0

all my life part 1 ( the beginning )


Report

di sa bawat oras ay makakasalubong mo ang taong nakatadhana para sayo. hindi ito hinahanap oh binibili. kusa itong dadating sa tamang panahon at pagkakataon. sa ibabahagi kong kwento ito sana makapulot kayo ng aral.
ako si shiana magdrigal isang tipikal na babae na may simpleng buhay. masasabi ko hindi naman kami hikahos sa buhay at di rin naman kami nakakaangat sa estado. kumbaga tama lang. ngunit para sa akin parang may kulang. pakiramdam ko kulang ako sa pagmamahal hanggat sa nakilala ko si chad San Jose sa di inaasahang pagkakataon, lugar at panahon. at ito ang aking kwento.
sawi ako sa pag ibig ng mga sandali na yun dahil iniwan ako at pinag palit sa iba ng aking nobyo si arthur. halos binigay ko sa kanya ang lahat lahat ngunit ganun pa rin ang ginawa nya. minsan sa isang tulay ay nagbalak ako magpakamatay ngunit.
lalaki : ms ms masama yang binabalak mo. labag yan sa kagustuhan ng diyos ms
ako : sino ka ba? hindi mo ko kilala bakit mo ko pinipigilan?
lalaki : kung ano man ang mabigat mong problema. sigurado makakaya mo yan. hindi naman sayo ibibigay ng nasa taas kung hindi mo kaya. wag mo ituloy binabalak mo ms
ako : wala kang pakialam sa...


gusto kung gawin. wag mo nga ako guluhin.
lalaki : sige ganito nalang kung tatalon ka at magpapakamatay sasabay ako sayo. pagtumalon ka dyan susunod din ako sayo para tumalon.
hindi ko naman kakilala ang lalaki na yun ngunit bakit ganun sya kaconcern sakin. nang handa nako tumalon laking gulat ko na tumabi sya sakin at parang aktong gagawin nga nya ang binabalak ko gawin.
ako : ano ginagawa mo?
lalaki : di tatalon din. ano ba sabi ko? tatalon din ako kung tatalon ka di ba.
ako : baliw ka ba?
lalaki : hindi ahhh. teka ano ba ang problema mo bakit gusto mo magpakamatay?
ako : pakilam mo ba sakin ha?
lalaki : lahat ng nilalang na nabubuhay ay may pakilam sa isat isa. ano nga ba ang problema mo?
ako : iniwan ako ng nobyo ko at pinagpalit sa iba.
lalaki : ganun lang papakamatay kana?
ako : bakit pakilam mo ba?
lalaki : alam mo ba ang kasabihan ms. pag may umalis na isa. asahan mo may papalit sa umalis na mas maganda at mas maayos para sa taong iniwan.
sa kanyang sinabi halos mapa isip ako. ganyan din ang sinasabi madalas sakin ng yumao kong ama. sino kaya ang misteryosong lalaki kausap ko ngayon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.