0

π— π—’π—§π—›π—˜π—₯’𝗦 π—¨π—‘π——π—¬π—œπ—‘π—š π—Ÿπ—’π—©π—˜


Report

Binuksan ko ang dala kong tupperware ng mag recess na, heto na naman yung tawanan ng mga kaklase ko dahil sa dala kong pagkain, dalawang kamote kasi ito at kaunting asukal lang samantalang ang sa kanila ay puro mga mamahaling pagkain.
“Oh ano Jessa? Ganyan pa’rin pagkain niyo? Nakakaawa naman” at sabay-sabay nila akong pinagtawanan, yumuko nalang ako at nagkuyom ng kamao dahil na’rin sa galit ko sa pamilya dahil sa mahirap kami.
Nakaupo ako sa maliit na kawayan naming lamesa ng biglang dumating si nanay, pawis na pawis ito at halatang galing sa pagta-trabaho sa taniman, “Nay, ano bang ulam? Kanina pa’ko nagugutom!” Naiirita kong tanong, huminga muna nang malalim si nanay, “Sandali lang anak at ipagluluto kita ng kamote” dahan-dahan siya’ng tumayo at dumeretso na sa sira-sira naming kusina, napairap ako sa inis, “Ano ba yan nay! Kamote na naman? Araw-araw nalang yan yung pagkain natin samantalang mga karne yung sa mga kaklase ko!” Pagdadabog ko’t lumabas nalang ng bahay dahil sa pagkairita.
Bilad sa araw ang balat ko at kayumanggi ang kulay ko hindi parehas ng mga kaklase kong mapuputi at halatang alaga nila ito, napaka swerte nila dahil sa mga bagay na meron sila at wala ako kaya magsusumikap akong mag-aral at nang makalayo na’ko sa p3steng lugar na ito.
Tuwang-tuwa si mama ng malaman niyang pumasa ako sa exam namin at plano kong magtrabaho sa ibang bansa, umalma siya noong una ngunit dahil sa di’ko pagpansin sa kaniya ng ilang linggo ay wala din siyang nagawa kundi ang pumayag.
Magta-tatlong taon na’ko sa tinatrabahuan kong Mall sa America, buwan-buwan akong nagpapadala sa Pilipinas ngunit natigil ito ilang buwan na ang nakalipas, “Jess, can I borrow 50k again?” Sabi ng mag a-anim na buwan ko ng boyfriend, “But Luked, you still have debt in me, I will gonna gave this to my family in Philippines” matalim akong tiningnan ni Luked, “I am your boyfriend and I will pay that damn debt of mine, I just really need it right now!” May pagka-inis na sabi nito, “B-butβ€”” galit akong tiningnan nito, “Okay, if you don’t want then we should break up!” galit na putol niya sa sasabihin ko, agad akong nanlumo at ibinigay na sa kanya ang pera.
Ilang tawag at text na ang natatanggap ko sa pamilya ko sa Pilipinas, di ko nalang iyon pinapansin dahil alam kong manghihingi lang sila ng pera sa’kin, isinaylent ko nalang ang cellphone ko at iniwan na sa kwarto, ilang linggo silang tawag ng tawag hanggang sa naiirita ko itong sinagot, “Oh ano ba kasi? wala akong perang maibibigay sa inyo ngayβ€”” naputol ang sasabihin ko ng marinig kong umiiyak ang sa kabilang linya, “J-Jess,...


ganyan ka na ba katigas at natiis mo kami ng ilang buwang di tinatawagan?” Umiiyak na sabi ng ate ko sa kabilang linya, “Ate, Wala kasi akong pera ipangpapadala sa inyo” tumayo ako papuntang refrigerator para uminom ng tubig ng bigla kong mabitawan ang cellphone sa sinabi ni ate, “Jess, ano ba? Akala mo ba pera lang habol namin ha?… Jess patay na si mama!”.
Wala sa sarili akong napauwi sa Pilipinas dahil doon, nag resigned ako sa trabaho at agad na umuwi, halos di’ko na makilala ang dating bahay namin na puro sira-sirang kahoy ay ngayon isa nang sementado at napakagandang bahay.
Pagpasok ko palang ay sampal agad ang nagpawaglit sa mga ini-isip ko, “Alam mo ba na ikaw ang gusto ni nanay na makausap bago siya mawala? Alam mo ba na pangalan mo ang huling nasambit ni nanay bago siya mawala ha?” Namumula si ate sa galit kaya agad na may mga pumigil sa kanya, tumulo ang luha ko’t umiling-iling sa napagtanto, “Bitawan niyo ako ano ba!?” Sigaw ni ate sa mga pumipigil sa kanya, “Jess, kahapon lang inilibing si nanay, napakasakit para sa’kin dahil di niya nakausap yung pinakamamahal niyang anak! Napakasakit para sa’kin dahil inignora mo kami ng ilang buwan, ilang buwan si nanay na nakaratay lang bahay, wala kaming magawa dahil ikaw ang gusto niyang makausap!” Unti-unting nanghihina ang tuhod ko hanggang sa napaluhod na’ko, “At alam mo ba kung bakit napaayos ‘tong bahay na ‘to ha?, Dahil ayaw ni mama na gastusin ang pera mo sa mga gamot niya kahit na may sakit na siya! Mas pinili niyang ipaayos ang bahay para may maayos kang uuwian kapag uuwi kana o kung uuwi ka pa ba!” halos takpan ko na ang tainga ko upang di na marinig pa ang hinanaing ng ate ko habang umiiyak, patuloy sa pagtulo ang luha ko sa kagagahang nagawa ko, “Tapos nung umalis ka mas pinili mo pang di pansinin si nanay ng ilang linggo upang matuloy ka lang doon! Anong klaseng anak ka ha!?”
Nandito ako ngayon sa sementeryo mag-isa, nakakuhod habang tumutulo ang luha… Wala na yung nanay ko, nawala siya ng di ako nakaka-usap dahil na’rin sa maling akala ko, di ko manlang naisip na kamustahin sila kahit papaano, Sana nayakap o nahawakan ko manlang yung kamay niya bago umalis, Sana sinagot ko bawat tawag nila… Sana naging mabuti akong anak kahit papaano sa kanya.
Wala na yung nanay ko, yung nanay kong walang ibang ginawa kundi maghirap para pag-aralin ako pero ito lang pala igaganti ko, ang tanga-tanga ko…
.
.
.
.
.
☽Credit to the owner who own the picture shown below
☽Plagiarism is a crime
Author: 𝐙𝐲𝐧𝐱π₯𝐞𝐒𝐧𝐝𝐒𝐧𝐞 π„πžπ«πšπ‘


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.