0

*2U* Chapter 22


Report

(Tanya POV)
[TV- Asawa ng isang Professional Business man ang kasalukuyang pinaghahahanap ngayun dahil sa pagnanakaw ng milyong milyong arian nito at pagkatapos ay tumakas. Ang nasabing asawa na nagngangalang Tanya ay napag alamang hindi residente ng Valencia City, at inaalam pa kung nakalabas na ito ng syudad. ]
+ napatulala na lang ako sa lahat ng narinig ko sa TV.
Syto- bat ngayun ko lang nalaman to? Bat di mo sinabi sakin? Kelan ka pa naging asawa ni Chris?
Nathan- Hindi totoo lahat yan. Ginamit lang nya si Tanya para pamanahan sya, kaya pineke nya ang dokumento ng kasal.
Syto- Tanya bat ka pumayag!!?
Nathan- anong gusto mong gawin nya? Kung hindi nya ginawa yun, hindi mo na sana sya nakikita ngayun.
Syto- hindi na pwede to. Tanya ibabalik na kita sa Manila, simula ngayun ako na ang aayos ng lahat ng to. Mas mapapanatag pako kung malayo ka dito.
Tanya- sa tingin mo papayag ako? At isa pa, nakita na ng buong bayan yung itsura ko, tingin mo matatakasan ko pa to? Hindi! Haharapin ko sya.
Syto- nadamay ka lang Tanya! Problema namin to ni Chris!!
Tanya- ikaw na nagsabi! Damay nako. Problema ko narin to.
+ tumalikod na lang sya. Hindi ko alam kung anong gagawin pero gusto ko na tong tapusin.
Nathan- Tanya, alam kong nahihirapan ka pero wag ka mag alala gagawin natin lahat para maging okay na to.
+ mga ilang minuto pa ay nagpaalam nako na mag papahinga, kaylangan kong umisip ng paraan para maayos to, pero pano?
(Chris POV)
Lucas- you really impressed me huh.
Chris- Diba sabi ko naman sayo, basta pakikinabangan ko, gagawin ko ang lahat para makuha yun. Wag ka mag alala, oras na oras na makita ko yan si Tanya, pwedeng pwede mo na syang kunin pag nakuha ko na ang gusto ko.
Lucas- aasahan ko yan. By the way about dun sa kanang kamay mo. Is that Nathan?
Chris- oh?
Lucas- I think he knows something.
Chris- alam ko.
Lucas- what do you mean.
Chris- baka nakakalimutan mong si Chris ako. Sinusubukan ko lang kung hanggang kelan nya mapaninindigan yang ginagawa nya, pero oras na makuha ko si Tanya, tapos narin ang buhay nya.
Lucas- pinapakaba moko. I dont agree sa paraan mo, but I like the outcome, so it doesn’t matter.
Chris- want some drinks?
Lucas- lets go.
+ lumabas na muna kami ng office to grab some beer, ng may makasalubong kaming hindi ko inaasahan.
Tanya- Chris!!!
+ tingnan mo nga naman.
Chris- TV lang pala ang katapat mo.
Tanya- mag usap tayo.
Chris- masyadong mahal ang oras ko. Pero dahil malaki ang significance mo, bakit hindi. Sinadya mo pa nga ako.
Lucas- I think I need to go. I’ll be just right at the bar.
+ pag siniswerte ka nga naman. Niyakag ko sya sa office ko at sumunod naman sya.
Chris- hindi ko alam kung anong nagpalakas ng loob mo para puntahan ako. O baka dahil sikat ka na.
Tanya- alsin mo lahat yun.
Chris- pede naman, pero anong kapalit?
Tanya- babalik ako sa pagiging pekeng asawa mo.
Chris- sarap naman sa tenga nun. Pero dahil pinahirapan mo pako, kulang pa sakin yun eh. Alam mo namang malawak ang radar ko. Napag alaman kong malapit talaga kayo ni Nathan no? Hay hindi ko akalaing sya pa ang gagawa sakin nito.
+ halata sa kanyang nagulat sya.
Chris- at hindi lang yun. Ikamusta mo naman ako kay Syto.
+ napaatras sya, matapos kong sabihin yun.
Tanya- ako na lang ang singilin mo. Ako lang naman ang kaylangan mo diba? Wag mo na silang idamay.
Chris- okay okay hindi na kita papatulan. Ganto na lang. Bibigyan kita ng dalawang araw para muling magpaalam sa mahal mong si Syto. At pagkatapos nun, Pag bumalik ka, itetakedown ko lahat ng balita tungkol sayo, pero kapag bumalik ka kasama ang syto mo, alam mo na ang mangayayare.
+ tanging buntong hininga na lang ang nakita ko sa kanya.
Tanya- dalawang araw.
Chris- yeah
+ tumungo na lang sya, hay naku Tanya, kung hindi ka lang sana sumabit sa buhay ng Syto mo, tahimik sana buhay mo ngayun. Tumalikod sya at naglakad na palayo.
(Syto POV)
Nagising kami dahil dumating si Jim kaya lumabas muna ako sa kwarto. Ganun din si Nathan.
Jim- o naistorbo ko ba kayo? Pasensya na inabot ng madaling araw, hindi ko naman akalaing ang layo pala ng sinasabi ni manang.
+ tumango na lang ako at babalik na sana sa kwarto.
Jim- o Nathan, akala ko wala ka ih, wala kasi kotse mo sa labas.
Nathan- ha?
+ napatingin ako agad sa kanila, at dali daling umakyat sa kwarto ni Tanya at pagbukas ko nun, wala sya sa loob.
Jim- bakit? Asan si Tanya?
+ sh*t!! Kinuha ko agad ng susi ko at lumabas.
Jim- Syto?!
Nathan- akina susi mo.
Jim- teka sasama ako
+ sumakay ako agad sa kotse para hanapin si Tanya, si Nathan at Jim naman eh nasa kotse ni Jim. Sinabihan ko silang sa kabilang daan dumaan, ako ang sa highway.
Kinakabahan ako, ayoko ng pakiramdam nato.
(Nathan POV)
+ sabi ko na nga ba at gagawin nya na naman to.
Jim- sandali, ang ibig sabihin mo, pwedeng ginamit ni Tanya ang kotse mo para puntahan si Chris?!!
Nathan- tumahimik ka na lang at ilibot mo yang mata mo!
+ kung hindi ko na lang sana sya pinapili noon, wala kami sa ganitong sitwasyon...


ngayun.
(Syto POV)
+ natataranta ako habang nag da drive, pano kung sumama na sya sa hayop na yun? Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Bawat sulok ng daan ay tinitingnan ko baka sakaling makita ko sya. Naalala ko yung pinuntahan naming dalawa sa tabi ng dagat kaya agad akong pumunta don para tingnan kung naron sya. Pag talaga may masamang nangyari sa kanya, mapapatay ko si Chris. Sa hindi kalayuan ay may natanaw ako kotse, at kung di ako nagkakamali kotse ni Nathan yun. Binilisan kong makarating don, at tama nga ako, nandito nga sya. Pagdating ay agad akong bumaba at hinila sya sa kamay.
Tanya- Syto! Sandali!!
+ isinakay ko sya sa kotse ko at inilock ang pinto. Tinawagan ko agad si Jim para sabihing kasama ko na sya at kunin na lang ang kotse dito ni Nathan. Pinaandar ko agad ang kotse.
Tanya- Syto? Sandali lang. Hayaan mokong magpaliwanag.
Syto- papatayin mo bako? Tanya hindi porket kaya ko ng kontrolin ang sarili ko pag nagagalit ako sayo, eh aabusuhin mo na!
Tanya- sandali lang kasi.
Syto- ano bang iniisip mo ha? Pano kung may makakilala sayo dun?
Tanya- okay naman ako diba, tsaka gusto ko lang makapag isip isip kaya lumabas muna ako.
+ sa inis ko itinigil ko ang kotse sa isang tabi!
Tanya- gusto ko lang naman umisip ng paraan eh kung pano ko aayusin to! Kaya please wag ka na magalit!
+ hahawakan nya sana ako sa pisngi pero hinawakan ko ang braso nya. Ewan ko ba, kalalaki kong tao pero tumulo na lang bigla ang luha ko. Kita ko naman na nanlaki ang mata nya.
Syto- parang awa mo na, wag mo nako pag alalahin, para akong masisiraan ng bait eh!!
+ nakatitig lang sya sakin kaya umiwas ako ng tingin, langya naman oh, bakit ba kasi ngayun pa kumawala tong luha ko. Papa andarin ko na sana uli ang kotse ng pigilan nya yun, nagulat na lng ako ng umupo sa sa harap ko, as in kumalong sya sa mga hita ko. Kaya natulala ako.
Syto- teka anong ginagawa mo?
+ inabot nya ang ilaw sa likod at pinatay yun. Hinawakan nyako sa dibdib at hinalikan sa labi. Pinilit ko syang ilayo pero ayaw nyang bumitaw. Naramdaman ko ring ibinaba nya ang sandalan kaya mejo napahiga ako. Bumitaw sya sa halik kaya hinawi ko ang buhok nya sa muka nya.
Syto- Tanya. ano bang nangyayare sayo?
+ hindi sya nagsalita bagkos unti unti nyang tinanggal ang butones ng polo ko. Nakatitig lang ako sa muka nya habang ginagawa yun. Alam kong napakaraming tumatakbo sa isip nya ngayun kaya hindi ko sya pwedeng samantalahin pero sa ginagawa nya ngayun, hindi ko rin sya kayang pigilan, parang gusto ko na lang sumunod sa gusto nya. Hinayaan ko syang tanggalin ang polo ko. Kaunting segundo nyang tinitigan ang katawan ko, hinila ko sya sa batok at siniil ng halik, at lumaban naman siya sa halik na yun, wala ng tumatakbo sa isip ko ngayun kundi maging alipin sa galaw nyang yun. Hinawakan ko sya sa kamay, Tumingin muna ako sa kanya.
Syto- okay lang ba?
Tanya- bat nagpapa alam ka pa?
+Tas ngumiti sya ng sarkastiko. Alam ko na kung san pupunta to. niyakap ko sya ng mahigpit.
Syto- sigurado ka na ba dito? Sa mga puntong to, isa na lang naiisip ko.
+ hinalikan nyako.
Tanya- ano?
Syto- mapasakin ang buong pagkatao mo.
+ ngumiti sya ng bahagya at tumango. Kaya naman, wala nakong pinalampas na pagkakataon. Kita ko sa mga mata nya na masaya sya. Sa mga oras nato tanging sarili lamang naming dalawa ang mahalaga. ayaw ko ng isipin kung anong meron sa labas ng mundo naming dalawa. Para sakin sya lang ang pinaka mahalaga.
(Nathan POV)
+ matapos naming makuha ang kotse ko, umuwi agad kami ni Jim, pero wala parin sila. Napatawa na lang ako. Alam ko na!. alam kong hindi na kayang pigilan ni syto ang sarili nya sa mga ganitong sitwasyon.
Jim- bakit wala pa yung dalawa? Baka kung ano ng nangyare sa dalawang yun ah.
Nathan- magpahinga ka na, ikaw ang mas nakaka alam kung gano kayang gawin ni Syto lahat para kay tanya, kaya wag ka mag alala.
Jim- teka lang nga, parang nakakapanibagong marinig sayo yang mga bagay na yan ngayun. Anong meron.
+ napabuntong hininga na lang ako.
Nathan- Jim, naniniwala ka ba sa Destiny?
Jim- shemss kinikilabutan ako sayo.
Nathan- naghanap din naman tayo, pero bakit sa daang tinatahak parin ni Syto naroon si Tanya? Natatakot din naman tayo sa mga pwede pang mangyare pero bakit si Syto lang yung nacocomfort? Tulad ng natagpuan ni Syto si Tanya sa daan, parang nakatadhana ng mahanap nya si Tanya para mahalin.
Jim- ano bang sinasabi mo? Namali tayo ng daan eh kaya di natin sya nahanap diba, kung sa highway tayo dumaan—
+sinamaan ko sya ng tingin.
Nathan- alam mo bang gusto kitang sapakin?
Jim- joke lang, pero tama naman ah. Naiba lang yung daan mo, atsaka hindi nahanap ni Syto si Tanya.
+ napatingin ako sa kanya.
Jim- dumating si Tanya sa mundo ni Syto na puro galit at sama ng loob. Si Tanya ang nakahanap kay Syto.
+ tama sya. Bakit ko ba iniisip to ngayun?
Jim- so, papahinga nako, siguro maya maya nandyan na rin yang dalawang yan..
+ pumasok na sya sa loob at nagpahinga.
Hindi ko man alam kung pano sila nagkakilala, pero alam kong hindi na sila mapaghihiwalay pa.
Itutuloy…….


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.