0

Add as a Friend.

Report

Hi itago nyo nalang ako sa pangalang khate. Gusto ko sana ishare sainyo ang lovestory namin ng asawa ko at pano kame nagkakilala. 15 years old ako nang magkaroon ako ng boyfriend florence ang pangalan nya highschool sweetheart kami ng mga panahong yon. Masaya ang naging relasyon ginawa naming inspirasyon ang isat isa para makagraduate kame ng hoghschool. Pagkatapos ng graduation pinili namin ang kurso kung ano talaga ang gusto namin. Ang kinuha ko ay hrm at sya naman ay Marine engineering magkaiba kame ng school nung college kaya bihira rin kame magkita dahil sa malayo ang skwelahan nya bihira din sya umuwi sa kanila dahil nagboboard sya naging maganda parin ang pagsasama ng relasyon namin kahit na bihira lang kame magkita sinusuportahan parin namin ang gusto ng bawat isa kahit na magkaiba kame ng school. Nauna akong grumaduate sakanya dahil 2 years lang ang kinuha ko. Hindi muna ako nagtrabaho dahil hinintay ko muna syang grumaduate. Suportado ang mga magulang namin samin dahil both legal kame. Hanggang sa dumating na nga ang point na kelangan kona talagang magtrabaho dahil sayang din naman ang pinag aralan ko. Lumayo ako kahit na mahirap sa loob ko na hindi kame magkakasama. Pumunta ako ng Subic dahil nandon ang mama ko doon ako nag apply ng trabaho unang bwan okay pa kameng dalawa lage kameng magkateks magkavideocall hanggang dumating ang araw na sa mismong 5 years anniversary namin kame maghihiwalay. Halos araw araw kame ngatatalo dahil narin siguro bc ako sa trabaho hinahanap nya ang atensyon na dati kong nagagawa saknya. Isa narin siguro sa dahilan dahil hindi sya makapag apply ng trabaho sa barko dahil may problema sa medical nya. Araw araw kameng nag aaway. Napagod nako ako na ang kusang nakipag hiwalay. Tinanggal ko ang communication naming dalawa. Nagfocus ako sa trabaho nagalit ang mga mgulang nya sakin. Pero hindi kona rin ito pinansin kasi tutal malayo naman ako sa kanila. Dumating ang araw buwan at taon nalaman ko na may bago na pala syang Girlfriend. Nagselos ako oo pero hinayaan kona lang tutal masaya din naman nako sa kung anong buhay ang meron ako ngayon. Hanggang sa kakabrowse ko sa Facebook may lumabas n Pangalan hindi ko sya kilala pero ewan koba kung bakit inaadd ko sya. Agad din naman nya akong inaccept. Hindi ko ito pinansin. Lumipas ang ilang araw nagchat sya Von pala pangalan nya. Tinatanong nyako kung taga san daw ako pabiro naman akong nagreply sabi ko taga Legazpi pero dinaman talaga ako taga don niloloko kolang sya non. Tapos agad syang nagpaalam na papasok na sya sa trabaho Alas 10 na non ng gabi so napaisip ako kala ko tuloy sa Bar sya nagtatrabaho diko naman kasi ugali mang stalk sa facebook. So ayun na nga sabi ko saknya okay. Tapos kinaumagahn ang aga aga nya tumawag sa messenger kala mo naman talaga close na kameng dalawa may mga kasama syang ibang lahi so napaisip ako kung ano ba talagang trabaho neto. Pero nakauniformed sya ng Isang sikat na Kainan dto satin sa pilipinas. Sinabi nya nga sakin na nasa Saudi raw sya so ako naman sinasakyan kolang lage ang mga sinasabi nya. Araw araw na sya nagchachat at tumatawag sakin halos updated na kame sa isat isa dko namamalayan na nahuhulog na pala ako sa mga simpleng jokes at pickup lines nya sakin magkaiba man kame ng oras pero nakukuha parin namin iupdate ang isat isa. Masaya ako na nakilala ko sya.Masaya akong pumapasok sa trabaho. Masaya ako sa kung anong meron kameng dalawa. Almost 8...


months na kameng nag uusap pero diko alam kung may feelings din sya para sakin dahil pareho din naman kameng single. Dko alam kung naghihintayan lang ba kame na umamin sa isat isa o ano. January 1 2019 tandang tanda ko new year . Nilakasan ko ang loob ko dahil dko na kayangitago ang nararamdaman ko para saknya. Tinanong ko sya kung pwede ko sya maging boyfriend naging desperada nako. Hehehe nalungkot ako sa sinabi nya sabi nya sakin saka nalang daw pag umuwe na sya dto sa pilipinas dahil wala naman daw nagwowork na relasyon kapag pareho malayo. Sabi ko naman iba naman tayo sakanila. Talagang desidido nako na maging boyfriend sya. Huli kong tanong saknya na kapag hindi nya ako sinagot ngayon hindi nako magpapardam saknya kahit kelan. Agad naman syang sumagot ng oo na nga. Choosy pa masyado. Lumipas ang ilang bwan okay na okay ang relasyon namin kahit malayo. 11 months na kameng as boyfriend/Girlfriend nang magdesisyon syang unuwe sa pilipinas. Sobrang excited ko kasi sa wakas magkikita na kame sa personal. Ako pa ang nag insists sakanya na kung pwede aya ako ang magsundo sakanya sa airport. Agad naman syang sumang ayon. Dumating na nga ang araw ng pagkikita namin sobrang kabado ko bumyahe pako ng manila para masundo ko sya sa airport. Medyo matagal fin ako naghintay dahil alas 12 pa ng madaling araw ang labas nya sa airport sulit ang paghihintay ko ng matagal sa wakas nahawakan at nayakap kona din ang lalakeng nagpapasaya sakin araw araw. Dumiretso kame sa inuupahan kong bahay sa subic dahil taga bicol sya. Pareho kameng taga bicol magkaiba lang ng barangay. 1 araw lang sya tumuloy sa bahay ko dahil kelangan nya narin umuwe sa bicol dahil naghihintay nadin ang pamilya nya saknya. Hindi rin kame masyado nakapgbonding dahil may pasok din ako sa trabaho. Hinatid kona sya sa sakayan ng bus pauweng bicol. Ldr ulit kame. Okay parin ang relasyon namin tulad ng date updated parin kame sa isat isa. Pasko nun sinurprise ko sya umuwe din ako ng bicol para macelebrate namin ang new year na magkasama at 1st anniversary. Masayang masaya ang bakasyon ko. January 2 birthday ko buong araw syang hindi nagparamdam sakin inaasahan kopa naman na sya ang unang babati sakin ng happy birthday pero wala malungkot ako buong araw hanggang sumapit ang gabi habang nakaupo ako sa labas ng bahay namin may tumigil na sasakyan bumaba ang boyfriend ko may dalang bouquet of flowers at cake sabay kiss sa pisngi ko at binati ako ng happy birthday. Sobrang saya ko non kala ko nakalimutan nya na bday ko yun pala may pakulo sya. Sabay sinuot nya sakin ang regalo nyang singsing kala ko magpopropose na sya. Sobrang saya ng puso ko nung gabing yon. Kinaumagahan bumalik nako ng Subic dahil tapos na ang bakasyon ko. Kelangan konang bumalik ulit sa trabaho bumyahe ako ng masaya dahil sa mga nangyareng maganda sa bakasyon ko sa bicol. February din non nagdesisyon si Von na mag apply ulit ng trabaho sa ibang bansa so wala syang matutuluyan sa maynila kaya sa bahay ko muna sya tumuloy. Masaya kameng dalawa na magkasama kame sa bahay na napagsisilbihan namen ang isat isa. Hanggang March na nalaman kong buntis pala ako. Masayng masya kameng dalawa. Ngayon 1 year old na ang anak namin at nagresign nadin ako sa trabaho at si Von ngayon ay nakabalik na sa Saudi. Masaya kame ngayon na nakabuo kame ng sariling pamilya. Sana nagustuhan nyo ang lovestory namin. Salamt sa pagbabasa.

Katelynn. 09955024284


Leave a Reply

Your email address will not be published.