0

What if………. Crush ka ng crush mo??


Report

Ako si yumi mahilig ako sa songs, kahit anong genre. Pero isa lang ang pinaka paborito kong kanta….. Kung di rin lang ikaw ng december avenue. Kasi kapag naririnig ko yung kanta naalala ko yung crush kong si Ryle. Gwapo si Ryle, mahaba ang ang pilik mata, mapula pulang labi at matangos na ilong sabayan mo pa ng Light brown eyes….. Magaling din sya sa academics lagi syang top notcher sa room namin…….. Kaso parang hindi naman nya ako napapansin. Lagi nya kasing kasama si Sandra. Maganda si Sandra, maputi at maganda ang mukha kaya siguro pati si Ryle Crush sya. Kaya para mapansin nya ako , nagsusulat ako sa maliit na papel ng lyrics ng Kung di rin lang ikaw ng December avenue.
“Kung hindi rin lang ikaw ang ang dahilan, pipilitin ba ang ang puso kong hindi na masaktan?”
Sulat ko sa papel saka isinuksok sa bag ni Ryle sa may Lalagyan ng tubig. Tinignan ko si Ryle, masaya syang nakikipag kwentuhan kay Sandra. Kinabukasan nagsulat uli ako sa papel.
“Kung hindi hindi ikaw ay hindi na lang , pipilitin pang umasa para sating dalawa”
Inilagay ko uli iyon sa bag nya. Napansin kong parang hindi nagalaw yung sulat ko kahapon.
“Yumi anong ginagawa mo sa bag ko??”
Napalingon ako kay Ryle.
“Ha?? W-wala nahulog lang yung bolpen ko sa ilalim ng upuan mo.”
Sabi ko saka nagtatakbo paalis. Kinakabahan kasi ako pag kausap ko sya ehh.
“Giniginaw at hindi hakagalaw, nahihirapan ang pusong pinipilit at ikaw”
Isinulat ko ulit . Ilalagay ko na sana sa bag ni Ryle ng makita ko si Sandra at Ryle na magkayakap at tinatapik tapik pa yung likod ni Ryle. Nag antay ako sa labas hanggang sa makalabas silang dalawa sa room. Inilagay ko na yung papel sa bag ni Ryle kasama ng mga sinulatan kong papel na halatang hindi nagalaw. Bago ako umalis napatingin ako sa desk ng upuan kung saan sila nakaupo kanina at naalala ko na naman yung magkayakap sila. Biglang may tumulong luha sa mga mata ko. Ng makarinig ako ng yabag ng mga paa papunta sa room ay pinunasan ko agad ang mga luha ko. Saka tumakbo palabas. Kinabukasan nagsulat uli ako. Nagbabaka sakaling mabasa nya yung mga sulat ko.
“Kung di-”
Putek naubos na yung tinta ng ballpen ko!!. Tumakbo ako papunta ng retail store saka bumili ng panibagong ballpen.
“Kung di rin tayo sa huli, aawatin ang sarili na umibig pang muli”
Tumakbo agad ako para hindi ako maabutan ni Ryle. Pagdating ko doon wala wa sya kaya. Inilagay ko agad yon sa bag nya. Kinabukasan. Ito na lang huling sulat ko sa kanya.
“Kung-”
Hala nagpuputol putol yung ballpen ko. Itinaktak ko ito at hinipan. Ayan ayos na uli ang sulat.
“Kung di rin tayo sa huli, aawatin ba ang puso kong ibigin ka”
Pag pasok ko sa room nakita kong may ibinigay na maliit na box si sandra kay Ryle at niayakap ni Ryle si Sandra. Nagtago ako sa likod ng pinto saka umiyak ng palihim. Ang sakit pala. Kapag nakikita mong may mahal ng iba yung taong mahal mo. Lumabas na ako ng pinto ng marinig ko ang yabag ng mga paa nila paalis ng room. Ilalagay ko na sana yung papel ng sinulat ko sa bag ni Ryle ng maramdaman kong nasa room pa pala...


si Ryle.
” Ikaw pala ang naglalagay ng basura sa bag ko”
Napangiti ako ng mapait sa sinabi nya. Oo nga pala basura lang yon sa kanya. Oras na para magtapat ako sa kanya. Huminga ako ng malalim saka nagsalita.
” Hindi to basura……. Sabagay basura lang lang ang feelings ko sayo. Sorry ha?? Hindi ko kasi kayang mag confess sayo kaya dinadaan ko na lang sa sulat…. Oo crush kita….. Ay hindi pala kase mahal na kita……… Kaso parang wala lang sayo yun. Okay lang ako na lang magtatapon ng basurang to”
Sabi ko saka kinuha yung mga papel na pinagsulatan ko sa bag ni Ryle.
“Sandale!!”
Sigaw ni Ryke ng akmang itatapon ko na yung mga papel.
“Basahin mo yan sa harapan ko”
Sabi nya saka seryosong tumingin sakin. Lumunok muna ako saka binasa yung unang kataga.
“Kung hindi rin lang lkaw lang dahilan, pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan”
Tumingin ako sa kanya.
“Yumi pwede bang pilitin mo na ako ng lang”
Nagulat ako sa sinabi nya.
” Basahin mo yung sunod”
Sabi nya ulit. Tumingin uli ako sa mga papel na hawak ko.
“Kung hindi ikaw ay hindi na lang, pipilitin pang umasa para sating dalawa”
Tumingin muli ako sa kanya.
“Yumi umasa ka na pipilitin ko na maging tayo”
Unti ununting tumulo yung luha sa mata ko.
“Yung sunod”
Sabi nya
“Giniginaw at hindi makagalaw, nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw”
Basa ko saka tumingin sa kanya.
“Yumi hindi ka na giginawin nandito ako yakapin mo ako. Wag mong pahirapan ang puso mo please yumi. Ako na lang pipilit para satin.”
Sabi nya .
” Yung sunod”
Sabi nya saka tinignan ako.
“Kung di rin tayos sa huli, aawatin ang sarili na umibig pang muli.”
Sabi ko saka tumingin sa kanya.
“Yumi magiging tayo…… Pipilitin ko….. Awatin mo ang sarili mong umibig sa iba kase gusto ko akin ka lang”
Sabi nya at may tumulong luha sa isa nyang mata.
“Kung di rin tayo sa huli, aawatin ba ang puso kong ibigin ka”
Sabi ko saka tumingin sa kanya. Lumapit sya sakin ng konti.
“Please wag mong awatin ang ango mong ibigin ako…….please”
Sabi nya saka niayakap ako.
“Sorry na duwag akong magsabi sabi sayo…….. Sorry natorpe ako sayo”
Sabi nya saka yakap yakap ako. Niayakap ko din sya. Naalala ko si Sandra….. Teka pano si Sandra.
“Teka ehh si Sandra crush mo sya diba??”
Tanong ko. Natawa sya ng mahina sa sinabi ko.
” May boyfriend na si Sandra saka parang ate na ang turing ko sa kanya.”
Sabi nya.
” Nakita jo kasi kayo magkayakap nung isang araw.”
Sabi ko saka yumuko ng konti.
“Noong araw na yon nakita ko kasi kayong magkasama ni Darryl sinabi ko sa kanya na nagseselos ako kaya niayakap nya ako ”
Pagpapaliwanag nya.
“Ehh-”
Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng magsalita sya.
” Ahh yung box?? Eto yon ”
Sabi nya saka binigay saking yung maliit na box na may lamang Memory card.
” Nagpabili kasi ako sa kanya ng Memory card para sayo. Mag coconfess na kasi sana ako. Kaso naunahan mo ako ”
Sabi nya. Niyakap sya ng mahigpit. Shete!!!! Dream come true!!!!! Ito na ata ang pinaka masayang araw ko.
“I love you”
Bulong nya sa tenga ko.
“I love you too”
Sabi ko habang yakap yakap sya.
*THE END*


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.