3

You are all of what is Me


Report

“Maaari ngang nakalimot ang aking isipan, ngunit sa puso ko’y ikaw parin ang laman?

Bakas ng alaala mo ang pagkatao ko, sana’y matulungan mo akong alalahanin ito?

Maaari ko bang malaman kung sino ka? Sigurado ako kilala kita. ”

***

“Hindi ko mapapatawad ang aking sarili sapagkat ako mismo ang kumitil sa buhay ng aking pinakamamahal”

Sinisisi ni Jethro ang kanyang sarili sapagkat sya ang dahilan ng pakawala ng babaeng pinakamamahal nya. Paano nga ba maiibsan ang kalungkutan ng isang taong lubos na nagmamahal?

Maibabaon ba sa limot ang unang pag-ibig na tunay at tapat?

Subaybayan ang istorya ng naglahong pagibig ng dalawang pusong muling pinagtagpo.

~~~

Kabanata 1: Monica

Kabanata 1

Takot at pangangamba ang nadarama ng dalawang magkasintahan ng makita nilang ang pangyayaring hindi inaasahan.

“Pero hindi ako marunong lumangoy” Isang tinig ng babae ang nagsalita. Nanginginig at takot na takot sa pangyayari.

“Pero kailangan na nating tumalon… Anong pipiliin mo ang mamatay sa yateng ito habang unti-unting nasusunog? o tumalon na lang?” Natataranta naring tinig ng isang binata na kasama nya. Hindi nila pawari kung anong gagawin, ang tanging paraan na lamang ay tulamon sa dagat upang lisanin ang lugar ba iyon hanggat di pa huli ang lahat.

“Pero… ” Nagaalangang samabit ng dalagita.

Magkahawak sila nga kamay ng mga oras na ‘to. Parehas na takot at balisa, anumang sandali maaring sumabog ang yate sapagkat malaki na ang apoy at mas lalo pa itong kumakalat sa kabuuan ng yate.

“Wala ng pero pero talon!” Anang lalaki na hila ang kamay babae patalon sabay sabog ng yate. Alam nyang delikado ang gagawin nya pero naisip nyang kung hindi nila lilisanin ang lugar maaaring lalo pa silang mapahamak.

“Jethro… Hin… Hindi ako… Tulong….” Hindi malaman ang sasabihin ng dalagita. Nagaalala sya sa kasama nya pero sa sitwasyon nila ngayon malabong makita pa nya ito. Pakiramdam nya ay katapusan na ng kanyang buhay at Kailanman ay di nya na muli pang makikita pa Si Jethro. Humihingi sya ng tulong kay Jethro habang unti-unting lumulubog sa tubig.

“Tu- .. Tu- … Jethroooh” Huling salita ng batang babae bago lumubog sa tubig.

Katahimikan ang bumabalot sa pagitan nilang dalawa sa mga panahon na iyon. Hindi mawari kung ano pa nga ba ang susunod na mangyayari.

“Irish… Asan ka?” Anang naman ni Jethro at hinahanap ang kaninang kasamang babae. “Irish… Irishh…” Sigaw niya subalit walang tugon ang kanyang kasama. Puno ng pangangamba ang kanyang nadarama sa mga oras na iyon. Hindi nya mawari at matanaw kung nasaan na ang kanyang mahal. Ang huli na lamang nya nakita ay ang bracelet nitong hawak nya ngayon na kanina’y napigtas sa kamay nito habang sila’y tumalon.

Sa pangyayaring naganap, anong buhay ang naghihintay sa kanilang dalawa. Magkikita pa kayang silang muli kung nitong mga sandali ay di nila mawari kung maging ligtas ba sila sa trahedyang hindi sinasadyang mangyari.

Wooshh. Panaginip lang pala.

“Hoy, Monica gumising ka na nga dyan… Tanghali na” Sambit ng aking ina matapos akong wisikan sa mukha ng malamig tubig na hawak nito. Tumingin ako sa wall clock at alas sais na pala ng umaga. Sa ganoong oras ay kailangan ko nang bumangon para tulungan ko ang nanay sa gawaing bahay bago pumasok sa trabaho o gawin ang kung ano man ang dapat kung gawin. Samantalang si papa naman ay nasa byahe na. Jeepney driver si papa pero kahit papano nabuhay kami buong pamilya at proud ako sa kanya.

“Ako na po ang magluluto at mag huhugas ng pinggan” Sabi ko kay mama habang nagliligpit ng higaan namin.

“Oh, sige pagkatapos mo nun paki labhan narin ng mga labahan dyan ah” Anito habang naglilinis ng kanyang mga kuko.

“Sige po” Pagsang-ayon ko sa ina. Oo mataray si mama pero alam ko naman na mabait siya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganun siya sakin, magkaiba kasi ang trato niya saming dalawang magkakapatid. Minsan iniisip ko na lang na baka hindi talaga ako tunay nilang anak dahil narin sa mga pinagsasabi ng mga kapitbahay namin na mas naiiba daw ang mukha ko sa mga mga magulang ko.

Ganun lang siguro sila, at dahil kakalipat lang namin sa lugar na yun ay ayaw ko nang patulan pa kung anuman ang pinagsasabi nila… Oo lagi kaming palipat-lipat ng bahay ewan ko ba sa mga magulang ko para bang may iniiwasan sila lalo na si papa pero ayaw ko nang maguusisa pa. Pero kung si papa ang tatanungin, totoo daw na anak nila ako ni mama at mali ang mga paghihinala ko.

“Ano kaya ibig sabihin nung panaginip ko? At sinu-sino naman kaya ung mga batang yun?” Sa isip ko nang biglang maalala ang panaginip ko kagabi habang naglalaba na. “Hayst, panaginip lang yun.” Pagkumbinsi ko pa sa sarili.

***
“Sir kain tayo” Imbita ko sa baklang manager. Break Time ko ngayon.

Namamasukan ako sa isang fast food, huminto muna ako sa pag aaral para makatulong sa araw araw na pangangailangan ng aming pamilya.
Nasa kolehiyo na din ako ng huminto dahil narin sa pinansyal na pangangailangan. Subalit binabalak ko parin muling bumalik sa pag aaral, pangarap ko iyon, ang makapag tapos sa kolehiyo at mabigyan ng magandang buhay ang nagiisang lalaki na kadugtong ng aking buhay at mahal na mahal ko. Isang sem na lang at matatapos ko na ang pag aaral ko kaya konting kembot ng lang din matutupad ko na ang lahat ng pangarap ko.

” Sige birahin mo na lang yan para tumaba ka naman.” Anito ni Sir Redge na may kung anong kinakalikot sa bag nito.

“Si sir naman… Pag ako talaga tumaba Who you ka sakin” Biro ko rito na abala parin sa kanyang ginagawa.

“Sooows, Ano ba naman ititch.” Sambit nito sabay punas sa mukha ng foundation. “Ay, siyanga pala Monica nakita mo na ba kahapon yung mga bago sa dining kahapon?” Anitong abot tenga ang ngiti.

“Hindi ko nakita e” Sagot ko na nagaayos na din ako sa mukha ko.

“Eh panung di mo nakita eh, kaya nga kita pinalabas kaagad kahapon sa dressing room eh para makita mo. Now, I know… kaya pala, gusto na naman nitong kumire ako. “Dami mong alam Sir” Sambit ko na lamang sa kanya.

“Hay, naku panu ngang di mo nakita eh, kayong tatlo lang ang nandito kahapon?” Aba alam na alam niya. Haist Bayot talaga.

“Nakita ko sila… Pero di ko namukhaan yung isa, Si Rico ba yun?” Hindi ko siguradong sabi sa kausap na nagiisip pa nga kung tama ba ang pangalang nabanggit ko. “Ay oo nga Rico nga yung pangalan na naka-usap ko kahapon pero yung isa hindi ko nakausap at hindi ko na rin inalam ang pangalan” Pagamin ko.

“Si Dave nakita mo ba ha?” Yung isa siguro tinutukoy nito.

“Hindi, tulad nga ng sinabi ko diba? Si Rico lang ang nakausap at nakilala ko kahapon?” Nakatalikod yung isa kaya di ko namukhaan. Pero ano naman ngayon, wala naman akong paki, baklang to.

“Ganern?” Parang nadismaya sa sa sinabi ko.

“Oo…” Maikling sagot ko, at tinatapos ko na ang kaartehan sa mukha.

“Bahala ka nga diyan… Baka one of this days makita mo sila ang yu-yummy neng!! ” Kilig na sabi nito at parang nakuryente pa.

“Anong yummy?, ikaw sir ah” Kunot ang noo kong tanong rito. Minsan di mo talaga naintindihan tong kaharap ko, di ko malaman kung double meaning ba ang mga sinasabi nya.

“Hays… Di ma gets, ang ga-gwapo nila.” Sabay tapik sa balikat ko. “Iba na naman siguro iniisip mo”

“Yan kasi linawin mo hmmp” Nakangusong sabi ko rito.

“Hi Sir Good afternoon! ” Ani ng baritonong boses na animo pamilyar sakin. Humila ito ng upuan at tumabi sa baklang manager. Tumalikod na ako ta inaayos ko ang mga gamit ko.

“Hi din… Closing ka?” Ani ng baklang manager na animo nagpa-cute pa sa bagong dating at lumingon sakin at nakita kong kumindat pa. Bayot talaga.

“Haist, Si Sir talaga… Pagdating sa ganitong bagay ay walang pinapalampas.” Bulong ko sabay iling.

“Anong sabi mo Monica?” Ani Sir na narinig pala ang pagbulong ko ang hindi ko lang alam kung naintindihan ba niya ang mga sinabi ko. Hindi ko sinagot ang tanong niya.

Tinapos ko na ang pagkain ko, nakalimutan ko na ang pagkain ko dahil kakaayos sa mukha ko. natatawa na lang ako sa sarili dahil nauna ang pag aayos sa mukha kesa kumain muna. Pinabayaan ko na ang aking manager na makipag-usap ay este makipag-landian pala sa bagong dating na lalaki na ngayon ko lang nakita.

“Sir bababa lang ako para kumuha ng maiinom” Singit ko sa usapan ng dalawa.

“Ah, sige” Anitong nakangiti parin. Halata sa mukha nya na kinikilig sa kausap. Good luck na lang sa kanya.

Hindi ko na lamang sinagot ang response nito sakin. Ilang sandali lang bumalik na rin ako sa pwesto ko kanina lang.

“Sir tubig baka malunod ka na diyan” Singit ko uli sa usapan ng dalawa na ang tinutukoy ko sa pagkalunod nito ay ang pagkikipag landian sa di ko kilalang lalaki. “Malamig ‘to Sir” dugtong ko pa na may makahulugang ngiti… Nagbabakasakali lang akong mawawala yang ‘INIT’ng katawan mo, diba sabi mo parang nilalagnat ka kanina?” Dugtong ko pa na nakangiti parin ng makahulugan na may diing sabi ko sa ‘INIT’.

Hindi sumagot sakin si Sir. Animo isang letra wala akong natanggap kanya.

bagkus…

“Hi Monica?” Singit ng di ko kilalang lalaki. Ngayon ay papalapit na sakin.
Hindi ako nakapag-salita.

*Pause for moment*

“Hindi sa bagay magtrabaho dito. Wala sa itsura nya” Sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit nito alam ang pangalan ko. Bigla na lang akong natauhan ng biglang nagsalita ang manager ko. Gusto ko pa naman ding tanungin sa lalaki kung bakit kilala niya ako pero ito’t naunahan ako nito.

“Hmmmp Ayan!…Ito maganda ba?” Naka nguso pa ang baklang manager na ngayon ay may lipstick na sa labi na samantalang kanina ay wala pa. Kaya pala hindi ito sumagot sakin kanina ay dahil busy sa kaka- lipstick.

“SIR!” Gulat kong reaksyon. “Anong pinag-gagawa mo sa sarili mo? Baka mamaya mahawa ang mga customers natin sa kabaklaan mo pag nag-duty ka ng naka-ganyan” Gulat na sabi ko rito. Hindi ko na inalintana ang kaharap ko ngayon.

“Ikaw talaga neng, tin-ry ko lang naman… malay mo ba like ni Baby Dave ‘tong kulay na to… Diba Dave?” Aniya sabay tingin kay Dave.

Napangiwi ako sa sinabi nito.
ieww, yuck lang talaga.

“By the way Monica… ” Sabat ng lalaki na ngayon pala ay nasa tabi ko na pala. ” I’m… ” Hindi naituloy ang sasabihin.

“Dave right?” Panguna ko rito.

“Ahh, Yeah paano mong… ” di nito ulit naituloy ang dapat sabihin.

“Kakasabi lang ni Sir nung pangalan mo diba? Malamang narinig ko, wala namang ibang tao rito kundi tayo lang naman tatlo diba?, besides hindi naman ako bingi” Pagtataray ko rito. Yes! one point. Taray ko Bes haha

“Hehe… Sabi ko nga” Napahiyang sambit nito. Kinuha nito ang upuan nya kanina at itinabi sakin.

Magsasalita pa sana si Sir Regie nang biglang tumunog ang telepono.

*ring ring ring*

“Ay butiki” Gulat na gulat na sambit ko ng biglang tumunog ang telepono na nasa tabi ko. Hindi ako nagdalawang isip na Sinagot iyon. ” Hello?” Sambit ko sa kabilang linya.

“Hello pwede ba kay Monica?” Galing sa office ang tawag na nasa ibaba lang naman ng crew room.

“Speaking po” Mahinang sagot ko. Sinabi ng kausap ko na extended ako kaya mapapahaba ang break Time ko panigurado.

“Sino yun?” Anang baklang manager nang maibaba ko na yung telephone at ngayon ay tinatanggal na ang lipstick na naroon sa labi nito gamit ang tissue.

“Sa office po, extended daw po ako hanggang closing” Ani ko rito.

” Ah ganun ba? Eh di maganda para naman sabay kayo ni Dave pag-uwi” Anito.

“Oo nga naman” Sabat naman ni Dave na nakangiti. Wow ah, feeling naman nito sasabay ako duh!

“Ahh… Di na kailangan kaya ko nang umuwi mag-isa” Pasusungit ko na naman, totoo naman e, SANAY NA AKONG MAG-ISA huhuhu

“Ito naman ang sung…” Hindi ulit nito naituloy ang sasabihin dahil pinigilan ko na sya.

“Sshhh… You shut up, Can’t you see? Gusto kong matulog?” Sabi ko rito na nakayuko ang ulo ko sa lamesa para maka-idlip kahit saglit man lang. “Isa pa matagal ko ng alam na masungit ako” Tuluyan na akong yumuko sa lamesa para makaidlip man lang saglit.

“Dave, hayaan mo na lang yan, ganyan talaga yan masanay ka na okay?” Pagsalo naman ng baklang manager kay Dave na ngayon ay pababa na ng hagdan.

“Oh, siya mag-iin na ako.” Muli, paalam nito.

“Ako din sir mag-iin na… Sabay na tayo.” Anito sa nagtanggol sa kanya.

“Tsk. ” Nasambit ko na lang. Ngayon ay magisa na lang ako sa crew room. “Yes, makakaidlip na ako ng ilang minuto, wala na ring distorbo sa pagtulog ko” Sa isip ko.

Nang isiping iyon ay nagkamali ako. May mga crew kasing akyat panaog at dumarating na animo palengke itong crew room, ayun ang ending… Hindi parin ako makatulog pero nakayuko parin ako sa lamesa at nagbabakasakali na may respeto ang mga kasamahan ko sa trabaho. Pero nagkamali na naman ako, hayst tadhana nga naman, ayaw talaga akong patulugin… Kasi naman kita na ngang may gustong matulog na tao pero yan at maingay parin… “They have no respect to others kainis” Naiinis kong sambit subalit mahina at tama lang na marinig ang sarili ko.

Sa mga oras na Ito na di ako makatulog, naiisip ko si Dave, Tama ang bayot kong manager, yummy nga sya este...


gwapo pala, pero parang di talaga bagay sa kanya ang magtrabaho dito e, ilang taon na ba sya? Wala sa itsura nya ang magtrabaho sya sa gantong lugar. Bagay sa kanya ang mag opisina. Sa kinis ba naman ng balat nya at maputi pa saka matangkad sya aba! pwede na nga syang mag manager dito e. Bat kaya sya napadpad dito?

Shocks! Oh why? No way! Bat ko sya iniisip. No no no, erase erase erase. Pinalo Palo ko pa ang noo ko para maalis sa isipan ko ang lalaking yun.

Isa pang bagay ang di maalis sa aking nararamdaman para ang may kakaiiba, Di ko lang naintindihan parang may nabuhay sakin ng makita ko sya

Pananabik

Pangungulila

Pagasa

Para bang ang gaan ng pakiramdam ko ng makita ko sya, na para bang sinasabi ng mata nya ay “Ligtas ka na”

Tapos na ang break time ko kaya ngayon werk werk werk again. Masaya naman ako sa trabaho ko, pero ayokong hanggang dito na lang ako, kaya nagpursigi ako at nasusumikap para makamit ang pangarap ko.

“Uy, Monica” Pukaw sakin ng kapwa kahera. Hindi talaga ako naka-idlip alam niyo yun? Sakit sa Bangs huhuhu medyo antok pa talaga ako

“Ano yun?” Kunot noong sagot ko rito habang nag assemble ako ng mga orders.

“Nakita mo ba yung bagong kasamahan natin? Ang gwapuhh at Y-Yummy” Anitong kilig na kilig pa at hindi alintana kung nagkadalaglag na ba yung hawak nya. Nako pati ba naman sya?

“Yummy ka diyan… Para kang si Sir Redge na kilig na kilig diyan, lakas ng apil ata ng lalaking yan ah… Alin ba sa mga yun, iyong Dave ba ang pangalan?” Sagot ko rito sabay talikod sa kanya upang i-serve ko na yung items sa customer ko.

“Yung si Dave” Kilig parin nitong sambit. Tama nga ako at inulit pa ang pangalan.

“Gwapo ba yun?” Maikling sagot ko. Sa totoo lang hindi naman maitatangi na maganda ang mukha ni Dave, hindi ko sila masisisi kung yan ang mararamdaman nila para sa lalaking iyon. Inaamin ko na paghanga ako sa kanya kahit kanina lang kami nagkita pero ayoko lang ipahalata. Sa totoo lang kasi natatakot ako na baka ako’y masakatan lamang.

“Ay, Ayan siya oh…” Turo nito kay Dave na kilig padin. Habang ang pinag-uusapang lalake naman ay abala sa dining area.

“Tsk. Tigilan mo nga yan.” Umiiling na sambit ko habang nagte-take ng order sa kaharap ng customer.

Close na ang store kaya kanya kanya ng ligpit at ayos ang lahat para makauwi na kasama na ako don. Hindi nako nagmamadali iligpit ang mga gamit, di naman Kelangan magmadali saka nais ko din munang umupo dahil masakit ang balakang ko at mga paa kakatayo sa counter kanina.

“Uy, bilisan niyo baka wala na siya doon” Anang Jean na isa ring kahera sa store na iyon. Habang papaakyat pa lamang ako ng hagdan kanina ay dinig ko na ang mga itong nag-uusap. Hindi ko alam kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito pero wala na akong paki-alam dun.

“Teka teka sandali lang intayin niyo ako” Anang naman ng isa na nagre-retouch pa ata kahit gabi na’t pauwi.

Pagod ako nang mga sandaling iyon kaya wala akong ganang makiusyoso sa mga ito.

“Monica… Maya ka na umuwi.” Yaya sakin ni Jean pagkalabas ko ng dressing room. Ang lapad ng ngiti nya sa labi. Bakit ang saya nila?

“Huh! Bakit naman?” Gulat na sambit ko habang nakatingin sa kanya.

“Basta” Halos sabay nilang sinabi sakin.

“Okay” Maiking sagot ko rito. Ito na naman ako, Hindi makatanggi sa favor ng ibang tao kahit ako na itong nagsasakripisyo.

“Sino ba ang hinihintay natin? ” Hindi ko mapigilang itanong sa mga kasama. Nasa labas na kami ng store ngayon at animo may hinihintay ang mga ito na di naman nila sinasabi kung sino.

“Basta” Narinig kong sabi ng isa sa kanila.

“Alis na ako.” Ani ko na akma nang aalis pero wala pa akong kalahating hakbang nang hinila ako ng katabi ko. “ANO BA YUN?” Inis kong sabi sa humila sakin. Gusto ko lang naman na magpahinga na e huhuhu

“Ang KJ mo talaga… Sabay-sabay na kasi tayo.” Pagmamakaawa sa sa akin ng isa. Putspa nagpa cute pa. Oo na pagbibigyan ko na sila, minsan lang naman. Pero bakit kasi antagal.

“Sige” Pagsang-ayon na lang ulit niya rito.

“Ayan na! ayan na!” Anang isa na kilig na kilig at nakadikit pa sa pintong salamin ang mukha.

“Sino ba yun?” Nasambit ko muli habang ang mga kasama ko naman ay mukhang walang balak na sagutin ang tanong ko kung sino ang hinihintay namin. Palinga-linga kong tinatanaw kung sino ang paparating na para iyon na ata ang hinihintay.

“Ang tagal naman” Inip na sambit ng isa.

“Teka… May kausap pa siya sa phone oh.” Sabay nguso pagkasabi ng isa. “Bakit ganon? parang ang saya nya sa kausap nya?” Lumungkot naman ang mukha nito pagkasabi niyon.

“Baka kausap nya ang kanyang nobya” Napalingon silang lahat sakin, dahil kaya sa sinabi ko?
Hindi ko malaman kung bigla kong nasambit ang mga salitang iyon. Subalit nang marinig ko ang Sarili ko bat parang kumirot ang puso ko?

Maya-maya lang nasa harapan na namin si Dave.

“Hi Dave… Ang tagal mo naman sa loob” Ani Jean sa lalaking kakalabas lang sa store. Nakahawak pa ito sa braso ng lalaki na para bang nobyo niya ito.

“So? Ano naman kung ang tagal ko?” Anang lalaki na kumunot ang noo nang inikot ang paningin sa buong paligid at dahil narin siguro ay sa walang idea kung bakit halos lahat ng nasa labas ng store ay babae kasama na ako.

“Eh, kasi gusto ka naming kasabay umuwi diba ladies?” Sigaw ni Jean para maikompirma ang balak nila. Lahat sumang-ayon maliban sakin. Kumekeringking na naman sila magdadamay na naman ako nito panigurado.

Napatingin sakin si Dave at nilapitan ako . “Tara na Monica” Anito sabay hawak sa kamay ko at hinila palayo sa mga babaeng kanina pa naghihintay sa kanya.

Huh? Anyare? Teka! Tulad ng ibang mga babaeng nakapaligid kay Dave. Ang bilis nya maglakad kaya para akong nakakaladkad nya may lakad ba sya at dinamay pa ako sa pagmamadali nya? Ang bilis ng pangyayari sa mga oras na iyon. Hindi ko mawari kung ano bang dapat kong mararamdaman. Para bang nakukuryente ako sa pagkahawak nya sa mga kamay ko.

“Te-teka l-lang naman” Mabulol-bulol na sambit ko kay Dave. Hinihingal na ako sa bilis ng paglalakad namin. Alam kong katulad ko rin ay natulala ang lahat sa kabila ng mga pangyayari.

“Anyare?”

“Ano yun?”

“Bakit?”

“Halaka siya”

“Bat ganun?”

Yan ang mga salitang narinig ko sa mga naiwan namin ni Dave.

“TEKA LANG!” Impit kong sigaw kay Dave habang hinihila ko ang sariling kamay nang medyo napalayo na kami sa pinanggalingan namin.

“What?” Anito sakin na ngayon ay nakahinto na sa paglalakad.

“Could you please stop it?” Aniko sa kanya. Ano bang ginagawa nya? Ginagawa nya ba to dahil gusto nyang magkagusto ako sa kanya tulad ng ibang mga kasama ko?

“Ang alin?” Maang nito. Shocks ganyan sya makatingin sakin? Ang payapa tingnan ng kanyang mga mata subalit nakikita kong may bumabalot itong lungkot.

“Talagang hindi mo alam Whatever” Sabi ko na lang at iniwas ko ang aking tingin sa kanyang mga mata, humakbang narin ako papalayo sa kanya.

“Hey!” Aniya na ngayon ay hawak na uli ang mga kamay ko. Ang Shunga ko kasi, bakit ba kasi hindi ko inisip na pwede niya akong sundan. Oo nga naman may paa ito para habulin ako.

“WHAT” Iritang sabi ko rito. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana hindi na ako pumayag sa favor ng nga kasamahan ko.” Sa isi-isip ko.

“Ano bang gusto mo? Diba gusto mong sabay tayo?” Anito na medyo napalakas na ang boses nito.

“Hindi ako ang may gustong sumabay sayo… Sila, bakit? Narinig mo ba akong sumagot sa tanong ni Jean kanina huh? Diba hindi naman? Dahil nga pinilit lang nila akong makisabay sa kanila dahil may hinihintay daw sila… Malay ko ba na ikaw yun tsk.” Tanong at Paliwanag ko sa mokong na lalaking kaharap ko sabay turo sa mga kasamahan kong nasa kalayuan na ngayon ay hindi ko alam kung ano na ang mga pinag-uusapan ng mga ito dahil sa pangyayari.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ginawa ni Dave yun, wala akong kaide-idea sa mga nangyayari at pinaggagawa nito, malamang pati na ang mga babaeng kasama ko kanina ay mga taong wala ring idea kung ano mga nangyari dahil sa itsura pa lang ng mga ito kung titingnan sa di kalayuan ay halatang nagulat, nagtataka at maraming tanong.

Natahimik siya sa sinabi ko. Pero ako? Hindi mapakali ang isipan ko dahil sa magkahawak ngayon ang aming mga kamay. Aalisin ko sana ang kamay ko sa kamay nya, sino ba sya para hawakan ako? subalit bigla nya muli akong pinasunod sa kanya.

“Lets go ” Anito na muli ay hinila ako paalis sa lugar na iyon. Hindi ko talaga alam kung anong nasa isip ng taong ito dahil kahit na sinabi ko na ang lahat ng nangyari at pinaliwanag ko na ng lahat-lahat, ito’t pinagpatuloy parin nito ang ginagawa. Feeling close talaga.

“Bilis mo ah, iniisip mo ba na ganon akong klaseng babae na basta basta na lang sasama kung kanikanino? Lakas din naman pala ng hangin mo” Nangigigil kong sabi sa kanya. Pero sa totoo lang may saya akong nadarama, ayoko man mararamdaman pero bakit ganon? Ngayong araw pa lang kami nagkita pero parang kay tagal ko na syang nakilala.

“Alam kong Di ka ganon” Maiksing sagot nya. Hawak parin nya ako sa mata sandaling iyon.

Wala na akong nagawa sa pagkakataong iyon. Malakas si Dave ano ba naman ang laban ko sa lakas nito sakin na 5’2 lang ang height at petite, kamusta naman sa kanya. Kung makikita mo, matipuno ang pangangatawan ni Dave. Nag g-gym kaya sya?

Tahimik kaming dalawa na nakasakay sa jeep pauwi. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin rito lalo na’t pagod ako sa mga oras na yun. Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyayari sa mga naiwan kong mga kasamahan sa trabaho. “Bahala na nga bukas”. Sa isip ko. “Dito rin pala siya sumasakay pauwi”

“Para po” Sabay sabi ko sa driver. Hindi na ako nagpaalam sa kanya pagkapara ko. Alam naman na siguro niya iyon dahil magkatabi lang naman kami sa upuan. Pagka baba ko ng jeep ay mabilis akong naglakad sa direksyon kong saan ang aming pamamahay.

“Monica wait” Nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko. Takte, Di ba nya ako titigilan?

Lumingon ako. Bahagya pa ngang bumagal ang paglalakad ko. Alas dyes y medya na ng gabi kaya mangilan ngilan na lang ang mga taong napapagawi at naglalakad sa daan.

“D-dito ka rin pala banda umuuwi” Ilang na sabi ko rito at walang kabuhay-buhay.

“Nope” Maikling sagot nito sakin.

“Eh ba’t dito ka bumaba?” Di ko sinasadyang mapatingin muli sa kanyang mga mata. Parang biglang sumakit ang ulo ko nang masilayan ko din ang kabuuan ng kanyang mukha. “Ano bang meron sayo at nagkakaganito ako parang ngayon pa lang ay Gusto na kitang mahalin pero ayoko ko, ayokong mahulog sayo”

“When you first saw me… Talaga bang hindi mo ako nakikilala?” Makahilugang tanong nito pero hindi ko na pinansin yun.

“Hindi” Agad na sagot ko rito. “Panu namang agad kitang makikilala e kakakita pa lang natin, okay ka lang?” Ani ko, nakataas na naman ang kilay ko. hindi ba sya nasisindak sa katarayan ko?

“Monica, could you please stop acting that you didn’t know me?!” Pagkasabi nya non, nakita kong malungkot sya. para bang nakikita kong may kulang sa kanya.

“Ano bang pinagsasabi mo? Yes… I know you, you’re Dave but wait a minute, Iniisip mo bang kilala na kita noon pa?” Inis kong sabi rito. Hindi ko alam kung ano nga ba ang pinagsasabi nito.

“Okay enough, Alam kong pagod ka at gabi na… Let’s talk some other time” Anito na ngayon ay mahinahon na ang boses.

“Kung meron pang time” Sambit ko nang papaalis na. “Kailangan ko ng magpahinga” Pahabol ko pa.

“Ewan ko kung bakit o kung panu nangyari na nakalimutan mo ako pero… Pero… ” Hindi nito naituloy ang sasabihin.

Nakalimutan? Anong nakalimutan ko?

“Pero kailangan ko nang magpahinga sabi ko diba? At gabi na… At higit sa lahat may pasok pa ako bukas kaya tigilan mo na ako” Napayuko naman sya. Bakit ganon, bat ako yung nasasaktan sa mga sinasabi ko sa kanya? bakit nagaalala akong nasasaktan ko sya?

Tumigil naman ito. Naglakad na ako palayo at hindi na nilingon si Dave. Hindi ko na rin inintindi kung papaano siya makakauwi dahil nga gabi na at wala nang masyadong masasakyan. Bahala na siya sa buhay niya malaki na siya… Mas malaki pa nga siya sakin eh..

Nakalimutan ko daw sya? Anong nakalimutan ko? Di ko nga sya kilala e. Nag aadik ba sya?

Pagkauwi ko ng bahay, hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko. Kinuha ko ang aking diary na walang kalaman laman at nagsulat doon. Sa totoo lang unang beses ko itong gagawin at ngayon ay may bagay na nag udyok sakin na gawin ko ito ngayon.

Dear Dave,
Hindi ko mawari ang aking nadarama nung una kitang makita, bakit sinasabi ng puso kong gusto kita. Maaari bang magpakilala ka ng lubusan? upang puso ko’y huwag nang higit pang masaktan?

Naguguluhan
Monica.

*************
Feature Song:

‘Maghihinatay ako’ by Kina Bigay

~~~
Wattpad Story link:
https://my.w.tt/7gj4mwPNYQ


3 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.