0

A MAN LIKE GAVIN


Report

A MAN LIKE GAVIN
“Miss, alam mo may kamukha ka.” lumingon ako sa lalaki. Siya lang ang kasama ko ngayon sa waiting shed kaya malamang ako ang kinakausap niya.
Ngumisi siya dahilan kung bakit ako kinabahan. Kinabahan nga ba?
“S-sino?”
“Kamukha mo ang future wife ko.” tawa niya saka marahang napatingin sa kamay kong ga-kulay green. Nagpipinta kasi ako kanina.
Napaiwas ako ng tingin. Rapist ba ang gwapong ‘to?
“Siguro marunong kang magpinta ‘no?”
“Y-yes.” tipid kong sagot at itinuon ko nalang ang atensiyon ko sa bawat tilamsik ng ulan.
“Kung ganon, pakipinta naman ang puso kong patay na patay sa’yo.” mas lalo akong napaiwas ng tingin sa sinabi niya.
Takas sa mental ba’to? E ngayon lang naman kami nagkasama tapos hindi ko siya kilala at hindi niya ako kilala tapos grabe kung makabanat??
O- baka rapist ito tapos! Oo! Ito ‘yung paraan niya para sumama ako sa kaniya! Tanguna, nanganganib ang buhay ko. Help!
“Kalma. Hindi ako rapist tulad ng nasa isip mo, miss haha.” tawa niya pagkatapos marahang sinuklay ang buhok niyang magulo, tumingin ako sa kaniya. “Sa gwapo kong ‘to rapist?” sabay kindat.
Ngumisi ako, “Ay gwapong gwapo sa sarili kuya?” natigilan siya sa sinabi ko. Opps.
“Di mo sure miss, malaymojasjsjsksm.”usal niya saka hininaan ang boses kaya hindi ko marinig ang huli niyang sinabi.
“Ge. Una na ako sa’yo.” paalam ko nang tumila na ang ulan.
______
“Coffee sir?” tanong ko sa customer ng coffee shop na pinagtratrabahuan ko. Nakaplain white t-shirt ito na pinarisan ng short saka nakamask pa kaya hindi ko makita ang buong mukha nito.
May binabasa itong libro. “Yes, please.”
“Mapait o matamis?”
“E yung tamis ng pagmamahal mo pwede ba?” usal niya sabay tanggal sa mask na suot niya.
Napatulala ako nang mapagtatanto kong siya ang lalaking kasama ko sa waiting shed noong nakaraang linggo.
“Gulat ka ‘no? Sabagay, sa gwapo kong ‘to.” ngisi niya at humalakhak.
_______
“Ouch. Sandali pre umiikot ‘yung paningin ko. Nasusuka ako, buntis ata ako.” malakas na sigaw ni Gavin kaya lahat ng tao sa coffee shop napatingin samin na medyo natatawa dahil sa sinabi ng hinayupak nato.
“S-sir tangina- yung boses mo.” hindi ko napigilan ang sarili na magmura dahil sa gulat.
Aba naman kasi, basta nalang itong napasalpak sa sahig tapos humawak pa sa balikat ko kaya medyo nadala ako sa bigat niya.
“Hoy g-gago! Okay kalang ba?”
Idinilat niya ang nakapikit niyang mata. “Okay na sana e kaso may mura.” seryoso niyang usal.
“Pre, anong nangyari sayo?” tanong ng kaibigan niya.
“Wala pre. Okay na, pinansin na ako ng mahal ko.” sabay tingin sakin. Umiwas ako ng tingin nang tumingin sakin ang kaibigan niya at ngumisi.
Tanginanila.
______
“Sir–”
“Isang sir mo pa sakin, papakasalan na talaga kita tamo.”
Kumunot ang noo ko, bakit parang araw-araw nalang siyang nandito?
“Ano bang trip mo sa buhay mo ha? Bakit lagi ka nalang dito at banat ng banat sakin?!” inis kong tanong sabay lapag sa tray na may kape. Medyo tumilapon ang kape sa lamesa pero wala ang atensiyon ko roon kundi na kay Gavin.
“Syempre gusto kong maging masaya ang buhay ko. Hindi pwedeng pagod lagi ang nararamdaman mo. Remember, ikaw kaya ang buhay at mundo ko?”
“You and your words Gavin.”bulyaw ko rito, bumalik nalang ako...


sa pwesto ko.
_______
“HOLDAP ‘TO!” ani ng isang magnanakaw.
Pumasok ito sa loob ng jeep, hawak ang isang baril. Humigpit ang hawak ko sa bag ko.
Kapag ang isang ‘to lumapit sakin hindi ako magdadalawang isip na pa—
“Holdap ‘to–” anito pero pinutol ko, “alam ko! wag kang bobo!”
“Hindi ako bobo pero ako ang bobo-u ng buhay mo..” tanginang magnanakaw ‘to bumabanat?
“Magnanakaw! Tulong may magnanakaw!” sigaw ng isang ale.
“Akin na!”
“Anong akin na?!” bulyaw ko rito.
“Akin na ang puso mo at iingatan ko!” sagot niya.
Ihahampas ko na sana ang bag ko sa kaniya pero napahinto rin ako nang may malamig na likido na dumaloy sa mukha ko. Tubig?
“Diyos ko hijo! Aatakihin ata ako sayo!” Geezz, laruan lang pala ‘yung baril. Pero naiinis parin ako sa magnanakaw na’to.
Hinablot ko ang mask na nakatakip sa buong mukha niya na ikinasinghap ng mga tao.
“Gavin?!”
“Hi babes long time no see! Namiss mo ba ako?” aniya. Hindi ko siya sinagot.
Ilang araw lang siyang nawala tapos namiss ko agad? heh.
_______
“Babes.”
“Ano?”
“Are you okay?” tanong niya at ginilid ang ulo para makita ang mukha kong tulala.
Tumungo ako saka tiningnan siya sa mata. “Sino ka ba talaga?” diretsong tanong ko. Mukhang natigilan si Gavin sa sinabi ko.
Umayos siya ng tayo saka mapaklang ngumiti.
“Hindi moko maalala? Sabagay, dalawang taon na ang lumipas nang naglaho ka. Ni minsan ba hindi pumasok sa isip mo na bumalik dahil may naghihintay sayo? Hindi mo ba naalala na may boyfriend ka sa mundong rpw? O sinadya mong kalimutan ako?”
Nakagat ko ang labi ko. Bumalik sa isipan ko ang lahat kung paano ko siya nakilala. Kung paano nagkaroon ng kami.
“Kasi ako, hindi kita makalimutan Haidee. Iniisip ko lagi kung kumusta kana, kumain kana ba, at okay ka lang ba. Ang unfair ng mundo. Ikaw, kinalimutan mo na ako, ngunit ako, hindi ko kayang kalimutan ka.”
Isang mainit na likido ang dumausdos sa mata ko.
Basta-basta kong naiyakap yung kamay ko sa kaniya. Napahigpit ang yakap ko sa kaniya nang maramdaman kong may bumagsak sa balikat ko…at yun ay luha niya.
“Kaya wag ka ng magtaka kung sa bawat lugar na naroon ka naroon din ako. Iniingatan kita e.” napangiti ako sa sinabi niya.
Talagang pinuntahan niya ako sa lugar namin ha, para bantayan. Malayo ang distansiya namin noon sa isa’t isa pero ngayon abot ko na siya.
“Magsimula ulit tayo, Gavin.”
_______
“Maghiwalay na tayo.” Ha? Teka! Tama ba ang narinig ko?Kung papel palang itong hawak ko, matagal na itong nalukot dahil sa higpit ng hawak ko.
“Gavin? Pinagsasabi mo? Ayos naman tayo ah?”
Kinagat niya ang labi niya, kaya doon nabaling ang atensiyon ko. Ano kayang rason?
Iniisip ko palang ang sasabihin niya nasasaktan na ako. Nahahati na sa dalawa ang puso ko. Tanginà.
Isinukbit ko ang hawak kong painting na kanina ko lang ginawa.
“Sawa na ako.” nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Nagtubig ang gilid ng mata ko at pinipilit kong magsalita.
“Sawa ka na? E-di sige– malaya kana.”
Narinig kong tumawa siya saka maya-maya binatukan ako.
“Sawa na ako maging boyfriend mo. Gusto ko nang maging asawa mo kaya tara na at magpakasal na tayo.” aniya saka ginawaran ako ng halik.
_______
words by: sirene


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.