1

YUNG NAKIPAGKUWENTUHAN SAYO YUNG KAIBIGAN MONG TAKAS SA MENTAL


Report

YUNG NAKIPAGKUWENTUHAN SAYO YUNG KAIBIGAN MONG TAKAS SA MENTAL”
[ONE SHOT FUNNY STORY]
Written by:Sheena Mc Writes/Sheena Manunulat
Characters: NATHAN and LYXTHER
Nathan’s POV
kasalukuyan akong nakaupo dito sa may Sala, sa Sarili Kong apartment nang biglang bumukas Ang pinto at iniluwa nito Ang kaibigan Kong si Lyxther na mukhang hingal na hingal
“Oh Lyxther bat parang hingal na hingal ka? May nangyari ba?” Sunod sunod Kong tanong Kay Lyxther
Tumayo Ako at pumunta sa gawi nya. Nang makalapit Ako sakanya ay inalalayan ko sya at pinaupo sa may sofa
“Ano bang nangyari Sayo?” Dagdag ko pang tanong Kay Lyxther at kumuha Ng tubig at ibinigay sakanya
“Pare, alam mo na ba?” Pabalik nitong tanong sakin at uminom Ng tubig
“Tanga ka ba? Pano ko Naman malalaman kung Hindi mo sasabihin” sumbat ko rito at umupo sa tabi nya
“Ay oo nga noh pano mo nga Naman malalaman kung Hindi ko sasabihin” kamot batok nitong Saad
Minsan talaga iniisip ko Rin kung kaibigan ko nga ba talaga toh parang takas sa mental eh
“So ano ba talaga Yung nangyari?” Tanong ko ulit Kay Lyxther
“Ganito Kasi Yun pare, kanina habang naglalakad Ako dun sa may kabilang kanto, may Nakita akong dalawang lalaki na nag-aaway” panimula nito
“Oh tapos, anong nangyari?” Tanong ko pa lay Lyxther dahil masyado syang pabitin
“Yung isang lalaki may dala palang kutsilyo kaya ayun gusto nyang saksakin Yung lalaking kaaway nya at buti nalang nakakailag pa Yung lalaki sa pagsaksak sakanya pero…” Pambibitin pa nito
“Pero ano? Nasaksak ba? Namatay ba?” May pagka OA at sunod sunod Kong tanong
“Hindi pare, Kasi Yung isang lalaking kaaway nya may dala Rin palang baril kaya pareho na silang may gamit, isang kutsilyo at isang baril. At patuloy pa Rin silang nag-aaway Hanggang sa mabaril Nung isang lalaki Yung kaaway nyang may hawak na kutsilyo at Ang malala pa dun ay sa ulo pa talaga tumama Yung bala kaya natumba Yung kaaway...


nya at duguan” mahabang pagkukuwento sakin ni Lyxther
Grabe Naman Pala Yung nangyari
Natatakot na tuloy akong lumabas Ng Bahay dahil baka mangyari din sakin Yun
“Edi ibig sabihin nun ay namatay Yung isang lalaki dahil nabaril sya?” Tanong ko pa sakanya
“Oo pare, namatay talaga. Sino ba Naman Ang Hindi mamamatay dun, eh sa ulo nga tumama Yung bala” sambit Naman nito
“Haysst grabe Naman Yun nakakaawa Naman Yung lalaki. Kamusta na kaya sya” nanghihinayang Kong sambit
“Oo nga pare eh, pero…” Pambibitin na Naman nito
“Pero ano?” Taka Kong tanong dahil binibitin nya na talaga Ako sa mga ikinikwento nya
“Pare, biglang nabuhay Yung lalaki. Oo, as in nabuhay talaga akalain mo Yun nabaril na nga sa ulo at namatay pero biglang nabuhay at bumangon pa sya sa pagkakatumba nya” pagpapaliwag pa nito
Aba!!!
Ginagago nya ba Ako!!!
Namatay na tapos biglang nabuhay!!!
“Anong pinagsasasabi mo dyan huh?” Medyo pasigaw Kong tanong Kay Lyxther at tumayo
“Oo pare, totoo Yung sinasabi ko namatay na sya tapos biglang nabuhay” pamimilit pa nito sakin na maniwala sa mga sinasabi nya sakin
“Alam mo, mabuti pa umalis ka na dito sa apartment ko, Bago pa ikaw Yung mapatay ko. ALIS!!!” Sigaw ko sakanya at pinagtutulak sya palabas Ng pinto
“Pero pare, Hindi pa Ako tapos magkuwento Sayo” pangungulit pa sakin ni Lyxther at gusto pang pumasok sa loob pero tinutulak ko na sya palabas
“Kung naghahanap ka Ng makakausap wag Ako. Hindi Ako Gago katulad mo. UMALIS KA NA NGA DITO!!!” sigaw ko Kay Lyxther at nilock ko Rin Yung pinto. Narinig ko pang sumisigaw ito pero Hindi ko nalang Yun pinansin
Sino ba namang Hindi mag-aakala na namatay na tapos bigla biglang mabubuhay???
CRAZYYY!!!
kaibigan ko ba talaga Yun???
Oh sadyang takas lang talaga sya sa mental???
Ang hirap na ngang makahanap Ng tunay na kaibigan tapos gagaguhin pa Ako???
SERIOUSLY!!!
“YUNG NAKIPAGKUWENTUHAN SAYO YUNG KAIBIGAN MONG TAKAS SA MENTAL”
[THE END]


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.