2

π—¬π—’π—‘π—š π—œπ— π—•π—œπ—¦ 𝗑𝗔 𝗠𝗔𝗑𝗨𝗬𝗒 π—žπ—” 𝗒 π—žπ—”π—¬π—” π—¦π—¨π—¬π—¨π—œπ—‘ 𝗦’𝗬𝗔. π—žπ—”π—¦π—’ π—œπ—‘π—¨π—‘π—” 𝗠𝗒 𝗣𝗔 ‘π—¬π—’π—‘π—š π—£π—”π—‘π—š-𝗔𝗔𝗦𝗔π—₯ 𝗠𝗒 𝗦𝗔 π—žπ—”π—‘’𝗬𝗔


Report

π—¬π—’π—‘π—š π—œπ— π—•π—œπ—¦ 𝗑𝗔 𝗠𝗔𝗑𝗨𝗬𝗒 π—žπ—” 𝗒 π—žπ—”π—¬π—” π—¦π—¨π—¬π—¨π—œπ—‘ 𝗦’𝗬𝗔. π—žπ—”π—¦π—’ π—œπ—‘π—¨π—‘π—” 𝗠𝗒 𝗣𝗔 ‘π—¬π—’π—‘π—š π—£π—”π—‘π—š-𝗔𝗔𝗦𝗔π—₯ 𝗠𝗒 𝗦𝗔 π—žπ—”π—‘’𝗬𝗔. ❞ ]
Ikaw ba ‘yong tipong jowa na magaling mang-asar, pero hindi marunong manuyo? ‘Yong ikaw na nga ‘yong nang-asar ikaw pa hindi nanunuyo.
May jowa akong masungit, pikon, at moody. Madrama at minsan iyakin. Pero kadalasan sweet pa sa iceng sa ibabaw ng cake. Matamis pa sa asukal kung maglambing.
β€œAnong nangyayari sa β€˜yo? Mahal? Ok, ka naman kanina, ah. Ang lambing mo pa nga sa akin kanina, e,” sabi ko sa kan’yang pigil tawang gusto kong pakawalan. Nakaupo ako sa tabi niyang nakatalikod sa akin.
β€œNagmamaangan ka ba? O sadyang nang-aasar ka lang? Kainis!” inis niyang aniya sa akin ng biglang humagalpak ang pagtawa ko sa tabi na s’yang ikinasimangot at ikina asim ng mukha niya habang nakatingin sa akin.
β€œSorry, Mahal. Pero grabe, di ko mapigilan asarin ka ngayon. Alam mo pag sa tuwing wala ka sa mood o kaya pag galit ka ang sarap mo asarin.” Natatawanng paliwanag ko sa kan’ya. Mas lalo lang s’yang naaaar sa akin. At nainis. Tinaboy ako. Kakatuwa talaga ‘tong jowa ko.
Asaran at kulitan. Hindi talaga yan pumapalya sa araw na meron kaming dalawa lalo na sa kan’ya pag kasama at nakikita ko siya. Lalo na pag alam at ramdam kong may problema at malungkot siya.
Minsan kahit sobrang gulo na ng mundo pinipili parin naming magsama at manatili sa tabi ng bawat isa.
β€œHoy, ayos ka lang ba? Hoy, inis ka pa ba sa’kin? Hoy, galit ka ba sa akin? Uyy, pansinin mo ‘ko mokong.” Yung feeling na nanunuyo ka pero in the middle of your panunuyo. Nang-aasar ka na naman bigla. At pinagtatawanan siya.
β€œMay pangalan ako. Hindi, Hoy pangalan ko. Ty’ka, ‘yan ba ang mukha ng nanunuyo? Tsk, bahala ka d’yan. Suyuin mo sarili mo d’yan mag-isa Alis sa harap ko. Matutulog na ako.” Pinagtatawanan ko s’ya ng mahina. May pa tampo-tampo effect pa ang jowa kong moody. Sarap laplapin, kyut e.
“Uwuu, gusto mo tabihan kita sabay tapik-tapik sa puwet mo na parang bata para makatulog ka agad. O baka gusto mo iduduyan kita gusto mo ‘yon?” Pang-aasar ko pa. Sabay tawa ng malakas. Kasi ba naman nagiging dirty ang braincell ko. Kakaloka.
β€œMag so-sorry ka ba talaga o hindi? Imbis na suyuin mo ako. Lalo mo...


pa akong inaasar. Kainis ka? Hindi mo na ba ako mahal?” umiiyak niyang aniya sa harap ko. Ang sensitive talaga ng boyfriend ko. Kahit ganito to parang bata. Mahal ko ‘to.
“Syempre, oo naman. Hindi kita, mahal.” pagbibiro kong niyakap siya. Kunwari kinomfort siya pero maya-maya nito. Sira na naman mood at buong araw nito sa akin.
Bawat tao deserve nilang mahalin. At tanggapin sila. Ano man ‘yung imperfections na meron sila. Lalo na pagdating sa ugali at pagkaong mayroon sila. Kasi, minsan. Gan’on talaga sila. ‘Yun talaga sila. Yun sila bilang tao dito sa mundo.
“Ate, ito o, panyo. Tumutulo po kasi ‘yong luha n’yo habang pinanood yong mag-jowa sa tabi ng dagat nagtatampisaw at naglalaro ng tubig.”
β€œAlam mo ba? Sabi niya pag gumaling na s’ya sa sakit niya. Maliligo kami at ipapangako ko daw na hindi ako mang-aasar sa kan’ya. Na di ko s’ya aasarin. Gagalitin o kaya aawayin. Peroβ€”β€”β€”” naputol ang mga salita ko dahil sa di ko mapigilang emosyon. Sakit sa dibdib. Nakamamatay. Sarap magpakalunod sa ilalim ng dagat tas hanggang sa di na ako makahinga at mawalan na lang ng tibok ng puso.
“Ate, h’wag umiyak ka lang po. At bukas po. Panigurado ayos na po kayo. At kaya nyo na po yakapin ‘yong sakit. Matatanggap n’yo din po ang pagkawala niya sa buhay n’yo.” aniya ng isang batang lalaking di ko kilala. Nakayakap sa akin ng mahigpit. Habang humahagolgol ako sa iyak. Rinig ‘yon ng mga taong nakapaligid sa amin.
β€œI-ito ako n-nag-iisang p-pumupunta rito. H-heto ako. N-nag-iisang sini-celebrate ‘yung 6 a-aniversary namin. Ito ako, ako lang mag-isa. Wala s’ya. W-wala na s’ya. Di ko m-man lang s’ya naisalba ng g-girlfriend niyang s-surgeon. Ang s-sakit-sakit.” Putol-putol na sabi kong di halos makahinga sa kakaiyak ng malakas. Sobrang sikip sa dibdib. Ang sakit-sakit isipin. Na para bang ngayon lang s’ya nawala. Di ko parin tanggap. Masakit.
Alam n’yo ‘yong masakit, minsan? ‘Yong mga alala hinding-hindi madaling mabura. Nanatili lang sa puso at damdamin mo. Pero ‘yung tao, hindi. Dahil kadalasan ang mga alala nandyan pa pero yung isang tao wala na. Wala na sa’yo. Ang hirap kalimutan. Ang hirap limutin lalo na kung mahal mo ng sobra. Minahal mo ng higit pa sa buhay mo.
’HINDI KO KAYANG UMIBIG MULI. HABANG BUHAY NA LANG KITANG HIHINTAYIN’
____________
BY: PAINLESS PEN MANUNULAT
ENJOY READING!
THANKS FOR READING.


2 Comments

  1. ganitong -ganito Ang ugali ko sa taong pinakamamahal ko. kaso Wala na sya e lumayo na. 😭pero promz iintayin ko sya. d na ako magmamahal Ng iba.. lakas makarl8t nito ah!! thank you sayo.. ganda Ng letters mo Sana magkita pa kami ulit. un handa na talaga sya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.