0

What a Girl wants CHAPTER TWENTY-TWO


Report

What a Girl wants πŸ’•πŸ₯°
🍬 CHAPTER TWENTY-TWO 🍬
“LIVE? Paanong naging live?” naguguluhang tanong ni Claribelle.
Ngumiti si Reymart na parang balewala lang dito ang pagpa-panic niya. “Napapanood na tayo ng buong Pilipinas. I think may live streaming din sila.”
“A-ano? Ibig sabihin, napapanood na tayo ng buong Pilipinas ngayon?” ulit ni Claribelle habang parang nanlalaki ang ulo. Wala na siyang itatago? Wala nang cut. Wala nang editing.
“Para alam ng lahat na kung anuman ang sasabihin ko ngayon, wala nang bawian. Wala nang take two. Gusto kong malaman ng lahat kung ano ang totoong nasa puso ko. Sinabi ko naman sa iyo na aaminin ko rin sa lahat ang tungkol sa atin.”
“But not like this. Hindi….. Hindi pa sa ngayon.”
“No. This is the perfect moment to tell everyone the truth.”
(Totoo na ito.) Nasa harap niya si Reymart at ibinunyag na sa lahat ang tungkol sa kanila. Wala na siyang magagawa para protektahan ang lalaki. Parang handa na itong sirain ang career para lang sa kanya.
Inalalayan siya ni Reymart pabalik sa upuan. “Naalala mo bang sa room na ito tayo unang nagkakilala? Pagpasok ko sa kuwarto, naabutan ko na nilalait ka ng mga classmate natin dahil sa tinda mong pastillas. Basta na lang akong bumili non sa iyo nang hindi nag-iisip. At sinabi ko sa sarili ko na hindi ako titigil hangga’t hindi mo naibebenta ang lahat ng pastillas mo. Hindi talaga ako kumakain ng pastillas. Lalo naman yong walang tatak.”
Kumunot ang noo ni Claribelle. “Ngayon ko lang nalaman na hindi mo pala gusto ng pastillas.” Wala naman sa itsura noon ni Reymart na ayaw nito ng pastillas.
“Pero nagbago ang isip ko nang makita ka. Siguro, dahil nakita kong iba ka sa lahat. Hindi ka nahihiyang magtrabaho nang marangal at hindi mo iniisip ang luho mo. Noon pa lang gusto na kita. Hanggang sa paglipas ng mga araw, minahal ko ang kasimplehan mo, ang pagiging totoo mo at walang halong pagpapanggap. Kaya kahit wala sa plano kong magkaroon ng seryosong girlfriend noon, niligawan pa rin kita. Pero kailangan kong itago sa lahat ang relasyon natin. Sabi ko, ginagawa ko iyon para protektahan ka. Pero nang mawala ka sa akin, saka ko lang inamin sa sarili ko na naging makasarili ako. Marami kang isinakripisyo alang-alang sa akin at lagi mo akong iniintindi para lang magtagal ang relasyon natin. Pero wala man lang akong naibigay na kahit ano sayo. At nang nagpapatuloy ka na sa buhay mo, di ko matanggap na hanggang doon lang tayo. Masakit din sa akin na makitang may ibang lalaking nag-aalaga sayo….. bagay na hindi ko man lang nagawa sa harap ng publiko. Samantalang sa puso ko, alam kong ako naman talaga ang mahal mo. Kaya ginawa ko ang lahat para bumalik ka sa akin. But I ruined it. Nalaman ng lahat ang tungkol sa atin at wala man lang akong magawa para madepensahan ka sa mga paninira sayo.”
“Okay lang naman ako. I am a survivor, Reymart. Kaya ko naman,” sabi niya at pilit na ngumiti.
Hinaplos ng binata ang mukha niya. “Pero hindi mo naman kailangang mag-isa. Hindi mo rin kailangang itago ang totoo para lang protektahan na naman ako. Wala akong kwentang lalaki kung hindi ko man lang masasabi sa lahat ang totoo. I owe you that, Claribelle.”
Naiiyak na si Claribelle kaya tumingala siya para pigilan ang pagpatak ng mga luha. “Nababaliw ka na, Reymart.”
“Okay lang na tawagin akong baliw. Hindi ako natatakot na isugal lahat. Pero hindi ako tatayo lang sa isang tabi at hahayaan kang siraan ng iba. Ikaw ang mahal ko. No scripts. No gimmick. Iyon ang totoo. Walang ibang pwedeng magdikta sa nilalaman ng puso ko. And for the first time in my life, I want the whole world to know what’s inside my heart and who owns it. You own my heart. I love you, my Pastillas Girl.”
Hinawakan ni Reymart ang pisngi niya at hinalikan.
(Totoo na to. Hindi lang ako nananaginip. Sinabi ni Reymart on live TV na mahal niya ako. And he is kissing me.)
Iyon ang pinakamasarap na pakiramdam. Sa loob ng mahabang panahon ay kinalimutan na ni Claribelle ang mala-fairy tale na pangarap. Na sa harap ng maraming tao ay sasabihin ni Reymart na siya ang mahal nito. At hinahalikan siya nito. Ngayon ay hindi na nila kailangang magtago. Hindi na nila kailangang bantayan ang kilos nila. At kahit husgahan sila ng lahat, nariyan ang binata para protektahan siya.
“This is my promise to you, Claribelle. Gusto kong maging tunay na lalaki na hindi natatakot sabihin sa lahat ang totoong laman ng puso. This is me, Reymart, ang lalaking nangako sa iyo na ipaglalaban ka. Wala nang pwedeng makapigil sa akin. At ayokong mamili ka ng ibang lalaki na ipapalit sa puso mo hangga’t hindi ko ito nagagawa. Hangga’t hindi ko ipinaglalaban ang pag-ibig ko sa iyo sa harap ng maraming tao, hindi kita bibitawan.”
“Thank you, Reymart. Matagal ko nang hinihintay n sabihin mo iyan. Mahabang panahon na akong sumuko na mangyayari pa ito.” Parang isang magandang panaginip. Sana lang ay hindi ito maglaho. Hindi siya nangangarap lang. “Reymart, mahal pa rin kita. Pero hindi ito maiintindihan ng ibang taong importante sa iyo. Ang mommy mo…. Ang fans mo. May love team kang inaalagaan. Ayokong makasira sa iyo. At ayoko ring mawala sa iyo ang lahat ng pinaghirapan mo.”
Ngumiti si Reymart. “Naiintindihan na ni Mommy. Sabi niya, hahayaan niya akong magdesisyon kung ano ang magpapasaya sa akin. Kung mawawalan man ako ng career dahil dito at talikuran ako ng mga fans ko, hindi naman daw iyon ang katapusan ng buhay.”
“Sinabi niya iyon sa iyo?”
“Talented naman daw ako at kung ayaw na ng showbiz sa akin, pwede akong bumalik sa pag-aaral at pumili ng...


ibang course, kung saan man ako interesado. The possibilities are endless. Hindi ko raw kailangang makulong sa kahon.”
Niyakap niya ang lalaki. “Magandang balita yan. Masaya ako para sa iyo, Reymart.”
“Gusto niyang magpasalamat sa iyo. Sa inyo ni Nanay Myrna. Kung hindi raw dahil sa inyo, hindi niya mare-realize na may mga bagay na mas mahalaga pa kaysa sa career ko o sa kasikatan. Ako mismo. Mas mahalaga ang kaligayahan ko. At habambuhay daw niyang pagsisisihan kung mabigo ako dahil sa kanya.”
“Mabait talaga ang Diyos.” Isang himala na nagbago na ang ina ni Reymart. Sino ang mag-aakala na hahaplusin ng pag-ibig ang puso ni Tita Gina at mas mangingibabaw ang pagmamahal nito sa sariling anak?
“Ibig bang sabihin, ako na ang pinipili mo, Claribelle? Hindi ka natutuloy sa finale bukas?”
“Ano…..” Ngayong alam na ng lahat ang tungkol sa kanila, napaka-unfair naman sa dalawang natitirang manliligaw ni Claribelle kung basta na lang niyang tatalikuran ang mga ito. At ang mga staff, pinaghandaan na ng mga ito ang finals.
Isang idea ang kumislap sa isip ni Claribelle. “May naisip akong pinaka-perfect na finale para bukas.”
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
PINANOOD ni Claribelle mula sa hardin ang pagsabog ng makukulay na fireworks sa kalangitan, hudyat ng pagtatapos ng season ng “You’re the One For Me” dating game. Nangangahulugan ng isang masayang ending. Masaya ring nanonood ng fireworks πŸŽ† display sina Jaime at Warren. Sa tabi ng dalawa ay ang mga babaeng tunay na mahal ng mga ito.
Para sa finale, pinapasok sina Jaime at Warren sa dalawang magkaibang kuwarto. Kung saang kuwarto man matatagpuan si Claribelle ay iyon ang mananalo. Pero sa halip na si Claribelle, ang nakita ni Jaime ay ang buntis na girlfriend na si Karen; si Warren naman ay hinihintay ng dating girlfriend na si Cristina. Iyon ang pasabog nilang ending na pinagkaguluhan ng mga fans. Kakaiba raw ang ending na iyon kompara sa ibang dating game.
Mula sa likuran ay niyakap ni Reymart si Claribelle.
“This is the perfect ending.”
“Perfect kahit na gusto kang itakwil ng mga fans mo?”
There was an uproar in the social media when her episode with Reymart was shown. Maraming nagalit dahil matagal na raw niloloko ni Reymart ang mga tao. Marami ring naawa kay Darling lalo na’t asang-asa ang marami sa mga fans na ang dalawa ang magkakatuluyan.
“Si Darling na ang bahala sa kanila.”
“Si Darling?” tanong ni Claribelle.
Inilabas ni Reymart ang cellphone at ipinakita ang Instagram post ni Darling kung saan magkayakap sila sa picture.
Binasa ni Claribelle ang caption.
Instagram πŸ“²
: Nothing beats real love. Cheers to Reymart and Miss Pastillas. Reymart made us happy in front of the camera but we must respect his private life and personal happiness. Hindi ba nakaka-excite na may lalaking kagaya niya na handang ipaglaban ang babaeng mahal niya kahit anong sabihin ng lahat? You are the man, Reymart. Happy for you. — Darling.
“Ang bait naman niya,” komento ni Claribelle. “Hindi ba may gusto siya sa iyo?”
“Crush lang. Ang totoo, pagkatapos ng teleserye namin, pupunta na siya sa States para sundan ang lalaking matagal na niyang gusto. Na-inspire daw siya na gayahin ako at sabihin sa lalaking gusto niya na mahal niya ito.”
“Wow! She’s strong. Sabihin mo sa kanya, salamat sa suporta niya.”
Mas makulay at nakakakilig talaga ang tunay na buhay kaysa kung anong nasa harap ng camera at pinapalabas sa media.
“Hija, magpa-picture naman tayong apat,” sabi ni Tita Gina na kasama ang nanay ni Claribelle. Nagkasundo na rin ang dalawang nanay. Napansin din ni Claribelle na mas gumaganda ang ina ni Reymart dahil siguro mas positibo na ito ngayon.
“Reymart, basta gusto kong maabot pa rin ninyo ni Claribelle ang mga pangarap ninyo. Kailangan pa niyang magtapos ng pag-aaral at may tatapusin ka pang teleserye,” bilin ni Aling Myrna.
“Opo. Marami pa po kaming pangarap at susuportahan namin ang isa’t isa,” paniniguro ni Reymart at inakbayan si Claribelle.
“At may maganda pala akong balita sa iyo, Reymart. Tinawagan ako ni Direk Jerrold. Pasok ka na raw para sa susunod na historical film na gagawin niya na Teresah Magbanua. Sa wakas, malilinya ka na sa mas seryosong project na pang-international level,” excited na sabi ni Tita Gina.
“Talaga po? Kahit na baka mawalan ako ng fans?”
“Hindi mo kailangan ng fake na fans na ilusyon lang ang mahalaga. Meron ka pa ring mga fans na nagtitiwala sa talent mo. At may mga gustong kumuha kay Claribelle na mag-host. Basta ako na ang manager mo,” maagap na sabi ni Tita Gina.
“Mommy, saka na po iyan. Gusto muna naming i-enjoy ni Claribelle ang moment namin,” sabi ni Reymart at hinalikan sa noo si Claribelle. “This is our perfect moment.”
“Alam mo ba, may isang taong dapat kang pasalamatan kaya hindi basta-basta nawala ang pagmamahal ko sa iyo. Fan na fan mo kasi siya. Parang siya nga ang nanliligaw sa akin para sa iyo,” tatawa-tawang sabi ni Claribelle.
“Si Totoy Biloy ba?” tanong ni Reymart.
Nanlaki ang mga mata niya. “Kilala mo si Totoy Biloy?”
Itinuro nito ang dimple. “Ako si Totoy Biloy.”
“Whoa! Hindi nga?”
“Ako nga. Sabi mo sa akin, gumawa ako ng paraan para ligawan ka pa rin. And I did. Ako rin ang kumanta sa iyo sa bar.”
“Yong gusgusin? Pero sabi ni Tita Gina, tulog ka na raw.”
Bumuntong-hininga si Reymart. “Kailangan kong maging ninja para sayo. Ayoko namang sabihin mo na hindi ako nag-effort para sa iyo. Niligawan kita sa sarili kong paraan. Hindi ako papayag na matalo pagdating sa iyo, my Pastillas Girl,”
Yumakap si Claribelle sa baywang ng nobyo. “I love you, Totoy Biloy.” At kahit ano pang pagsubok ang dumating sa kanila, alam niyang magiging matatag sila.”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.