0

I’LL NEVER GO CHAPTER 28


Report

Masayang masaya na ang magkakaibigan dahil sa wakas ay natapos na din ang problema.
Magkakasama sila ngayon papunta sa surprise wedding nina Lance at Sab.
Surprise dahil ang alam ni Sab ay binyag lang ng anak nila na si Baby Renz ang magaganap.
Alam nilang dalawa ni Cassy ang plano ni Lance dahil sila ang nagdesign ng gown ni Sab.
Napag usapan lang nilang magkakaibigan na kung ikakasal sila ay sina Cassy at Xandie ang gagawa.
Kaya wala ng naging problema dahil alam na nila ang gusto ng bawat isa matagal na.
Kumpleto silang magkakaibigan.
Natupad ang kahilingan ni Lance na kapag ikinasal sila ay bati na ang dalawa.
Matapos ang garden wedding ay si Xandie ang nakasalo ng bouquet ni Sab.Kaya kantyawan sila na ito na ang susunod.Kaya naman binato na lang ni Lance sa kaibigang si Markus ang garter.
Walang pagsidlan ang saya ng mga naroroon sa kasalan lalo pa’t panay biruan ang maririnig mo sa kanila.
“Uy alam na this kung sino na ang susunod.”
“Oo nga kaya bilis bilisan nyo na ang kilos nyo.”
“Dapat gayahin nyo itong dalawang ikinasal,mamaya binyag naman ang isi celebrate natin.”
“Hahaha…😀”
Kakatapos lang ng problema nilang magkasintahan,ready na ba syang mag asawa.Tsaka wala pa namang pinapahiwatig ang nobyo nya na gusto na nga nitong magpakasal.
Isa pa gusto nya pang makapunta ng Paris,para magpakadalubhasa sa pagdesinyo ng damit.Isa ito sa pangarap nya na magkaroon ng clothing line at makilalang isang sikat na fashion designer sa buong mundo.
Kaya habang nasa sasakyan sila pauwi ay nasabi nya ito sa nobyo.
“Love papayagan mo ba akong umalis ng bansa para mag aral ulit.”
“Bakit pa...


eh me sarili na kayong botique?”
“Gusto ko kasing maging isang sikat na designer.”
“Mga ilang buwan naman kaya yan aabutin?”
“Anong buwan ka dyan,maybe one year or two years.”
“Ano ganun katagal? Isang araw pa nga lang tayong di magkita ay di ko kaya eh taon pa kaya.”
Nalungkot sya sa sinabi ng nobyo,sya din naman hindi nya kakayanin ang ldr.Pero pangarap nya talaga yun mula bata kaya kelangan nya talaga itong makamit.
Ngayon pa na kayang kaya na syang tustusan ng ama.
Dati pangarap nya lang yun pero ngayon gusto nya itong maisakatuparan.Kahit pa magtiis sya.
“Sige papayag ako pero magpakasal muna tayo.”
“Ha? Pero gusto kong makilala bilang ako di dahil sa apelyido mo.”
Sikat din kasi ang mga Da Silva lalo na ganitong larangan ng fashion dahil sa kapatid ng binata.Isa itong sikat na model at designer sa ibang bansa kung saan ito nakatira.
“Ayaw mo nun matutulungan ka pa nina Ate.”
“Pag iisipan ko muna yang plano mo,pero pag hindi ako pumayag na maging asawa mo,ibig ba sabihin nun hiwalay na tayo?”
“Yan ang di pwede mangyari,mas gugustuhin ko na malayo sa’yo kaysa maghiwalay tayo.”
“So,papayagan mo ba ako?”
“Tanungin muna natin ang magulang mo kung papayag sila.”
Pagkadating nga sa bahay ay sakto naman na andun ang magulang ng dalaga at nasabi nga nila ang gustong mangyari ni Xandie.
“Di ba parang sobra naman yan na pangarap mo anak? Ang akala namin ay okay ka na sa negosyo mo?”
“Oo nga naman anak pag usapan nyo munang maigi yan kasi mahirap ang magkalayo.”
Ang buong akala nya ay susuportahan sya ng magulang.Yun pala ay silang magkasintahan pa rin ang magdedesisyon.🙂


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.