0

When a Single Mom meet the HOT CEO CHAPTER 59


Report

SANDRA’s POV:
KUNG ano ang trato ko kay David bilang Sandra, gano’n pa rin ang pinapakita ko sa kanya.
Nag-iingat ako sa bawat kilos dahil alam kong nasa paligid lang si Deo para pagmasdan ako.
At sa palagay ko, nakamasid lang ito sa akin para tingnan ang ginagalaw ko.
Ayokong malaman niya na ako si Kate, dahil masisira ang plano ko.
Tiyak kapag nabisto nito ang tunay kong pagkatao, makakarating kay Katrina ang lahat.
Kung akala ni Deo, maiisahan niya ako. Pwess, hindi na ‘yon mangyayari pa!
May alas na rin ako laban kay sa binata kaya kapag nakaharap ko siya, sasabayan ko ang bawat pagpapanggap niya.
NAKITA ko namang naglalakad si David patungo sa pwesto ko. Hingal na hingal ito na tila napagod siya kakatakbo.
Usapan naming dalawa ang kumuha ng private investigator para sundan lagi ang pupuntahan ni Katrina.
Si Katrina lang kasi ang makakaturo sa amin kung sino pa ang kasamahan niya sa likod ng pagpatay sa anak ko.
“Nasa’n ang asawa mo? Bakit hindi mo siya kasama?”, tanong ko kay David kahit na alam ko, kung saan siya pumunta.
Mataray ang pananalita ko dahil nasa kompanya kami. So I act normal, na parang kapartner ko siya sa business.
Actually, we’re okay. Masasabi ko na hanggang kaibigan muna kami.
At yung tungkol sa pag-uusap namin, kami lang ang nakakaalam.
Hindi ko binanggit kay Derick ang tungkol dito dahil alam kong kokontra siya sa desisyon ko.
“Ahm, pasensya na Miss Sandra, tulog pa kasi yung a-asawa ko, kaya hindi ko muna ginising.”, pagsasagot niya na animo’y nandidiri siyang banggitin ang salitang asawa.
“It’s okay. Paki-sabi na lang sa kanya na siya ang magiging model para sa bikini show.”, wika ko habang nakangiti.
“Bikini Show?”, he asked.
“Yes. Live show ng mga naka-panty at bra. Happy?”, turan ko dahil medyo nainis ako.
Simpleng salita, hindi pa maintindihan.
Kailangan pa talaga na diretsuhin ko.
“Meron ba n’yan? I mean, akala ko, tungkol lang sa coffee ang kompanya na ‘to.”, pahayag ni David na tila naguguluhan.
“Hindi lang sa kape ang focus ng kompanya ko. Kaya nga ako naging successful, dahil ibat-ibang business ang pinapasukan ko. Gosh!”, maarte kong saad.
“But—“,
“Stop asking and just call your wife.”, tanging sabi ko at hindi ko na hinayaan pang mangatwiran ang lalaki.
Pumasok na ako sa loob ng office ko, kung saan nando’n si Derick habang nakaupo.
“So what’s your next plan?”, mabilis na sambit niya.
“Chill ka lang, Derick. Dahil nasisiguro ko, magiging exciting ang kaganapan sa live show.”, masayang sagot ko.
“Masaya? How can you say that?”,...


tanong ulit nito.
“Dahil planado na ang lahat.”, bigkas ko at umupo.
“I can’t wait na mangyari ‘to.”, natatawa kong saad na may tagumpay na agad sa ngiti.
Iniisip ko palang kasi, tumatalon na ang puso ko sa saya.
Ipapahiya ko si Katrina sa harapan ng mga tao. At magiging trending siya sa buong mundo.
Interesting, right?
“Hays. Ikaw bahala. Basta ako, nandito lang kapag kailangan mo.”, rinig kong wika ni Derick.
Kinuha niya ang coat sa may upuan at akmang lalabas ng office.
“Saan ka pala pupunta?”, I asked.
“May kakausapin lang. Total, hindi kita makausap ng matino.”, pagtuturan niya.
“Huh?”,
“Sandra, ayokong mag-overthink, pero sa tingin ko, may nagbago sa’yo.”, straight to the point na litanya nito.
“Ako? Nagbago? Come on, Derick, walang nagbago sa akin. Ako pa rin ‘to.”, aniya ko sa binata.
“Wala ba talaga?”, sakrastikong tugon niya.
“Well, sana nga wala.”, he said again.
Lumabas na siya ng office habang ako ay nakanganga dahil hindi ko siya maintindihan.
“Ano bang problema niya?”, kausap ko sa sarili.
Napailing tuloy ako at tinuloy ang pagbabasa ng magazine.
Sa bawat buklit ko ng page, nakarating ako sa mga swimsuit attire.
“Hmmm, siguro mas maganda itong color pink. Bagay na bagay sa akin.”, mahinang sabi ko.
Natigilan naman ako dahil may isang tao ang sumagot.
“Mas bagay tayo dyan, Sandra.”, wika niya na may kakaibang boses.
Bahagya kong ibinaba ang magazine at sinulyapan ko ang lalaki.
At isa lang ang sumagi sa utak ko, hindi siya si David!
Yung mata niya ang palatandaan ko, kakaibang titig ang pinapahatid niya sa akin.
Kaya ngumiti ako at bahagya siyang pinalo ng hawak ko.
“Mapagbiro ka pala, David noh? Kung wala kang magawa sa buhay, huwag mo akong istorbohin.”, turan ko rito.
“Bakit hindi? Gusto kong magkaroon tayo ng oras, Miss Sandra. Lagi na lang tayo busy sa kompanya. So naisipan kong i-treat ka. Kain tayo sa labas para makapag-usap ng maayos.”, mahabang pahayag niya.
“Can’t you see? Marami pa tayong trabaho na dapat asikasuhin. Besides, magagalit ang boyfriend ko.”, pag-aarte ko na talagang sinasabayan ko siya.
“Hindi natin ipapaalam sa kanya. It just a friendly lunch. Kumbaga, celebrating together dahil partner na kita sa business.”, pagpapaliwanag niya para lang pumayag ako.
Matagal muna ako nag-isip bago sumagot.
“Then okay. Saang place ba? Gusto ko yung tayong dalawa lang ha? And please, ayokong malaman ‘to ng asawa mo at ng boyfriend ko.”, tugon ko sa binata.
Gusto niya ng laro?
Edi makikipaglaro ako. Kung ito lang ang paraan para mahanap ko ang hustisya.
END OF CHAPTER 59
©Binibining_Timoji


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.