0

What a Girl wants – CHAPTER TWO


Report

What a Girl wants πŸ’•πŸ₯°
🍬 CHAPTER TWO 🍬
LULUGO-LUGONG bumaba si Claribelle sa sala suot ang simpleng jeans at Tshirt na may naka-print na umiiyak na puso. Iyon mismo ang mood niya para sa araw na iyon. Matingkad ang sikat ng araw sa labas pero pakiramdam niya ay napaka-gloomy ng panahon. Dala pa rin niya ang bigat ng loob matapos ang pag-uusap nila ni Tita Gina.
Ayaw niyang maniwala. Ayaw niyang malason ang kanyang isipan. Pero hindi niya maiwasang magduda sa relasyon nila ni Reymart. Hindi naman maiiwasan iyon. At kung dati ay ang boyfriend pa ang nauunang bumati kapag anniversary nila, paggising niya sa umaga ay wala pa rin kahit isang text man lang mula rito.
“Oh, akala ko ba dress ang isusuot mo para sa araw na ito?” tanong ng Nanay Myrna niya na gumagawa ng resibo para sa mga delivery ng pastillas. Sa kabila ng pagiging busy ay inaasikaso pa rin siya ng ina.
Umunlad na rin ang simpleng negosyo ng nanay niya dahil nagbabagsak na ito sa mga school canteen at mga tindahan. Marami na ring flavor ang pastillas nila at may yema na rin sila. Dahil na rin sa demand ay kumuha ng dalawang makakatulong ang nanay niya. Hindi na niya gaanong matulungan ang ina sa paggawa ng pastillas kaya ang Facebook page na lang ng business nila ang inaasikaso niya.
Dahil sa pag-unlad ng negosyo ay nakakuha sila ng apartment sa maayos-ayos na lugar. Hindi na sila sa squatter’s area nakatira pero natutulungan nila ang mga dating kapitbahay para magkatrabaho at magnegosyo. Umaasa siya na darating ang panahon na magiging sikat din ang pastillas business nila at magkakaroon sila ng sariling bahay.
“Ibinaon ko na lang po,” sagot ni Claribelle at pilit na ngumiti. “Wala po kasi ako sa mood na mag-dress ngayong umaga.”
“Oo nga naman. Baka mamaya, malukot pa ang dress mo bago ka pa sunduin ni Reymart para sa date ninyo. Saan kayo magde-date?” excited na tanong nito.
“Hindi ko pa po alam, Nay.”
“Ahhhh! Sosorpresahin ka siguro niya. Nakahanda na nga ang special pastillas langka na ginawa ko para sa kanya. Ilalagay ko na sa bag mo, anak. Iyon kamo ang anniversary gift ko sa inyo.
Isang kiming ngiti ang isinagot ni Claribelle sa ina at niyakap ito. “Salamat po, Nay.”
Noong una ay tutol si Aling Myrna sa relasyon nila dahil bata pa sila. Nang mag-eighteen na si Claribelle at makita ng nanay niya kung paano siya irespeto ni Reymart ay pumayag na rin ito na magkarelasyon sila ng lalaki. Basta raw siguruhin niyang makakatapos siya ng pag-aaral.
Pumalatak si Aling Myrna habang pinagmamasdan si Claribelle na mag-almusal. “Namamaga yang mga mata mo.”
“Napuyat po ako sa paggawa ng script namin at idiot board.”
“Huwag mo namang masyadong pinapagod ang sarili mo, anak.”
“Di naman po maiiwasan, Nay. Graduating na po kasi,” sabi niya at pilit na pinasaya ang boses. Ayaw niyang mapansin ng ina na malungkot siya dahil kay Reymart.
Ang nanay ni Claribelle ang tinakbuhan niya nang unang beses na may na-link na artista kay Reymart at iniyakan niya. Ang nanay niya ang nagpayo na kailangan niyang intindihin ang trabaho ng boyfriend. Ito ang unang yumakap sa kanya nang may nanira kay Reymart at muntik na siyang mapaaway sa pagtatanggol sa lalaki. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi mabuksan ni Claribelle sa ina ang mga alalahanin. Ayaw niyang dagdagan ang problema nito sa negosyo. Hangga’t hindi sila nagkakausap ni Reymart, hindi siya magre-react ng kung anu-ano. Umaasa siya na magse-celebrate pa rin sila ng anniversary. May tiwala siya kay Reymart.
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
DALA pa rin ni Claribelle ang mabigat na pakiramdam nang pumasok sa university. Distracted siya dahil maya’t mayang pinakikiramdaman kung tatawag o magte-text man lang si Reymart. Dumating na ang lunchtime at lahat ay hindi pa rin siya kinokontak ng boyfriend.
“Saan daw ang date ninyo ni Reymart mamaya?” tanong ni Edmark habang nagse-set up sila sa kitchen ng condo na pag-aari nito. Doon sila magshu-shoot. May magandang kitchen island doon na gawa sa marmol at maganda ang overhead lamp pati na rin ang background ng kusina kaya perfect sa cooking show.
“Hindi ko pa alam kung ano ang plano niya. Alam mo naman yon, basta na lang nanonorpresa,” sagot ni Claribelle at inabala ang sarili sa pagtse-check ng ingredients. Nagulat siya nang mag-ring ang kanyang cellphone. Nanlaki ang mga mata nang makilala ang ringtone. “Si Reymart!” Nagmamadaling dinampot niya ang cellphone at tumakbo sa balkonahe ng condo.
Pakiramdam ni Claribelle ay tinangay ng hangin ang lahat ng sama ng loob at agam-agam niya mula pa nang makausap ang ina ng binata. (This is it! πŸ™‚ Tuloy na tuloy na ang anniversary namin.) “Hello, babe!” masayang bati ni Claribelle. Nasa dulo na ng dila niya ang pagbati rito ng “Happy Anniversary” nang maunahan siyang magsalita.
“Tumawag ka raw kaninang madaling-araw sabi ni Mommy,” sabi nito sa pormal na boses. “Sabi ko naman sa iyo, ako ang unang tatawag sa iyo, diba?”
Natigilan si Claribelle. Hindi iyon ang inaasahang ibubungad ng boyfriend. Akala niya ay babatiin siya ni Reymart ng “Happy Anniversary” at hindi sesermunan.
“Kasi…..Kasi ilang araw na tayong hindi nagkakausap. Nami-miss ko lang marinig ang boses mo.”
“And Mom gave me an earful. Si Mama ang may hawak ng phone ko kapag gabi na para hindi ako maabala sa pamamahinga at hindi ma-distract.”
Napamaang si Claribelle. Hindi na niya nagugustuhan ang takbo ng pag-uusap nila ni Reymart. “Kasalanan ko pa ngayon na gusto kitang makausap samantalang mahigit isang linggo ka nang hindi tumatawag sakin? Kung hindi pa ako nagtext sayo, hindi ka naman sasagot.”
“You know how busy I am.”
“Hindi mo naman sinabi sa akin na hawak pala ni Tita Gina ang cellphone mo. At lalong hindi mo sinabi sa akin na sinabi mo sa kanya na break na tayo,” sabi niya sa nanginginig na boses. Ayaw niyang magalit sa boyfriend. Ayaw niyang manumbat. Pero hindi papayag na parang siya pa ang may mali sa nangyayari sa relasyon nila.
“I-I am sorry. Claribelle, kailangan ko lang sabihin iyon kay Mommy dahil gusto niyang mag-focus ako sa career ko. Alam mo naman na tingin niya, nadi-distract ako sa trabaho dahil sa relasyon natin. I know you understand me.”
“Reymart, baka naman ako na lang ang hindi nakakaalam na break na pala tayong dalawa,” sabi niya at mahigpit na humawak sa railing.
“Of course not. Claribelle, nasabi ko na sa iyo na busy ako sa trabaho. And I am trying to do everything to preserve our relationship.”
Natawa siya habang namamasa na ang mga mata. “Preserve? Hindi ko nga alam kung anong relasyon ang ipe-preserve natin. Di na tayo nagkikita. Di na tayo nagkakausap. Puro one-liner nga lang ang reply mo sa text ko. Nakikita ko naman ang posts mo sa mga fans mo. Nakakapag-reply ka naman sa kanila.”
“That’s my PR team. Sila ang may hawak sa account.”
“Sana, may PR team ka rin na sasagot sakin. Sana pala naging fan na lang ako para kahit paano, maisip kong nabibigyan mo ako ng atensiyon.”
“Ano bang nangyayari sayo, Claribelle? Hindi ka naman dating ganyan. Iniintindi mo naman ako lagi at ang demands ng trabaho...


ko. Alam mo naman na ngayon ko pa lang sinisimulang abutin ang mga pangarap ko. May pangarap ka rin….”
“Ano pa nga bang ginagawa ko, Reymart? Simula’t sapol ng relasyon na to, inintindi kita.”
“At naiintindihan mo na ginagawa ko ang lahat para protektahan ka. Pwede kitang isuko kung gusto ko pero hindi ko ginagawa dahil ikaw ang mahal ko.”
Huminga nang malalim si Claribelle. Alam niya kung ano ang punto ni Reymart dahil maraming mga showbiz personality ang nakakaranas ng pamba-bash ng mga fans lalo na at involved sa love team. Possessive ang mga fans. Kung ano ang nakikita sa telebisyon o pelikula, gusto rin na mangyari sa totoong buhay. Akala ni Claribelle ay tanggap niya iyon dahil isa siyang broadcasting student. Kasama iyon sa pinag-aralan niya. Pero masakit pa rin pala kapag siya na ang nakaharap sa realidad. May mga bagay na kahit alam na niya ay hindi ganoon kadaling tanggapin.
“Sabi mo, mahal mo ako. Alam mo ba kung bakit ako tumawag kagabi? Dahil may importante akong gustong sabihin sayo,” sabi ni Claribelle at pinagmasdan ang unti-unting pag-ipon ng madilim na ulap sa langit.
“Bakit? Wait! May nangyari bang masama sayo? I hope you are not involved in an accident. Is Tita okay?” tanong ni Reymart.
Lalong dumidilim ang ulap na nakikita ni Claribelle at gumuhit ang matalim na kidlat. Pumikit siya habang nararamdaman na parang tinamaan ng kidlat at milyon-milyong boltahe ng kuryente ang kanyang puso.
“Di mo ba alam kung anong date ngayon?”
“I-I don’t know. I lost track of time and——”
“It is our third anniversary! Three years ago, sinagot kita. Officially, naging boyfriend kita.”
“Oh, shit!” bulalas ni Reymart. “I am sorry. Nakalimutan ko.”
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
“NAKALIMUTAN mo?” singhal ni Claribelle sa boyfriend; pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib. “Ganyan ka ba sa taong mahal mo? Nakakalimutan mo ang anniversary? Reymart, parang sinampal mo ako sa sinabi mo. So much for professing your love, right?”
Nang mga sandaling iyon ay parang natanggal ang piring sa mga mata ni Claribelle. Sa mahabang panahon ay inintindi niya si Reymart. Wala siyang hinihingi na kahit ano. Simpleng “Happy Anniversary” lang ang gusto niyang marinig mula sa binata, na maalala nito ang espesyal na araw nilang dalawa.
But she was just a stupid girlfriend. Too understanding, too blinded by her love that she didn’t see this coming. Mula nang makilala si Reymart, pakiramdam ni Claribelle ay isa siyang gusgusing prinsesa sa isang fairy tale na pinili ng guwapong prinsipe. Sabi niya sa sarili, kakayanin niya ang lahat. Pero hindi pala ganoon kasimple ang lahat lalo na kung ang boyfriend niya ay si Reymart Ferrer at kalaban niya ang mundo. Ngayon ay parang hindi na rin siya kasama sa buhay ng binata.
“Babe, you must understand. Hindi ko na hawak ang oras ko ngayon. Someone else is fixing my schedule. Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa buong araw ko. I don’t have a social life. Hindi ko intensiyong makalimutan ang anniversary natin. I am sorry, babe.”
Humikbi si Claribelle. Gustong isipin na nagsasabi nang totoo ang nobyo. Nakikita naman niya kung gaano ka-hectic ang schedule nito. Pero masakit pa rin. Hindi na nga siya nito maipakilala sa publiko bilang girlfriend, pati ba naman importanteng araw nilang dalawa ay wala na sa kalendaryo nito?
Huminga siya nang malalim. (Give him a chance. Maliit na bagay lang ito kung palalakihin mo. 😩) “Anong plano mo sa anniversary natin ngayon? Magshu-shoot lang kami sa condo ni Edmark ng project at available na ako.” Pumikit siya habang hinihintay ang isasagot ng binata. (Gusto kitang makasama. Available ako kahit abutin ng gabiπŸŒ› o madaling-araw. 🌞 Maghihintay pa rin ako. Kahit walang magarbong dinner date. Kahit na makita lang kahit… Kahit sandali lang. Maibigay ko lang yong pastillas na luto ni Nanay. Maipakita ko lang sa iyo ang video na pinaghahandaan namin para makita mo kung gaano kita kamahal. ☹️)
“I-it is impossible right now. May taping kami sa Batangas. Mamayang gabi kami aalis pagkatapos ng isang appointment ko at sa isang araw na ang balik namin sa Manila. I am sorry, Claribelle.”
Parang binalutan ng yelo ang puso ni Claribelle. “Ibig sabihin hindi tayo magkikita?” Hindi rin siya makakabati ng “Happy Anniversary” dahil hindi na siguro iyon kailangan. Hindi naman masaya ang pakiramdam niya nang mga oras na iyon.
“Babawi ako sayo. Marami pa namang ibang pagkakataon diba? Promise. Hindi na ito mauulit,” pangako ni Reymart.
Napapitlag si Claribelle nang marinig ang malakas na katok sa pinto mula sa background.
“Reymart! Reymart! What’s taking you so long? Huwag mong sabihin na paghihintayin mo pa si Darling sa date ninyo?”
“Just give me a minute, Mom!” sagot ng binata.
Parang nanlaki ang ulo ni Claribelle sa narinig. “May date kayo ni Darling?”
“Babe, this is just work.”
“May date ka kasama ang ibang babae pero nakalimutan mo ang anniversary natin. How could you?”
Bumuntong-hininga si Reymart. “We will discuss this next time. Magkikita tayo at mas maganda kung maaayos natin ito nang harapan. I promise that I will fix this. Babawi ako sa iyo.”
“Hindi ko alam kung paano ka pa makakabawi sa akin, Reymart,” sabi niya at huminga nang malalim. “At kailan mo uli ako maaalala? Kapag fourth anniversary natin at tinawagan uli kita? No. I don’t think tatagal pa ako nang ganoon katagal.”
“Claribelle, please…..”
Muling may lumagabog na tunog. “Reymart! Reymart, time is precious.”
“I have to go, babe,” pabulong na sabi ng binata.
“Ditch the date and see me,” mariing utos ni Claribelle.
“What? Are you crazy?”
“Ditch the date and see me. Wala akong ibang hiningi sa iyo, Reymart. Ito lang. Sa anniversary lang natin, ito ang hihingin ko sa iyo.”
“You know that I can’t. Don’t be unreasonable.”
Maroon siyang pumikit. “Kahit isang minuto lang. Kahit sandali lang.”
Gusto lang ni Claribelle ng assurance na mahal pa rin siya ni Reymart. Na mahalaga para sa boyfriend ang araw na iyon. Kahit anong hadlang ay magagawan ng paraan. Kapag sinabi nito na magkita sila sa restaurant kung saan ang date nito, kahit sa labas lang, gagawa ito ng paraan kung gusto talaga siya nitong makita at makasama.
“I am sorry, Claribelle. Bye.”
Napahagulhol na lang si Claribelle nang tapusin ng nobyo ang tawag. Unti-unti siyang dumausdos sa sinasandalang dingding. Bumuhos na ang malakas na ulan mula sa maitim na ulap na kanina ay nagbabanta pa lang. Wala na si Reymart sa kanya. Hindi na siya mahalaga rito. Walang halaga ang lahat ng sakripisyo niya at pang-unawa. Sa huli, siya pa rin ang kailangang umintindi. Sa huli ay kailangang siya pa rin ang magbigay. Simpleng hiling lang niya ay hindi na nito maibigay. At natapos din ang lahat sa kanila sa araw na umasa siyang may forever din sila. Alam niyang malabo nang mabawi pa niya ang binata.
“Reymart!” Isinigaw niya ang pangalan ng nobyo kasama ang sakit na nasa kaibuturan ng kanyang puso.
——
Hindi na ako kagabi nakapag update πŸ˜… nakatulog ako . Sorry po ! 😁 Ngayon nanay mode muna ako . Katatapos ku palang ngayon sa chapter na to. πŸ₯°πŸ₯° Abang lang po palagi. Thank You!
Start
https://m.facebook.com/groups/613464508850892/permalink/1604589883071678/
PROLOGUE
https://m.facebook.com/groups/613464508850892/permalink/1604725453058121/


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.