7

akala ko lang pala


Report

hi po. ako nga pala si mark, grade 11 student na ako ngayun. mataas payat chinito saka maputi.. umpisahan ko na nung junior highschool ako. grade 7 ako nung nag start yung crush² kaya ayun nagka crush ako nang isang girl..medyo chinita..name nya si alma.. pero diko sya pinapansin sa klase kase study ako non.. top 10 in first grading top 3 crush ko..na empress nmn ako pero talo sya sakin kasi top 2 ako…tumuloy yung pagkaka dala ko sa top hanggang sa natapos yung grade 7 ko… nung second year nako diko inexpect na magkaka girlfriend nako..alam niu ba kung sino?si alma..trip lang yun namin nang cousin ko pero bigla nya akong sinagot at sinabi na may gusto rin kasi sya sakin kaya ayun naging kami.. ma effort syang babae kasi laging syang may gift sakin every monthsary pero ako walang gift sa kanya kasi nga crush lang turing ko sa kanya..patuloy ang aming relasyon..3 months na kami at dec. na..simbang gabi na..magkasama kami mag simba..diko alam bakit ako sumasama sa kanya kahit diko namn sya gusto..isang araw nag cross landas namin nang best friend nyang si hanny, maganda saka ang cute nang best friend nya.. after 4 months diko na talaga kaya makipag plastikan kay alma kasi nga diko sya gusto.hanggang crush lang..nag end yung second year ko..then pasukan nang grade9..what the!! classmate kami ni hanny shit na fall ako nang agad² diko inakala na ang lambing dn nya..yun lang masakit mangurot…ang tindi ba nmn kung maka sigaw ehh yung boses parang pusa lang nmn makakarinig….grade 9 ako daming nag kaka crush sakin..diko sila pinapansin..kasi dinidiskartehan ko na si hanny..ang taray talagang babae..isang araw sabi ko sa kanya (han pwede ba ako manligaw sayo?) sagot nya ( baka magalit sakin si alma kasi best friend nya ko tapos ex ka nya) sabi ko namn ( wag ka mag alala d yun magagalit..hingi ako ng permit sa kanya para pwede na?) sagot nya ( sege ask mo muna sya) ayun pumayag si alma na manligaw ako kay hanny.. diko expect na after 1 month sinagot nya na ako..sobrang tuwa ko nun..as in tuwang tuwa ako kasi kami na…in the next day..nung nagkita kami..wow awkward pala kasi shytype kaming dalawa..haha di ba nmn kami nagpansinan..peo sa text andaming usnutan..hanggang sa isang araw na nagkasama kami sa isang group activity ako na nag una sa kanya sabi ko ( hello hanny, miss ko yung chinita mong mata) kinilig ba nmn mga ka kaklase ko kaya nag blush bebeko.. matapos ang araw na yun bumawi yung bebe ko sakin..present namin yung group work namin..sabi nya representing my boyfriend mark ivan..sheeteee sobrang hiya ko lumabas ako ang room…namula raw ako peo pumasok ano ulit..pagkatapos nyang e report yung gawa namin tinabihan ko sya sa bangko nya at ako nmn nangurot sa kanya..sabi nya ( aray, ansakit nmn ) sabi ko nmn ( ikaw kasi ehh akala ko tago tayo?) sya ( ayaw kong tago tayo kasi parang hindi tayo) napa wow ba nmn ako sa sagot nya..after nun magkasama na kami lagi..ang sweet naming dalawa..pero may limit ako sa kanya.. at nung first monthsary namin napagtripan ba nmn kami nang barkada namin na mag kiss raw…grabe di ako nahihiya nun kasi may experience na ako nang kiss sa pisngi at labi kay alma… yun lang first kiss ni hany kaya nahihiya sya sakin..kaya ako na umunang mag kiss sa pisngi nya..namula sya agad² haha nakakatawa sya ehh first time nya raw humalik sakin..sabi ko sa kanya..pa hug ako..d nmn sya tumanggi tapos sabi ko ( yung first hug and kiss mo ako na gumawa huh?} napatawa sya at sabi nya sakin ( uo ikaw nga.. at niyakap nya rin ako nang mahigpit) nasa private area kami nun..kaya nagawa naming maghug..kasi nmn d dapat yan makita diba?? yung araw na yun..first hug and kiss nya..d ko malimutan..after many months tuloy relasyon namin hanggang sa nag end ang 3rd year ko.. sabi nya nung aalis nako kasi nga summer na ( mark sana pagbalik mo akin kapa rin huh?) sabi ko nmn ( uo naman han sino ba nmn kukuha sakin kung nasasayo nako diba) tapos sabi nya ( sus pa hug ako ) hug nya ko kahit daming tao…kaya ayun naging legal kami sa taong bayan haha..lagi ko sya hinahatid pauwi habang naka hhww..uhh diba? ang sweet talaga naming dalawa..inggit nga samin mga schoolmates namin ehh..kasi kami raw yung pina ka sweet na couples sa school namin..nung valentines pinakilala ko sya sa parents ko saka narin sa lola ko..pero ako pinakilala nya nung xmas party namin..legal kaming dalawa sa mga tao.. eto na !! 4th year highschool nako… first grading whoooaa ganun parin kami ni hany…hatid ko sya lagi pauwi..kasama ko lagi sa canteen..taga gawa nang homework ko..pero pag math na homework ako ang gumagawa kasi ako raw magaling..diko man aminin pero nasa grades ko talaga na magaling ako sa math…dumating yung anniversary namin..haysst nag break ba nmn kami..haha tapos nung gabing yun..naghihintayan kami kung sino ang unang magchachat..peo sya ang umuna..sabi nya ( mark, salamat pala sa paghatid sakin kanina huh? swerte nang babaeng susunod na mamahalin mo.) sabi ko nmn ( walang ano man yun han, swerte nga rin nang lalaking magiging kayo kasi, maganda ka..cute matalino. photogenic..mapag mahal saka maalaga kang babae..) d ba nmn nagpatalo sabi nya sakin ( ehh ikaw nga mataas respeto sa babae, gentleman, cute rin, maalaga rin saka sobra ka kung magmahal) umabot kami nang 11:55 kakagood time sa isat isa..sabi nya sa huli ( wag kanang umalis mark..tayo nalang ulit) yun lang hinihintay ko sa kanya kasi nga anniversary namin tapos nag reply ako (11:59 han..wag karing mawala sakin..mahal na mahal kita..happy first anniversary han..) ayun nag reply sya sabi nya ( happy first anniversary dn mark..mahal na mahal dn kita..) tapos nun natulog na kami…then the next day…akala ko walang nagbago samin kasi nga kami parin pero nahalata kong d nya ako pinapansin….magka klase kami peo bakit parang ayaw nya ko makasama..umabot yung recess time sabi ko ( han kain tayo..) sabi nya ( ayaw ko busog pako ehh) sabi ko nmn ( wow ngaun kalang nabusog) nagalit ba naman sakin..tapos nilayasan ako..nag sunod² yung araw na ganun ugali nya sakin..peo sweet parin ako sa kanya…minsan gumagala sya kasama barkada nya..lagi nya ako niyayaya peeo di...


ako makasama kasi kulang ako sa budget..sino ba namng lalaki ang lalakad na ang babae pa manglilibre diba boys? syempre nakakahiya dapat kami..kaya ayun d ako lagi nakakasama sa mga trip nila..mahal na mahal ko sya kaya pinapayagan ko kung saan man lakat nya..
nung xmas party namin..wow bongga daming handa pero galing ako nun sa simbang gabi kaya ansakit nang ulo ko..nag attendance lang ako sa school saka umuwi..d ako nagpa alam sa kanya kasi parang matutumba nako sa sakit nang ulo ko…pagka gabi nun nag chat sya sakin sabi nya ( bakit ka umuwi mark?) sabi ko ( sorry han ansakit nang ulo ko diko kinayang bungon) sabi nya ( may gift sana ako sayo ) tapos sabi ko ( sa susunod ko nlng kunin..ansakit oa nang ulo ko) sabi nya ( okey ).. naawa ako sa kanya kasi diko sya nasamahan sa xmas party namin…lumipas ang December..walang nagbago samin sa first month nang 2017..sabi ko sa kanya nung birthday nya..sabay abot nang teddy bear kong pinag ipunan..( han happy birthday, sana walang magbago satin hanggang sa pag tanda natin…) nag smile sya sakin tapos niyakap nya ako at sinabi na ( uo..walang magbabago sa atin) nag smile nalng rin ako…pero lapit na summer uso nanamn pasyal..lagi nanamn sila namamasyal nang barkada nya.. first week nung feb. hiniwalayan ko sya..kasi hindi nya na ako pinapansin sa school..busy na sya sa trip nang barkada nya..sabi ko sa kanya ( han break na tayo..akala ko ako priority mo) sabi nya ( ikaw nmn ahh bakit sino paba?) sabi ko ( edi barkada mo) sabi nya ( okey naintindihan kita sege break) nadala ako non nang imosyon ko..d rin ako nang paramdam sa kanya..umabot nang isang bwas nabalitaan ko na nag.meet sya..nag chat ano sa kanya na pwede ba kaming magkabalikan..sabi nya sakin ( para ano pa? kung ikaw mismo ayaw na?) sabi ko ( dimo nako talaga mahal han?) sabi nya ( sinabihan kita na wag mo kong iiwan) sabi ko ( akala ko ipaglalaban mo ako kung sa simpleng break lang iiwan mo rin ako) sabi nya ( just friends nalang tayo mark) nasaktan ako sobra dun sa nangyari peo nagkabalikan kami dn nmn kami haha..naging kami ulit yesss pero alam niu kung ano nangyari?? naging tanga ako sa kanya..diko alam may minimeet na palang iba..pero hinayaan ko lang kasi ayaw ko nang mawala sya..tapos wala na syang oras sakin kahit text minsan d pa magawa..akala ko nasa tindahan sya kasi may tindahan sila..peo paulit ulit silang nag meet nang lalaking si manuel..gumala pa silang dalawa..nang sila lang dalawa.. AKALA KO hindi sya magbabago.. akala ko ako lang mahal nya..peo atun nagpaka martir ako..hanggang sa isang araw na sabi nya..( mark break na tayo, wala na tyung oras sa isat isa ehh) sabi ko ( tayo ba o ikaw lang ang walang oras sating dalawa??) sabi nya ( uo ako nga walang oras sayo..) hindi ako pumayag na ag break kami kahit sobrang sakit nanang pinagdaan ko sa kanya…nung JS PROM. namin..kami parin nun..pero nung matapos ang araw na yun wala na talaga syang pake sakin kasi d nya na ako sinasamahan sa school..lagi na akong mag isa..kasi pati barkada ko sinuko ko para sa kanya..and then nakita ko yung mga pic nila nnang lalaking minimeet nya..sheeetee ansakit ang sweet nilang dalawa..sabi ko sa sarili ko..hinanap nya pala sa iba ang diko kayang mabigay sa kanya..sabi ko sa kanya ( han totoong bang pagod kana?) sabi nya ( uo..pagod nako) then sabi ko nalng sa kanya ( sege han..simula ngayun makaya kana..) iyak nang iyak ba nmn ako nun sa kwarto ko..ilang days,weeks, months akong tulala walang kibo hanggang sa mag summer..na busy yung self ko sa computer games..peo nung nag start yung grade 11 nako..first day of school umiyak ako sa tabi..sabi ko..hanny saan kana..miss na kita ( nung time na yun may iba na palang boyfriend si hany..) peo wala na akong nagawa nun kaya pumasok sa room namin..nabusy ako sa ulit sa pag aaral..kasi nung grade 8-10 ako..bumaba yung grades ko..tapos ngayung grade 11 ako tumaas kasi nabusy sa school…tapos nung anniversary namin..second anniversary namin..nag add friend sya sakin..sabi ko? ( wow naisipang magparamdam) peo accept ko..dko lubos maisip na hanggang dec. 2017 ay mahal ko parin sya..sabi ko dapat limot ko na sya kasi matagal na kaming tapos ( pero 8 months palanag nakaraan) tinuloy ko buhay ko..hanggang sa nag chat sya sakin sabi nya ( kamusta kana?} ma pride ako nun sabi ko ( ako?okey lang..malakas parin) kaya ayun sineen nya ko..diko ba alam at masakit na masakit parin..nagtuloy tuloy chat nya sakin sa mga sumunod na araw..para bang bumalik ang dati kong feeling sa kanya..peeo sya may bf na iba..kaya tanga nanaman ako..kakaisip ko na tanga ako sinabi ko na sa kanya na magkita kami..at nangyari yun dec. 24 10pm sa gabi..nag usap kami sabi ko sa kanya ( mahal mo paba ako han?) sabi nya ( uo mahal pa kita) sabi ko nmn sa kanya ( pag isipan mo muna kung gusto mong bumalik sakin oh hindi..taranggapin ko sagot mo before mag end ang 2017..) peeo nung ihatid ko na sya sabi nya ( mark gusto pa kitang makasama ) peo d ko tinanggap sagot nya..sabi ko ( diba han sabi ko sayo before mag end ang 2017 ko tatanggapin sagot mo?) tapos d sya nagsalita at umuwi na…dec 25 syempre xmas..batian kaming dalawa then aftee xmas ayun..akala ko gusto nya ko makasama at ayaw nya ko mawala..pero ni isang txt o chat na galing sa kanya wala..ako na nga nag chachat seen pa..kaya diko tinanggap desisyon nya nung magkasama kami kasi alam ko napipilitan lang sya na makipagbalikan sakin..kaya nung dec.31 inunahan ko na sya na ( han alam ko na ayaw mo na sakin..sa muling pagkakataun at sa huling pagkakatuan masasabi ko na MALAYA KANA HANYKO) tapos reply nya ( uo mark.. study nalang muna ) sabi ko ( okey..wag kana muna magparamdam nang ilang taon..and the convo was ended na..kaya eto ako ngayun nag momove on..d ako nanggagamit nang ibang girl para maka move on.. I’m just waiting para humilom ang sugat na dulot nya..mabilis recovery ko ksi napapansin na ako ni crush ko ngayun..kung may tanong kayo sa kwento ko.. totoo yan.. totoong totoo..

THANKS FOR READING MY LOVE STORY..
GODBLESS

1

7 Comments

  1. pre sa aking message lang bago mo sana mahalin kaibigan muna ,pag matagal na kayong magkaibigan na nagsasama tapos pag alam mo na kung ano ang tunay na ugali nya pwede ka nang mag sabi sa kanya ng iyong nadaramdaman sa kanya !!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.