0

πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ΰΌ„ ✍︎ ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ π•Šπ•€π• ✍︎


Report

NAGMAMADALI ang mga hakbang ni Claire para sa kanyang first subject. Inaral kasi niya nang mabuti ang presentation niya para sa araw na iyon kaya late na siyang nakatulog kagabi. Sa pagmamadali ay hindi niya napuna ang sasakyan sa driveway kung saan halos patakbo siyang naglalakad. Napatalon siya sa pagkabigla nang businahan siya at muntik nang mabangga.
Tumilapon ang lahat ng dalang libro at props ni Claire. Wala na siyang panahon para pag-aksayahan ng oras ang nagmamaneho ng kotseng yun kaya nagmamadali niyang pinulot ang nahulog na mga gamit para makahabol sa klase.
“Miss, are you okay?”
Nilingon niya ang nagsalita. Hindi niya makita nang maayos ang hitsura ng babae dahil may suot itong shades. Pero base sa hugis ng mukha ay napakaganda nito at parang pamilyar sa kanya ang babae.
“A-ah, o-oo okay lang ako.”
Agad tumalikod si Claire, saka muling naglakad. Wala siyang oras para makipag-usap ng matagal. Mas importante na makaabot siya sa kanyang presentation. Pasasaan ba at tiyak na magkikita rin naman sila.
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
NAISIP ni Claire na magpart time job sa isang canteen sa loob ng school. Para makatulong sa nanay niya.
Buti na lang hindi na siya pinapansin o pinagchichismisan ng mga estudyante kagaya nung mga panahong pinag-iinitan siya ni Rain. Para na lang siyang hangin na mas pabor naman sa kanya. Atleast hindi na siya pinapakialaman, at wala naman siyang pakialam sa mga ito.
“Why dont you just accept Rain’s apology? He also wants you back, wag kana magpakipot. Rain Fuenteblanca yun girl,”
Natigilan si Claire sa dalawang babaeng pumasok. Nanlaki ang mga mata ni Claire nang makita ang babaeng yun. Siya yung babaeng girlfriend ni Rain. Napalunok siya at napapikit ng mariin.
“Let’s not talk about him.”
Napasinghap si Claire na marinig ang mahinhing boses nito na palapit sa pwesto niya.
Nasa lima yata ang costumer sa loob ngayon at lahat sila ay nakatingin dito. Mapababae man o lalaki. Tila isa itong reyna na hindi pwede lapitan o hawakan.
πŸ’­ Reyna kasi ni Rain. πŸ’­
Napasinghap si Claire nang lumapit na sa counter kasama ang kaibigan at kumuha ng mga pagkain.
Sexy siya pero mukhang matakaw dahil sa dami ng junk foods na kinuha nito, mukhang wala siyang pakialam kung masire ang body figure niya. Perpekto talaga siya.
πŸ’­ Kaya siguro mahal na mahal siya ni Rain. πŸ’­
Napalunok si Claire nang dumako ang mga mata nito sa kanya. Mas maganda siya sa malapitan.
Natigilan siya na mapakunot noo ng babae habang nakatitig sa kanya na para bang kinikilatis siya.
“You look familiar,”
Napalunok si Claire.
πŸ’­ Namukhaan niya ako! Anong gagawin ko?! Maloloka yata ako sa mangyayari sa akin ngayong araw. πŸ’­
“Ahm….” napaiwas siya ng tingin. Kahit malamig sa canteen dahil sa malakas na aircon ay parang pinagpapawisan siya.
“Wait, I remember now!” tinapik pa nito ang kaibigan niya.
“You’re the cute girl yesterday na muntik ku nang mabangga,” nakangiting sabi niya.
Agad napailing si Claire nang sabihan siyang cute. Natigilan siya ng hawakan siya sa kamay. Agad na nag-init ang mukha niya. Babae rin naman siya pero nahiya siya dahil sa lambot ng kamay nito.
“Pasensya kana ha? Kasi di kita nakita nung time na yun,” sabi ng babae. By the way, I’m Angenica. But call me Nica nalang. 😊 What’s your name?” tanong niya nang maabot ni Claire ang pinamili nila.
“Claire,” ngiting sabi niya.
“Nica, let’s go.” pagputol ng kaibigan niyang mukhang nababagot na.
“Fine.” sabi ni Angenica at napairap. “It’s nice to finally meet you Claire. Alis na kami. Bye!”
Mukha namang mabait siya, hindi naman pala masama ang ugali niya gaya ng iniisip ni Claire.
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
“KAYA naman pala baliw na baliw pa rin ang Rain na yun sa ex niya, mala-diyosa naman pala sa ganda,” sabi ni Lara habang nasa locker room sila.
Totoo nga na sobrang ganda ni Angenica, pino ang galaw, maganda at nakakaakit ang ngiti. Perpekto yata ang lahat tungkol sa kanya.
πŸ’­ Walang-wala ako. πŸ’­ Natigilan si Claire at napailing. πŸ’­Bakit ko ba pinagkukumpara ang sarili ko sa kanya? Hindi naman ako naiinsecure sa ibang babae dati, bakit ganito ang nararamdaman ko kay Angenica ngayon?πŸ’­
“Oy, bakit ang tahimik mo?” napapitlag si Claire nang magsalita si Lara. Alanganing ngumiti siya.
“W-wala may iniisip lang ako,” sabi lang ni Claire.
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
“OO NA! Ito na!” inis na sabi ni Claire at agad na ibinaba ang tawag.
Saglit niyang inilapag ang dalawang plastic bag at nagpunas ng pawis sa noo.
πŸ’­Bwesit talaga ang ulan na yun.πŸ’­
Halos isang buwan na siyang inuutusan, maski mga assignments niya sa kanya pinapagawa. Kahit ang kwarto nito sa hide out nila ay pinalinis na din. Grabe.
Isang beses siyang inutusan na pumunta sa hide out nila, na late siya ng 10 minutes ay ginawan na siya ng kalokohan, pinagsuot siya ng costume ng aso buong maghapon.
“Ito na...


po yung pinapabili niyo Sir Ulan,” sabi ni Claire at padabog na nilagay sa mesa ang dalawang plastic bag.
“Nagdadabog ka ba?” masungit na tanong niya habang nag c-cellphone.
Siya lang mag-isa sa hide out, lagi naman, eh. Madalang niyang maabutang ang ibang members ng BTS group.
“Hindi po Sir Ulan, ang saya saya ko nga po na pagsilbihan kita. Hoooo!! Grabe!.” sabi niya at pilit na ngumiti.
Kung hindi lang nakasalalay sa kinabukasan niya ito at sa nanay niya matagal na niyang nabayagan ito.
“Hilutin mo yung likod ko, napagod ako kakautos sayo.” napasimangot si Claire sa sinabi nito.
πŸ’­ Nakakahiya, ah. Siya pa talaga ang napagod.πŸ’­
Lumapit si Claire sa kanya at hinilot niya bandang balikat.
πŸ’­Wow, ang tigas ng muscles niya. Mukhang masipag itong mag gym ah, siguro may abs siya?πŸ’­
“Yeah… like that! You’re good at this,” napangiwi si Claire sa sinabi niya.
πŸ’­ Bakit siya naungol na parang ewan. Saka ang sexy ng boses niya.πŸ’­
“Kailangan ko ng pumasok, malapit na yung second class ko. Taxation pa naman yun.” sabi ni Claire pagkatapos niyang hilutin.
“Hoy. Kumain ka.” masungit na sabi Rain.
Napairap si Claire. “Wag na Sir Ulan, male-late na ako.” sabi niya at sinukbit na ang bag.
“Kumain ka, may isang oras ka pa.” may kinuha itong plastic bag. Pumunta sa kusina para ihanda ang kakanin niya.
πŸ’­ Ano naman kayang nakain ng ulan na to at biglang bumait? Dahil ba yon sa paghilot ko sakanya? Dapat pala lagi ko siyang hinihilot para palagi ganito. Mabait siya. πŸ’­
“Here.” inabot sakanya ang kanin na may ulam na adobo.
Kahit nagtataka si Claire kung bakit ang bait niya ngayon. Kinuha nalang ni Claire. Umupo siya sa couch at sumubo. Ang totoo niyan gutom na din siya.
Natigilan si Claire nang matikman niya yun. Pakiramdam niya pulang pula na ang mukha niya.
Sobrang anghang! As in sobra talaga! Parang binuhusan ng chili sauce ang adobong yun.
Prenteng umupo si Rain sa upuan at painosenteng tumingin sa kanya.
“Oh, bakit? Di mo ba nagustuhan?”
πŸ’­ Bwisit! Dapat talaga hindi ako nagtiwala sa kanya, isa siyang halimaw! πŸ’­
“Tubig! Hooooo! Tubig!” umiihip ihip na siya sobrang anghang.
“Ubos na yung tubig dito.” sabi ni Rain at napangiti.
Binitbit niya ang bag niya at patakbong lumabas ng hide out. Para na siyang kabayo sa bilis niyang tumakbo papuntang canteen at bumili ng tubig. Agad binuksan niya at ininom. Naubos niya na ang tubig pero ramdam pa rin niya na parang nasusunog ang bibig niya.
πŸ’­ Bakit maanghang pa rin?! πŸ₯ΊπŸ’­
“Ito gatas, para mawala yung anghang.” may nag-abot sakanya ng gatas na nakalagay sa babasaging bote. Napakunot ang noo niya at tumingin sa nag-abot. It was Mark.
Hindi yun tinanggap ni Claire. Na trauma na yata siya kay Rain.
“Dont worry walang kung ano diyan. Mapagkakatiwalaan ako. Remember, isa din ako sa scholar.” 😊
πŸ’­ Oo nga pala. Siya yung kasama namin na scholar din. πŸ’­ “S-salamat….” kinuha niya ang gatas at inino. Medyo nawala na ang anghang sa labi niya.
“Napag-iinitan ka talaga ni Rain, noh?” napabuntong-hininga na lang si Claire sa tanong nito. Umupo siya sa bench pagkalabas nila, at tumabi din ito ng upo.
“Bakit lumalapit ka sa akin? Member ka na diba nila? Tapos yung ibang estudyante lumalayo sakin.” maliban nalang kay Lara siyempre, kung pati si Lara ay naloka na siguro siya sa school na to.
“Bakit hanggang ngayon galit pa rin sayo si Rain? Natapunan mu lang naman siya ng kape diba?”
“Sana nga yun lang ang nagawa ko sa kanya, eh…..” Napabuntong-hininga siya.
Kinuwento ni Claire ang katangahan na nagawa niya kay Rain dati. Nakikinig lang si Mark at hindi nagsasalita.
“Para sa akin hindi yun sapat para alilain ka niya nang ganyan.”
Natigilan si Claire sa sinabi ni Mark. “Hindi, kung hindi lang ako nanging engot nung mga panahong yun. Eh di sana hindi sila naghiwalay ng ex girlfriend niya.”
“Kung talagang mahal niya si Rain ay dapat pinakinggan niyang magpaliwanag ito. Pero anong ginawa niya? Iniwan niya basta at hindi pinakinggan.” napatango si Claire, may punto si Mark.
“Pero kawawa kasi ng kaunti si Rain, mahal pa niya yung ex niya.”
Nung nilinis niya yung kwarto ni Rain ay may nakita siyang picture frame nito. Kahit wallpaper ng cellphone niya at lock screen. Mukha ni Angenica Abela.
“Wag kang mag-alala Claire, hindi kita iiwasan kahit mapag-initan pa ako ng Rain na yun.” Sabi ni Mark at nginitian siya ni Claire.
πŸ’­ Hala, ang gwapo din pala ni Mark at ang bait pa. Sigurado rin siya na matalino din ito kasi nakapasa siya sa pinakamahirap na exam. πŸ’­
“Salamat, Mark.”
Nawili sila ni Mark sa paguusap. Kaya hayun, napagalitan kasi na late siya sa taxation. Buti na nga lang ay pinayagan pa siyang mag take ng quiz.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.