0

Ako Naman Kabanata 42


Report

Isang buwan na ang lumipas at araw araw akong sinusuyo ni Totoy ..
Sinusundo nya ko sa trabaho khit di ko sya pinapansin..
Kung minsan inaabangan nya ko sa plasa para sabayan ako sa pag uwe ko..
Pero Lahat yun denedma ko Lang. .
Hindi dahiL sa hindi ko na sya mahal kundi dahiL gusto ko syang tiisin katulad ng kung paano nya ko tiisin ng mahigit tatlong taon…
Pinapagpahinga ko rin ang Puso ko.. Masyado ng napagod para ipaintindi ko kay Totoy na mahal na mahal ko sya pero ang hirap nyang makaintindi kahit binigay ko ng lahat ng pagmamahal na meron ako..
Napabuntong hininga ako..
Agad kong niligpit ang mga papeL na nsa desk ko…
Uwian na at gusto kong umuwe sa bahay para makapagpahinga dahiL bukas balak kong pumunta sa bayan at magpagupit..
“Magpapaganda ako para lalo akong gumanda “, nakangiti kong bulong sa sarili ko..
Ngayon ko papatunayan na kapag mga sawi ay nagpapagupit at lalong gumaganda..
Masaya akong nagLakad pauwe..
Malayo plang ay nakita ko na agad si Totoy na inaabangan ako..
Sumimangot ako..
“Tsk. Akala nya bibigay na ko dahiL lang sa mga pasundo sundo nya sa akin “,
Pero sa kaibuturan ng puso ko ay kinilig ako..
” ganito pala pakiramdam ng sinusuyo.. “, nakangiting bulong ko.. Pero syempre d ko pinakita yun kay Totoy ..
Nang makalapit na ko ay sinabayan ako ni Totoy ..
Di ko sya tiningnan pero tinaasan ko sya ng kiLay..
“Marya ..kausapin mo ko.. “, pakiusap nito..
Dere deretso Lang ako sa paglalakad na tila di ko sya narinig..
Pero hinawakan...


nya ko sa braso.. DahiLan para mahinto ako sa paglalakad..
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin “, naiinip na sabi ko dto…
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita..
“Sorry na.. “, mahinang sabi nito..
Napa ismid ako..
“Sorry?? Saan?? Wala ka namang ksalanan..saka ksalanan ko naman yun.. Kaya hayaan mo na yun..”, saad kong seryuso dto..
“Ganun lang ba yun ..? Alam kong galit ka lang sa akin kaya nasasabi mo yan ngayon.. Mahal mo ko db? “,
Tiningnan ko ito saka mahina akong tumawa..
“Patawa ka talaga.. Di porket mahal kita ay wala na kong karapatang mapagod.. “, pinipigiLan kong wag umiyak. “Nakakasawa din plang maging despirada at Martir.. “, saka iniwas ang tingin..
“di yun sa ganun. Kunting panahon lng ang hinihingi ko s—–“,
“Gawin mo na ang mga gusto mong gawin sa buhay mo ..pabayaan mo na ko… “,
Saka mabilis ko itong iniwan..
Pagtalikod ko ay ang kasabay ng pagtulo ng mga luha ko..
MAHAL KO SYA PERO NAKAKAPAGOD DIN PALA..
Pagdating ko sa bahay ay masaya akong tumabi kay tita na nanonood sa sala at nagkakape..
Nasa kwarto si Tito..
“Anak ? Bkit di na dumadalaw dto si totoy?? “tanong ni tita..
“Alam mo naman yun tita.. Baka busy Lang “, sabi ko saka umiwas ng tingin..
Alam kong alam ni tita ang totoo.. Baka nasabi na sa kanya ni Ate Esang pero inaantay nlng ni tita na ako ang kusang mahmg kwento…
Itinuon ko nlng ang mga mata ko sa panonood ng tv..
DahiL Di narin nman ng natanong pa si Tita .
-itutuloy
Goodnyt


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.