, dahil ako mismo ang tuturo ng leksyon sa kanya.”
“Wala kang alam bata kaya huwag kang makikialam,” sabat ni Tatay.
“Ano bang hindi ko alam? Hinostage mo si Dahlia, tanda mo pa ba ang batang pinatay mo? Kapatid ko ‘yong hayop ka!” galit na sabi ni Dex na lumapit pa sa tatay ko.
“Hindi ko magagawa ‘yon. Bakit di mo tanungin ang tuso mong tiyuhin?”
Napatingin si Dex sa uncle niya.
“Uncle…”
Ngumisi ang uncle niya.
“Ilayo ninyo siya rito…” utos sa mga tauhan niya tapos pinosasan si Dex.
“Ano ‘to Uncle?”
“Damay-damay na mahal kong pamangkin, sabi ko ‘di ba, huwag ka nang makikialam,” sabi nitong nakangisi.
“Uncle, hindi pwede ‘to. Akala ko ba magkakampi tayo.”
“Dalhin ninyo ‘yan sa bodega at ikulong.”
Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan.
“At ikaw, lapit ka sa akin kung ayaw mong sumabog ang bungo ng tatay mo.”
Tumingin muna ako kay tatay bago ako humakbang papalapit sa uncle ni Dex.
“Ganyan, good girl.”
“Walang lihim na di nabubunyag, Doey. Bakit di mo maamin na ikaw talaga ang killer at hindi ako?”
“Tumigil ka kundi, isusunod ko na ‘tong anak mo! ”
Napapikit ako at panay tulo ng luha. Katapusan ko na yata.

Chapter 9: He’s gone

”HUWAG mong idamay ang anak ko sa galit mo sa akin, Doey.”
Humalakhak ang uncle ni Dex at alam kong kay Tatay na nakatutok ang baril pero mas pinili kong ipikit ang mga mata. Ayaw kong makita ang anumang mangyayari.
“Pakiusap ba ‘yan? Matapos nang ginawa ninyong pagtatraydor sa akin ni Christoff sa tingin mo ihihinto ko pa ang nasimulan ko na?”
“Nahihibang ka na, patay na ang kaibigan natin pero puno ka pa rin ng hinanakit sa puso mo.”
“Dahil ako rin ang pumatay sa kanya at isusunod na kita.”
“Hayop ka talaga, Doey! Hindi ka na nakontento sa yaman mo pati ba naman kompanya na pinatayo namin ni Christoff gusto mo maangkin!”
“Pinatayo nating tatlo, pera ko ang ginamit doon pero sinolo ninyo!
“Walang nabanggit si Christoff at saka napakaliit na bagay ito para kumitil ka ng buhay!”
“Nagmalinis ka pa Teo, pumatay ka rin di ba ng isa sa mga tao ko?”
“Self-defense lang ‘yon.”
Sumbatan. Puno nang galit at hinanakit ang nangingibabaw sa kanila.
“Uncle tama na!”
Napamulat ako at nakita si Yvonne.
“Umalis ka rito, Yvonne!”
Tumalikod si Yvonne pero muling humarap kasunod ng paghinto ng mga oras ko dahil pinatukan niya si Tatay.
“Tay!” palahaw ko ng iyak dahil sa pagkabigla.
“Kawawa ka naman…” nang-iinsultong sabi ni Yvonne na lumapit pa sa akin.
“Uncle, pakawalan mo na siya tapos na ang misyon.”
Binitawan na ako ng uncle ni Dex at pinilit kumilos para lapitan si Tatay na nakahandusay na sa sahig.
“Tay, gising…” sabi ko at saka pinakinggan ang pintig ng puso niya.

“Tumakas ka hanggat may pagkakataon.” bulong iyon ni Tatay, buhay pa siya.
Tumingin ako sa paligid chance ko na. Tinakbo ko ang pintuan.
“Oops! Saan ka pupunta?” tanong ni Yvonne na nakasabunot na sa buhok ko.
“Uncle, ipaubaya mo na sa akin ang malanding ‘to.”
Iniwan na kami ng uncle ni Dex.
“Hindi ko alam anong nagustuhan sa ‘yo ni Dex, para protektahan ka niya ng ganyan!”
Pinahid ko ang luha sa pisngi at tiniis ang sakit ng pagkakasabunot niya.
“Kunsabagay, ‘asan ba siya ngayon? Nagkamali siya ng desisyon na piliin ka niya over me.”
Humarap na siya sa akin. Teka nga bakit hindi ko kaya labanan ang babaeng ‘to? Na lamang lang ng isang paligo sa akin dahil mabaho ako ngayon, walang kain, walang ligo. Tinanggal ko ang kamay sa buhok ko. Bahala na kung makalbo. .
“Excuse me, at sino ka para magmalaki? Ex ka lang, ako ang present!”
Bahagyang napaawang ang bibig niya at natigilan.
“Alam kong minahal ako ni Dex at tulad mo nakatabi ko na rin siya matulog.”
Ouch! Masakit ‘yon a. Hayop ka Dex! Ilan ng babae ang tinabihan mo? Malilintikan ka sa akin matapos lang talaga ‘to.
“O, pero akin na siya ngayon kahit ano pang sabihin mo,” pagtataray ko. Aba! Aba! Hindi ako magpapatalo. Pangit na nga talunan pa. No way!
“Let’s see!”
Kinabahan ako bigla sa sinabi niya.
“Boys, dalhin dito si Dex!”
Nagsilapit ang dalawang lalaki. Natatandaan ko mga mukha nila. Sila ‘yong ninakawan namin ng van. Hawak nila si Dex na ngayon ay puro pasa na ang mukha.
“Dex…” Nilapitan ko siya.
“Im sorry..” ‘Yan lang ang narinig kong sinabi niya dahil may humawak na sa akin na dalawa pang lalaki.
“Gusto kong panoorin mo kung paano ko siya pahirapan…” sabi ni Yvonne tapos humalakhak na parang baliw.
“Ikaw naman kasi Dex, e.”
“Yvonne, itigil mo na ‘to, ikaw naman ang nang-iwan…”

Tumalikod si Yvonne kay Dex.
“Wala ka talagang kuwenta! Bugbugin ninyo ‘yan!”
Wala akong nagawa kundi panoorin lang ang kaawa-awang panggugulpi nila kay Dex. Ramdam ko ang sakit. Iyak ako nang iyak. Hindi ko kaya ang nakikita hanggang nakita kong lupaypay na siya.
Matapos nang ilang minuto bumalik ang uncle ni Dex.
“Yvonne, may mga pulis, tumakas na tayo.”
“Paanong–”
“Hindi mo napuruhan si Teo, kaya nakapagsumbong siya sa mga pulis.
Napansin ko ngang wala na si Tatay kung saan siya nakahandusay kanina.
“Alis na tayo!”
Naiwan kami ni Dex. Nilapitan ko siya.
“Dex, wala na sila, bumangon ka na. Hindi ako galit sa ‘yo. Please, bumangon ka na.”
Pinilit niyang ngumiti at nag-thumbs up pa..
“My loves…”
Ngayon ko na lang ulit narinig na tinawag niya ako ng ganyan. Tumulo ang luha ko.
“Natatandaan mo ba ‘yong favorite song ko na Heaven By Your Side?
Tumango ako.
“Gusto ko pakinggan mo ‘yon palagi, ingatan mo ang SD card ha.”
Tumulo na naman ang luha ko.
“Ano bang sinasabi mo?”
Hinawakan niya ang kamay ko.
“I love you Alora, tanggap ko nang di talaga tayo itinadhana. Tama ang manghuhula dati sa akin na maiksi lang ang pananatili ko rito sa mundo. Ipangako mong hindi ka malulungkot.”
“Ano ka ba? Parating na ang tutulong sa atin kaya huwag mong sabihin ‘yan,” sabi kong pilit nilalakasan ang loob.
Ngumiti siya tapos may kinuha sa bulsa.
“Heto ang address ng destiny mo, puntahan mo siya.”
“Dex naman…” reklamo ko.
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya napahagulgol na ako.
“Dex! Huwag mo ‘tong gawin sa akin, please naman o… Dex, please…”
Niyugyog ko pa siya pero wala na hanggang mahagip ng paningin ko ang baril. Ikinasa ko iyon at lumakad na puno ng galit. Alam kong hindi pa nakakalayo ang dalawa. Tama nga ako nang matanaw sila sa may likod ng bahay habang tumatakbo. Itinutok ko ang baril sa kanila. Bahala na.
Sa isang iglap, napatumba ko sila matapos kong tamaaan sa likod at na sila nilapitan ng mga pulis.
Nagsidatingan na rin ang ambulansya at ako nawalan na ng malay.
NAKAKASILAW na liwanag ang bumuluga sa aking paggising. Masakit ang likod ko na para bang kaytagal kong nakahiga. Nahulaan ko na nasa ospital ako. Nagugutom ako. Nauuhaw.
“Bunso, salamat naman gising ka na.”
Alam kong boses iyon ni Kuya at tama nga ako.
“Kuya…”
“Three days kang walang malay, akala ko, iiwan mo na kami…” naiiyak na sabi ng boses ng babae. Si Nanay iyon na mababanaag sa mukha ang lungkot at tuwa.
“Nay..” bati kong kinuha ang kamay niya.
“Nagugutom ka ba?” tanong ni Nanay.
Tumango ako at pinilit bumangon. Inabutan ako ni Kuya ng makakain at halos maubos ko iyon. Gutom na gutom talaga ako. Nakadalawang baso din ako ng tubig.
Tawa nang tawa naman si Kuya.
“Bumalik na ang katakawan mo…”
“Kuya naman…”
Inaasar niya kasi ako.
Matapos kong kumain bigla nangilid ang luha ko. Naalala ko si Dex. Kumusta na kaya siya? Miss ko na ang mokong na ‘yon.
“Pumunta na ba rito si Dex?”
Nagkatinginan sila.
“A., e, bunso… Ano kasi…” Si kuya na hindi maituloy ang nais sabihin.
“Kuya, gisingin mo ako ha, pag tulog ako na pumunta siya rito…”
“Bunso, hindi na siya makakapunta pa.”
“Bakit naman? E, nakausap ko pa nga siya no’ng…”
Naluha na ako. Hindi! Naalala ko na ‘yong huli ko siyang makita. ‘Yong huling nahawakan niya ang kamay ko. Ang huli niyang sinabi. Ang mga ngiti niya. Ang masasayang pinagsamahan namin. Ang konting pagtatalo.
“Ligtas naman siya Kuya di ba?”
“Alora…” Niyakap ako ni Nanay.

“Wala na siya anak…”
“Sabihin ninyong ‘di totoo ‘yan. Sabihin ninyo! Dex!”
Nagpalahaw ako ng iyak at kumalas sa yakap ni Nanay. Tumakbo ako palabas ng pinto. Hindi ko matanggap. Wala na talaga siya! Umupo ako sa labas ng pinto at humagulgol sa mga palad ko. Hindi ko kaya. Para saan pa ang buhay ko? I need him. Kailangan ko ng mga yakap niya. Ang sakit isipin na di na mangyayari ulit ‘yon. Ang sakit-sakit na iniwan na niya ako. Sana pala sinulit ko ang bawat oras na kasama siya. Sana di ko siya inaway. Sana sinabi ko kung gaano ko siya kamahal. Sana. Sana.
“Tahan na bunso…”
Napatingin ako kay Kuya na sinundan pala ako. Punung-puno ng luha ang pisngi ko. Yumakap ako sa kanya.
“Magpalakas ka, sasamahan kitang dalawin siya sa kanila.”
“Kuya, hindi ko kaya. Ayoko! ”
“Listen to me, kaya mo.”
Kaya ko nga ba? Paano ako magsisimula at tanggaping wala na siya?

Chapter 10: Hanggang sa muli, Dex

BINABAGTAS na namin ang daan na dati kasama ko ang lalaking pinakamamahal. Tumulo na naman ang luha ko. Naalala ko pa rin ang mga ngiti niya.
After 10 minutes… nasa tapat na kami ng gate ng mga Dela Rosa. Oo late na. Late ko na nalaman ang apelyido niya. Bumaba na ako dahil pinauna ako ni Kuya. Nagdoorbell ako. Isang may edad na babae ang bumukas, marahil ‘yon ang maid nila.
“Anong ginagawa mo rito?” salubong ni Mama Elle na masama ang tingin sa akin.
“Mama Elle, gusto kong makita si Dex.”
“Ang kapal ng mukha mo, huwag mo akong matawag-tawag na Mama Elle dahil binura na kita sa listahan ng puwedeng pumunta rito.”
Bakit parang dumoble ang sakit na nararamdaman ko?
“Kahit saglit lang po…” pakiusap ko habang umaagos ang mga luha.

“Aba, bingi ka ba o slow? Mahirap bang ipaintinding di ka na welcome rito kahit kailan?” nanggigigil niyang sabi at dinuro-duro pa ako.
“Dahil sa ‘yo, nawala ang anak ko, hinding-hindi kita mapapatawad!”
“Madam, huwag mo naman sisihin ang kapatid ko,” sabad ni Kuya sa usapan pero tinalikuran na kami ni Mama Elle.
“Tara na Alora…” sabi ni Kuya.
“Pero, kailangan ko siyang makita, Kuya.”
“Alora, ano ba?!” sigaw ni Kuya sa akin pero nagpumilit pa rin ako sa gusto ko.
Sinundan ko si Mama Elle.
“Mama Elle, please… Sige na po…”
Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero matigas talaga si Mama Elle.
“Kaladkarin ninyo nga siya palabas, nanggugulo ‘yan dito,” utos niya sa mga lalaking matatangkad.
Wala akong nagawa kundi kusang umalis. Hindi ko na hinintay na kaladkarin ako. Sobrang sakit man pero uuwi akong luhaan at bigong-bigo. Hindi man nasilayan ang mukha ni Dex kahit sa huling pagkakataon. Ayoko na! Wala na akong lakas na lumaban pa.
HINDI kami dumiretso pauwi sa bahay. Sa ibang direksiyon lumiko ang scooter ni Kuya pero di ko na pinansin panay lang ang iyak ko. Siguro gusto niya akong malibang. Mayamaya tumahan din ako. Yumakap lang ako likuran ni Kuya. Gusto ko nang masasandalan.
Huminto ang scooter sa tapat ng isang kainan. Walang masyadong tao roon. Inakbayan ako ni Kuya habang papasok sa loob niyon. Maaliwalas ang paligid. Makulay at perfect sa tulad kong durog ang puso. Infairness, sa Kuya ko magaling pumili ng lugar.
“Dito ka lang muna order ako nang makakain.”
Umupo ako at hinintay bumalik si Kuya. Naluluha na naman ako sa pagkakataong ito.
“Bestie!”
Napatingin ako kung saan galing ang tinig. Si Ash iyon. Sinalubong ko siya ng yakap.
“Alam ko na ang nangyari Bestie…”
“Ang sakit-sakit, Ash…”
“Iiyak mo lang.” Hinahagod niya ang likod ko.

“Bunso, tahan na, ano ba ‘yan? Kain ka nga muna,” narinig kong sabi ni Kuya.
Napabitiw kami ni Ash sa isa’t isa.
Umupo na kami para harapin ang pagkain. Pinunas ko na rin ang luha ko.
“Pasali…” si Rocky iyon na kadarating lang na agad humila nang mauupuan.
“Bawal, agawan mo pa ako kay–” hindi maituloy ni Ash pero tumingin siya kay Kuya. May hindi ba sinasabi ang bestfriend kong isa?
“Hindi, a. Babae na ang gusto ko ngayon for a change…”
Natawa ako sa sinabi ni Rocky. Hinampas ko tuloy siya dahil doon.
“Aww.. Bestie, kung miss mo ako huwag naman hampas…” pairap niyang sabi.
“E, kasi naman grabe ‘yong joke mo.”
“Oo nga…” segunda ni Ash.
“Pero thanks, nandito kayo kahit di ko kayo tawagan,” sabi ko na naiiyak na naman.
“Tinawagan kami ng Kuya mo…” duet nila.
“Alis na ako, bahala na kayo sa kapatid ko, may trabaho pa ako,” paalam ni Kuya. Tumayo na ito.
“Ingat…” sabay-sabay naming sabi.
Tumayo din si Ash at sumunod kay Kuya. Nagkatinginan kami ni Rocky na parang nagtataka.
“Ano kayang mayro’n?” tanong namin sa isa’t isa at saka natawa.
Bumalik si Ash na ngiting-ngiti.
“Isang malaking OMG!” tili niya.
“He likes me too…” tili pa niya.
“Ash, hindi namin gets…” sabi namin ni Rocky.
“Kayo naman, ang kj ninyo.”
Nagkatawanan na naman kami ni Rocky. Oo, nagagawa ko nang tumawa pero nandito pa rin ang kirot, ang katotohanang hindi ko na makakasabay pang tumawa si Dex. Paano ba mag-move on kung parang kahapon lang magkasama kami? Miss na miss ko na ang mga sandaling ‘yon.
NASA kuwarto na ako ngayon. Hawak ang SD card habang umiiyak.
“Aanhin ko pa ang mga music dito kung wala ka na sa tabi ko?”
Sabay sana kaming makikinig nito hanggang makatulog. Ang sakit pa rin.

Napasigaw sa sobrang sakit.
“Bakit kailangan pang mawala ka? Bakit? Paano na ako ngayon?!”
Pumasok si Nanay sa kuwarto ko. Alam kong nag-aalala na naman siya.
“Tama na, Alora. ”
“Nay, bakit hindi ko siya puwedeng makasama nang matagal?”

“Dahil baka may itinakda talaga para sa ‘yo…”
Itinakda? I hate that! Si Dex lang ang gusto ko. Siya lang.
Umiyak pa rin ako hanggang wala ng mailuha. Pinagkaitan na talaga ako ng tadhana. Awang-awa ako sa sarili ko.
“Cheer up Alora! Kaya mo ‘to, aalalayan ka namin ng Kuya mo. Mas matutuwa si Dex kung muli kang babangon at muling ngingiti nang walang pait sa puso mo. You are beautiful, Anak. Sige ka, maaga kang tatanda niyan. Nandito pa kami, lalo na ang Tatay mo, miss na niya ang mga bonding days ninyo. Hindi hihinto ang mundo dahil dito. Ang sugat ay hihilom din sa paglipas ng panahon.”
Natauhan ako. Tama si Nanay. Nasaan na ba ang dating Alora? Nakakamiss din pala.
NAGMAMADALI akong bumaba ng elevator. Dala-dala ang susi ng sasakyan na regalo ni Tatay. Two years na ang nakalilipas mula nang mamatay si Dex at unti- unti ko nang natatanggap ang mga nangyari. Dadalawin ko siya ngayon sa puntod niya. Excited na ako dahil sa wakas pinayagan na ako ni Mama Elle. Napatawad na rin niya ako. Hindi ko naman kasi talaga kasalanan iyon. Matagal na ring nakakulong ang mga taong may kagagawan ng lahat at ako naman ay nagsisimula na ng panibagong buhay.
“O, Ate, wala kang pasok?” tanong ng kapatid ko sa ama na si Lohann. Oo, may kapatid ako sa labas pero wala nang magagawa. Tanggap naman ni Nanay na nagkaasawa si Tatay sa mga panahong akala namin patay na siya. Matagal kasi talagang nawala si Tatay sa amin. Ang paalam nga lang nito ay may aayusin pero hindi na nakabalik dahil matagal pala siyang nawalan ng alaala. Sa mga panahong iyon ay nakilala niya si Tita Saria na binawian din ng buhay matapos nitong ipanganak ang anak nilang si Lohann.
Mabait si Lohann at talagang sabik sa kapatid. Maraming nangyaring hindi na kailangan itanong masasaktan lang kasi kaya hindi na ako nag-usisa pa. Kung ako ang masusunod gusto kong magbalikan sina Nanay at Tatay pero hindi ko lang alam kung napag-usapan nila iyon. Madalas kasi silang lumabas na sila lang.

“Si Kuya muna raw bahala sa office. A, teka, bakit nandito ka at wala sa school?” sagot ko rito sa asta bilang Ate. Napakamot tuloy sa batok ang katorse anyos kong kapatid. Siguro nag-iisip ng alibi.
“A, may date kasi kami ng girlfriend ko, e.”
Iyon naman pala. Talo pa ako ng kapatid kong ‘to. Luma-lovelife. Kunsabagay pareho naman sila ni Kuya dahil sila na ni Ash.
“O, pano ‘yan, una na ako. Huwag kang papahuli kay Tatay kung ayaw mong mawalan ng allowance at mana,” pananakot ko. Mayaman na kasi si Tatay dahil nagtagumpay siya sa pamamalakad ng kompanya na itinayo nilang tatlong magbabarkada na sina Tito Christoff na Papa ni Dex at si Tito Doey na nakakulong na. Masakit sa ulo kung isa-isahin ko pa ang mga iyon kung paano nangyari.
“Thanks, Ate,” aniya na nagpawala ng iniisip ko. Nag-kiss pa siya sa noo ko. Mas matangkad kasi siya sa akin.
Pinaandar ko na ang kotse ko matapos kumaway sa kanya.
Walang disenyo ang loob ng kotse ko parang hindi pambabae. Wala din music. Ibinaon ko na sa limot ang makinig ng musika pero nakatago pa rin ang SD card na isang maliit na alaala. Mahal ko pa rin siya kaya iwas ako sa mga manliligaw.
Ash calling…
Ni-loud speaker ko ang tawag.
“Hello Ash..”
“Saan papunta ang Bestie ko? Iniwan mo raw ang trabaho sa Kuya mo. Teka, hahanapin mo na ba si Mr. Right?”
Natawa ako nang mahina.
“Kay Dex lang, Bestie… Ano bang Mr. Right, ang sinasabi mo?”
“What? Hanggang ngayon, siya pa rin?”
“Nasa Memorial Park na ako. Bye, Bestie…”
Bumaba na ako ng kotse. Dala-dala ang mga bulaklak.
Habang papalapit doon, malakas pa rin ang pintig ng puso ko.
“Hi Dex, nandito na ako. Alam mo marami sana akong kuwento sa ‘yo. Ibabalik ko na pala ang SD card.”
Lumuhod ako sa damuhan tapos gumawa ng maliit na hukay gamit ang kutsilyong dala ko palagi. Tinabunan ko ang SD card at saka tumayo.
Paalis na sana ako pero may nakita akong paparating. Natutop ko pa ang bibig dahil sa pamilyar na mukha.

Hinintay kong makalapit ang lalaking marahang naglalakad. Nakatingin siya sa kinatatayuan ko. Nang nasa tapat ko na siya biglang tumulo ang luha ko.
Okay na ako e, pero bakit kamukhang-kamukha ni Dex ang nasa harap ko? Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Yayakapin ko ba siya?
Inilapag niya ang dala-dalang bulaklak.
“Utol, daya mo rin ‘no? Hindi mo man lang ako hinintay makauwi. Nabalitaan ko na lang kay Mama na natigok ka na. Pasensiya kung ngayon lang ako nakadalaw, hirap kasi akong makaalis nang hindi pa tapos ang kontrata.” Tumawa siya.
Ako naman ay naguluhan. Pinunas ko ang luha ko. Sino ang lalaking ‘to? Napatingin siya sa akin na parang nagulat.
Excuse me, kanina pa ako dito ngayon lang mo lang ako napansin? Tatarayan ko sana.
“Have we met before?”
Ano raw? Kinakausap ako ng kamukha ni Dex? Totoo ba ‘to? Nangatog bigla ang tuhod ko. Bakit parang magkaboses din sila? Anong isasagot ko?
“Hey!” Pinitik niya ang daliri malapit sa mukha ko na nagpawala naman ng mga gumugulo sa isip ko.
“A, e, siguro…”
Ngumiti siya. My God! Ang ngiting ‘yon.
“Kakambal ako ni Dex, I’m Greg,” pakilala niya.
Hindi ako nakipag-shake hands. Sorry naman natigilan kasi ako. May kakambal pa palang isa si Dex. Ilan kaya sila? Creepy!
Ibinulsa na niya ang kamay nangalay na yata.
Mayamaya pa’y may malaking patak ng tubig sa braso ko. Saan kaya galing? Bigla yatang dumilim ang langit.
“Silong tayo, mukhang uulan nang malakas,” aniya tapos hinila ako sa isang shade house.
Nang makaupo kami saka naman bumuhos ang ulan.
“Naikuwento ka na sa akin ni Dex, maraming beses. Tanda ko na, ikaw si Alora.”
Napatingin ako sa kanya.
“Pasensya na minsan napagtripan ka namin…”
Umusog siya nang upo. Magkalapit na kami.

“Ako dapat ‘yong magtatapat sa ‘yo ng damdamin pero gusto ka rin niya kaya nagpustahan na lang kami kung sino una makalapit sa ‘yo kanya na. E, ang ilap ng pagkakataon sa akin.”
Nakinig lang ako.
“Pumunta ako sa Saudi para tanggapin ang pagkatalo. Doon na rin nakapagtrabaho,” natatawa niyang sabi.
Bigla ko tuloy naalala ang papel na binigay ni Dex. Saudi kasi ang nakasulat doon.
“Alora…”
Hinawakan niya ang mukha ko. Bakit ganito ang bilis ng mga pangyayari? Magkaharap na ang mukha namin. Dahil sa pagkakalapit naming iyon, lalo ko lang naalala si Dex.
“Sana kaya kong patigilin ang ulan tulad ngayon na abot-kamay na kita. Sana noon ko pa sinabi.”
Napakabilis ng pangyayari. Agad niyang nasakop ang mga labi kong si Dex ang unang umangkin. Bakit ang sarap ng ganito? Pero bago pa ako makalimot ay agad ko siyang tinulak.
“Pasensya na. Natangay lang ako, matagal na kasi akong may gusto sa ‘yo.”
Inaamin kong bigla akong naguluhan dahil sa ginawa niyang iyon. Bagong katauhan ang nagtapat sa akin ng damdamin na kakambal pa ni Dex. Sino bang hindi maguguluhan? Lalo pa’t nangungulila pa rin ako kay Dex, sa mga yakap niya at mga halik.
Nagring ang phone ni Greg.
“Hello, Hon… oo pauwi na ako.”
Hon daw? E, kung sipain ko ang lalaking ‘to. Okay na, e. Nagtapat na siya pero may love life naman pala.
“Pasensiya na talaga ha,” aniya at tinakbo na niya ang ulan.
Nagpapakatandang dalaga nga lang ako dahil mas pipiliin kong huwag nang ipagkatiwala pa sa iba ang puso ko. Hanggang sa muli, Dex.

Wakas…


One Comment

  1. There is evidently a lot to identify about this. I consider you made some good points in features also.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.