0

What a Girl wants CHAPTER SIXTEEN


Report

What a Girl wants πŸ’•πŸ₯°
🍬 CHAPTER SIXTEEN 🍬
“CLARIBELLE, huwag kang bibitaw,” sabi ni Reymart at hinila siya paakyat.
Hindi agad makagalaw si Claribelle dahil nakatitig lang siya sa lalaki. Nandoon si Reymart. Kasama niya sa iisang stage. Naghiyawan ang mga tao. Nakakasilaw rin ang ilaw sa stage pero wala siyang maintindihan. Parang ang lalaki lang ang importante at ang music ng banda na isa sa paborito nilang i-duet ni Reymart lalo na kapag malayo sa isa’t isa at sa cellphone lang nag-uusap. Masyadong maraming alaala ang kantang iyon.
🎢🎢🎢🎢🎢🎢🎢🎢
I should have just ran away
I should have looked the other way
Like you don’t matter to me
Like I don’t know you at all
But here you are, standing right in
front of me.
🎢🎢🎢🎢🎢🎢🎢🎢
“Basang-basa ka na,” sabi ni Reymart at pinisil ang mga kamay niyang nanlalamig. Hinipan pa nito saglit bago naghubad ng jacket. “Ikaw na ang gumamit. Lamigin ka pa mandin. Baka mapulmonya ka.”
“Hindi naman kailangan na…”
“Isuot mo na,” utos ng binata at ito pa mismo ang nagsuot sa kanya.
“Anong isusuot mo? Lalamigin ka rin.”
Lumabas na naman ang dimples nito nang ngumisi. “Ako si Superman.”
“Super Dimples,” sabi niya at bahagyang ngumiti kahit nilalamig.
Nasa gilid sila ng stage pero kitang-kita pa rin ng lahat ang ginagawa ni Reymart sa kanya. (He is being a gentleman. Hindi ko naman siya mapipigilang alagaan ako. Gusto ko rin naman. Malamang ay pogi points iyon kay Reymart.)
Iyon nga lang, hindi naman siya ang ka-date nito. Kahit na masarap mangarap nang mga sandaling iyon, kailangan din niyang pumapak ng realidad.
“N-nasaan ang ka-date mo?” tanong ni Claribelle sa lalaki para may mapag-usapan sila habang inaayos nito ang manggas ng jacket sa kamay niya. Wala naman kasi siyang laban dito kaya walang choice kundi sumunod. Kinuha na ng lamig ang lakas niya. Oh, sadyang wala lang siyang lakas na tumutol pagdating kay Reymart.
“Naiwan siya sa crowd,” sabi nito. “Binitbit lang din ako dito. Mas safe kung doon na lang siya sa audience.”
“Basta na lang akong binuhat dito,” sabi ni Claribelle at lumingon sa direksyon ng mga manliligaw na masayang-masayang makita siya sa stage. Pakaway-kaway pa ang mga ito, walang idea na matinding dilemma ang pinagdadaanan niya.
Hinawakan ni Reymart ang kanyang balikat. “Hindi ka ba nasaktan? Wala bang nang-maniac sa iyo?” nag-aalalang tanong nito.
Naghahati ang saya at lungkot sa pusi ni Claribelle. Kasama niya si Reymart sa stage. Parang iyon ang unang pagkakataong nakita sila na magkasama sa harap ng mga tao. Hindi nga siya makapaniwala na nangyayari iyon. Nasa harap sila ng isa’t isa. Hindi siya nag-iilusyon lang at inaalagaan siya ni Reymart na parang siya lang ang babae sa buhay nito. Pero pinipigilan niya ang puso na umasa. Parte lang iyon ng concert. Reymart was just….. Being Reymart.
“Wow! We have Reymart Ferrer and Miss Pastillas. Agree ba kayo na sila ang pinakamaganda at pinakaguwapo sa crowd natin?” tanong ng nakamaskarang bokalista at sinenyasan silang pumunta sa gitna ng stage.
Naghiyawan ang crowd nang alalayan ni Reymart si Claribelle na maglakad sa gitna ng stage. Posibleng maging kontrobersiyal iyon lalo na’t nasa magkalabang show sila. At posible ring matuwa ang nanay niya kapag nalaman ang nangyayari.
(Inosente naman ako. Malay ko bang kaming dalawa ang ika-crowd surf at magkakasama sa isang stage. Sisihin niya ang That Thing Called Tadhana.)
Kahit naman siya ay sinisisi ang tadhana. Malakas kasing magpaasa.
“Gusto niyo bang marinig silang kumanta?” tanong uli ni Daredevil Phantom.
Positibo naman ang sagot ng audience at wala silang nagawa nang iumang ang mikropono sa pagitan nila ni Reymart. Hinawakan ni Claribelle ang microphone at hinawakan naman ni Reymart ang kamay niya. Bumuka ang kanyang bibig pero hindi magawang kumanta. Nakatitig na lang kasi siya sa binata. Ngumiti ito at sinimulang kantahin ang chorus.
“Without a word, you made me feel what is love….. πŸŽΆπŸŽ™οΈ Without a word, you turned my world upside down..” πŸŽΆπŸŽΆπŸŽ™οΈ
Tumango sa kanya si Reymart na ang ibig sabihin ay siya na ang kakanta.
“You said I am the one, you’ll never make me cry. πŸŽ™οΈπŸŽΆπŸŽΆπŸŽΆ Baby, but words are not enough.” 🎢🎢🎢
At hindi napigilan ni Claribelle na mapaluha. It was a sad song. At iyon ang kuwento ng pagmamahalan nila ni Reymart. Nagmamahalan nga sila pero hindi naman nila kayang pangatawanan. Nangako sila sa isa’t isa pero hindi nila kayang tuparin.
“Thank you, Reymart and Miss Pastillas,” sabi ng vocalist.
Pilit na bumitaw si Claribelle sa mikropono. “Thank you,” simpleng sabi niya at nagmamadaling umalis.
“Claribelle!” tawag ni Reymart na akmang susundan siya. Pero siguro alalayan man lang siyang bumaba ng entablado.
Umiling si Claribelle at nakita si Darling sa kabilang bahagi ng stage, naghihintay sa pagbaba ng lalaki. Umiling siya at tuloy-tuloy na bumaba ng stage kung saan naghihintay sa kanya ang PA na si Abegail.
Hindi na siya pwedeng sundan ni Reymart. Mas mabuti kung maghihiwalay na lang sila ngayon pa lang habang kaya pa niyang bitawan ang kamay nito. Habang kaya pa niyang lumayo. Dahil kapag sinundan pa siya ni Reymart at hinawakan pa uli ang kamay niya kahit para alalayan man lang, baka sumabog na lang ang kanyang puso at sabihin sa harap ng maraming tao na mahal pa rin niya ito. Mabubunyag din sa lahat ang sekretong itinatago nila. Masisira ang lahat ng pinaghirapan nito.
🎢🎢🎢🎢🎢🎢🎢🎢🎢
What good is a love that makes you run in the rain.
What good is a love that brings you nothing but pain.
Cause for a heart that loves, there is a sad goodbye.
Without a word, you broke my heart.
Without a word, you’re gone.
🎢🎢🎢🎢🎢🎢🎢🎢🎢
Tumalikod na lang si Claribelle bago pa makitang bumalik si Reymart kay Darling πŸ₯ΊπŸ˜©πŸ’” ang babaeng sa paningin ng lahat ay perpekto para kay Reymart. She stepped down the stage with a heavy heart.
“Masama ang pakiramdam ko,” sabi niya paglapit kay Abegail. “Umuwi na tayo.”
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
NANGINGINIG pa rin sa lamig si Claribelle habang nakahiga sa hospital bed at pinapanood ang episode ng “You’re The One” sa telebisyon sa hospital suite niya. Napapaligiran ang kuwarto niya ng mga bulaklak mula sa network, fans at kanina lang ay nagdala rin ang mga manliligaw niya bago bumalik sa mansiyon. Gusto sana siyang bantayan ng mga ito pero kailangang magpatuloy ang inihandang activities at challenges sa programa.
Bago pa umalis ng concert venue, nanginginig na si Claribelle sa lamig dahil sa basang damit. Pagdating sa mansiyon ay nagbabad siya sa mainit na tubig sa bathtub. πŸ› Akala niya ay sapat na iyon pero kinaumagahan ay inaapoy na siya ng lagnat. Napilitan tuloy ang mga staff ng show na isugod siya sa ospital. Sabi ng doktor ay kailangan niya ng pahinga. Iba nga naman ang dalang stress kung lagi siyang tinututukan ng camera sa araw-araw pwera pa ang training off-cam at mga brainstorming.
“Girl, pinagpipiyestahan ng buong bansa...


ang eksena ninyo sa concert ng Phantom Band,” sabi ni Edmark at ipinakita pa ang picture kung saan sinusuutan siya ni Reymart ng jacket.
“Mas nakakakilig naman yong nag-duet kayo ng “Without A Word” Hugot na hugot kayong dalawa, girl. Feel na feel niyo yung kanta,” segunda ni Marie.
“Paborito kaya nilang kantahin yon.” Umupo si Edmark sa tabi ng kama. “Sana pala, nakasama rin kami sa concert para may pala ang “REYBELLE” love team. Ito ang tunay na pag-ibig. May mga kinikilig nga rin sa inyo.”
“At madami ring bashers,” dagdag ni Marie. “Alam mo naman kung gaano ka-rabid fans nila ni Darling. Kung nasa concert tayo at nag-cheer sa kanila, malamang kalbo na tayo ngayon.”
“Ang weird, noh? Kung kailan break na kami saka pa kami makikita in public. Saka pa kami makakapanood ng concert nang magkasabay at makapag-duet sa stage. Saka pa namin nagawa ang mga relationship goals namin,” pabirong sabi ni Claribelle at huminga nang malalim.
Wala silang ibang kasamang staff. Inihatid naman ng nanay niya si Miss Kara at ang mga manliligaw niya hanggang sa lobby ng ospital. Silang magkakaibigan lang ang naiwan. Kahit masaklap ay hindi pa rin naiwasang kiligin ni Claribelle nang maalala kung paano siya kinantahan at inalagaan ni Reymart sa harap ng publiko. Hanggang ngayon, parang yakap pa rin siya ng lalaki dahil nararamdaman pa rin niya ang init ng jacket nito. May pagkukulang man si Reymart, sinisiguro nito na maaalagaan siya kapag magkasama sila.
Umuugong pa rin sa tainga ni Claribelle ang sermon ni Kara sa mga manliligaw niya pag-uwi, lalo na’t kumalat na sa social media ang naging eksena sa concert. Nabasa raw kasi siya sa ulan at wala man lang sa mga manliligaw niya ang nagbigay ng jacket sa kanya. Kailangan pa raw na ibang artista at mula pa sa ibang istasyon ang mag-alaga sa kanya. Her suitors were put in a bad light. Ipinagtanggol naman niya ang mga ito pero napasama pa ng magkasakit siya. Si Reymart pa ang umangat.
“K-kumusta pala ang mga boys? Di ba sila nagalit sa akin?” tanong ni Claribelle sa mga kaibigan. Hindi na niya natanong ang mga manliligaw kung nagtatampo ba ang mga ito. May mga camera kasi na nakatutok sa kanila at ayaw niyang pasamain pa ang loob ng mga ito sa pagbanggit kay Reymart.
“Guilty ang mga yon dahil hindi ka naalagaan,” sabi ni Marie.
“Ang sabihin mo, gusto rin nilang mag-fanboy kay Reymart. Pinagtatalunan na nga nila kung kanino mo raw ibibigay ang jacket na bigay ni Reymart.” Namaywang pa si Edmark. “Ewan ko ba sa mga unggoy na yon. Wala silang kamalay-malay na si Reymart ang pinakamatindi nilang karibal.”
“May statement na ba si Reymart sa nangyari kagabi?” tanong ni Claribelle.
“Siyempre, damage control agad si Tita Gina. Bawal ka nang banggitin sa interviews ni Reymart at baka kung ano na naman ang masabi nito. Manganganib ang love team nila ni Darling. Mas sweet naman kasi ang shots ninyo ni Reymart kagabi kaysa sa date nila ni Darling na pulos wacky shots. Barkada shots versus mag-jowa shots,” kinikilig na sabi ni Edmark. “Ex-jowa pala pero mahal pa rin ang isa’t isa.”
“Tama na iyang usapan tungkol kay Reymart at sa pag-i-pag-ibig na iyan. Magkakasakit pa lalo ang anak ko. Magsiuwi na kayo at nasa baba na ang sundo ninyo,” sabi ni Aling Myrna pagpasok sa hospital suite.
“Tita, ang haba naman kasi ng hair ng anak ninyo. Kung bakit nasa kanya na lahat ng boys. Hindi na kami tinirhan,” nanghahaba ang ngusong sabi ni Edmark at bumalik sa pisngi ng nanay ni Claribelle. “Tita, wala ba kayong balak na mag-boyfriend?” πŸ˜…
“Tigil-tigilan mo nga ako, Edmark. Mag-ingat kayo.”
Inayos ni Aling Myrna ang kumot ni Claribelle nang umalis ang dalawa.
“Nay, pasensiya na po. Nag-enjoy kasi akong masyado sa concert at nakalimutan ko pong magdala ng jacket.”
Tumango ito. “Oo. Naiintindihan ko. Nag-enjoy ka naman kasi nakita mo si Reymart?”
Yumuko si Claribelle. “May iba naman po siyang ka-date.”
“Pero gusto ka pa rin niyang alagaan.” Ibinaba ng kanyang ina sa tabi niya ang jacket ni Reymart. “Oh! Nilabhan ko na. Baka sakaling yan ang magpagaling sa iyo.”
Dinampot agad ni Claribelle ang jacket at inilahad, saka ikinumot sa katawan. “Ahhhhh! Ang sarap talagang gamitin ng jacket niya.” Pakiramdam niya ay gagaling na siya dahil parang yakap siya ng binata. Sana, totoong nasa tabi na lang niya si Reymart.
“Anak, gusto ko lang maging patas ka. May mga manliligaw ka na iniisip na seryoso ang palabas ninyo. At sa katapusan ng palabas, kailangan mong mamili ng isa sa kanila. Di naman yata patas na hindi malinaw sa kanila kung ano talaga ang estado nila sa buhay mo.”
“A-ang ibig ninyong sabihin, kailangan kong sabihin sa kanila ang tungkol kay Reymart?”
“Hindi, anak. Pero dapat malinaw sa kanila na hanggang ngayon, mahal mo pa rin ang dati mong nobyo. Para wala silang masyadong expectations sa iyo. Wala silang masyadong asahan o hingin sa iyo. Dapat, malinaw sa kanila kung hanggang saan lang ang kaya mong ibigay.”
“Naiintindihan ko po.”
“Kahit man lang sa ganitong pagkakataon, maging totoo ka sa kanila at sa sarili mo. Tama ba ako?”
Tumango si Claribelle at niyakap ang ina. “Salamat po, Nay.”
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
PASIMPLENG sinilip ni Claribelle ang Facebook Messenger. May mensahe si Totoy Biloy na nangungumusta sa kanya.
πŸ§‘ TOTOY BILOY : Hindi ka dapat nagpakabasa sa ulan. Nagkasakit ka tuloy. Hanggang kailan ka sa ospital?
πŸ‘© CLARIBELLE : Sana i-discharge na nila ako sa isang araw. Hindi tuloy ako makakasama sa football clinic bukas. Hindi rin ako nakasama sa pagdalaw sa orphanage kanina.
Kanya-kanyang pagpapasikat na naman ang mga boys bukas. Higit sa lahat, pwede nang lumanghap ng sariwang hangin si Claribelle. Kahit gaano pa kaganda ang hospital suite niya, ospital pa rin iyon. Ayaw niya ng pakiramdam na may sakit. Gusto niyang bumalik sa normal na buhay para hindi pulos si Reymart ang kanyang naiisip.
πŸ§‘ TOTOY BILOY : Gusto mo, dalawin kita sa ospital ngayon?
πŸ‘© CLARIBELLE : Ngayon na? Fifteen minutes na lang ang visiting hours ko. Saka gabi na rin. Bukas ka na lang siguro pumunta.
Hindi pa handa si Claribelle na makipagkita kay Totoy Biloy. Bukod sa limitado ang oras, gusto niyang maayos na siya kapag nakipagkita sa ibang tao. Iba kapag kausap lang ang isang tao sa Internet at iba pa rin kapag personal.
Hindi na sumagot pa si Totoy Biloy.
Nagsisimula nang mamigat ang talukap ng mga mata ni Claribelle nang may kumatok sa pinto.
“Anak, may bisita ka.”
“Sino po, Nay?” tanong niya at lumingon sa pinto.
Hindi niya kilala ang babaeng bumungad sa pinto. Matangkad ang babae, mahaba ang buhok, at nakasuot ng long-sleeved blouse at mahabang itim na palda. May suot itong makapal na salamin sa mga mata. “Hi! Sino po sila?” tanong niya.
Lumapit ang babae sa kama niya. At nang ngumiti ay lumabas ang dimples sa magkabilang pisngi. “Ako to, si Reymart.”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.