0

Ako Naman Kabanata 11


Report

May Kalmot ako sa mukha.
May Pasa sa uLo
Ang daming gasgas ng braso ko..
Masakit ang uLo ko dahiL sa pagsabunot ni Mikmik sakin
At Lalong masakit ang katawan ko..

Nasa Harap kme ng Lamesang apat..
Ako.. Si tito.. Si tita at si Kuya GiL…
DahiL sa nangyare ay di na kaalis si kuya GiL..
Sila pla ang umawat sa amin dahiL may nakapag sumbong kay tita na nakikipag away ako..
Nakayuko ang uLo ko.. Ayaw kong umangat ng tingin at alam kong masamang makatingin sa akin si tito…dahiL galit na galit ito..
“Marya Rasu “!
Napalunok ako..
Ayan na.. Kapag tinawag na ko sa totoong pangalan ko ay alam kong galit na ito sa akin..
“Po.. “, sagot ko.. Halata sa boses ko ang takot.
“ikaw bata ka.. Wala ka na talagang ginawa kundi bigyan ako ng sakit ng ulo. Lagi ka nlng nakikpag away, bat di mo gayahin si ate Esang mo na mabait nung mga kaidad mo palng “, sabi ni tito sa akn ..
Nasaktan ako.. Di man Lang tinanong kong bat ako nakipagsabunutan.. Agad agad na kong kinumpara kay Ate Esang..
Di ako sumagot. Nanatili akong tahimik habang nilalaro laro ang daliri ko sa kamay..
“bat ka ba nakipagsabunutan Marya? “tanong ni tita
“Malandi daw si Ate Esang eh kaya di na nag araL.. Mana daw kay mama “, sagot ko sa kanila habang nakatingin ang mata kay tito..
“Bakit mo pa pinatuLan? Anak sana hinayaan mo nLang ..”,sabi ni tita..
“SutiL ka talaga Marya.. Anong ugali bang Meron ka “, sabi namn ni tito..
Tahimik lang ako ..
Sa gilid ng mata ko na nakita ko si kuya GiL na subrang Lungkot..
“si Ate Esang —–“,
“Hindi po ako si Ate Esang “, sagot ko kay tito. “magkaiba po kame.. AKo si Marya tito.. Di po ako si ate Esang “,umiiyak ng sabi ko..
NaguLat si tito sa pagsagot ko pero kse nasasaktan na ko talaga…
Di ko na hinintay na magsalita pa sila basta tumakbo ako palabas ..papuntang tabing dagat… Wala akong pakialam kung makita pa ko dun ni Mikmik.. Edi magsabunutan ulit kme!!
Umiyak ako ng umiyak..
Ang sama ng Loob ko.
Umupo ko sa buhanginan..
Pumulot ako ng bato at hinagis sa dagat…
Nakaksama ng Loob yung lagi kang kinukumpara sa ate ko. Di naman perpekto si ate… Nagkamali din nman tulad ngayon… Pero puring puri parin ni tito ..
May tumabi sa akin…
Masama ang tinging pinukol ko..
Si kuya GiL pala.. Akala ko si Mikmik na..
“Wag kang magalit sa akin “, biro ni kuya GiL…
Di ako ngumiti… Wala ako sa mood makipagbiruan..
Tumingin ako sa dagat bago nagsalita
“Bat ka nandto..! Di ka na dapat pang sumunod dto. Para icomfort ako! “mataray kong pagkaksabi dto .
Narinig kong...


tumawa ito..
Pogi nman talaga si kuya GiL.. Kaya nagtataka ako bkit nagpapakatanga to kay Ate..
Pero wala kong pakialam sa pagiging tanga nito… Mas may pakialam ako sa sama ng loob ko ngayon…
Wala akong paki kong magmukha akong tanga. Basta umatungaL ako ng malakas para umiyak..
“wuhhhhhhaaaaaa! Nakakainis talaga! ” atungaL ko..
“ui Marya wag kang ngumawa ng ganyan.. Nakakahiya baka marinig ka ni Mikmik at pagtawanan ka pa! “, sabi ni kuya GiL..
Natahimik ako.. Tama si Kuya GiL.. Dpat pala silent lng ako pag umiyak.
Umiyak ako. Pero mahina..
“bat ganun sila kuya GiL? Palagi nlng akong kinukumpara kay ate ..?”
“Ikaw naman kse.. Sana di ka nLang nakipag away. Ayan tuloy napagalitan ka pa “,
“pinagtanggoL ko lang si ate.. “,
“hayaan mo nalng sana.. Ikaw pa tuloy napagalitan.. “,
Natahimik ako ..tama nman si Kuya GiL.. Sana di ko nlang pinatulan.. Pero si Mikmik kase yun eh saka si ate Esang din kse ang tsinitsismis nya..
“Magsorry ka nLang kay tito at tita.. Mahal ka nila kaya wag kang ganyan. “, narinig kong sabi nito ..
Tiningnan ko si kuya GiL.. Halata sa mukha ang lungkot habang makatingin sa dagat..
“ano bang meron kay ate Esang at mahal na mahal mo sya? Tanong ko dto..
“di ko alam. Basta ang alam ko lang mahal ko sya “,
Ang labo ng sagot ni kuya GiL..
Kung tutuusin 6 years lang nman ang tanda nito sa akin ..mas maganda nman ako kay ate Esang..kung ako si ate Esang di ko na papakawalan ang katuLad ni kuya GiL..
“Kung ako sana ang minahaL mo at mahal din kita Kuya GiL di kita Lulukuhin “, seryuso kong sabi dto..
“Marya. Wag kang magsalita ng ganyan.. Mamaya may makarinig sayo.. Sasabihin niLalandi mo ko.. Ikaw talaga “, saway nito sa akin.
“Ang arte. Feeling ka kuya GiL.. Si Totoy lang ang para sa akin “, sabi ko dto saka tumingin sa dagat..
Namimisss ko sila kuya Long at Kuya boboy…
Namimiss ko ang mga kapatid ko..
Tumayo na ko at saka nagpaalam kay kuya GiL..
Tinahak ko na ang daan pauwe.. Di ko napansin kanina ang taong narinig ang sinabi ko kay kuya GiL…
Pagkauwe ko sa bahay ay nakaupo parin si tito at si tita ..tila inaanantay ang pag uwe ko.
Pagkapasok ko ay umupo ako sa harap nila tito.
“pasensya na po kanina tito.. “, buong pakumbabang paghingi ko ng tawad..
“Pasensya din kong kinumpara kita sa ate Esang mo “, hinging paumanhin din ni tito.. “basta anak wag mo ng uulitin… Tama na yung ginagawang kahihiyan ni ate Esang mo sa atin.. Wag mo ng dagdagan “, malungkot na sabi ni Tito..
Tumango ako..
“sge na matulog ka na “, utos nito kaya agad akong pumasok ng kwarto ..
-Itutuloy


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.